So Into You

By tokkibih

19.5K 704 153

WARNING: 18+ (SPG) "Pakawalan mo na ako please..." "Hindi! Dito ka lang! Akin ka lang!" "Hindi na kita kilal... More

PROLOGUE
SO INTO YOU
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
TEASER
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40

KABANATA 41

428 13 6
By tokkibih





Paano nangyari yun?





Kanina pa sumasakit ang ulo niya kakaisip. Paikot ikot lang ang ginagawa niya sa loob nang opisina. Hinimas niya ang kanyang batok, napatigil lang siya sa paglalakad nang may pumasok sa loob nang kanyang opisina.


Ganun na lang ang pagkamuhi niya nang pumasok ang babaeng ayaw na niyang makita.



"Sinungaling ka!!!" pag aakusa niya. Nanginginig na ang buong katawan niya sa galit. Paano nito nagawa sa akin. Ibinigay niya ang lahat para rito pero ito lang ang isusukli sa kanya nang babaeng ito, puro kasinungalingan.



"G—george.." umiiyak na tawag nang babae.



Lalo lang siya nakaramdam nang galit rito, palagi na lang ba ito iiyak na para ba itong ang biktima pero ito naman pala ang nagpaikot sa kanilang lahat.



"George, makinig ka muna sakin.." pagmamakaawa nito. Nagmamadali itong lumapit sa akin pero agad siyang umiwas rito.


Halos mapaluhod na ito sa pagmamakaawa sa kanya.



"Nagsinungaling ka sa akin. Pinaikot mo ako!" sigaw niya rito. Panay iling naman nito habang nakatingin sa kanya.



"Hindi ako nagsisinungaling sayo George, hindi ko alam kung bakit ganun ang resulta nang DNA pero totoong anak mo si Elmo, sayo siya.."


Hindi niya alam kung paniniwalaan niya pa ang babaeng ito matapos nang lahat lahat nang ginawa nito.



"Walang nangyari sa amin ni Manuel noon..." Pagak naman siyang natawa.


"At gusto mong paniwalaan kita ha!" sarkastikong sambit niya. Napayuko na lang ito na para bang hirap na hirap ito ngayon.


"Alam kong mahirap paniwalaan sa ngayon pero nagsasabi ako sayo nang totoo. Sayo si Elmo, anak mo siya.."


Tinalikuran niya ito, ayaw na niyang marinig ang iba pa nitong sasabihin. Ayaw na niyang maniwala.


"Hayaan mo aayusin ko na ang lahat nang ito." pagkasabi nito nun ay lumabas na ito nang opisina at iniwan siyang nag iisa.



Huminga siya nang malalim at saka siya yumuko.






Maayos pa nga ba ito?






——



ELMO







Positive...






Yan ang text na ipinadala sa kanya ni Shaun pagkarating nila sa secret vacation house niya na malayo layo sa madla.



Dito niya dinala si Janella na ngayon ay mahimbing na natutulog sa kanyang kwarto. Sila lang dalawa ang tao sa malaking bahay niya, wala sila ibang kasama.


Nanginginig ang buong katawan niya, halos manlamig ang pakiramdam niya. Nakatitig lang siya sa mensaheng ayaw tanggapin nang kanyang looban.


Natakot siya, takot siya tuluyan nang mawala sa kanya si Janella. Alam niyang mali na inilayo niya ang babae sa pamilya nila pero kapag hindi niya ginawa ito ay baka ang mga ito naman ang gumawa nang paraan para ilayo sa kanya si Janella.



Hindi niya kaya, mamatay siya.



Pero ngayon sinasampal na siya nang katotohanan na totoong magkapatid sila nang kanyang nobya at hindi niya alam kung paano ito sasabihin kay Janella. Siguradong kapag nalaman nito ay baka tuluyan na siyang iwan nito.


Napapikit siya nang mariin. Nahihirapan na siya, bakit ba ito nangyayari sa kanya.



"Aaaahhh!!!!"



Napatayo siya sa gulat nang biglang may sumigaw.



"Janella?" agad siya napatakbo sa kanyang kwarto nang marinig ang boses nito pero bigla siya napahinto nang makitang wala ang babae sa kanyang kwarto. Agad rin siyang lumabas para hanapin ang babae pero ganun na lang ang gulat niya nang makitang bukas ang pintuan nang isang kwarto.


Ang kwartong pinakatatago niya na bawal kahit na sino ang pumasok doon maliban sa kanya.


Nakalimutan niyang ikandado ang kwartong yon matapos niyang buksan iyon kanina.


Ang tanga mo! Sigaw niya sa kanyang sarili.



Marahan siyang pumasok doon at natagpuan niya ang nobya na nakatulala at nakaawang ang bibig habang nakatitig sa pader.



"J-janella, hindi ka pwede dito.." wika niya sa babae. Dahan dahan siyang lumapit rito, akmang aakayin na niya ito palabas ng kwarto nang bigla ito pumiglas sa pagkakahawak niya.



"Paano mo ginawa to? Saan mo nakuha ang lahat nang to?" seryosong tanong nito.



Napatingin siya sa pader kung saan nakatitig ang babae, pumikit siya at huminga nang malalim.


Para saan pa kung itatago niya ang mga ito. Nakita naman na nito mismo ang lahat nang nandito at hindi na siya pwedeng magsinungaling pa.



"Mukha na ba kong baliw sa paningin mo ngayon?" biglang tanong niya rito. Umiwas naman ito nang tingin sa kanya at saka umiling.



"Nagulat lang ako, sino ba naman kasi ang hindi magugulat, halos punong puno na nang pagmumukha ko ang kwartong to at saan mo ito pinagkukuha ha?" bigla ito lumakad at kinuha ang picture na nakadikit sa pader.


"Baby picture ko to ha. Bakit ka meron nito?" nakakunot ang noo nito habang iniinspeksiyon ang hawak nitong picture.


"Hiningi ko yan kay Nanay Laura.." maikling niyang sagot na ikinatawa naman nang babae.



"Si Nanay talaga oh!" panay iling naman nito.


"Noon pa man boto na siya sa akin para sayo kaya okay lang sa kanya na bigyan niya ako nang mga baby pictures mo." pang aasar niya rito. Inirapan naman siya nito na ikinatawa niya.


Simula nang magkagusto siya kay Janella, sinimulan na niya mangolekta nang mga pictures nito. Palihim niya ito kinukuhanan nang pictures noon kahit na nung umalis na siya papuntang London ay hindi pa rin siya tumigil sa pangongolekta nang litrato nito. May isa siyang tauhan rito noon na laging nagpapadala nang mga updated pictures nang nobya niya sa kanya kaya pakiramdam niya sa mga panahon na iyon ay kasa kasama na rin niya sa paglaki ito, hanggang sa dumami na ang mga pictures na nakolekta niya at naisipan niyang pagsamahin lahat nang mga ito at saka niya iniisa isa pagdidikitin ang mga ito sa pader nang bahay na ipinundar niya na balang araw ay magiging bahay rin nilang dalawa ng nobya.



"Ano ba yan pati ba naman paghihikab ko pinicturan mo pa!" sita nito sa kanya. Natawa naman siya rito.


Lumapit siya sa nobyo at saka niya ito niyakap. Napapikit siya nang maamoy ang mabango nitong buhok.


"Yan yung picture ko nung mag uumpisa pa lang kami magtinda sa palengke. Paano ka nagkaroon niyan, eh wala ka naman dito sa Pilipinas nang mga panahon na yan." wika nito habang tinuturo ang picture nito kung saan may hawak ito nang isang malaking isda.


"Meron akong tauhan na laging nakasunod sayo, kinukuhanan ka niya nang palihim at saka niya ipapadala sa akin sa London." paliwanag niya rito.


Napanguso ang babae sa sinabi niya, sumandal ito sa kanya dahilan para higpitan niya ang pagkakayakap rito.


"Stalker ka!" wika nito at sabay irap sa kanya. Hindi naman niya mapigilan ang sarili at hinalikan ito sa pisngi.



"Gwapong stalker mo." nakangising wika naman niya.





Sana ganito na lang palagi...




Sana hindi na matapos ito...





"Sa tingin mo lumabas na ang resulta?" biglang tanong nito. Biglang kumabog ang dibdib niya sa tanong nito, hindi niya alam kung paano ito sasagutin.




Magsisinungaling ba siya?





"Uhm ano kasi—"




Naputol ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Natigilan siya, alam niyang si Shaun ang tumatawag sa kanya ngayon.



"Sagutin mo na baka si Shaun yan at baka lumabas na yung resulta.." may takot sa boses nito habang sinasabi yon.

Hindi siya gumalaw ayaw niyang sagutin yon.

Dahil sa takot na nararamdaman ay pinatay niya agad kanyang cellphone ayaw niyang malaman ni Janella kung ano ang resulta hindi niya kaya, selfish na kung selfish.



"Bakit mo pinatay?" humiwalay ito sa pagkakayakap sa kanya at may pagtatakang sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.



"Ah— hindi naman siguro importante yon." wika niya. Umiwas naman siya nang tinging rito.



"May itinatago ka ba sa akin ha?" biglang tanong nito.

Panay naman ang iling niya. "H-hindi.. wala akong tinatago sayo.." sagot niya.



Umayos ito nang tayo sa harapan niya at mariin siyang tinitigan nito na para bang sinusuri nito ang iniisip niya ngayon.

Napayuko na lang siya sa klase nang tingin nito.



"Lumabas na ang resulta at ayaw mo lang sabihin sa akin.." mahinang wika nito.


Nataranta naman siya sa sinabi nito. Akmang lalapitan niya ito nang umatras ito palayo sa kanya.



"Akala ko ba walang lihiman, bakit ayaw mong sabihin sa akin."




"J—janella.."



"Positive ba ang resulta?" pangungulit nito.




"Mamaya na tayo mag usap, magluluto lang ako. Alam kong gutom ka na—"




"Huwag mo akong iwasan Elmo! Sabihin mo na sa akin ang totoo!" naiiyak na ito sa harapan niya.



Nahihirapan na rin siya, alam niya ang nararamdaman nito dahil pareho lang sila.


"Sabihin mo na sa akin please.. Gusto ko nang malaman nang hindi na ako mag iisip nang kung ano-ano!" sigaw nito. Napayuko siya, huminga siya nang malalim para saan pa kung magsisinungaling siya, baka lalo pa itong magalit sa kanya.



Tiningnan niya ito, namumula na ang mukha nito kakaiyak, nasasaktan siya pero alam niyang mas nasasaktan ito ngayon.


"Positive ba?" mahinang tanong nito na para bang nanghihina na ito.


Huminga siya nang malalim at saka siya tumango..



"Y-yes, positive ang resulta." nahihirapang wika niya.



Napahagulgol ito nang malakas, sinubukan niyang lumapit rito pero umatras ito palayo sa kanya. Nasaktan siya sa ginawa nito.




"J-janella—"




"M-magkapatid nga tayo.. kapatid kita..." paulit ulit na sambit nito. Para siyang kakapusin nang hininga nang paunti unti itong lumalayo sa kanya na para bang ayaw nitong makalapit siya.



"H-hindi na tayo pwedeng dalawa.." biglang wika nito na ikinabahala niya.




"N-no, huwag mong sabihin yan please.."



Ito na nga ang kinakatakutan niya..




Umiling ito nang umiling at tuloy pa rin sa pag iyak.



"Hindi na nga tayo pwede! Magkapatid tayo, ayun ang lumabas sa resulta, ano ang laban natin dun ha.." naiiyak na wika nito.



Bawat salitang binibitawan nito ay para bang sinasaksak siya sa kanyang dibdib.




"P-pero mahal kita Janella, hindi ko kayang tanggapin yun..."




Marahan siyang lumapit rito, nakaramdam siya nang pag asa nang hindi ito gumalaw sa kinakatayuan nito pero ganun na lang ang gulat niya nang tumakbo ito palayo sa kanya.



"Janella!" sigaw niya sa pangalan nito. Sinundan niya ito pero nang makapasok ito sa kwarto ay saka siya nito pinagsaraduhan nang pintuan at ikinando nito iyon.



"Janella!" kinatok niya nang kinatok ang pintuan pero hindi siya pinagbuksan nang babae.



Nanghihina siyang napaluhod sa harapan nang pintuan. Napahawak siya sa kanyang dibdib, para siyang nauupos na kandila.









Ang sakit... sobrang sakit.















——:9


Sorry guys kung hindi makapag update ng madalas, busy lang pero bawi ako sa mga susunod na araw :)

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 299K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
138K 4.9K 18
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
226K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...