Ang Manyak kong Ex-boyfriend...

By LadyKazumi

227K 5.5K 765

"Past is past, never been back." Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga salitang 'yun. Nung nagbalik siy... More

Author's note (IMPORTANT!!!)
Simula
1 - He's back
2 - "Angel ko"
4 - Lunch time
5 - Rienn
6 - Mall
7 - Deborah
8 - Blackmail
9 - Rooftop
10 - Invitation Card
11 - Don't mess with Silver
12 - Rienn's birthday
13 - Library
14 - Lala Montefalcon
15 - Surprise
16
17
18 - Princess
19 - Jealous
20 - Cafeteria
21 - Trust me
22 - 4Variety
23
24 - Lala's debut
25 - Repentance
26

3 - Classmate?

11.5K 285 12
By LadyKazumi

Please follow them on twitter:

Silver- @Silverzoned
Angel- @ANGELofhislife

Dedicated to her kasi lagi siyang nakasuporta sa'kin magmula pa noong sinusulat ko ang AMKA. Btw, vote lang kayo at comment para sipagin akong mag-update XD

Sorry, maikli lang ung update. I'll edit this if ever na may error. Si Angel nasa multimedia.---> Angel na Angel 'no?

-----------------------------------------------------------------------

3 - Classmate?

"Eto po ang juice,"  Binigay ko sa kanila 'yung tinimpla kong juice habang pilit na nakangiti. Hindi ko magawang makatingin sa kanila lalo na kay tita Lory, nahihiya kasi ako sa kanya.

"Salamat. By the way, sino 'yung babaeng nakita ko dito na may panyo ang mukha?"

"A-ako po, sorry po tita. N-nahihiya kasi ako,"

"Okay lang. Nakakatuwa nga eh, ang cute cute."

Haay, malalagot ako nito kay mama mamaya. Sasabihin niyang parang hindi ko iwini-welcome si tita kaya't kailangan kong magpanggap na ibang tao. Ba naman kasi eh, bakit ko pa ba ginawa 'yun?

"Ayos ka lang ba, Angel?" tanong ni tito Grey.

"Okay lang po. Uhmm...excuse me po, may aasikasuhin lang ako." sabi ko at nagtungo sa kusina. Hindi ko kayang humarap sa kanila. Hindi naman sa makapal ang mukha ko pero alam kong titig na titig siya sa'kin. Nung magkabungguan nga kami kanina eh hindi ko alam ang gagawin ko lalo na't tinawag niya ako doon sa dating tawag niya sa'kin. Kaya ang kinalabasan, tumakbo ako papasok sa bahay kaso wrong move naman dahil nandoon nga pala sina tita.

"Ba't pa kasi nangyari 'to? Sana 'di na lang kami lumipat dito,"

"Ayaw mo sa'min?"

Waah! "S-silver?! A-anong ginagawa mo dito?!"

"Wala, boring doon sa living room eh." sabay kibit-balikat niya.

"Boring? Eh kung boring, umuwi ka na lang sana sa inyo!" Peste. Hindi ko akalaing makakausap ko siya ng ganito after 1 year.

"Boring din sa amin eh. Dito na lang muna ako," sabi niya habang naka-ngisi.

"Okay. Kung gusto mo dito, dito ka." Lalabas sana ako nang biglang hawakan niya ang braso ko,

"Saan ka pupunta?"

"Sa lugar na wala ka. Obvious ba?"

"Sama ako,"

"..."

JUSKOOO! SANTA MARIA! INIINIS NIYA TALAGA AKO! PARANG WALA LANG SA KANYA 'YUNG GINAWA NIYA SA'KIN NOON!

♥-♥-♥

"Ano ba, Silver?! Lumayo ka nga! Ayan na 'yung bahay niyo, pumasok ka na dyan!" sigaw ko sa kanya nang makalabas kami. Sumusunod kasi talaga eh.

"Ayoko, susunod ako sa'yo."

"Gusto mo bang murahin kita, HA?!"

"Sige, ikaw bahala. Basta naririnig ko boses mo."

Natulala ako sa sinabi niya pero napailing din agad ako. Hindi dapat ako nagpaapekto sa kanya. Wala na siya, binaon ko na si Silver sa lupa noon.

"Umalis ka na!"

"Mamaya na,"

"Alis!"

"Mamaya na,"

JUSKO. Maghunus-dili ka Angel. Baka makapatay ka ng tao--isang manyak na tao. Marami ka pang pangarap diba? Ayaw mo naman siguro makulong?

"Bahala ka nga sa buhay mo," Nagdire-diretso lang ako ng lakad. Hinayaan ko na lang. Inisip ko na lang na walang sumusunod sa'kin at 'di siya nage-exist. Pinagtitinginan na nga siya ng tao eh, pati tuloy ako nadadamay. Paikot-ikot kasi tapos mukhang tanga lang siya na sunod nang sunod.

Nang mapadaan ako sa paborito kong karinderya sa may labasan, binati ako ni Aling Elsie. Naisipan ko na ring kumain tutal masasarap naman ang mga luto niya lalo na 'yung mga ginataan.

"Siguro naman hindi na siya susunod 'no?"

"Sino?"

"Ay pusa! Hanggang ngayon, nandito ka pa rin?"

"Syempre, magugutom ako eh."

Maya-maya'y inihanda na ni Aling Elsie 'yung pagkain na pinili ko. Ang 'di ko inaasahan, gan'on din 'yung pagkain ni Silver tapos umupo pa siya doon sa kabilang silya na katapat ko lang.

Badtrip, sirang-sira na ang araw ko.

"Jalmukesumneda!" sabi niya saka bago kumain.

Ano daw? Gusto ko sanang malaman kung ano ang ibig sabihin kaso ayoko ngang kausapin. Baka kung ano pa ang isipan niya.

"Korean word 'yun. Sinasabi 'yun sa Korea bago kumain." Wala ka naman sa Korea. Bakit magsasabi ka ng ganyan? Tsk.

"Hindi ko tinatanong at wala akong pakialam."

"Halata sa mukha mo eh."

Okay, shut up na. Lalo lang kukulo ang dugo mo sa kanya.

♥-♥-♥

"Maraming salamat po, Aling Elsie. Ang sarap po ng luto niyo."

"Buti naman at nagustuhan mo ang pagkain ko."

"Lagi naman po eh hehe. Uhh..teka, eto na po 'yung bayad ko."

"Ha? Naku iha, bayad ka na."

"P-po? Ngayon pa lang po ako magbabayad."

"Hindi, binayaran na ng boyfriend mo 'yung kinain mo."

"B-boyfriend?" Wag mong sabihing si...

"Ako na nagbayad. Treat ko na tutal ako naman ang lalaki."

Napataas ang isang kilay ko, "Bakit? Kaanu-ano ba kita? Ha?"

"Boyfriend,"

"Wag ka ngang feeling! Uhmm...Aling Elsie, eto na po 'yung bayad ko. Tanggapin niyo na po,"

"Pero--"

"Sige na po, alis na ako."

Naglakad na ako palabas ng karinderya. Hindi ko namalayan na gabi na pala. Ang bilis ng oras. Sabagay, hapon na din naman nung umalis ako sa amin.

"Uuwi ka na?"

Hindi ko siya pinansin. Sinubukan kong tumingin ng diretso sa daan kaso talagang iniinis niya ako. Tsk. Anong sabi niya kanina? Boyfriend? Yak. Kapal ng mukha.

"Huy, uuwi ka na?" Bigla niya akong tinapik sa pwet ko kaya napatalon ako.

"BASTOSSS!!!"

"Aray! Hindi ka pa rin nagbabago, Angel ko."

"Pwede ba?! Tigilan mo na ako! Sawang-sawa na ako sa katatawag mo sa akin niyan!"

"I don't believe you. Alam kong na-miss mo din ako." nginitian niya ako at bigla niyang ginulo 'yung buhok ko. Natigilan ako sa ginawa niya tsaka naramdaman ko din biglang naipon 'yung luha ko. Ang totoo, kanina ko pa talaga pinipigilan. Naghalo-halo 'yung nararamdaman ko. Naiinis ako sa kanya pero na-miss ko siya. Gusto ko talaga siyang yakapin kaso pinipigilan ko lang ang sarili ko. Ayoko lang maging tanga katulad ng dati. Mahirap na, baka umiyak na naman ako tuwing gabi.

"Bakit ba bumalik ka pa, Silver?"

"Para sa'yo,"

"Sinungaling!" Tinulak ko siya nang malakas at walang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya. "Nandito ka para guluhin ulit ang buhay ko, diba?! Alam mo, maayos na ako eh. Tapos bigla kang dadating at makikipag-usap ka sa'kin na parang wala lang nangyari?! Kung kinalimutan mo ang ginawa mo noon sa'kin, pwes ako hindi!"

Tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanya. Pinunasan ko agad 'yung luha ko bago pa tumulo. Buti na lang hindi ako umiyak sa harap niya. Baka kung ano pa ang sabihin niya.

♥-♥-♥

Pasukan na! Oh my God! Kinakabahan ako ng sobra sobra! Ganito pala ang feeling kapag college ka na.

Sa entrance ng school namin ay maraming estudyante ang nakapila dahil isa-isa pang chine-check ng guards 'yung laman ng bag at kailangan ding ipakita sa kanila 'yung enrollment form namin na nagpapatunay na dito kami pumapasok sa BRU.

Nakipila na din ako at makalipas ang ilang minuto ay nakapasok din agad ako.

Paakyat na sana ako ng building nang biglang mabangga ako nung isang babae,

"Aray.."

"Stupid! Don't block my way!" saka niya ako iniwan. Wow, ako pa stupid.

Sabagay, expected ko na rin naman 'to tutal private naman ito at mayaman din ang mga nag-aaral. Ito lang ang mahirap dito, daming mga sossy at akala mo kung sino.

Anyways, umakyat na nga ako sa building naming mga business ad students. Ang ilan sa mga nakakasabay ko ay foreigners dala-dala ang kanilang mga naggagandahang bag.

"BA 103, Room 102." Hinanap ko agad 'yung room ko at nang makita ko agad ay pumasok na ako.

Brr... Super lamig sa loob. Siguro dapat dinala ko 'yung jacket ko kaso nakakahiya. Wala silang suot na jacket.

"We still have five minutes before tayo mag-start so...take your time. Makipag-usap kayo sa mga classmates niyo." sabi ng professor namin. Medyo matanda na siya pero halata sa itsura niya na matalino siya.

Hmm..makipag-usap? Sino naman ang kakausapin ko?

"Uhh..hello?" Nye, 'di ako pinansin. Try kong kausapin itong isa ko pang katabi. "Hi."

"Uhh..what do you want?"

"I'm Angel, anong pangalan mo?"

"Jillian Adams." Ang taray. Kung makatingin, parang minamaliit ako.

Hmp! Mabuti pang manahimik na lang. Sabi ko nga eh dapat 'di na ako nakikipag-usap. Malayo ang mundo ko sa kanila.

Maglalabas na sana ako ng notebook ko kaso napatingin kaming lahat doon sa pumasok.

OH NO.

Anong ginagawa mo dito, SILVER?!!!

Continue Reading

You'll Also Like

379K 10.7K 40
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
1.7M 78.9K 53
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
7.9M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...