She's A Bad Girl

Por Sweetmagnolia

4.4M 111K 10.2K

Miisha is a girl who's not afraid to take various paths. While Jacob is a guy who only takes a straight path... Más

She's A Bad Girl
Chapter 1
Chapter 1.2
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50 (Final)
EPILOGUE

Chapter 4

86.7K 1.9K 130
Por Sweetmagnolia


                                                             *****

Pinipiga ni Miisha ang utak habang titig na titig sa lalaking kaharap. Jacob....Jacob...Jacob... She heard this name before at sigurado siyang nakita niya na ito ngunit sadyang hindi niya lang maalala kung saan.

May tatlong interviewers sa harap niya. Si Jacob ang nasa gitna na siya ring may hawak ng application form niya. Sa kanan nito ay isang lalaking pamilyar din sa kanya ang mukha at sa kaliwa naman ay isang babaeng maganda, kiming kumilos, mahaba ang buhok at kulang na lang dito ay belo para mapagkamalang santa.

"What's you're name?" tanong ng Jacob while flipping the page of her application form.

Tumuwid siya ng upo. Pinagdikit niya ng maiigi ang mga tuhod at humawak dito. Tumikhim siya at ngumiti.

"Miisha Avenoja."

"What year?"

"Second year, irregular, transferee."

"Your course?"

"Fine Arts."

Napahinto ang lalaki sa pagtatanong at biglang tumingin sa paanan niya. Tiningnan niya ang nakaagaw sa atensiyon nito at bigla siya napakrus ng upo nang makitang sumisilip na naman ang jogging pants niya. She quickly rolled it up using her shoes.

"Taga-saan ka?" he continued.

"Laguna. Pero umuuwi sa Quezon City habang pumapasok dito sa Maynila."

"How old are you?"

Medyo napipika na siya. Lahat ng mga tanong ay nakasulat naman ang sagot sa kanyang application form. Tinatamad ba itong magbasa?

"Nineteen. Ah... wala ka bang ibang itatanong na hindi nakalagay sa application form ko ang sagot?" di nakatiis na sabi niya.

Nagbago ang hilatsa ng mukha ni Jacob. Halatang hindi ito natuwa sa sinabi niya. Bigla siyang nagsisi sa kataklesahan. Gusto niyang tampalin ang sariling bibig. Tumigil sa pagbabasa sa form niya ang lalaki at ngingisi-ngising tumingin sa kanya.

"Okay," he sighed and smiled na para bang sumasang-ayon ito sa sinabi niya. "So Ms. Avenoja, do you still love drinking beers?"

"Ha?" napapangangang sambit niya.

Nakita niyang yumugyog ang balikat ng katabing lalaki ng lider at pasimple itong tumawa. Nalito siya bigla sa tanong. How did he know? Kalat na ba agad sa eskwelahang ito na mahilig siyang uminom?

"I-I don't drink alcohol. K-Kung may mga naririnig man kayo tungkol sa akin, walang katotohanan ang mga yun."

Of course she needs to deny it, eh di bagsak na agad siya pag-inamin niya.

"How about smoking? Do you still smoke?" sunod agad na tanong nito.

"Ha?!" mukhang malapit na ata siyang mamula. "P-Pati yan, hindi rin totoo ang tsismis na yan. Hindi ako naninigarilyo!" madiing tanggi niya.

"Ms. Avenoja-"

"Masyado namang pormal, Miisha na lang. Di ba organization tong sinasalihan ko, hindi naman ako nag-aapply ng white collar job?" pabirong ika niya para malihis ang takbo ng pagtatanong ng lalaki.

"Okay Miisha," nakangiting tugon ni Jacob. "Alam mo bang ang honesty ang isa sa pinakabatayan ng pagpili namin ng mga members?"

"Nagsasabi ako ng totoo," namimilog ang mga matang sagot ni Miisha na noo'y napapahawak pa sa tapat mismo ng kanyang puso. "Kadalasan lang na mali ang nagiging impression sa akin kaya palaging may pangit na tsismis na kumakalat tungkol sa akin." 

"We don't listen to rumors. What I just asked to you were based on facts, I witnessed it with my own eyes," seryosong sagot ng lalaki.

Natawa ng mahina si Miisha sa pag-aakalang nanghuhuli lamang ang kausap. "You're bluffing, right? Eh ngayon nga lang tayo nagkita dito sa campus."

Umiling si Jacob. "We've met before in a karaoke bar. Binugahan mo pa nga ako ng usok di ba?"

Napaisip bigla si Miisha at panandalian nanlaki ang mga mata nang maalala ang mga pangyayari sa karaoke bar. Nanlalamig ang mga kamay na sinipat niyang maigi ang mukha ng leader at ang katabi nitong lalaki. Sila nga yung dalawang lalaking naabutan niya sa maling kuwartong napasukan. Sabi na nga ba't nakita niya na ang mga ito dati!

Tumawa siya ng may kalakasan. Kailangan niya lalong i-deny kundi laslas-leeg na siya. "Ahahaha! Baka naman kamukha ko lang yun!" Humawak siya sa kanyang mga pisngi. "Alam niyo kasi napaka-common nitong mukha ko, ang dami kong kamukha grabe!"

"You're face is not common. You were the drunk woman who almost fall asleep on the side walk. I clearly remember your face," seryosong sambit  ni Jacob.

Nagmaang-maangan pa rin siya hanggang sa tila nairita na sa kanya ang kausap. "Look, mas mabuti pang tapusin na natin tong interview since we're not receiving any honest answers here. Marami pang mga aplikanteng nakapila sa labas, sayang ang oras," sabay ekis nito sa kanyang application form at abot sa katabing babae.

Agad siyang nataranta. "Okay! Okay! A-Ako nga yun..." papahinang pag-amin niya.

Binawi ni Jacob ang form niya at kunway binasa ito habang pasimpleng tumataas ang isang sulok ng bibig.

"Continue talking," utos nito.

"P-Pero nagbago na ako!" biglang siglang pahayag niya. "Kaya nga ako pumasok sa campus na ito dahil gusto ko nang environment na makakatulong sa pagbabagong buhay ko. At para sa pagtahak ko ng tuwid na landas, gusto ko ring maging miyembro ng org ninyo," paliwanag niya ng tila may taos-pusong ngiti.

"Hmmm..." napapatangong tugon ni Jacob. "But I heard there's one deliquent transferee who might be expelled sooner and I'm afraid that maybe that student is required to join a charitable organization which is a usual disciplinary action of our dean," anito nang nakakunot ang noo.

She swallowed hard. "H-Hindi ako yun... S-Siguro naman hindi lang ako ang transferee ngayon dito."

Sumagot ng ngiti ang lalaki sabay tingin ulit nito sa hawak na papel.

"Our organization's purpose is to serve the will of God by spreading his words to others and helping less fortunate people. Meron bang lugar sa puso mo ang pagtulong sa kapwa?"

"Oo naman."

"Do you have experience participating in any charitable activities before?"

Muling natigilan si Miisha.

"W-Wala pa.... But I'm willing to help with all my heart if given a chance!" she exclaimed with full confidence.

"How about in your daily life? Can you share a good deed to others that you've done lately?" malumanay na pagsingit ng babaeng mukhang santa.

Maingat na pinag-isipan niya ang isasagot hanggang sa biglang nagliwanag ang kanyang mukha. "Ah I remember one. Inakyat ko ang pader ng kapitbahay ko!" she answered proudly.

Sabay-sabay na napakunot ng noo ang tatlong kaharap.

"Anong mabuti sa ginawa mo? Isn't it the other way around?" takang tanong ni Jacob.

Napaisip ulit si Miisha at natawa siya sa sarili nang mapagtantong may mali sa sagot niya. "Ah ang ibig kong sabihin inakyat ko ang pader ng kapitbahay kong matanda dahil naiwanan niya ang susi ng gate nila," paglinaw niya.

"Ahhhh...." sabay-sabay na sagot ng tatlo habang napapatango. 

"What else?"

"W-Wala na akong maisip. M-Mahina kasi ang memory ko...tingnan niyo hindi ko nga kayo natandaan."

Binasa ulit sandali ng lider ang application form niya. "Okay, that's all. Ipopost na lang namin bukas ang result sa bulletin board diyan sa labas. Thank you!"

"T-Thank you rin."

Pinanghinaan ng loob si Miisha nang makitang inabot ni Jacob ang form niya sa katabing mala-santa. Kanina habang naghihintay siya sa pila ng interview, maya't maya siyang sumisilip sa mga nauna sa kanya. Napansin niyang ang mga mukhang tagilid na aplikante ay ibinibigay ng lider ang form sa babae samantalang ang mga matitino'y iniaabot naman sa katabing lalaki.

Dahan-dahan siyang tumayo. Hindi agad siya umalis. Nagbabaka sakaling magbago ang isip ng lider at bawiin nito ang papel sa babae upang ibigay sa kasamahang lalaki.

"You can leave now," nakangiting tugon sa kanya ni Jacob nang mahalatang nagpapain-in pa siya.

Lulugo-lugo siyang lumabas.

"Kumusta? Ang tagal ng interview sayo ah? Siguro pasado ka!" nagliliwanag ang mga matang salubong sa kanya ng matabang babaeng sinundan niya sa pila.

Sumagot siya ng pilit na ngiti. Isa pa ang babaeng ito. Ibinigay din ang application form nito sa mala-santa. Paulit-ulit na itong na-reject and this confirms it all. Hindi na nga siya tanggap.

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga at naglakad papaalis. Sayang lang ang oras na ipinila niya. Nangalay pa mandin ang mga paa niya.

"Hey! Saan ka pupunta?!" sigaw sa kanya ng matabang estudyante.

"Maghahanap pa ng ibang org na masasalihan," matamlay na sagot niya.

                                                            -----

Tensiyonadong napapakapit si Miisha sa kanyang bag. Pinagmamasdan niya ang nagsisiksikang mga estudyanteng tumitingin sa resultang ipinost sa bulletin board ng White Lambs Club. Masakit man sa pride niya pero kailangan niya na rin atang makipagsiksikan at umasang natanggap siya. Ginalugad niya na ang buong campus, wala siyang mahanap na org gaya ng White Lambs na parehong pasok sa ibinigay sa kanya na criteria ng dean.

Lumapit siya at lakas loob na nakipagsiksikan hanggang sa makarating siya sa bandang unahan. Inisa-isa niya ang pangalang nakasulat sa bond paper.

Wala ang pangalan niya.

"Haist! Ano ba namang meron sa club na to?! Halos isandaan yata ang pumila kahapon tapos anim lang ang natanggap! Ang ibang org excited na lumaki ang grupo samantalang ito parang tipid na tipid tumanggap ng bagong miyembro!" nakaismid na reklamo niya matapos makawala sa nagsisiksikang mga estudyante.

Humalukipkip siya at humawak sa baba nang may naniningkit na mga mata. What's her back up plan? Maghanap na lang kaya siya ng masasalihang NGO sa labas ng school? Irereconsider naman siguro ng dean yun.

"Nakapasa ka ba?"

Napaigtad siya nang biglang may tumapik sa balikat niya. Ang matabang babaeng estudyante kasama ang payat nitong kaibigan.

"Hindi," walang ganang sagot niya. "Kayo, natanggap ba?"

"Hindi rin," ngunit ngiting-ngiti at tila kinikilig pang sagot ng mataba. "Expected na rin naman namin yan. Basta ang importante ay nakaharap namin si Jacob ayeiii."

Mangingisay pa ata ito sa kakiligan habang binabanggit ang pangalan ng Jacob na yun.

"Teka kahapon pa tayo nagkakausap pero hindi pa rin tayo magkakilala!" anito

"Miisha Avenoja," mabilis na sagot niya.

Gusto niyang iwan din agad siya ng mga ito para makapagisip-isip ng bagong plano.

"I'm Claribel Lambino and this is my friend, Jesusa Martinez. We are the Jacob Anthony Marcelo's Secret Angels?"

Tumaas ang isa niyang kilay. Wala na bang ibang bukambibig ang matabang ito kundi ang Jacob na yun.

"Secret angel? Ano yun?" nakahalukipkip na tanong niya.

Ilang sandaling nag-isip si Claribel ng paliwanag. "Ah yung ano ...s-secret kasi hindi niya alam. Angel...k-kasi laging nakabantay sa kanya."

"Ahh mga patagong bumubuntot," diretsong sabi ni Miisha.

Tiningnan niyang maigi ang dalawa. Si Claribel ay puno na naman ng iba't ibang kulay ng sanrio ang buhok. Nakaneon pink ito na handbag na partner sa tila glow in the dark nitong pink na lipstick. Ang payat na payat na si Jesusa naman ay nakasalamin ng may kulay yellow green na frame. ang mga siko at tuhod nito ay pwede ng maging deadly weapon sa sobrang tutulis. Tighiyawatin ang mga pisngi at halos patay na yata lahat ang hanggang balikat na makapal nitong buhok. Mukhang hindi pa ito nakakarinig ng salitang rebond.

Bigla siyang nagkasimpatiya kay Jacob, mahirap din palang maging guwapo. Di ka makakapamili kung sino lang ang pwedeng maghabol-habol sayo. Kaya naman siguro bumabawi ito pagdating sa pagsala sa mga aplikante ng White Lambs. Tsk, tsk, tsk...

"Oh sige iwanan ka muna namin. Puntahan lang namin si Jacob sa next class niya," masayang banggit ni Claribel.

Nagliwanag ang mukha niya sa narinig. Biglang may naisip siyang ibang paraan. Dali-dali niyang pinigilan ang braso ng matabang babae.

"Alam niyo ang buong schedule ng Jacob na yan?" she asked with beaming eyes.

"Of course. Sa labas at loob ng campus," mayabang na sagot ni Jesusa.

Nginitian niya nang abot tenga ang magkaibigan. "P-Pwede ba akong sumali sa pagiging secret angels niyo?" namimilog ang mga matang wika niya.

Napanganga ang dalawa. Inikutan siya ng mga ito habang tinitingnan mula ulo hanggang paa. Pagkuway biglang nag-apir at nagtititili.

"Eeeiii may pambato na tayo sa mga bruha nating karibal!"

Inakbayan siya ni Claribel. "Sabi ko na nga ba't may gusto ka rin kay Jacob eh! Halika dali mag-abang tayo sa labas ng laboratory!" excited na aya nito sa kanya.

"Laboratory? Bakit doon?" takang tanong niya.

"Basic info para sa baguhang angel na kagaya mo. Si Jacob ay Biology student, graduating... pero hindi dito nagtatapos ang lahat dahil magmemedicine course pa siya," kinikilig na pahayag ni Jesusa.

"A-Ah ganun ba..." tugon niya nang may asiwang ngiti habang nabibigatan sa matabang brasong nakaakbay sa kanya.

Walang reklamong sumunod siya sa dalawang weirdong magkaibigan. Wala siyang choice. Last chance niya na ito. Hindi siya pwedeng sumuko ng ganun-ganun na lang. Kailangan makapasok siya sa White Lambs Club sa loob ng linggong ito... kahit ligawan niya pa ang Jacob Anthony Marcelo na yun...

Seguir leyendo

También te gustarán

106K 3.9K 22
Magpapatuloy ang labang kanilang sinimulan. Nabunyag na ang mga lihim. Lumabas na ang mga sikreto. At ngayon, maghaharap-harap na ang bawat proyekto...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
12.3M 100K 63
A'ishah is not your typical spoiled-brat princess. She's mean, she fights a lot, she says whatever she wants but deep inside she's just fragile, she...
41.4K 2.8K 14
A COLLABORATION PROJECT -MsButterfly (Gabrielle Yana Concepcion) -Kuya_Soju (JL Rabaria) -Maxinejiji (Maxine Lat) D I A B L O: Scent of a Murderer