When the Princess in Disguise...

By ExceptionalReasons

1.3M 14.3K 312

What will happen if the Princess in Disguise meets the Arrogant Prince and they are the opposite of each othe... More

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince
Chapter 1: She meets him
Chapter 2: Meeting him again
Chapter 3: Confrontation
Chapter 4: Wake up Czarina
Chapter 5: The Phone Conversation
Chapter 6: First day of work with my Arrogant Boss
Chapter 6.1: The continuation
Chapter 7: A new friend of mine
Chapter 8: Employer - Employee Date
Chapter 9: Consequence
Chapter 10: She reminds me of her
Chapter 11: Face Your Consequence
Chapter 11.1: Face Your Consequence II
Chapter 12: Sorry - Get lost
Chapter 13: A Special Presentation
Chapter 14: Don't mess up with my Girlfriend
Chapter 15: I smell something fishy
Chapter 16: Your consequence is now over
Chapter 17: Mr. Arrogant turns to be Mr. Sungit - Cold
Chapter 18: She's unpredictable
Chapter 19: Birthday Gift
Chapter 20: Like or Love?
Chapter 21: Insecurities
Chapter 22: Decision
Chapter 23: Shaomei's POV
Chapter 24: Resignation letter
Chapter 25: Going Home
Chapter 26: Missing you
Chapter 27: Meet my Sister
Chapter 28: I'm Jealous
Chapter 29: I'm courting you
Chapter 30: Will you be my Infinity?
Chapter 31: They already know
Chapter 32: Meet your Fiancee
Chapter 33: I still love you
Chapter 35: My past is back, My present is gone
Chapter 36: The Debutante
Chapter 37: We both need time
Chapter 38: One week after
Chapter 39: New Comer
Chapter 40: She's Pregnant

Chapter 34: Our Second and Last monthsary

14.8K 267 14
By ExceptionalReasons

"Czarie! Shao!"

Binatukan ni Shao si Irish dahilan upang mapahawak si Irish sa batok niya."Oi! Bruha, ang aga-aga ang ingay mo."

"Anong nangyari Rish? Ang saya-saya mo ngayon. Naka-enervon ka ba?" Nag-tataka kong tanong.

Bigla na lang kami niyakap ng mahigpit ni Irish.

"Aahh... Rish, may plano ka bang patayin kami?"

"Shao, Czar, thank you! Kami na ulit ni Gabe!

Pilit na tinatanggal ni Shao ang brasong nakapulupot sa amin. "Rish~ Welocme.... Pero sana wag mo na kaming yakapin pa. We can't breathe."

Binitawan ni Irish ang pag-kakayakap niya sa amin ni Shao.

"Ay! Sorry! Pasensya na. Masaya lang ako." Kinuwento niya sa amin ang nangyari sa kanya at kay Gabe kahapon ng biglang may nag-salita sa speaker ng aming School.

"To all Princetown Students, please proceed to the Field. Thank you."

"Ano kaya meron?" Tanong ko sa dalawa na parehas nag-kibit balikat.

"Baka naman..."

Tiningnan namin ni Rish si Shao at hinintay ang kanyang sasabihin.

"Baka naman ano?" Naiinip na wika ni Rish.

"He. He. He. Wala akong maisip." Wika ni Shao habang nito ang kanyang ulo.

"Walang kwents. Kaasar!" Naiinis na wika ni Rish kay Shao.

"Tss. Akala ko naman may alam ka."

"Eh sa wala akong maisip. Anong gusto niyong gawin ko? Hindi naman ako si Master Hanz para tumama ang hula ko."

Ikunawit ni Irish ang kanyang dalawang braso sa amin ni Shao. "Punta na tayo doon. Baka mapagalitan tayo dahil late tayo."

Nag-simula na kaming mag-tungo sa field at nanatili kaming mag-kakakapit bisig na tila ba kasali kami sa welga.

"Second monthsary niyo na nga pala ni Jaeger noh." Napatingin ako kay Rish saka tumango.

"Happy monthsary sa inyong dalawa~" masiglang bati ni Shao.

"Salamat sa inyong dalawa."

"Nakita mo na ba si Jaeger?"

Nang dahil sa katanungan ni Rish ay napahinto ako sa pag-lalakad kaya napahinto rin silang dalawa. "Hindi nga eh. Hindi nga siya tumawag or nag-text sa akin kagabi."

"Hala ka! Czar, baka nambabae na 'yon."

Binatukan ni Irish si Shaomei ng dahil sa kalokohan nito.

"Mga loka-loka talaga kayo. Pumunta na nga lang tayo sa Field." Nakaramdam ako ng kakaiba nang dahil sa sinabi ni Czar. May tiwala ako kay Hangin. Alam kong hindi niya iyon magagawa ngunit iba talaga ang nararamdaman ko.

Pinilit kong iniiwasan isipin ang nararamdaman ko. Ayaw kong i-stress ang sarili ko sa bagay na wala pang nangyayari.

Malapit na kami sa may Field at agad namin napansin ang napakalaking screen na nasa gitna nito.

"Anong meron?" Tanong ni Shao.

"Asensado ang School. Napakalaking screen naman ang nabili nila. May alam ka ba rito Czar?" Tiningnan nila akong dalawa.

"Baka... baka ito na yung project na sinasabi ni Jaeger plinano nila ng student council."

"Ang laki... Para akong nasa EDSA, sa laki ng screen na iyan." Namamanghang wika ni Shao.

"Lumapit pa tayo." Suggestion ni Rish.

Lunapit kaming tatlo ngunit sa sobrang dami ng estudyante ay nasa malayong part na kami. Mabuti na lang at malaki ang screen. Kahit papaanonay nakikita namin kung ano man ang lumabas mula dito.

Mga ilang sandali pa lang ay bumukas na ang screen. Nag-count down ito tulad ng nga nasa pelikula.

"Wow naman. May free filmahowing ba tayo ngayon?" Tanong ni Rish.

"Baka live telecast?" Sagot ni Rish.

"Live telecast patungkol saan?" Tanong ni Shao.

Napahinto sa question and answer portion ang dalawa nang matapos na ang screen mag-bilang.

Nag-play ang music na may song title na "There's A Girl" at puro mukha ko na naka-stolen shot ang nasa screen.

Nagulat ako sa napapanood ko. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa puro mukha ko ang nandoon.

"Ate..."

Tiningnan ko ang tumawag sa akin at nakita ko ang isang batang may dala ng isang tangkay ng rosas. Tinanggap ko iyon at unalis na ang bata. Ngunit sa pag-alis niya ay may isa pang bata nag nag-bigay sa akin ng rosas. Doon ko napansin na nakapila sila patungo sa akin at bawat isa ay may dalang tig-iisang rosas.

Tinanggap ko lang ang mga bigay ng mga bata hanggang sa kaharap ko na si Jaeger. May dala siyang bouquet ng rose.

"Happy Second Monthsary, Pagong." Hinalikan niya ako sa pisngi dahilan upang mamula ako.

"Flowers for you, my Queen." Binigay niya ang bouquet na malugod ko naman itong tinanggap.

"Hangin, dapat hindi mo na ito ginawa." Bulong ko sa kanya dahil naiilang ako sa nga matang nakatuon sa aming dalawa.

"Pagong, ginawa ko ito dahil gusto kong ipagsigawan sa buong mundo na mahal kita."

"Ang corny mo..." Natatawa kong wika kay Hangin.

"Para sayo Pagong kaya kong mag-pakacorny. Ahmm... Pagong, alis tayo." Hinawakan niya ang isa kong kamay.

"Saan tayo pupunta?"

Inayos niya ang hibla ng buhok ko banda sa may noo saka ngumiti ng malapad. "Ipapakilala kita kay Mom as my Girlfriend."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Agad ako nakaramdam ng hiya. Mabait sila Tita ngunit hindi ko alam kung paano sila haharapin lalo na ngayon... boyfriend ko na ang anak nila. "Huwag na lang.... Nakakahiya..."

Iniharap ako ni Hangin sa kanya sa kanyang hinaplos ang aking pisngi gamit ang hinlalaki nito. "Pagong.... Ipapakilala kita sa kanya ngayon."

"Pero may pasok pa tayo. Atsaka naka-uniform lang ako." Pang-dadahilan ko sa kanya.

"Hindi problema 'yon. Excuse na tayo sa klase natin. Monthsary natin eh. Patungkol naman sa uniform.... May damit ka na formal. Pinaligay ko iyon sa locker mo."

"Pero..."

"No buts. Now, change your clothes. I will wait for you sa parking area."

Tumango ako kay Hangin saka nag-paalam upang kunin ang damit na nasa locker ko.

Mabuti na lang at malapit lang ang locker room namin mula sa Field. Mabilis ko iyon nakarating.

Agad akong lumapit sa locker ko at binuksan iyon. May isang paper bag at isang box ang nandoon. Parehas ko iyon kinuha at nag-tungo sa changing room para makapag-palit.

Nang matapos makapag-bihis ay tiningnan ko ang sarili sa salamin. Maganda ang damit na bigay ni Hangin. Kulay puti ito... simple pero maganda. Binabagayan rin nito ang sapatos na bigay ni Hangin.

Tumunig ang phone ko at pangalan ni Hangin ang nakaregister.

"Done?" Tanong nito sa akin.

"Yup. Palabas na ako."

"Nasa parking lot ako, Pagong. I'll wait for you."

"Okay."

"I love you." wika

Nang iend call na niya ay ibinalik ko ang phone ko sa bag. Agad akong lumabas at nag-tungo sa parking area.

Nakita ko si Hangin na nakasandal sa left side ng car kung saan ang passenger seat. Ngumiti ito ng makita niya ako.

Nilapitan ko siya at agad ginaearan ng halik sa pisngi na dahilan upang mag-lakihan ang mga mata niya.

"I love you too..." bulong ko rito dahilan upang mamula ang kanyang mukha.

Umiling-iling ito habang nakangiti saka ako pinag-buksan ng pintuan.

"My Queen..." Yumuko ito at inilahad kaliwang kamay niya patungo sa loob ng sasakyan habang ang kanan naman ay nakalahad sa akin na malugod ko naman tinanggap. Nang honawakan ko ang kanang kamay niya at maingat niya akong inalalayan papasok sa loob ng sasaktan. Ang kaliwang kamat niya ay nakaalalay sa ulo ko uoang hondi ako maumpog.

Nang makapasok ako ng maayos ay isinara na niya ang pinutan at dali-dali nag-tungo sa kabilang side upang pumasok sa loob ng kotse.

Huminga ako ng malalim at kinagat ang aking ibabang labi.

"Nervous?" Tiningnan ako ni Jaeger. Binigyan ko ito ng tilid na ngiti saka tumango.

"Don't be. I assure you that she will like you. Besides, she already likes you. Unang kita pa lang niya, gusto ka na niya."

"Pero... hindi mo ako girlfriend nung una niya ako nakilala. Ngayon... ngayon kasi..."

Inilapat ni Hangin ang kanyang labi sa aking labi. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim... at hindi ko na nalaman kung gaano katagal nakalapat ang mga labi namin sa isa't-isa.

"Stop stressing about it. I... I love you. It's all that matters. Mahal ni Mom ang mahal ko. Keep that in mind, Pagong." Hinaplis ni Hangin ang mag-kabilang pisngi ko gamit ang mga hinlalaki niya.

"Smile... You're prettier when you smile."

Ngumiti ako dahil lahat ng nararamdaman ko simula kanina ay nawala. Alam kong andyan si Hangin. Hindi niya ako iiwan.

"Turn around."

"Bakit?"

"Just turn around... please?"

Sinunod ko ang sinabi niya. Tumalikod ako at nakaramdam ako ng malamig na bagay banda sa aking leeg.

"Hangin..."

"For you... my one and only Pagong, my Queen."

Kinapa ko ang nasa leeg ko at tiningnan ko ang palawit na meron sa necklace. Isang star at napapalibutan ito ng diamond.

Humarap ako kay Hangin. "This... is... too much, Hangin."

"Nothing is much when it comes you."

"Thank you..."

"Let's go?"

Tumango ako kay Hangin. Pinaandar na niya ang makina ng sasakyan at umalis na kami upang makarating agad sa mansion nila.

Nakarating na kami sa mansion nila. Unang bumaba si Jaeger. Pinag-buksan niya ako ng pinto. Tulad ng ginawa niya kanina ay maingat niya rin akong inalalayan palabas sa sasakyan.

"Take a deep breath, Pagong. I'm here. There's nothing horrible will happen."

Hinawak ni Hangin ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob ng mansion.

"Good morning, Sir Jaeger. Good morning, Czarina. Kamusta ka na? Ang tagal mo ng hindi nalagi dito." Masoglang bati sa amin ni Aling Betchay.

Biglang inakbayan ako ni Hangin dahilan upang kabahan ako.

"Aling Betchay... si Czarina... Girlfriend ko." Pag-papakilala sa akin ni Hangin na may kasamang malapad na ngiti.

"Aba'y hindi na ako mag-tataka kung nag-katuluyan kayo. Ganyan din kasi ang nangyari sa amin ng asawa ko noon. Nasa sala po ang Mommy niyo Sir may bisita po siya."

"Sino po ang bisita ni Mommy?"

"Sir...." Naging pang-biyernes Santo ang mukha ni Aling Betchay.

"Bakit? May problema ba?"

Tiningnan ako ni Aling Betchay at muling binalik kay Jaeger.

"Andiyan po siya..."

"Sinong siya?"

"Puntahan niyo na lang po si Ma'am at malalaman mo kung sino ang bisita niya."

Nag-lakad patungo si Hangim sa sala at dahil sa mag-kahawak ang kamay namin ay nag-patianod na rin ako papuntang sala.

Naabutan ni Jaeger si Tita na may kausap na babaeng nakatalikod sa amin.

"Mom!"

Lumingon si Tita sa amin at ngumiti ito.

"Oh, hijo. Bakit ang aga mo?"

"Kasama ko po si Czarina. May sasabihin po sana ako."

"Oh, hija nandito ka pala. Buti nakapasyal ka dito. Kamusta ka na?"

"Good morning po. Okay lang po ako."

"Maupo na muna kayo."

Tumungo kaming dalawa sa upuan at laking gulat ni Jaeger ng makita niya ang bisita ni Tita. Kaya naman ay tiningnan ko rin kung sino ang bisita ni Tita dahilan upang magulat si Hangin.

"Hijo, nandito nga pala si Peishi. Nangangamusta siya sa atin." Nakangiting wika ni Tita.

"Ate Peishi!" Masayankong tawag sa bisita ni Tita.

"Czarie!"

Tumayo si Ate Peishi at nag-yakapan kaming dalawa.

"S--shi..."

Napabitaw kaming dalawa sa pag-yayakapan at parehas naming tiningnan si Hangin.

"Hangin, kilala mo si Ate P?"

Hindi sinagot ni Hangin ang tanong ko. Sa halip ay tiningnan niya si Peishi at sunod naman niyang tiningnan si Tita.

"Hangin..." nag-aalala kong tinawag si Hangin ngunit hindi man lang ako nito nilingon.

"Mom... I need to tell you something."

"About what Anak?"

Tumingin si Hangin kay Ate Peishi. Tumingin rin siya akin at binalik ang tingin kay Ate Peishi.

Huminga ng malalim si Hangin saka itinuloy ang kanyanf sasabihin. "Mom... Si Czarina Girlfriend ko."

Matapos iyon sabihin ni Hangin ay naagaw ni Ate Peishi ang atensyon ko dahil sa pag-bagsak ng tasang inuuman ni Ate Peishi sa lamesa. Yung tipong pabagsak na inilapag ang tasa sa lamesa.

"I-I'm sorry..."

"It's okay Peng. Anyway, Congrats Hijo. Czarina, congrats din. Sana habaan monpa ang pasensya ko pag-dating sa anak ko. You know why... Child minded. Spolied kiddo."

Natawa ako dahil sa sinabi ni Tita. Agad kong naintindihan ang gusto niyang iparsting sa akin.

"I'm happy for you..." Tumayo si Tita at niyakap ako ng mahigpit. "Sabi ko na nga ba at magiging magandang impluwensya ka para sa anak ko."

"T-thank you po..." Nahihitang wika ko kay Tita.

"You're always welcome, Hija. One more thing... stop calling me Tita. I prefer you to call me Mom than calling me Tita."

"O-okay po."

"Tita..." tawag ni Ate Peishi kay Tit--- este Mom pala.

"Alis n-na po ako. T-tinatawagan na po kasi ako ng Manager ko."

"Ay, ang bilis naman Peng. Saglit pa lang tayo nag-kalausap." Malungkot na wika ni Mom.

"I am so sorry Tita. Promise, babawi po akp next time."

"Well... okay. Ingat sa pag-uwi Peng."

Tumango si Ate Peishi at niyakap si Mom.

"I'm... happy for you, Czar." Nitakap ako ni Ate Peishi ng mahigpit. "Take care of him... please..."

Tumango ako kay Ate Peishi. Bumitaw na sita sa pag-kakayakap sa akin. Tumingin ito kay Hangin at ngumiti. "

Jae... congrats..."

Agad kinuha ni Ate Peishi ang purse niya at agad-agad na umalis sa bahay nila Hangin.

Ilang sandali ang nakalipas ng sundan ni Hangin si Ate Peishi.

Naiwan ako dahil sa naguguluhan ako sa kung anong nangyari. Bakit naging ganoon na lang ang naging reaksyon ni Hangin? Ano bang meron?

Nang dahil sa pag-aalala ay sinundan ko si Hangin. Nakita ko siyang tumatak bo habang isinisigaw ang pangalan na binanggit niya kanina kay Ate Peishi.

Huminto si Hangina at lumingon-lingon sa paligid. Mas binilisan ko pang tumakbo upang maabutan ko siya. Hinahapo ako nang makarating ako kay Hangin.

"Hangin... teka..." Hinawakan ko ang btaso ni Hangin upang humarap siya sa akin.

"What?!"

"Hangin, anong problema? Bakit ka sumisigaw?"

"That's none of your business."

"Business ko rin 'yon dahil Boyfriend kita." Pag-papaalala ko sa kanya.

"Hindi porket Girlfriend kita, papakealaman mo na ang buhay ko. Look Czarina, umuwi ka na lang muna. Hahanapin ko pa si Shi."

"Shi?"

Huminga ng malalim si Hangin. "Umuwi ka na." Hinawi ni Hangin ang kanyang buhok at pinikit niya ang kanyang mga mata.

"Hangin, sasamahan kita. Hahanapin natin siya." Nakangiting wika ko sa kanya.

"Look, Czarina, nag-mamadali ako. Hahanapin ko pa si Shi. Kailangan ko siyang maka-usap."

"Pwede naman natin puntahan si Ate Peishi sa bahay nila Shao. Baka pauwi na si Ate sa bahay nila. Ang alam ko... halos one month na rin siyang andito."

"What?"

"May mali ba sa sinabi ko?"

"Just... just go home Czarina. Mag-pahatid ka na lang kay Manong Larry."

"Gusto mong puntahan naton siya sa bahay nila?"

"No. Umuwi ka na Czarina. Maaga pa pasok mo bukas."

"Hmm. Okay. Uwi na ako." Tinalikuran ko na si Hangin ngunit baho ako tuluyang humakbang palayo ay muli ko siyang nilingon.

"Hangin..." Nang makita kong naagaw ko ang atensyon niya ay ngumiti ako.

"S-sino ba si Ate Pei sa buhay mo? Bakit ang halaga niya pag-dating sayo?"

Huminga ng malalim si Hangin. "Shi is my childhood friend."

"B-bakit---"

"Czarina, umuwi ka na muna."

"No." Bakit ayaw mo ako patapusin sa tanong ko?

"Umuwi ka na muna sabi" Bakas ang pag-kairita sa mukha ni Hangin.

"Bakit mo ba ako sinisigawan? May nagawa ba akong mali?" Bakit ka nag-kakaganito?

Inihilamos ni Hangin ang kanyang kamay sa mukha. "Umuwi ka na. Tatawagan na lang kita mamaya."

"Uuwi ako... kapag sinagot mo ang tanong ko."

"Damn Czarina. Why so hard headed?"

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "S-s-sino ba kasi si A-Ate P-Peishi sa... sa b-buhay m-mo?"

Tiningnan ako ni Hangin at ramdam ko ang malamig nitong tingin sa akin. "Si Shi.... Si Shi ang taong mahal ko..."

"T-taong mahal mo?" Tama ba ang narinig ko? Taong mahal niya? Eh ano ako? Taong mahal rin niya? Dalawa kami?

"I'm sorry, Czarina."

"Jaeger, mas mahal mo ba siya kaysa sa akin?"

Tinalikuran ako ni Hangin. Masakit ang ginawa niyang iyon dahil sa puntong ito ay alam ko na ang sagot sa mga katanungan ko.

"Sige... papalitan ko na lang." Natatawang wika ko. Hindi ko alam kung bakit ako natatawa. Dahil siguro sa sitwasyon ko... o kaya dahil sa alam ko na nga ang sagot, pinipilit ko pa rin iyon na manggaling sa kanya. Para ano? Para masaktan ako. Nakakatawa ka Czarina.

Nilapitan ko si Hangin at hinawakan ko ang kamay niya habang nag-uumpisa ng tumulo ang aking mga luha.

"Mahal mo ba ako? Minahal mo ba ako kasi wala siya? At ngayon na bumalik na siya ay iiwan mo na lang ako?"

"Sorry..."

"Please... answer me. I don't need your sorry. Just answer me."

Hindi ako sinagit ni Hangin. Tuliy-tuloy na lumandas ang aking mga luha. Ang bigat sa pakiramdam. Kanina... ang saya-saya ko. Bakit ngayon ganito na?

"Hangin... iiwan mo ba ako?"

"Pagon---"

Hindi ko na pinatapos sa pag-salita si Hangin. Binitawan ko ang kamay niya.

Huminga ako upang humugot ng lakas para makapag-salita muli.

Ngumiti ako ng mapakla sa kanya kahit alam kong hindi niya ako nakikita. "Alam ko na ang sagot mo."

"Jaeger... I'm willing to set you free. Pero bago kita pakawalan gusto ko lang sana malaman mo na mahal na mahal kita..." Marahas kong pinunasan ang mga luhang lumalandas sa aking pisngi.

"Papakawalan kita Hangin... dahil alam kong hindi ka sasaya sa piling ng taong hindi mo mahal. Alam kong sasaya ka lang sa taong mahal mo at si Ate Peishi ang taong iyon."

Pinunasan ko ang luhang dumadaloy sa aking mata at ngumiti ako. Ngumiti ako para lahit papaano maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Ngumiti akonpara sabihin sa sarili ko na magiging okay rin ako.

"Paano ba 'yan? Sa... tingin ko ang Second monthsary natin ang pinaka-huling isecelebrate natin as our monthsary."

"Pagong..." Humarap si Hangin sa akin ngunit pinigilan ko siya. Ayaw kong makita niya ako sa ganitong sitwasyon.

"Please... don't look at me. Iyan lamg ang hulu kong hihilingin sayo."

"I'm sorry..." Muling wika ni Hangin.

"Paalam Jaeger... Sana mahanap mo siya."

Tumalikod na ako at nag-simulang mag-lakad. Umaasa ako... Umaasa ako na kahit papaano ay puntahan niya ako at ako ang piliin niya. Umaasa ako na sabay kaming uuwi sa kanila. But none of that happens.

Narinig ko ang tunog ng sasakyan. Alam kong sa isa iyon sa mga sasakyan niya. Nang dahil sa tunog na iyon at pag-andar ng makina ay napahawak ako sa aking dibdib. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makahinga ng maayos at nanlalabo ang paningin ko dahil na rin siguro sa mga luhang tuloy-tuloy na umaagos.

"Kapit lang Czarina. Kapit lang. Isa kang Sandoval. Kaya mo 'yan."

Nang hindi ko na marinig ang sasakyan ni Hangin ay saka bumigay ang katawan ko. Napaluhod ako at mahigpit na hinawakan ang damit ko banda sa may dibdib.

****************************************

I think this would be the most memorable day of my life. Second monthsary namin at iniwan niya ako... Iniwan niya ako sa kadahilanang hahabulin niya ang totoo niyang mahal. At alam kong hindi ako 'yon. Sa tingin ko ito ang dapat at tama kong gawin.

Matapos kong mag-hawi sa Hospital ay umuwi ako sa bahay. Naabutan ko ang aking magulang, si Gabe at ang magulang ni Gabe na nasa sala at dahil sa kapaguran ay dinaanan ko na lang ang mga ito. Napahinto ako sa pag-akyat sa hagdanan ng dahil sa tinawag ako ni Mama.

Blangko konsilang tiningnan. Sobrang pagod ang nararamdaman ko. Ang tanging gusto ko lang ay humiga sa kama at matulog.

"Czarina." Tawag sa akin ni Daddy.

Patuloy ko lang sila tiningnan. Walang lumalabas na kahit anong salita mula sa akin.

"What are you thingking? Why did you do that? Answer me!"

Hindi ko alam kung amo ang isasagot ko kay Daddy. Gusto ko na talaga mag-pahinga.

"Sumagot ka!"

"Dad... Sa tingin ko kailangan na muna ni Czarina mag-pahinga." Pag-tatanggol sa akin ni Mommy.

"No! Matapos ang lahat ng pinag-gagawa niya. Sa tingin mo ba Czarina ng dahil sa kalokohan mo ay matitigil ang engagement? Nag-kakamali ka sa iniisip mo!"

"Hija... Bakit niyo iyon ginawa?" Tanong sa akin ni Mrs. Acosta.

"Pinilit ka ba ni Gabriel na gawin iyon?" Tanong ni Mr. Acosta.

"Hindi po. Ako po ang nag-plano na gawin iyon. Pinilit ko lang si Gabe na maki-isa."

"And why did you do that?" Halos lamunin na ng boses ni Dad ang buong living room. Batid ko ang galit at inis niya sa akin.

"Tito, Tita, Mom, Dad, We don't love each other."

Napatingin ako kay Gabe. Nakatingin ito sa akin at sinasabi ng mga mata nito na siya na ang bahala.

"Son, kailangan niyong ikasal. Kailangan namin ang isa't-isa para mas lumago ang ating negosyo. Kailangan mong mag-pakasal para mag-bind na ang properties and businesses natin."

"Dad, we can't. May iba kaming mahal." Pag-papaliwanag ni Gabe.

"Makipag-hiwalay ka na kay Irish." Maotoridad na wika ni Mr. Acosta

"No." Sagot naman ni Gabe sa ama.

"You, too. Czarina, makipag-hiwalay ka na sa anak ng pamilyang Bustamante." Pinal at maotoridad na wika ni Daddy.

Nanghihina na ako. Nakakaramdam ulit ako ng paninikip sa dibdib. "DAD! HIWALAY NA KAMI! WALA NA KAMI! ANO MASAYA KA NA?" Nag-simulang mag-bagsakan ang mga luhang pinipigilan ko simula kanina pa na nasa Hospital ako.

"Mr. Sandoval, I think your daughter needs to rest." Malumanay na wika ni Mrs. Acosta.

"I'll accompany Czarina through her bedroom." Wika ni Mama.

"And to you young man, umuwi ka na at makipag-hiwalay kay Irish." Wika ninMr. Acosta.

Nang makaalis sila Gabe ay naoapikit akonat huminga ng malalim. Inalalayan ako ni Mama patungo sa aking kwarto.

"Czarina, simula bukas hindi ka na sa Pricetown Academy mag-aaral. Hindi ka na rin maaaring lumabas ng walang kasama. Is that clear?" Wika ni Daddy.

Hindi na ako sumagot si nang dahil sa pagod na nararamdaman.

Nang makarating sa keartonay dumiretso agad ako sa kama.

"Sleep well, princess. Mama is here for you."

Muling nag-situluan ang mga pestwbg luha na ito na hindi maubos-ubos.

"Hush now, my little baby. Don't cry. You will get over it soon. Wenlove you, our not so little Princess."

Hinaplos-haplos ni Mama anf buhok konat maya-maya pa ay hinalikan niya ang forehead ko. Nang dahil sa pagod ay nakatulog agad ako.

(3 days after)

"Good morning hija~" masiglang bati ni Mama.

"Morning Mama."

"Hija, okay na ang preparations para sa debut mo. May i-sasuggest ka pa ba?"

"Wala na po."

"Anak, I have to go. Pupunta pa ako sa School mo para kunin yung records mo."

Tanging pag-tango na lang ang isinagot ko kay Mama.

Simula nung nangyari ang pag-iwan ni Hangin sa akin at nang pinagalitan ako ni Daddy ay malimit na lang akong mag-salita. Madalas akong matulala. At sa tuwing naaalala ko yung mga nangyari kahapon ay hindi ko mapigilan ang hindi umiyak.

Ilang beses na rin akong sinusubukan tawagan nila Steven, Shaomei, Irish at Gabe ngunit hindi ko sinasagot ang mga tawag nila. Isa lang kasi ang hinihintay kong tumawag... Ang taong nang-iwan at nanakit sa akin... ang taong mahal ko... si Jaeger.

Ilang beses na rin akong pinupuntahan ni Gabe at ni Shaomei ngunit ayaw kong mag-pakita sa mga ito. Gusto kong mag-recover at pag-isipan ang mga dapat kong gawin.

"Hangin... nahanap mo na ba siya? Nakapag-usap na kaya kayo? Kayo na ba?"

"Masaya ka ba sa piling niya?" Oo. Masaya siya. Matagal na niyang hinintay sinAte Peishi. Saka ko lang napag-tanot na siya ang babaeng tinutukoy ni Hangin sa kwento niya noong nasa park kami.

"Ang swerte mo Ate... Mahal ka ng taong mahal ko."

A/N: Thank you~ 😊

Continue Reading

You'll Also Like

15.7K 513 36
COMPLETED All rights reserved 2018 Mica Stephanie Stanfield. Isang babaeng maganda, mabait, mayaman, nasa kanya na ang lahat, complete family. May pr...
3.4K 544 94
They need to do certain things in order for you to meet the person you never imagined you could meet. There are many people who like him, but you are...
110K 2.4K 73
Ashmiya Michaella Esteban and Calyx Finnley Jones (Sinco)'s story. An avid fan of assassins and a real assassin. What will happen if they will meet? ...
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...