The Promise

By dani_gonzaga

15.4K 1.6K 553

Chaiel Cuervas, isang babaeng makulit at may pagkaisip bata. May bestfriend siya na matagal na niyang hinihin... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
CHAPTER 73
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 2

435 54 76
By dani_gonzaga

CHAIEL

"Gosh teh, nakakadugo talaga ng utak yang math na yaaaan! Kailan kaya magiging basic yon no?" stress na sabi ni Tessa na kaibigan ko, naglalagay pa siya ng pulbos sa maputi na niyang mukha. Nagmukha tuloy siyang white lady--haha! peace po tayo.

"Tss, aba malay. Baka kapag nagkaroon pa ata ng himala! Pero ang pinoproblema ko talaga ngayon yung long test e. Yung long test talaga e! Pano na yaaaan? baka bumagsak ako nito." sobrang problemadong problemadong sabi ko atsaka kumagat ng burger na hawak ko, napairap naman siya atsaka yung lipgloss niya naman ang pinuntirya niya.

"Alam mo teh, hindi lang naman ikaw ang na-late kanina at hindi nakapagtest, don't worry." Huwat? anong don't worry, dont worry siya diyan? hindi niya ba alam na sobrang importante nun?

Kasalanan talaga to ng Kaicer na yon e.

Kahit pa apo siya ng may ari ng school na kinaroroonan ko.

Kasalanan niya parin to!

Kung hindi kasi siya nagdadada pa kanina, edi sana nakahabol pa ako at hindi na-late ng halos mag 30 minutes na diba?!

"Ay teh! Pwede favor? pabili naman ako ng guava juice don sa counter." tinaasan ko muna siya ng kilay bago kinuha ang perang inaabot niya sakin, at tumayo na.

"Basta may libre din ako ah!" kumindat pa ako, bago dali daling nagtungo sa counter at bumili ng juice.

Bumili ako ng guava juice at isang grapes juice--paborito ko.

"Salamat!" tinanguan ko nalang yung nagtitinda at agad na tumalikod para sana bumalik na sa table namin ng biglang--

*SPLAAAASH!*

Biglang natahimik ang buong cafeteria, napahinto sa kanya kanyang ginagawa at napanganga nalang.

Alam ninyo kung bakit? Kasi pwet nyo may racket. Char.

Natapunan ko lang naman ng juice ang pinaka sinisisi ko sa hindi ko pagkuha ng long test kanina.

"Kaicer Klein," nasabi ko, habang matalim na nakatitig
sa nakakaloko niyang tingin.

"Oh! Buti naalala mo pa ako--Ms.tatanga tanga." napakuyom ang kamao ko sa narinig.

Alam kong tatanga tanga ako pero hindi naman kailangang manggaling pa yon sa walang preno niyang bibig.

"Hmm, alam mo ba kung ano ang salitang sorry?" Tanong niya.. ngumisi siya dahilan para mas lalo akong mainis.

"Syempre! Ang salitang sorry ay ginagamit ng taong may nagawang kasalanan sa taong nagawan niya ng kasalanan, di katulad mo na hindi alam gamitin ang salitang sorry." paliwanag ko pa, hindi ko inakalang sa isang taong kaedad ko lang yon sinabi.

"Wow! Nagsalita ang marunong magsorry kasi tinapunan niya ako ng juice sa mamahalin kong uniform." sarkastikong sagot niya sakin.

"Woooow den! Nagsalita ang nagsorry na bumangga sakin kanina sa kalsada." sagot ko naman pabalik, nanlisik ang mga mata niya . Akala mo ah!

"Oh ano? May sasabihin ka pa ba?" pang aasar ko, nang ilang minuto siyang natahimik.

"Sinabi ko na sayo miss kung sino ako--Kaicer KLEIN, pero palaban ka parin." gigil na nasabi niya nalang.

"Eh ano? Sinabi ko na rin sayo sir, na wala akong pake pero inulit mo parin." ngumisi din ako at napahigpit ang hawak sa isang basong hawak ko dahil nalaglag na ang isang baso ng matapon sa kanya ang laman nito.

"Hawakan ang babaeng yan!" naramdaman kong may humawak sa dalawa kong braso, kaya naman nakaramdam ako ng inis.

"Ano ba , bitawan nyo nga ako!" pagpumiglas ko pa, pero tanging ngisi lang ang sinagot nila sakin.

Napatingin ako kay Tessa na parang naistatwa sa kinauupuan niya, maging mga estudyante rito na halos wala ring magawa kundi manood nalang samin.

Hanunaaaa?

"Kayong lahat!" baling niya sa mga estudyanteng nanonood dahilan para kabahan ang mga ito.

Bakit ba sila kinakabahan? e wala namang kakabakaba diyan sa lalakeng yan!ugh!

Napa-aray nalang ako ng mas lalong humigpit ang kapit ng dalawang lalaking to sa mga braso ko.

"Nakikita ninyo ang babaeng kaharap ko ngayon?! Malaya ninyong gawin ang lahat ng gusto ninyong gawin sa kanya. Ngayon na!" napanganga ako sa narinig mula sa Kaicer Klein na yon.

ABNORMAL BA SIYA?!

*SPLAAAAASH!*

Nanlaki ang mga mata ko, nang bigla nalang nila akong pagbubuhusan ng mga juice, pati na rin ang iba't ibang pagkain na kinakain lang ng mga estudyante kani-kanina lang.

"Whoooooo!" sigawan ng lahat, na para bang nakawala sa mental. Napasimangot nalang ako.

"Tama na!" biglang sumulpot sa tabi ko si Tessa at humarang sa harapan ko.

Mas lalo akong napanguso. Hay naku Tess! Mukhang tinapos mo muna ang pagpapaganda mo bago mo ako tinulungan.

Natauhan ako, nang makitang papaalis na ang demonyong anak ni hudas barabas.

"HOY KAICER KLEIN!" G na G na sigaw ko dahilan para mapahinto ang lahat, maging ang boset na Klein na to.

Kinuha ko ang sapatos ko, atsaka sinapul ang matigas at ubod ng kahanginang ulo niya kaya naman napalingon siya sakin ng nanlilisik ang mga mata.

"HINDI PA TAYO TAPOS!" padabog akong nagmartsa para magpunta sa CR.

"Badtripppppp!!" Irita kong hinilamusan ang mukha ko, sobrang lagkit.

Langya talaga ang demonyong anak na yon ni hudas barabas!

***

"Uy teh, sure kang lalabas ka talaga teh? ng ganyan?" nag aalang tanong sakin ni Tessa, tinignan ako mula ulo hanggang paa, kakatapos ko lang kasing linisan ang mukha at lumagkit ko ng buhok.

Napatingin rin ako sa sarili ko.

Nagmistulang kulay rainbow na ang suot kong uniform, dahil sa samu't saring pagkain at inumin na binato nila sakin.

Kainis!

"May extra PE ka ba sa locker mo?" baling ko sa kanya, kasi naiwan ko sa bahay yung PE ko dahil tuwing wednesday naman ang PE namin.

"Hmm, titignan ko! Tara." balak na niya sana akong hatakin, nang may nahagip ang mga mata ko.

Si hudas barabas na si Kaicer Klein, kasama ang mga sunud-sunuran niyang kaibigan!

Nagtatawanan at nag aasaran pa sila habang naglalakad sa hallway, patungo sa kinaroroonan namin.

Mabilis kong hinila si Tessa papasok ng CR, atsaka sumilip muli sa kanila.

"Uy Cha, anong kaeng-engan to?" pabulong na tanong ni Tessa.

"Shh, shut up ka muna dyan--hahaha." bulong ko naman pabalik, tapos kumuha sa tabo at balde sa isang cubicle kung saan ipon ipon ang mga cleaning materials.

"Anong gagawin mo?" takang tanong niya, habang pinapanood akong isinasahod sa gripo ang nakuha kong balde habang binubuhusan ng handsoap na nakuha ko lang sa may sink rito.

"Ipapatikim sa kanya ang GANTI NG ISANG CHAIEL CUERVAS." gigil na sabi ko, atsaka hinalo halo ang agad na bumulang tubig sa balde dahil nga nilagyan ko ito ng hand soap.

"Humanda ka sakeng demonyo kang anak ni hudas barabas." ngingisi ngisi kong binitbit ang halos punong tubig na balde na may bumubula bula pang sabon.

Sakto nung nasa may pinto nako, nang dumaan ang grupo ng anak ni hudas barabas sa harapan namin kaya naman ayun na yung chance ko para ibuhos ito sa kanila!

"SINONG S*RAULONG GUMAWA NON?!" tanging
ang napaka lakas na sigaw ng Kaicer Klein na yon ang umalingawngaw sa gitna ng napakahabang hallway.

"Pffft--pfft.." napapatakip ng bibig akong lumabas ng CR, at nagpakita sa mga halos basang sisiw na grupo nila.

"Bwahahaha! Ay sorry guys.. Napaliguan ko kayo mukhang kailangan nyo na kasing maligo e, para naman malinisan ng konti ang pagiging demonyo nyo--lalo ka na KAICER KLEIN." ibinaling ko ang tingin ko sa lalaking halos patayin nako sa matatalim niyang titig, pero pake ko ba?

Kahit lumabas pa yang eyeballs niya, hinding hindi ako matatakot no! Neknek niya!

"Ikaw na naman?!" biglang sabi niya ng marealize kung sino ang nagpaligo sa kanya ngayon.

"Ay oo nga pala! Bago ko pa makalimutan--CHAIEL CUERVAS ang pangalan ko, para naman malaman mo." tinapik ko muna siya sa balikat. Bago nag flip hair, at nag ala model na naglakad sa mahabang hallway.

Oha!

"T-the heck?" narinig ko pang comment niya, pero wala ulit akong pake.

Basta nakaganti nako. Bwahaha!

A/N: Thank you for reading ebriwan. Lablats❤

Continue Reading

You'll Also Like

144K 3.7K 50
Madalas matukso si Sabriana Nombrefia dahil sa kanyang itsura. Sino ba naman kasi ang matutuwa kung madilaw ang ngipin mo at sabog-sabog ang buhok mo...
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
455K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...