Peter's Angel: Nutella Natash...

By EijeiMeyou

21.3K 1K 398

☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Story of Petriatico Macabangbang the Fourth and Nutella Natasha Cademias. EijeiMeyou® More

Peter's Angel: Nutella Natasha's Travel
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049

011

522 32 18
By EijeiMeyou

[011]

Natasha’s POV

Snack time.

Tinotoo nga ni Peter yung sinabi niyang magkasama kaming pupunta sa canteen. Wala ni isang Peternatics na nakapaligid sa amin. At wala ni isang estudyanteng nangangahas na umupo sa tabi ng table namin.

“Yan, yan tapos yan. At yan pa pala!” turo lang ako ng turo. Si Peter naman ang magbabayad so wala akong poproblemahin. “Salamat, Palits!”

“Stop calling me ‘palits’,” he hissed.

“Sungit.” Siya ang may dala ng tray na halos puro akin ang laman.

“Mauubos mo ba lahat to?”

Spaghetti, Hotdog sandwich, suman at Jelly juice lang naman yun, “at bakit naman hindi?”

“Sa liit ng katawan mo? Makakakin mo to? Tss.”

“Masakit lang yata loob mo dahil ikaw nagbayad eh.”

“Of course not. Now eat.”

“Kahit di mo sabihin, talagang  gagawin ko.”

“Yuck, tignan nyo nga yang babaeng yan, wala siyang panama kay Claire.”

“We know right, Claire is really more educated than her.”

“Ni wala yatang alam sa word na ‘diet’.”

“Eh kung naiinggit lang naman pala kayo eh di kayo na kumaen! Bweset.” Kakawala naman talaga ng ganang kumain kung di ka pa nga nakakasubo ay ganun na agad ang maririnig mo.

“Don’t be affected. I’m just right here, kumain ka lang dyan.”

“Anong nakain mo at ang baet mo yata ngayon?” *subo subo* “Shana neman genyan ka na wang paragi, pawa mashaya devah?” ni di ko sya tinignan. Nakakainis kasi mga babaeng nakapaligid samin. Kala mo kung sino, as I know, mga garapal din sila kapag lumamon.

“Don’t talk when your mouth is full.”

Tinaas ko ang paningin ko, hinigop ko muna paloob ang spaghetti pasta na nasa labas pa ng bibig ko, “che. Gaya ka din ata nila eh.”

“I’m not.”

“Sige nga, patunayan mo nga,” iniumang ko pa sa kanya ang tinidor na may spaghetti, “say ‘ahhh’!”

“Hindi.”

“Ahy maarte ka din. Di na tayo pwends!” kunwari pa daw ay humalukipkip ako at tumingin sa malayo.

I heard him blow a wind, “okay, fine, just once. Just this once.”

“Ahy okay go,” iuumang ko na ulit yung tinidor.

“Let me feed my self.”

“No, no, no. Ako dapat!”

“Ako na.”

“Iiyak ako.”

“Eh di umiyak ka,” pagkasabi nyon ay tinalikuran na nya ako at naglakad palabas ng canteen.

“Uwaaaaa!!!!!!!” binigay ko na talaga ang best ko para lakasan lang pag-iyak ko. Wala akong pakealam kung magsitinginan man mga tao dito sa canteen, eh bakit ba, moment ko na to. “Uwaaaa!”

Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na papalapit uli si Peter kaya tinodo ko pa daw ang paghikbi-hikbi. Kulang na lang ay tusukin ko ang mga mata ko para lalo pang mamula, kinusot-kusot ko lang kasi eh.

“Will you stop doing that?”

“Eh ayaw mo kasi! Uwaaa!” sige pa, Natasha, kunti na lang.

“Great! Just great! Hahdiweufyweyqpej! Now, go!” umupo uli sya sa harap ko at mukhang handing-handa na sa gagawin kong pag’papakain’.

“Hayan, magpapasubo rin naman pala papaiyakin pa ko,” pinunasan ko ang “imaginary” tears ko at sinubuan si Peter. Sobra pag-aasam ko habang pinapanood sya sa pang-nguya. “Oh, di ba? The best noh??? Gusto mo pa?”

“Akin na nga yan.”

Walang anu-ano’y hinila na lang nya sakin yung plate ng spaghetti. “Anla???”

“Say ‘ah’,” sya naman nag-umang ng tinidor, di ako tumanggi, “good.”

“Oh my...”

“We saw it right!”

“Peter is now taken.”

“He can’t be!”

Ang o-oa ng mga tao dito. Eh bakit ba? Sa trip naming magpaka-sweet though naninibago talaga ako kay Peter. Di naman siya dating ganito ah? Hmmmmmm.

Pero........ OmO! Para na kaming nag-lips-to-lips nito ni Peter eh iisang tinidor lang gamit namin! Omo talaga! (O_O) perooooooooooooooooo................. \(^O^)/ kahit na!

Kuntodo kapit pa ako sa braso ni Peter ng umakyat kami sa third floor ng building na pagkaklasehan namin. Mas pinili ko sa hagdan dumaan para mas masinghot ko pa lalo ang deodorant na gamit ni Peter, kasama na dun ang sabong ginamit nya, pati shampoo!

“Public Display of Kalandian!” pagtingin ko sa likuran namin ay sumusunod pala ang mga Peternatics. “PDK ka talaga!”

“Hay naku, PDK ka din anamn, Claire... Public Display of Kainggitan!” ganti ko naman. Di ko pa rin binibitiwan braso ni Peter, eh sa nag-e-enjoy ako, bakit ba.

“Wag mo ng patulan,” pagkuwan ay hinarap si Claire, “bye.”

“Narinig mo yun? ‘BYE’ daw. Tsupi tsupi!”

At nagpatuloy nga kami sa paglalakad. Kung ganito lang sana everytime eh di ang saya ng buhay

***

LUNCH

Kakain daw kami ni Peter sa labas! Saan kaya niya ako dadalhin?? Hmmmm... sa fine dining restaurant kaya??? Or baka sa very cozy restaurant! Sa romantic restaurant??? Hmm. Pwede, pwede. Napapatngu-tango ako sa iniisip ko.

“Tara na?” tanong ko sa kanya, hinintay ko pa kasi siya eh. Ang bagal bagal kumilos.

“Yah.”

Aba. Nakarating na kami sa gate ng school pero di pa rin kami sumasakay sa mga nagdaraang taxi.

Lakad pa rin ng lakad. Eherm. Ano ba to. Magkaka-kalyo pa yata ang paa ko sa kakalakad eh! Psh..

“Oy! Saan mo ba talaga balak pumunta?”

“Sumunod ka na lang.”

Naiinis na talaga ako sa lalakeng to. Buti sana kung hindi mainit ang sikat ng araw noh! Nakuuuuuuu!

Nakayuko lang ako habang kinaaawaan ang sapatos kong bibigay na yata------- “Aray naman.” Pag-angat ko ng tingin ay bumulaga sakin ang likuran ni Peter. Bruho talaga tong lalakeng to, “Sana man lang may warning tone ka. Psh. Saan tayo?” ginala ko ang paningin ko... park?

“Dito.”

“Dito?”

“Uulitin mo na lang ba lahat ng sasabihin ko?”

Seryoso? Dito? Eh wala namang romantic dun! Hmp. Ang epic ng imagination ko kanina. Ang lakas ng paglagapak ng pangarap ko. “Oo na. Hmp.”

Naglakad na naman sya, this time, patungo siya sa lilim ng isang malaking puno dun------------------ na may mga picnic baskets???

“Oy! Bat ka pupunta jan?! May nag-mamay-ari yata jan eh!”

“Ako nga ang may-ari.”

“Ikaw ang ano? Weh, Peter? Laking pinagbago mo ah! Nag-jo-joke ka na! Pero infairness, hindi nakakatawa yun.” Pero tuluy-tuloy lang talaga sya. POR RIL nga! Por ril!

“I thought you’d be surprise--- in a positive way. Not like that, psh,” nagbuga pa siya ng marahas na hangin pagkatapos umupo sa damuhan. Walang nakalatag na kahit banig man lang, basta umupo na lang sya sa damuhan kaharap ang maliit na picnic basket, “I made this delivered so don’t stare at me as if I’ve stolen this or what.”

Tumabi na rin ako sa kanya, oh mi gahd! Mas romantic pa to kesa sa iniisip ko kanina! Iilan lang ang mga dumadaan sa harap namin, mga couples lang na nagkakaroon ng “deyt”. Feeling ko tuloy, nagde-“deyt” na rin kami ni Peter! “Hinanda mo to para sakin?”

“No.”

Hayan, semplang na naman.

“I prepared this for both of us kaya wag kang asa. Kumain ka na nga.” Nilabas na niya ang mga tinatago ng basket.

“Peter.” Tinitigan ko siya, very very very lapit talaga.

“Uh?”

“Pwedeng ganito na lang tayo forever? Alam mo yun, ganito, deyt deyt... deyt to di ba?”

“I can’t.”

“Bakit?” panira talaga!

“Ang kulit mo. Basta.”

Di ko na siya binulabog pa. Masyado akong inlab sa oras na ito para guluhin ang titig moments ko kay Peter!

***

Natasha’s POV

“Kayo lang ni Jason ngayon dito?” nanlalaki mata ko pagpasok sa bahay nina Peter. Kung ganu kalawak tignan sa labas, mas malawak pa pala pag nakapasok na mismo sa loob. Sosyalera ang makipot na pathway na magdadala sayo sa malaking pintuang kahoy nila na halatang mahal ang presyo, “Ang ganda ganda! Asan ang kwarto ni Jason?? Gusto kong makita!” wala pa kasi si Jason, malamang ay kinakalantirit na siya ni Mhea sa mga oras na ito.

“Jason’s room is locked.”

“Sa kwarto mo na lang!”

“What?!”

“Hello! Titingin lang naman. Please?” *insert Natasha’s trying hard puppy eyes* “Sige na! Kaw nagyaya sakin dito ah!”

“Upstairs. Alam mo na kung saan dahil lagi mo akong nakikita dun,” he surrendered.

Agad naman akong tumakbo pataas sa kwarto ni Peter. Di nakalock yung pinto. Pagpasok ko ay nanlaki ang mata ko.

“Lalake pa ba talaga si Peter?” napakaayos kasi ng kwarto niya. Parang hindi lalake ang nagmamay-ari nun. Parang sa babae lang, mas magulo pa nga ang kwarto ko eh!

Umupo ako sa kama, tumalbog pa ako dun. Ang lambot, parang sa kwarto ko lang. Maya-maya ay nasilayan ko yung study table nya. Lumapit ako dun, naghalughog. Pati mga test papers nya ay napakaayos, “Perfect. 98 over 100. 20 over 20. 49 over 50. Perfect ulit. Gaaahhhh!!” wala na ba akong makikita dun kundi ang mga test papers ni Peter na halos lahat ay perfect?! Grabe, ang talino pala niya!

Sinunod ko namang tinignan ang mga appliances nya, may aircon siya gaya nung sa kwarto ko. May extra electricfan pa ha. Uulitin ko, lalake pa ba si Peter? Napaka-neat ng kwarto nya. Ni wala yatang betaking mangangahas na kumapit sa kisame niya. May mga picture frames din siya doon kaso lahat ng picture nya, nakasimangot or sorang pormal ng mukha. Gaya ng picture na nasa cellphone ko pa rin hanggang ngayon.

“Dinner is ready.”

Napakislot pa ako ng may magsalita sa pinto. “Ow---kay! Sunod na ako.”

Pagkuwan ay narinig ko ang mga yabag nya pababa ng hagdan.

Sumilip pa ako sa labas ng pinto, “the vicinity is clear, attack!” kumuha ako ng isang maliit na larawan mula sa isa sa mga picture frames at iniipit sa likod ng cellphone ko yun. Hihihi! Di naman siguro niya mahahalata.

Continue Reading