So Into You

By tokkibih

19.5K 704 153

WARNING: 18+ (SPG) "Pakawalan mo na ako please..." "Hindi! Dito ka lang! Akin ka lang!" "Hindi na kita kilal... More

PROLOGUE
SO INTO YOU
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
TEASER
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41

KABANATA 22

356 14 1
By tokkibih








MISSION: MR. CHUA








JANELLA





Madilim...




Sobrang dilim..



Kadiliman lang ang tanging nakikita niya. Wala siya ibang makita.



Sinubukan niyang gumalaw pero mahigpit nakatali ang mga kamay niya ngayon.



Nasaan siya?



Ang huling naalala niya matapos sila dakpin ay nasa isang kwarto sila kung saan dinala silang dalawa ni Serena..




Si Serena..



Nasaan na si Serena ngayon?




Nasaan na ang kaibigan niya. Anong ginawa nila sa kanya?



Napahikbi siya hindi niya mapigilang mapaiyak sa pag aalala.



Naalala niya kung paano sila lumaban dalawa, sinubukan nilang tumakas sa kwarto kung saan sila kinulong pero sa kasamaang palad ay maraming nagbabantay sa kanila.


Sa sobrang inis nang isang lalaking nagbabantay sa kanila ay meron itong tinurok sa kanila nang isang bagay hanggang sa tuluyan silang nawalan nang malay.


At ito na siya ngayon.. Nakapiring ang mga mata, nakatali ang mga kamay.



Hindi niya alam kung nasaan ba siya ngayon..



"A-ateng...."



Nabuhayan siya nang loob nang marinig ang boses ni Serena.


Pinakinggan niyang mabuti ang boses nito nang marinig niya ulit itong nagsalita.



Mukhang sa harapan niya lang naka pwesto ang kaibigan, hindi nakakalayo sa kanya.



"Serena.. Okay ka lang ba diyan?" may pag aalalang wika niya.



"Okay lang ako. Ikaw ba diyan te?" ramdam niyang ang takot sa boses nito.



Sino bang hindi matatakot, hindi nila alam kung anong mangyayari sa kanila.



"Okay lang rin ako.. Hindi ka ba nila sinaktan ha? Hindi ka ba nila g-ginalaw?" tanong niya rito.


Kailangan niyang malaman kung may masama bang nangyari sa rito, hindi mapapanatag ang kanyang isipan.



"Hindi ate.. Wala naman masakit sakin eh. Sayo ba?" balik nito sa kanya.



Nakahinga naman siya nang maluwag nang marinig ang sagot nito.



Pinakiramdaman naman niya ang kanyang sarili kung may masakit ba sa kanya pero wala naman siyang naramdaman.



"Wala, wala ring masakit sakin." sagot niya.


Mabuti na lang talaga at walang ginawa sa kanya.


Hindi niya alam ang mangyayari sa kanya kung nagkataon ngang may gumalaw sa kanya.


Baka hindi niya kayanin at mas gugustuhin na lang niya mamatay na lang.



"Dalhin niyo na ang dalawang yan sa stage!"



Napukaw ang atensiyon niya nang may marinig siyang sumigaw.


Bumalik na naman ang takot sa kanyang dibdib..



"Ack— Ateng!" rinig niyang sigaw ni Serena.


May naramdaman siyang may humawak sa magkabilang braso niya.


Nagpumiglas siya sa mga nakahawak sa kanya pero lalo lang hinigpitan nang mga ito ang pagkakahawak sa kanya.



"Saan niyo kami dadalhin ha?! Serena nasaan ka!! Huwag niyo ilayo sakin ang kaibigan ko!!" naiiyak na sigaw niya.



Sobrang desperado na niya ngayon hindi na niya alam kung makakaligtas pa sila dito.


Wala siyang narinig na imik sa mga nakahawak sa kanya at tuloy tuloy pa rin sa paglalakad habang akay akay siya.



Diyos ko po wag niyo naman po hayaang mangyari sa amin to..



"Gentlemen.. Alam kong hindi kayo mabibigo sa iaalok ko ngayong gabi.." wika nang isang lalaki.



Naka mic ito kaya dinig na dinig niya ang sinasabi nito at mukhang marami itong kausap.



Nakarinig siya nang isang maraming tawanan matapos magsalita ang lalaki.


Sino yun?



At saan na sila dinala?




Bakit ang ingay?




Huminto naman sila sa paglalakad at pinaupo siya bigla sa isang upuan.



Ano na nangyayari?




"Minimum bid of fifty thousand.." wika pa nang lalaki.



Nakikilabot ang boses na yun..



"Ateng! Nasa auction tayo!! Ibebenta tayo te!!" natatarantang wika ni Serena.



Sinundan nang tinig nang boses nito at nasa gilid niya lang ang babae.



Jusko kanino naman sila ibebenta?!



Lalo lang siya nakaramdam nang takot pero kailangan niya tatagan ang loob niya.


Kailangan niya mag isip kung paano sila makakaalis dito.



"Ang dami mo namang sinabi! Ipakita mo na yung dalawang babae!" rinig niyang sigaw sa di kalayuan.



Tumikhim naman ang lalaking naka mic.



"Sige buksan niyo na ang takip nila." rinig niya pang sigaw sa likuran niya.



Pagkasabi nito nun ay may naramdaman siyang parang may gumagalaw sa harapan niya.



Ano yun?



"Fresh, pure and virgin—" wika uli nang lalaki.



Nakarinig siya nang ilang hiyawan sa harapan niya at meron pang sumisipol..


Teka— Puro kalalakihan ba ang mga nandito ngayon?



"Hindi ka nga nagkamali ngayon Chua. Pareho silang maganda.." komento nang hindi niya kilalang lalaki.



Hanggang ngayon ay nakapiring pa rin ang mga mata niya at hindi niya nakikita kung anong nakapaligid sa kanya ngayon.



"100 thousand para sa kanilang dalawa na!"




Lalong umingay ang paligid niya at panay ang sigawan nang mga ito.



Parang hayok na hayok sa babae ang mga kalalakihang to.



Jusko po kayo na po talaga ang bahala sa amin..



"Wala na bang mas itaas pa sa 100 thousand o isasarado na—"



Hindi pa natatapos magsalita ang naka mic nang may marinig ulit siyang sigaw.



"500 thousand!! Isarado mo na Chua!"



Parang wala lang sa mga ito ang pera..



"500 thousand! Wala na bang hahamon dun? Kung hindi ay isasarado ko na!" wika nung Chua.



Kilala na niya ang pangalan nito dahil paulit ulit na niyang naririnig na isinisigaw nang mga lalaki.



"Isang milyon! Sa akin na yang dalawang babae na yan!"



Nanlamig siya bigla hindi talaga siya makapaniwala.



Umabot na nang milyon ang presyo nilang dalawa ni Serena at alam niyang ilang minuto na lang ay maibebenta na sila sa kung sino man ang makakabili sa kanila.



Napapikit siya nang mariin, wala na bang pag asa? Wala bang tutulong sa kanila ngayon?



Nang biglang pumasok sa kanyan isipan ang galit na mukha ni Elmo..



Napaluha siya nang maala ang lalaki. Sa tuwing nanganganib siya ito lagi ang nagliligtas sa kanya.



Alam ba nito na nawawala siya?



Dapat kasama niya ito ngayon. Magda date sana sila nito kung hindi lang sila dinukot.




Yumuko siya gusto na niyang umuwi..





Gusto na niyang makita si Elmo..





——





ELMO





"Huminahon ka muna bata kapag nakarating na tayo sa location. Mawawala ka sa focus kapag papairalin mo ang galit mo." wika ni Alejos sa kanya.




Wala siyang pakialam sa sasabihin nito ngayon.



Ang importante ay mailigtas niya si Janella itataya niya ang buhay niya mailigtas niya lang ito.



Mahal na mahal niya ito.



Sobrang mahal na mahal niya si Janella. Kaya mababaliw siya kapag may masamang mangyayari rito.



"Okay Red Night alam niyo na ang gagawin niyo. Kayo na bahala ang dumiskarte." wika ni Shaun sa mga kagrupo niya.



Wala siya sa huwisyo para makipag usap sa mga ito.



Tumigil ang sasakyan niya at nauna siyang bumaba sa mga kasama niya.



"Zero! Teka lang!!" pigil sa kanya ni Shaun.


Naramdaman niyang hinawakan siya ni Alejos sa braso niya.



"Gusto mo bang mamatay, maraming bantay sa entrance!" sita nito sa kanya.



Tinanggal niya naman ang kamay nito na nakahawak sa kanya at mariin itong tinitigan.



"Wala kong pakialam! Papatayin ko silang lahat."



Pakisabi niyang yun ay dire diretso siya naglalakad patungo sa resort kung saan ginaganap ang closed party.


Naka spot agad siya nang kalaban kaya binaril niya agad ito.


Wala siyang paki kung buhay pa ba ito o patay na.


Special ang baril na hawak niya kaya kahit na anong pagbabaril ang gawin niya ay hindi ito makakalikha nang ingay at hindi rin ito takaw atensiyon.




Ramdam niyang nakasunod na ang mga grupo niya.



"Zero, magtago ka muna!" sigaw ni Shaun sa kanya.



Hind niya pinakinggan ang sinabi nito at nagtuloy tuloy siya sa paglalakad hanggang sa makita na siya nang mga tauhan ni Chua.



Pinagbabaril niya isa isa ang mga ito. Wala siyang tinira kahit na isa.



"Zero! Ano bang ginagawa mo. Pinapatay mo na sila!" rinig niyang sigaw ni Alejos sa kanya.



"Nararapat lang sa kanila yan!" galit na sigaw niya dito.



Mapula.. Ganun ang paningin niya ngayon. Kaya wala siyang sasantuhin kahit na sino.



At kapag nalaman niyang ginalaw nila si Janella. Dadalhin ko silang lahat sa impiyerno!



Pumasok siya sa loob nang resort at hinanap kung saan ginaganap ang auction.



"Oh my god! First time umabot sa dalawang milyon ang bid. Isasarado mo ko na ba to o may hahabol pa ba?"




Mabilis siyang napalingon nang marinig ang boses na yun.


Isang pintuan ang bumungad sa kanya at malakas ang pakiramdam niya na nandun si Janella.


Akmang bubuksan na niya yon nang may biglang sumakal sa kanya.


Mabilis naman siyang kumilos kaya agad niya itong ibinalibag sa semento at sabay binaril ito.



Maraming tauhan ang sumugod sa kanya ngayon at tinutukan siya nang baril pero dahil sanay na sanay na siya mga ganito ay agad niyang inunahan at pinagbabaril ang mga ito.


Napangisi na lang siya nang matapos niyang makita ang ginawa niya.



Halos puro katawan na duguan ang nakahandusay sa malamig na semento.


Uubusin niya ang lahat nang tauhan ni Chua at wala siyang ititira.


Binuksan niya ang pintuan at bumungad sa kanya ang likod nang dalawang babaeng na nakaupo habang nakaharap ang mga ito sa mga hayok na hayok na matatanda.



Habang nasa gilid nang mga ito si Chua kung saan ngising ngisi itong nakatingin sa dalawang nakapiring na babae.



Halos sumabog na siya sa nakita niya. Nanginginig na siya sa galit.



Wala na siyang sinayang na oras, lumapit siya sa mga ito at agad niyang tinutukan nang baril si Chua.



Gulat na gulat naman ito nang makita siya.


Lalo siya nakaramdam nang galit nang makaharap na niya ito nang personal.



Naramdaman niyang nagkagulo ang matatanda na kanina lang ay hayok na hayok sa pagsasayang nang pera para lang makuha ang dalawang babae.



"Zero!" rinig niyang sigaw ni Shaun sa kanya.



Napalingon naman siya rito at nakita niyang isa isa na pinagdadampot nang mga ka grupo niya ang mga matatandang negosyante.



"Zero.. Ikaw si Zero?" gulat na gulat na wika nito habang nakatitig sa kanya.



Tumaas naman ang sulok nang bibig niya.



Napaawang naman ang bibig nito sa kanya at saka ito lumuhod sa harapan niya.





"Nagmamakaawa ako huwag mo kong patayin. Patawad!!" sigaw ni Chua.



Hindi naman siya nakaramdam ng awa dito.



Lumapit siya sa nakaluhod na matanda at saka niya ito pinagsisipa.



Papatayin kitang gago ka!



Gigil na gigil siya habang binubugbog niya ang matanda.



Wala ring habas na pinaghahampas niya rin ito nang hawak niyang baril sa ulo nito kahit na panay ang pagmamakaawa nito sa kanya.



Bingi siya sa daing nang matandang to.



Sa tuwing naalala niya ang ginawang pag kidnap nito kay Janella ay lalo lang naghimagsik ang loob niya.



"Papatayin kita.." gigil na bulong niya rito.



Sinuntok niya ulit ito sa mukha. Duguan na ang buong mukha nito.


Ibinalibag niya ang buong katawan nito sa sahig at saka niya tinutukan ito nang baril.



"Zero huwag! Huwag mong ituloy yan!" pigil sa kanya ni Shaun.




"P-parang a-awa mo na.." hirap na hirap na wika ni Chua.



"Bakit ako maawa sayo? Kinidnap mo yung girlfriend ko paano ko maawa sayo!!" galit na galit na sigaw niya rito..




"H-hindi ko alam na girlfriemd mo pala—"




Sa sobrang gigil niya ay binaril niya ito sa braso.



Napasigaw naman ito sakit.



"Ulol kang matanda ka!!"



Babarilin na sana niya ito sa kabilang braso nito nang mapukaw ang atensiyon niya nang may marinig siya isang tinig.




"Elmo.. Elmo.. Ikaw ba yan?"



Agad naman siyang napalingon sa boses na yon halos makalimutan na niya ang babae.



"Elmo ikaw na ba yan?" wika pa nito.


Inaakay na ito nang kagrupo niya kasama ang kaibigan nito. Nakapiring pa rin ang mga mata nito at alam niyang sinadya nang mga ka grupo niya na hindi muna tanggalin yun dahil makikita nito ang ginagawa niya kay Chua.



Nandilim na naman ang paningin niya nang makitang nakahawak ang isang kagrupo niya sa braso ni Janella.



"Bitiwan mo siya Kyle!" sigaw niya sa lalaking may hawak hawak kay Janella.



Agad naman ito humiwalay sa babae at tumango na lang ito sa kanya.



Nagmamadali siyang lumapit sa babae halos takbuhin na niya kung saan ito nakatayo.


Nang makalapit siya rito ay sinunggaban niya ito nang isang mahigpit na yakap.


Hindi naman niya napigilang tanggalin ang piring sa mata nito.



Nanlalabo pa sa una ang paningin nito pero nang maaninag na siya nito ay saka ito gumanti nang yakap sa kanya.



"Elmo!" narinig niyang umiiyak ang babae.


Nasasaktan siya kapag umiiyak ito ayaw niyang umiiyak ito..




Hinawakan niya ang pisngi nito at pinunasan ang mga luhang tumutulo rito.



"Sshh nandito na ko. Ligtas ka na.."


Pinaulanan niya ito nang matamis na halik sa mukha nito. Narinig niya naman itong humagikgik.




"Wala bang nangyari sayo? Hindi ka ba nila sinaktan?" pagtatanong naman niya rito.


Nakahinga naman siya nang maluwang nang umiling ang babae.



Salamat naman kung hindi ay tutuluyan na talaga niya si Chua.



Yumakap uli sa kanya ito.


"Salamat at dumating ka. Sobrang natakot ako kanina akala ko hindi na kami makakaligtas pa ni Serena." naluluha pang wika nito.



"Alam mo naman na gagawin ko ang lahat maging ligtas ka lang hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo..."


Naluluhang tumango naman ito sa kanya.


Nakita niya naman sumenyas sa kanya si Shaun.


Pinapalabas na sila nito.



"Ayoko na dito. Ilabas mo na ko dito please."


Tumango siya rito at inalalay na ito palabas nang resort.



Inakbayan naman niya ito at yumakap ito sa kanya habang nakasubsob sa dibdib niya ang mukha nito.



Napangiti naman siya at hindi niya napigilang halikan ang noo.



Mahal na mahal niya talaga ang babae na to.



At lahat gagawin niya para rito..



Mabuti na lang wala na sa eksena si Chua, inilabas na nang mga kagrupo niya ang katawan nito at hindi na nakita pa nang babae.



Pasalamat ang matandang yun ay napigilan siya ni Janella kung hindi ay baka patay na siya ngayon





pero may araw rin siya sakin dahil hindi pa kami tapos..













——:9

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
2.5M 98.4K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.