The Boss: Lucas Malvacini

By marlkrist

290K 11.4K 1.2K

|For Revision| "Ipangako mo sa akin na kahit nasa kabilang buhay na tayo ay hahanapin parin natin ang isa't-i... More

The Boss: Lucas Malvacini
Disclaimer
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32 - Finale
The Promises - Epilogue
The Boss: Lucas Malvacini
You Look Good Tonight
Chalks and Blueprints

Chapter 9

8.1K 407 18
By marlkrist



ㅡㅡㅡㅡㅡ
Pov ni Elo:

Naglalakad lang ako ng nakatungo ng may marinig akong ilang tilian ng mga nasa loob ng kompanya karamihan sa kanila ay mga kababaihan.

"Si sir Zachary!"

"Grabi beh! Ang gwapo talaga ng mga Walker's brother!"

Hindi ko na intindi yun dahil inaayos ko ang polo kong suot dahil mababatid kong basa na ito sa pawis. Ikaw ba naman kasi ang gumamit ng hagdan mula sa thirty-first floor! Pababa sa ground floor!

Kasabay ng pagaayos ko sa aking polo ay tuloy lang ako sa paglalakad habang nakatungo, hanggang sa hindi ko namalayan na nakabunggo na ako ng tao.

"Opa" tanging nabigkas ng aking bibig ng madama kong likuran ng tao ang aking pinag-bungguan. Hindi ako makakilos at nakatungo parin ako dahil pinapakiramdaman ko kung anong mangyayaring kasunod.

Hanggang sa maramdaman ko ang pagharap nito sa akin at wala na akong nagawa kundi harapin ang galit ng lalaking aking binangga.

Saktong pagharap ng lalaki ay ang pagtaas ko ng ulo at doon ko nasilayan ang isang matipunong lalaki na sa tantya ko ay hanggang balikat lamang ako nito.

Ikinabigla ko na hindi galit na pustura ang aking nakita bagkus isang tila mala anghel ang ngiti ng lalaking aking nasa harapan.

At batid kong siya ang lalaking pinagtitilian ng mga trabahante dito sa loob ng kompanya dahil hindi mo maipagkakaila na napaka-gwapo ng lalaking ito.

"Excuse me?" ang lalim ng boses niya, at hindi ko namalayan na napatitig na pala ako dito ng matagal.

Nakakahiya!

"Halah! Sorry po! Sorry po!" tanging nabulalas ng aking bibig at para akong natataranta dahil hindi ko alam ang aking gagawin, kasabay ng aking paghingi ng tawad ay ang paulit-ulit kong pagtungo dito.

Patuloy lang ako sa paulit-ulit na pagtungo ng marinig ko ang mahina nitong tawa na kung kaya't tinigil ko na ang aking pagtungo.

Nakita ko ang singkit nitong mga mata dahil tila pinipigilan niya ang kanyang pagtawa.

"Ehehe" natatawa na din ako sa aking pwesto.

"Dette is right, you are cute" natatawang sabi ng lalaking aking nasa harapan. At pagtataka ko lang ng mabanggit niya ang pangalan ni Dette.

"Po?" may bahid sa mukha ko ang pagtataka. Nakatingin lang ako sa kanya ng umayos na siya sa kanyang pagtawa.

"Hmm" sabi nito at umubo ng peke na tila inaayos ang kanyang boses, pero nakangiti parin ito ng matamis "Sorry  for that" ngumiti naman ito na tila ikinagaan ng loob ko dahil napaka aliwalas ng mukha niya. 

"By the way i'm Zachary and i'm the fourth one on Walker Brothers" nakangiti nitong pagpapakilala kasabay nito ang paglahad ng kanan niyang kamay sa aking harapan.

May ilan parin akong naririnig na tiliian sa paligid.

Literal na napabuka ang aking bibig hindi dahil sa kanyang ka-gwapuhan kundi sa sinabi niyang siya ang pang-apat sa magkakapatid na Walker!

Hindi ko alam ang gagawin ko.

"I know what's on your mind, don't be scared hindi naman ako nangangagat" sa narinig kong iyon ay nawala ng kaunti ang aking pangamba, Ikaw ba naman kasi ang bumangga sa isa sa mga Walker Brothers! Partida kapatid siya ni boss at nanay niya si Tita Nave!

"Hala sorry po talaga sir! Sorry po talaga!" tutungo ulit sana ako ng pigilan niya ako sa aking balikat. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko gamit ang kanyang dalawang kamay.

Harapan kaming dalawa ni sir Zachary.

"Ayaw ko ng may tumutungo sa harapan ko, apology accepted" wala talaga akong mababatid na pag kainis sa kanyang mukha kundi isang matamis na ngiti ang kanyang ibinibigay sa akin.

Hindi ko alam kung namumula ba ang aking pisngi dahil kanyang pag-ngiti. Napatungo nalang ako sa pwesto ko rinig ko parin ang ilang tilian at bulungan sa aking paligid.

"I think kailangan na nating umalis naiingayan na ako sa mga gossiper" may kung anong humaplos sa aking puso sa kanyang sinabi. Alam kong batid niyang hindi na maganda yung mga naririnig naming bulungan sa paligid.

Napatungo nalamang ako, kasabay nito ang pagkapit niya sa aking balikat at naglakad na kami.

"Don't mind them, hindi sila cute" pagpapagaan ng loob sa akin ni sir Zachary.

Namalayan ko nalaang na nakasakay na kami sa loob ng elevator na kaming dalawa lang ang laman nito.

Nagtaas na ako ng ulo at bumaling ng tingin kay sir Zachary pero agad akong napatingin sa pagkakapit niya sa aking braso,na kung kaya't dahan-dahan kong inalis ito at alam kong nabatid niya dahil hinarap niya ako at isang ngiti na naman ang binigay niya sa akin.

"Sorry" paghingi nito ng tawad at ngitian ko din ito.

"Ah, salamat po pala sir Zachary" nahihiyang pagpapasalamat ko sa kanya.

Nakita ko ang pagtaas ng kanan niyang kilay at biglang sumeryoso ang mukha nito.

"Don't be formal, since you are my friend now you can call me Zachy or Zach" sabi nito sa akin at napatango lang ako "Understand?" nakangiti na nitong tanong sa akin.

"Yes Za..Zachy" nahihiya kong sagot ditto kung kaya't napatungo ako at batid kong namumula ang aking mga pisngi, bakit ba kasi bagay na bagay kay Zachy yung ngiti niya?

Nakatungo lang ako ng mapapitlag ako ng madama ko ang dalawang kamay na kumukurot sa magkabila kong pisngi.

"Ang cute! cute! mo talaga!" hindi ko mawari kung anong nangyayari pero alam kong pinag-gigigilan ni Zachy ang aking mga pisingi sa oras na ito "Ang cute" sinasabayan niya ng pagtawa ang pang-gigigil niya sa akin.

Wala naman akong nararamdaman na sakit bagkus na papatawa na din ako.

Hanggang sa tumigil na siya at ginulo niya ang aking buhok.

"I think there's something will be repeated and this time may twist na" seryosong sabi nito sa akin at nakangiting tumingin lang ako sa kanya.

Pagkatapos ng pang-gigigil ni Zachy sa akin ay muli siyang umayos ng tayo paharap sa pintuan ng elevator. Kaya ganun din ang aking ginawa at tiningnan ko kung nasaang floor na ba kami at pinagtataka ko kung bakit ang bagal tumaas ng elevator.

Nakalimutan kong bawal nga pala akong gumamit ng elevator!

"MoM told me na siya ang nagpasok sayo dito sa company?" tanong nito sa akin at binalingan ko siya ng tingin nakangiti lang siyang nakatingin sa salaming pintuan ng elevator.

Kaya humarap nalang din ako.

"Opo" magalang kong sagot at napatingin ako sa repleksiyon niya sa salamin at doon ko nakitang sa akin pala siya nakatingin. Kaya ngitian ko nalang din siya.

"You know what Elo" hindi na ako mabibigla kung bakit niya ako kilala. Kumunot ang aking noo na ipinababatid ko sa kanyang ano iyon. "You almost look like her" sabi nito sa akin.

"Sino po?" tanong ko dito.

"Si Angel" sabi ni Zachy at kasabay nito ang pagtunog ng elevator tanda ng nasa floor na kami na aming bababaan.

"So dito pala sa pinakataas ang office ng ulol" nakangiting sabi ni Zachy kasabay nito ang paglabas niya sa elevator at sumunod na lamang din ako sa kanya.

Nakatigil lang siya sa kanyang pwesto at kita kong pinapasadahan niya ng tingin ang paligid.

Ako naman ay tumingin sa opisina ni boss at dahil salamin ito at transparent at kita kong naka-upo sila Nathan at Dette sa harapan ng lamesa ni boss at halatang seryoso ang kanilang pinaguusapan.

"I think seryoso ang pinaguusapan nila" nagulat nalang ako na halos magkalapit na ang mukha namin ni Zachy na nakatingin sa loob ng opisina ni boss.

Kaya napaiwas ako sa kanya.

"Sorry" paghingi nito ng tawad at tumango nalang ako.

Tumalikod ito at naglakad papunta doon sa harapan ng pituan ni boss at muli akong hinarap, hindi naman ako kumilos sa aking kinatatayuan.

"Elo" pagtawag nito sa akin at naka muwestra ang kamay niya na tila ako ay pinapapunta sa kanyang pwesto na kung kaya't lumapit ako sa kanya. "Tell Lucas na nandito ako ha" nakangiti niyang sabi sa akin.

"Sige po" nakangiti kong sabi sa kanya kasabay nito ay hinarap ko na at hinawakan ang busol at kasabay nito ang pagpihit dito upang magbukas ang itim na pintuan.

"--othing to worried abou---" kasabay ng pagsara ng pinto ay ang pagsalubong agad sa aking ng matalim na paningin ni boss.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang makapagsalita dahil tila binaril ako ng mga matatalim na paningin niya sa akin.

Siguro pinaglihi siya ni tita Nave sa galit, hindi ko pa ito nakikitang ngumiti ng maaliwalas at tila palagi nalang itong galit sa akin.

Naputol ko siya sa pagsasalita kung kaya't napatingin din sa akin si Nathan at Dette na hindi tulad ni boss ay nakangiti silang bumaling sa akin kaya nginitian ko nalang din sila.

"You don't know how to knock?!" nawala ang pag-kakangiti ko at nila Dette sa pagsigaw niya.

"po?" nauutal at hindi ko alam ang aking sasabihin.

"You don't have a manner!? may nag-uusap diba?" kita ko ang pagkuyom ng kamao ni boss at ang matalim na paningin ang pinupukol nito sa akin.

"Opo" sagot ko dito sa aking kinatatayuan.

"So bakit hindi ka kumatok?!" napapitlag ako ng ihampas niya ang sarili niyang braso sa lamesa .Ganun din sila Nathan at Dette na halatang nagulat din sa inasal ni boss.

"Hey! Bakit parang napaka big-deal sayo ng hindi niya pagkatok Lucas?!" may tono sa pananalita ni Dette ang pagkainis.

"Batos kasi!" kita ko ang pag-irap sa akin ni boss at bumaling ng tingin sa kanan niya sa may pwesto ni Nathan.

Pagkainis din ang aking nararamdaman sa oras na ito, pero wala akong magagawa kundi ang tanggapin iyon. Minumura ko nalang siya sa isipan ko, bakit ba kasi hindi ako kumataok ano?

Nakatingin lang ako sa kanila ng maramdaman ko ang mga brasong pumulupot sa aking bewang.

"Hey! Don't blame your cute assistant!" hiyaw ng lalaking pumulupot ang kamay sa aking bewang.

Pagkatapos humiyaw ni Zachy ay ang pagbaling nilang lahat ng tingin sa aming pwesto. Kasunod no'on ay ang matinis na paghiyaw nila Dette at Nathan.

"Zach!" halos sabay na sigaw ng dalawa.

Napatingin naman ako kay boss at doon ko nakita ang kanyang mga naniningkit na mga mata sa may bandang gitna ng aking katawan kung saan doon sa nakapulupot ng kamay ni Zachy.

"Dette! Nathan!" may galak din sa tono na sabi ni Zachy at nakita ko ang pagtayo ng dalawa.

At ako naman ay napako lamang sa pwesto ni boss na ngayon ay mas matalim na ang pinupukol na paningin nito sa akin.

ㅡㅡㅡㅡㅡ

This chapter is dedicated to Reggieds

Continue Reading

You'll Also Like

546K 19.9K 49
Nine years old si Ivan nang una niyang makilala si Rafael, ang binatilyong ampon ng lola niya. Kinaiinisan niya ang pagiging malapit nito sa mga magu...
252K 13.8K 56
COMPLETED Ano nga ba ang basehan kapag ikaw ay umiibig sa isang tao? Katanyagan? Estado sa buhay? Pisikal na katangian? Pag-uugali? Edad? Kasarian? P...
657K 28.7K 54
We met when we were a child. His dad is my dad's friend. I like him because he is too stubborn, but cool. Yet, luck has turned it's back on me. my p...
494K 17.2K 41
Royal Series (G1) #1 (MPreg) Just one night.... Isang gabi lang at nagbago ang lahat sa buhay ni Quin... Ang dating simpleng...