CHAIEL
"Yayaaaaa!!" sigaw ni Kaye habang busy sa pagkain ng chips na pinagkakaabalahan namin ngayon..
Andito parin nga pala kame sa tapat ng pool pero this time wala si abno dahil may importante daw syang pupuntahan..
Balak ko nga sanang sumama kaso ang sabi ba naman..
"Babe..saglit lang naman ako dun--miss mo naman ako agad.." oh diba?..HYPE SYANG ABNO SYA!!
Kaya eto..tong kambal nya ang kasama ko--pero oks lang mukha rin naman nya ang nakikita't nakakasama ko ngayon eh..
"M-miss Kaye!!baket po?.." tarantang sambit nung isang babae..
"Pakuha pa ako ng chips please.." utos nito at tuluyan ng inubos ang chips na hawak nya habang ako naman tong napainom nalang ng tubig..
Ang saket kaya sa lungs ng mga chips..
Nakakatatlong chips na yata sya habang ako isa palang at take note hindi ko pa toh nauubos..
"So..may I know what happened kanina?..bigla kaseng umalis si Kaicer matapos may tumawag sa kanya--and I'm pretty sure na ikaw ang tumawag nun..mabilis pa kay The flash nawala sa bahay eh--oh ano nga?.." tanong nya kaya agad nalang akong umiling iling..
Ayaw ko nang pag usapan..
"Wala lang yon.." iling iling na sagot ko..
"You know what?..you can tell me--kung may problem ka..okay?.." ngiting sabi nya kaya napangiti rin ako..
"Family matter lang--hehe.." napapakamot ng kilay na sagot ko nalang at muling ngumuya nung chips..
"Hmm..aayain sana kitang magshopping kaso--dad told me na parating na sila mula sa work kaya wag na tayong umalis..ipapakilala kita sa kanila.." sabay kindat nya saken kaya napa tawa nalang ako..
Pero teka..ano ulet sinabi nya?..
'ipapakilala kita sa kanila..'
'ipapakilala kita sa kanila..'
'ipapakilala kita sa kanila..'
HUWAAAAAT?..
#Nawindang si ako..
"Ano?!!i-ipapakilala?..ay naku--hindi na kelangan noh..baket--" napahinto ako ng bigla syang tumawa..
"Hahahaha!!baket para ka ng natatae dyan?.. kinakabahan ka ba?.." tatawa tawang tanong nya kaya naman napasimangot ako..
A-ako?..
Kinakabahan?..hindi noh!!
(Author: weeeh?..you're a liar!!)
Fine!!oo na oo na!!medyo--yah medyo kabado ako syempre malay mo masungit pala yung parents nung crush ko?..huhu..
"Don't worry..mababait naman sila.." kumapit sya sa braso ko sabay bulong..
"Minsan nga lang.." at dun na nga bumilis ang tibok ng puso ko..
"Thanks sa pananakot Kaye.." napapairap na sabi ko dahilan para mapatawa sya..
Ha-ha-ha-ha!!
"Oh!!they're here na pala eh!!" napatayo ako at agad na napalingon sa likod kaso napasimangot lang rin ako ng marealize na pinagtripan lang ako ng kakambal ni abno kaya tinignan ko sya ng masama..
"Hahahaha!!" Hahahappy talaga sya ngayon noh?..
"Where are the twins?.." isang hindi pamilyar na tinig ang nagpakabog sa puso ko..
Oh my gosh..
Is this aking katapusan?..
Baka bukas biglang binalita..
HEADLINE: BABAE,NAKITA AT NAKILALA LANG ANG PARENTS NG CRUSH NYA--HINIMATAY AT TULUYAN NG PUMANAW..
HUHUHU!!HINDI YON MAARI!!
"Mukhang andyan na nga sila--MOMMY!!!DADDY!!!" agad syang tumayo mula sa pagkakaupo rito sa sinapin naming banig kanina dahil nga nasa tabi kami ng pool at yumakap sa dalawang mag asawa na halos kaedad lang rin ni mama..
"How was my Kaye?.." napabaling ang tingin ko dun sa lalakeng malambing na kinakausap ang anak nya..
Napalunok ako..
"Fine dadeh!!how about you?!!haha!!" sambit naman ni Kaye sabay halik sa pisngi nito kaya napa tulala ako ng wala sa oras..
Obvious naman na daddy's girl si Kaye--hahaha!!
Naisip ko lang..
Buti pa sya..buti pa sila ni Kaicer..
Buo ang pamilya..
Nakasama nya ang daddy nya pati na rin ang mommy nya..
Napailing iling ako sa naisip ko..hmpt!!Mali ka Cha eh.. maling mali na naiinggit ka sa kanila samantalang sa ilang taon mong pag exist sa mundo nabuhay ka ng walang ama at tanging si mama lang at si ate ang nakasama mo..
"Oh!!and who's this girl that you forgot to introduce to us?.." napa baling ang tingin saken nung mommy nya dahilan para mapalunok ako muli..
Sabay na tumingin saken si Kaye at yung dad nya kaya bahagya akong napaatras..
Kaicer Klein--huhu..asan ka na ba?..kabadong kabado nako rito oh!!
"Ay!!mom,dad sya si Chaiel--Kaicer's girl!!" proud na pakilala pa ni Kaye..
G-girl talaga?..hindi ba pwedeng friend lang?..
Ay ayoko na palang ma--#p*nyetang kaibigan zone..
"Girl?..hmm.." tinitigan ako ng mommy nya atsaka ako--
Nginitian..
Teka!!!!
NGINITIAN BA KAMO?..
"Hello..nice to meet you--maraming beses ka nang nakwento saken ni Kaicer ah..you're pretty.." naka ngiting sambit nya kaya napangiti rin ako..
"Ay--hehehe..s-salamat po.." nahihiyang sabi ko..
"So--lets have a lunch?.. asan si Kaicer?..kanina ko pa sya hinahanap ah.." tanong nung dad nya..
"Ahh--nasa hospital--este andyan lang yon dad--may binili yata sa 7/11 he'll be back na rin naman.." tapos kumapit sya sa braso ko..
"Okay..you two are close enough..ha?.." seryosong tanong nya habang naka tingin saming dalawa na kung magdikit akala mo BFSB!!
BESTFRIENDS SINCE BIRTH!!
"Yeah dad!!malapit na nga kaming maging mag bestfriends eh!!" Biro nya pa na sinuklian ko nalang ng pilit na tawa..
Ayoko ng magkaroon ng abnormal na kaibigan--sapat na ang isa..si Tess--
Ehem..
"Mooom!!dad.." biglang sulpot ng lalakeng kanina pa pinagsisigawan ng puso ko--hanuraaaw?..
Hinalikan nya yung mommy nya sa pisngi habang nag mano naman sya sa dad nya..
"Mom..I'm hungry.." nakangusong sabi ni Kaicer sa mom nya dahilan para mapangisi ako..
Woah!!mukhang mommy's boy naman tong isa..haha!!
"Okay--lets have a lunch now..tara na sa dining.." Aya nung mom nya at nauna nang naglakad patungong dining area..
Napalingon pa ako kay kumag na bigla nalang akong hinawakan say bewang at iginaya pasunod kila mom nya..
"Nainip ka ba?..siguro namiss mo talaga ako noh?.." ngising tanong nya kaya umirap nalang ako..
Ba't naman kita mamimiss?..