730 Days with Andrea Santos

By MatashiMe

13.6K 610 66

Due to public demand (assumera XD) HAHAHA joke lang :) Eto na po yung sequel ng 100 days with my enemy. I h... More

Prologue
Chapter 1: Epic April Fools
Chapter 2: LBM
Chapter 3: My 20th Birthday
Chapter 4: Best In Me
Chapter 5: TOCINO ><
Author's Note
Chapter 6: Knock-Knock
Chapter 7: Work
Chapter 8: Deep Talks
Chapter 8.1
Chapter 9: Preparation for Valentines
Chapter 10: Kenneth meets Jack
Chapter 11: 1 day before valentines day
Chapter 12: Jaylene
Chapter 13: February 14
Chapter 14: Talk
Chapter 15: First? Date
Chapter 16: Getting to know each other sa kalsada
Chapter 17: Feelings
Chapter 18: March
Chapter 19: Last Day
Chapter 20: April.Apply.Andrea
Chapter 21: Result
Chapter 23: Being a mother
Chapter 24: Andrea's Mother
Chapter 25: Reality
Chapter 26: Starting Over Again and Again
Chapter 27
Authors Note
Chapter 28
Chapter 29: First Day
Chapter 30: Department
Chapter 35
Chapter 31: The Strangers
Chapter 32: First Concert
Chapter 33: Bakit?
Chapter 34: How would you feel
Chapter 36: ALZHEIMER
Chapter 37: Day 1
Chapter 38: Alphabeth Song
Chapter 39: Peter Gene Hernandez
Chapter 40: Glorietta
Chapter 41: No Cure
Epal Na Author
Chapter 42: Enchanted Kingdom
Chapter 43: 730 days with Andrea Santos
Chapter 44: Andrea
Chapter 45: Okay
Chapter 47: Our Story

Chapter 46: November 30

37 1 0
By MatashiMe

Hindi ako makatulog, nakahiga lang talaga ako at naiisip ko pa din yung mga nangyare kanina. Yung yakap, yung pagpunas niya sa mukha ko, yung pagbulong niya sa tenga ko. Lahat yun. Ewan ko, kinikilig ako.

"miss na miss na kita" yung mga salitang sinabi niya.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan kung anong mga nakalagay. Yung mga pictures namin at yung mga messages namin sa isa't isa. Nagkaroon ako ng interest basahin kung paano ba kami mag usap kaya binasa ko lahat. Sweet na nakakatuwa, ganyan pala kami mag usap.

Gusto ko ulit siya makita...

Gusto ko ulit siya makausap...

Flashback

"Andrea, andito si kenneth" sabi ni mama, andito nanaman yung lalakeng sinasabi nilang boyfriend ko. Halos araw araw siyang bumibisita. Tinignan ko siya pero hindi ako ngumingiti. Pumasok siya sa kwarto, nandito na ako sa bahay at pinagpapahinga muna ako nila mama kaya palagi lang ako nandito sa kwarto.

"Hello" sabi niya

"Hi?" sagot ko at naging tahimik na ulit. Naaawkwardan ako kase hindi ko naman siya maalala.

"Kamusta ka na?" umupo siya sa gilid ko

"Ayos lang" sagot ko at natahimik na ulit. Hinawakan niya ang kamay ko at nagulat ako kaya inalis ko agad.

"Sorry, nasanay lang ako na hinahawakan kamay mo" sabi niya at hindi na muling hinawakan, may dala siyang pagkain sabi niya isa daw yun sa mga gusto namin palaging kainin kapag lumalabas kami pareho. Hindi pa din ako nagsasalita.

"Okay lang naiintindihan ko naman kung naiilang ka sakin, pwede naman tayo maging magkaibigan nalang" hindi pa din ako nagsasalita, hanggang sa maya maya pa ay umalis na din siya.

End of flashback

ganun ko siya tratuhin dati ang sama ko kaya siguro lumayo nalang din siya.

Kinabukasan

Nagsimba kami, sinundo niya ako dito sa bahay at tahimik lang kami buong pagsisimba hanggang sa matapos. Naglalakad lakad kami ngayon pauwi na sa bahay, wala pa ding nagsasalita.

"Hello" sabi ko, nagulat naman siya at nag hi naman pabalik. Pagkatapos nun wala na namang nagsasalita.

"Okay lang ba kung ikwento mo sakin yung mga ginagawa natin dati?" tanong ko ulit.

"Okay lang" sagot niya. Niyaya niya muna ako sa isang fast food para kumain at dun kinwento niya sakin lahat, antagal din namin nagkwentuhan.

"Masiyadong mabilis mga pangyayare kaya naiintindihan kita, wag mo munang pilitin kung wala ka talagang maalala" sabi ni kenneth. Matamlay siya at niyaya niya na akong umuwi.

Nang malapit na kami sa bahay, binuksan ko na ang gate at papasok na ako. Nagkalapit mga kamay namin at naramdaman kong ang init niya.

"Mainit ka, may sakit ka ba?" nag aalala kong sabi at hinawakan din ang leeg niya.

"wala lang to, sige pasok ka na" sabi niya, pinipilit niya na akong pumasok sa loob pero parang ayaw ko dahil ang init niya. "uuwi na din ako gabi na"

"Dito ka kaya muna?"

"Wag na, kaya ko naman umuwi andrea"

"Sige na please" pagmamakaawa ko at pumayag siya. Umupo siya dun sa sofa at inabutan ko siya ng tubig.

"May lagnat ka pala di mo manlang sinabi, dapat pala hindi nalang tayo lumabas"

"Wala lang to tsaka kaya ko naman, siguro hindi lang ako nakatulog maigi kagabi" sabi naman niya

"Oh talaga hindi ka din makatulog? Ako din eh, iniisip mo ba yung nangyare kagabi?"

"Hindi, feeling mo naman ikaw nanaman nasa isip ko haha" sagot ni kenneth ay bastos!

"Ay edi hindi! Feeling mo naman din diyan"

Nagkatawanan kami at biglang isinandal niya ang ulo ko sa braso niya, yakap yakap niya ang kalahati ng katawan ko at natahimik.

"Nung mga panahong hindi mo na ako pinupuntahan sa bahay pati nung hindi mo na ako pinapansin, nalungkot ako. Siguro nga hindi ko pa maalala yung satin pero alam ko naging espesyal ka sakin kaya nung kinausap mo ko ulit natuwa ako ng sobra" seryosong sabi ko

"Pasensya ka na andrea, pakiramdam ko kase naiinis ka na sakin. Kapag nakikita mo ako araw araw, nararamdaman ko yung sakit kase minsan hindi mo talaga ako pinapansin. Pakiramdam ko na nakukulitan ka na at napipilitan nalang makipag usap sakin" tinignan ko siya at nakatungo lang siya, nakikita kong tumutulo mga luha niya kaya nagulat ako

"Hala wag kang umiyak kenneth please" inaalis ko mga luha niya gamit ng kamay ko at inalis niya kamay ko at dahan dahan siyang tumungo palapit sa muka ko. Hinalikan niya ako, isang mabagal at matagal na halik. Habang hinahalikan niya ako may naaalala akong mga eksena na magkasama kami, nagtatawanan at nag aasaran.Pagtapos nun niyakap niya ako, malapit sa tenga ko ang bibig niya at sinabi niya ang salitang "Sorry nabigla ako"

"Okay lang" umayos kami ng upo pareho. Pagkatapos nun wala ng nagsalita.

Alam ko ang nararamdaman ko, walang masama kung aaminin ko.

"Mahal kita" bigla nalang lumabas sa bibig ko, wala pa ding nagsasalita. Hindi ko naman matignan si kenneth.

"Mahal din kita" nagulat ako sa sagot niya, hinawakan niya kamay ko "Tayo nalang ulit andrea"

Continue Reading

You'll Also Like

28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
38K 1.6K 64
SYNOPSIS: Hiyal is a type of girl who makes her own life simple and normal. Para sa kanya, nasa kamay lang din nating mga tao kung paano tatanggalin...
16.7M 722K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
53M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...