The Promise

Bởi dani_gonzaga

15.4K 1.6K 553

Chaiel Cuervas, isang babaeng makulit at may pagkaisip bata. May bestfriend siya na matagal na niyang hinihin... Xem Thêm

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 14

223 32 1
Bởi dani_gonzaga

CHAIEL

NAPAMULAT AKO dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.


"Ugh, maaaaa--ayoko pa pong bumangonnn.. maaga pa.." sambit ko sabay talukbong.

"Sure kang maaga pa Cha? alasyiete y medya na kaya." sabi niya pa pero hindi ko masyadong nagets yon dahil nga nakatalukbong ako.



"Ano yun ma? anong meron sa media?" tanong ko habang kumakamot ng ulo.


"Alasiyete y medya na!"
giit niya pa habang kumakatok na sa pinto ng kwarto ko.

"Sinong nasa media?" dugtong ko nalang at dumapa.

Nagulat ako ng bigla nalang may humablot ng kumot ko.

"Ano ba!" irita kong suway.

"Huy teh! wala kang balak pumasok?! anong oras na oh!" napaangat ang tingin ko.

"T-tessa?" Wika ko habang kinukusot kusot ang mga mata.

"Ay hindi si darna toh!" pamimilisopo niya kaya napa- "tsk!" nalang ako at tuluyan ng bumangon.

***

"Kamusta pahinga mo kahapon teh?" tanong niya habang naglalakad na kami patungong library, madami kaming assignment ngayon kaya sa library ang bagsak namin, tek na yan! hindi ko inexpect na maraming assignment pala ang sasalubong saken matapos ang pag absent ko.

"Pahinga? matatawag na bang pahinga kung sabihin ko sayong nakita ko si Kaicer Klein?" sarkastikong sabi ko.

"Ay absent nga rin pala yon kahapon, rinig kong usap usapan ng mga girls!" sambit niya naman kaya napakibit balikat nalang ako.

"Oh ano ngang nangyare nung nagkita kayo?" tanong niyang muli kaya naman napasimangot nalang ako.


"Let me guess! ginulo ka na naman noh?! kaya hindi ka nakapagpahinga ng maayos." tanging tango nalang ang isinagot ko sa kanya.

"Hayaan mo na nga yon teh! diba sabi mo walang magawa yon sa sarili niyang buhay?! kaya buhay mo ang ginugulo nya, tara na nga't gumawa nalang ng assignments teh." hinila na niya ako papasok ng library at agad na nagpunta sa mga bookshelves.

Naupo naman ako sa isa sa mga malapit na upuan at napahalumbaba.

"Eto teh, ikaw na bahalang kumuha ng mga sagot diyan tapos kokopya nalang ako, hehe." sinamaan ko lang siya ng tingin at agad na kinuha ang mga libro at pad.

"Ang dali dali lang nito eh.. puro tungkol sa quadratic formulas lang." untag ko habang mabilisang sinusulat ang mga formula na alam ko.

Mathematics,

"Ay ewan! niwala nga akong magets sa mga yan, ikaw na bahala diyan! gagawin ko nalang tong english!" sabi naman niya tapos nagbuklat ng isa pang libro.

"Woooow! sipag naten ngayon ah!" biglang may sumulpot sa tabing upuan namin.


"Kaicer Klein.." bulong ko ng matignan kung sino toh.

"Yeah! the one and only. kamusta?!" nagpalumbaba siya at ngumisi saken, ay nakupu! mukhang babalik na naman kami sa pagiging war.

"Ayos naman.. kanina nung hindi pa kita nakikita." hirit ko at nagpatuloy sa ginagawa.

"Hahahaha! edi hindi ka na ayos ngayon kase nakita mo nako?!" panggugulo niya ulit pero hindi ko na siya sinagot pa.

"Matanong ko lang, anong ginagawa mo rito sa library?" nakangising tanong ko.

"Ano bang ginagawa rito sa library? naliligo?" banat niya naman kaya sa huli ako ang pikon at nasa kanya ang huling halakhak.


"Alam mo? masyado ka talagang epal no? ang ganda ganda ng araw ko sinisira mo na naman." inis na sabi ko atsaka inilipat sa kabilang page ang papel dahil tapos ko na isulat ang iba pang formula.

"Alam ko na yaaaan! E for Evil P for pacool A para sa asungot at L sa salitang lagi o dibaaa?" confident na sabi niya pa, napailing iling nalang ako at napatawa.

"Buti alam mo," sagot ko at tinignan si Tessa na kunware busy sa pagbabasa ng libro pero sa loob loob niyan nangangatog na yan sa takot, haha!


"Klein eto na yung pinahanap mong libro--" napatigil ang kararating lang na isa sa mga kaibigan niya nang makita kami.

"Hi Chaiel Cuervas!" bati niya tapos kumaway kaway saken yung isa pang kaibigan nila.

Inirapan ko lang sila.

"Asan na yung pinapahanap ko?" tanong ng anak ni hudas barabas sa kanila.


"Eto na dre!" tapos inihagis niya yung libro kay Kaicer Klein na agad naman nitong nasalo at naupo rin sa tabi namin ni Tessa.

"Hoy anong ginagawa niyo rito?!" sigaw ko kaya naman agad akong sinuway ng librarian namin.


"Paulit ulit mo nalang ba yang tatanungin? syempre mag--" padabog akong tumayo at sinamaan sila ng tingin isa isa.

"Tara na nga Tess," agad siyang napatayo at balak na sana naming umalis ng biglang may ginawa si Kaicer Klein na nagpahinto saken.

"Once upon a time there was a very beautiful and kind girl named Cinderella." napahinto ako ng biglang may pumasok sa isip ko.

May isang batang babae ang nakangiting pinagmamasdan ang mga stars na glow in the dark na nakadikit sa kisame habang nakahiga sa kama.

"Baby?" malambing na tawag ng kanyang mommy na kakadungaw lang sa may pintuan ng kanyang kwarto.

"Mommy! you need something?" tanong nito sa mommy.

"Want to hear, Cinderella's story?" tanong ng mommy niya na agad namang ikinaexcite ng bata.

"Yes mommy! I wanna hear the Princess Cinderella's storyyyyy! waaaah!" nagtatalon sa kama sa sobrang tuwang sabi nung bata.

"Okay okay.. let's start.." naupo na sila sa kama at masayang binasa ang kwento ni Cinderella.

"Cha!" whuuut?

"Ha?.." tanong ko, potek ano ba tong nangyayare saken? baket laging may mga kakaibang alaalang pumapasok sa utak ko? ang weird.


"Tara na nga!" siya na mismo ang naghatak saken palabas ng library..

Napatingin ako kay Kaicer Klein na naiwan dun kasama ang mga kaibigan niya.

Tulala siyang nakatingin saken na para bang hindi makapaniwala..

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

196K 8.7K 46
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
5.1K 151 4
Have you ever fallen in love with your seatmate? Margaret's love has begun just like that. All images used are not mine, credits to the rightful own...
399K 26.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...