So Into You

By tokkibih

19.5K 704 153

WARNING: 18+ (SPG) "Pakawalan mo na ako please..." "Hindi! Dito ka lang! Akin ka lang!" "Hindi na kita kilal... More

PROLOGUE
SO INTO YOU
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
TEASER
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41

KABANATA 21

337 16 1
By tokkibih





ELMO




"Kakagaling ko lang sa sakit papasabakin niyo agad ako sa isang mission?!" gigil na gigil na sigaw niya sa matanda.



At nakuha pa nito ngitian siya. Lalo lang siyang nainis dito.



Gusto sana muna niya na makapagpahinga na muna sa trabaho niya. Sunod sunod kasi ang mission na binibigay sa grupo nila.


Nagkandasakit sakit na nga siya dahil walang siyang maayos na pahinga. Dagdagan pa ang mga pasa, sugat at pilay na natamo niya nung huling sumabak sila sa mission.


Sinugod lang naman nila ang isang makapangyarihang drug lord sa bansa kaya nagkandahirap hirap sila kung paano susugpuin ang mga ito.


Masyado kasi silang marami at iilan lang ang miyembro nang Red Night nang gabing yun.


May mga natamaan nang baril, nadaplisan at nasugatan sa grupo niya mabuti na lang ay wala naman malalang nangyari sa kanila maliban lang dun.


Sa kabutihang palad rin ay umayon sa kanila ang swerte at nahuli nila ang drug lord at kasama na ang mga tauhan nito.


Ngayon matatahimik na sila ngayon, nakapagtumba na sila nang isang malaking drug lord sa bansa at alam niyang hindi pa ito ang huling klaseng mission ang gagawin niya.


May kasunod pa ito at kailangan niyang paghandaan yon.



"Ilang kababaihan ang naireport na nawawala at hanggang ngayon ay wala pa rin nakakakita sa kanila." rinig niyang wika ng matanda.


Inis naman niyang tinitigan ito.


Dapat kasama niya si Janella ngayon, hindi pa sana siya uuwi kung hindi lang siya pinatawag nang matandang to.



May ipinakita sa kanila ang matanda nang isang litrato at wala naman gana niyang kinuha yon.



Ano pa ba magagawa niya kundi sumunod na lang muna rito tsk.


Nag promise pa naman siya kay Janella na magda date sila, pasasalamat niya rin dahil inalaagan siya nito habang may sakit siya.



Pagkakataon na rin niya yun para mai-date ang babae sa pangalawang pagkakataon.


At mukhang mauudlot pa yun..




"Yan si Mr. Chua, isang chinese businessman. May malaki siyang ipinapatakbong negosyo sa Manila kung saan binebenta niya ang mga kababaihan sa mga kapwa nitong negosyante."


Napatitig naman siya sa hawak niyang litrato.


Napakapangit naman nang matanda. Mukhang madali lang ang mission nila at hindi rin siya mahihirapan.


Sisiw lang sa kanyw ang mga ganitong mission.


Malakas talaga ang kompiyansa niya sa sarili..



"So babalik ulit kami nang Manila para makapag plano na kami kung paano susugurin ang lalaking to." biglang tanong ni Shaun sa matanda.


Nasa harapan niya lang ang lalaki at tulad niya ay hawak rin itong litrato.



"No, hindi kayo babalik dun. Meron na akong naatasan na ibang team doon." wika naman nang matanda.



"So anong gagawin namin?" walang ganang tanong niya.



Mabuti na lang at hindi sa Manila ang location nang next mission nila, mapapalayo na naman siya kay Janella.



Sa tuwing nasa mission siya ito lang ang tanging nasa isip niya, hindi siya mapakali kaya tinatapos niya agad mga gawain niya para lang makasama na niya agad ito.



Ganun siya kabaliw sa babaeng yun.



Baliw na nga talaga siya, nabaliw ang dahil sa pagmamahal.



"Nandito na sa bayan niyo si Mr. Chua at nag uumpisa na siyang mangidnap nang mga kababaihan rito."


Doon siya bigla naalarma.


"May naireport nga raw sa pulis kagabi na ilang araw na daw nawawala ang babaeng anak nung isang nagrereklamo.." wika naman ni Shaun.



Bigla na naman siya nag init.




Paano kung makuha nila si....



Umiling naman siya. Hindi siya makakapayag na mangyari yun!


Kailangan ngang kumilos na sila at baka mahuli pa ang lahat..



Napatitig naman ang matanda sa kanya at nginisihan siya nito.



"Ano, sasama ka pa ba sa mission? Paano na lang kung makuha nila si Janella? Posible rin na mangyari yan lalo na napakagandang bata pala ang kinahuhumalingan mo—"


Hinampas niya nang malakas ang lamesa. Ayaw niya marinig ang sinasabi nito.



Isipin pa lang niya yun ay parang hindi na niya kakayanin yun. Baka mabaliw na siya nang tuluyan.



"Relax bata, kung sakali lang naman. Kaya nga hanggat maaga ay napatumba na natin ang Chua na yun."


Pilit niyang huminahon matapos marinig ang sinasabi nito, nawala siya sa konsentrasyon.



Si Janella lang ang pumapasok sa isipan niya ngayon.


Gagawin niya ang lahat maging ligtas lang ito..



"Bukas nang gabi gaganapin ang isang closed party sa isang resort malapit lang mismo kung nasaan ang Bahay ni Lola Felicia."



"Alam ko kung saan yon." singit naman ni Shaun.


"At doon magaganap ang pagbebenta na mangyayari."



Tumingin naman sa kanya si Shaun, nagtatanong ang tingin nito kung tutuloy ba sila o hindi.



Bilang leader nito ay kailangan muna nito nang kasagutan mula sa kanya bago sila tuluyang sumabak sa isang misyon.


Tumango naman siya rito bilang pag sang ayon.


Ngiting ngiti naman ang matanda sa kanila.



"Kayo na ang bahala dumiskarte. Alam ko namang sisiw lang yan para sa inyo." natatawang wika nang matanda.



Teka nga lang.. Nagtataka siya bakit hindi pa rin ito umaalis nang mansion nila.


Akala pa naman niya ay babalik na to sa opisina nito pero mukhang walang itong balak umuwi.



"Bakit hindi ka pa bumalik sa opisina mo? Masyado ka nang feel at home sa bahay ko." iritang wika niya.



Sanay na ang matanda sa ugali niya kaya balewala na lang rito ang pabalang na sagot niya.



"Pinapaalis mo na agad ako dito halos kakarating ko lang bata, hindi ka lang ba naawa sakin?" pang iinis pa nito.



Irita namang tumayo siya. Kahit kailan talaga wala ring kwentang kausap to.


Mabuti nang layasan na niya ito at bahala na si Shaun sa matandang yun. Ito lang naman ang nakakatiis sa ugali nun.


At siya'y magpapahinga muna saglit at maya maya ay susunduin na niya si Janella tuloy ang date nila. May oras pa naman siya.



Inilabas niya ang kanyang cellphone at simulan mag type nang message sa babae.



Susunduin kita mamayang 6PM. Sa ayaw mo at sa hindi makikipag date ka sakin.




Ngising ngisi naman siya habang hinihintay ang reply nang babae sa kanya.



Tse! Asungot ka talaga! 😣



Natatawang napailing na lang siya.



Iba talaga nagagawa nang babaeng ito sa kanya.




——




JANELLA





"Mga bruha bilisan niyo naman!" sigaw niya sa mga ito.



Kakasarado lang nila nang tindahan at ang tagal kumilos nang dalawa. Nakuha pa nang mga ito makipag chismisan sa kapwa nilang tindera.



At uwing uwi na siya, kailangan niya pang maligo at para makapag ayos na siya nang sarili niya. Isang oras na lang ang natitira sa kanya at mag aala sais na.


Baka mataranta siya kapag madatnan siya ni Elmo na hindi pa siya nakapag ayos.


Kailangan niya ring mag ayos kahit papaano. Baka mamaya dalhin naman siya nang asungot na yun sa isang mamahaling restaurant.



Tulad na lang noong unang date kuno nila.



"Bakit ba uwing uwi ka na te. San ba ang punta mo?" tanong ni Serena nang makalapit na ang mga ito sa kanya.



"Magda-date kami ni Elmo.." tipid na sagot niya.



Alam niya ang susunod na mangyayari. Aasarin siya nang dalawang bruhang to.



At hindi nga siya nagkakamali..



"Kaya pala eh! Gigil na rin talaga ko diyan sa buhok mo, masyado nang mahaba!" pang aasar naman ni Juana sa kanya.



"Inggit ka lang sa beauty ni ateng baks! Mag jowa ka na rin kasi." balik na pang aasar naman ni Serena rito.



At doon na nagsimula magbangayan ang dalawa.



Natatawang napailing na lang siya sa mga to.


Sanay na rin naman siya sa dalawa at hinahayaan na lang niyang magtatalak ang mga to pero mabuti na lang at hindi marunong mapikon ang dalawa.



Naglakad na sila palabas nang palengke. Pumara na siya agad nang tricycle para makasakay agad sila.



Nang biglang may huminto na puting sasakyan sa harapan. Nagtataka naman niyang napatitig doon.



Hinarangan pa talaga sila nito o!


"Doon tayo sa kabila pumwesto." wika niya sa dalawa.


Baka kasi hindi sila makita nang tricycle driver na nagpapara sila dahil hinarangan sila nang puting sasakyan na to.


Sumunod naman sa kaniya ang dalawa.


Naka ilang hakbang palang sila nang biglang bumukas ang pintuan nang puting sasakyan at isa isa lumalabas ang mga kalalakihan na may mga itim na maskara sa mukha.


Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. Nang makita ang mga ayos nito.


Parang sa palabas niya lang ito nakikita.


Napakapit siya nang mahigpit kay Serena at Juana tulad niya ay takot na takot rin ang mga ito.


Nang mapatili siya nang malakas nang biglang may humablot sa kanya at pilit na ipinapasok sa sasakyan.


Jusko kikidnapin pa ata siya huhu!



"Ateng!!!! Serena!!!" rinig niyang sigaw ni Juana.


Nagpumiglas naman siya at pilit na nanlaban sa nakahawak sa kanya nang makitang wala nang malay si Serena habang karga karga ito nang isang lalaki.


"Serena!!!!" naiiyak na sigaw niya.



Juskolord ano ba itong nangyayari sa amin..



"Ateng!!" napalingon siya sa kanyang likuran kung nasaan si Juana.


At ganun na lang ang panlalaki nang mga mata niya nang makitang pinalo nang isang lalaki sa ulo ang kaibigan niya.


"Juana!!!" naiiyak na nagwawala na siya.



Tulong! Wala bang tutulong sa kanila?!



Nang biglang may nagtakip nang panyo sa kanyang ilong.


Pilit naman niyang tinatanggal ang bagay na yun pero sadyang malakas ang may hawak sa kanya.


"Uhmp—" parang babagsak na ang mga mata niya sa naamoy niya.



Pero hindi na rin niya kinaya kahit na nilabanan niya.



Huling nakita niya bago siya tuluyang mawalan nang malay ay ang katawan ni Juana na wala nang malay na nakahandusay sa semento.




——




Halos sirain at gibain na nang binatang lalaki ang buong kagamitan sa malaking bahay nito.


Patuloy lang ito sa pagwawala. Walang naman nakapagpigil rito at hinayaan na lang ang binata.


Ang ibang nasa paligid nito ay natatakot sa eksenang natutunghayan nang mga ito ngayon



Lalo na ang Daddy nito ay takot rin at hindi rin kayang pigilan ang anak.


Habang ang dalawang kasa kasama nito ay walang imik habang pinanood ang binata.


Dahil sanay na rin naman ang mga ito sa pagwawala nang lalaki.


Hanggang sa kusa na itong tumigil. Napapagod itong napaluhod sa sahig.



Nagsimula ang biglang pagwawala nito nang makatanggap ito nang isang tawag mula sa isang kaibigan nang babae gustong gusto nito.


Halos gumuho ang mundo nito nang marinig ang sinabi nang umiiyak na kaibigan nang babae at nagmamakaawa itong humihingi nang tulong dahil kinidnap ang dalawang kaibigan nito.


Naging mapula ang paningin nang binata. Wala itong ibang makita kundi pula lang.



Para bang walang itong sasantuhin nang mga oras na yon.



"Huminahon ka muna bata, hindi ka makakapag isip nang maayos kapag inunahan mo nang galit.." wika nang isang matanda.



Nararamdaman rin nang matanda kung anong nararamdaman nang binata ngayon dahil napagdaanan na rin nito iyon ang mga bagay na yon kaya naiintindihan niya kung bakit ganun na lang pagwawala na ginagawa nito.



Ganun talaga kapag sobrang nagmamahal ka..



"Ililigtas ko siya.. Kailangan ko siya iligtas..." mahinang bulong nang binata.



Nadinig naman yon nang mga nakapaligid rito.


Alam nilang hindi maganda ang mangyayari lalo na iba na ang tono nang pananalita nang binata.



"Ililigtas natin sila bata, huwag kang mag aalala.." wika naman nang matanda rito.



Mukhang hindi naman pinakinggan nang binata ang sinabi nang matanda para bang may sarili itong mundo ngayon.


Pero lalo silang nabahala nang marinig pa itong magsalita.



"Papatayin ko silang lahat! Iisahin isahin ko sila!" paulit ulit na wika nang binata.



Nakaramdam rin nang takot ang mga kasama dahil alam nang mga ito na iba ito kapag sobrang nagalit.



At mukhang mahihirapan rin silang pigilan ito.



Naalarma naman ang Daddy nito dahil posibleng nang bumalik ang dating sakit nito.





At mukhang mas lumala pa ngayon..













——:9

Continue Reading

You'll Also Like

3M 77.1K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
1.3M 18.8K 41
Dice and Madisson
16.7K 1.7K 10
Pangarap niyang yumaman kaya iniwan ang bansang sinilangan para makipagsapalaran sa Europa. Ang hindi alam ng karamihan, isa siyang katulong sa Italy...
154K 608 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.