Protecting the Campus Royalti...

By Baepreshyy

7.5M 202K 41.5K

"Far from being Ordinary Girls" ang papasok sa isang sikat na paaralan kung saan nandoon ang mga kalalakihang... More

PTCR
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68

CHAPTER 69

70.8K 2K 607
By Baepreshyy

♢◆♢

Sasha's POV

----------

"Tingnan mo 'yon. Tuwang-tuwa pa!" Sabi ko kay Axiesse.

Napairap ako at lumangoy-langoy nalang sa dagat. Hindi pa nagmiminuto ay umahon kaagad ako at inis na lumapit kay Axiesse.

"Anong nangyari sa 'yo, Sasha?" Si Yumie na natatawang nakatingin sa 'kin habang nasa dalampasigan siya, nakaupo.

Umirap ulit ako. Bwisit kasi. Tuwang tuwa pa.

Kanina ko pa pinapakita na masaya ako pero nangingibabaw talaga ang inis ko sa kaniya. Hindi ko na kaya. Naiinis na talaga ako.

Napatingin ako sa gawi nina Marx. Nakaupo silang dalawa ni Zae sa buhangin habang si Klenth ay naliligo. Medyo natatawa si Marx sa kung anong pinag-uusapan nila ni Zae at kung hindi ako nagkakamali ay nakatingin sila sa mga estudyanteng naliligo rin sa malayo.

Napanguso ako. Kanina noong nagaganap ang first activity namin ay hindi niya ako pinapansin. Hindi naman sa gusto kong pansinin niya ako pero yung iba nga pinapansin niya eh!

Hindi niya rin ako tinitingnan.

Ano bang problema niya?

"Huy, problema mo?" Si Axiesse.

"Wala!!!"

"Luh."

"Wala nga sabe!"

"Bakit ka sumisigaw?"

"Hindi ako sumisigaw!"

"Huh? Ang gulo mo, Sasha!"

Kunot-noo siyang napatingin sa 'kin. Napabuntong-hininga nalang ako.

"Si Marx kasi," Sumbong ko.

"Hala. May problema ka kay Marx?" Napangisi si Yumie. Naririnig niya pa rin ako kahit nasa dalampasigan lang siya ha!

Tumango-tango ako at agad na tumingin sa gawi nila.

"Ang tanong, ikaw ba pino-problema niya?" Tumawa si Yumie na agad kong nilingon.

Grabe 'to.

Matalim ko siyang tiningnan at agad na sinabuyan ng tubig. Umilag siya at halos tumakbo palayo habang patawa-tawa pero bumalik din kaagad. Natatakot daw kasi siyang maligo sa dagat pero nasabi niyang susubukan niya.

"Hayaan niyo siya. Magpapakasaya nalang ako rito!" Lakas loob kong sabi.

"Dapat lang na hayaan mo siya. Hindi naman kayo eh!" Banat na naman ni Yumie. Masama ko siyang tiningnan.

Bumuntonghininga ako. Sakto namang nahagip ng paningin ko si Lian na naglalakad kasama ang kapatid ko sa gilid ng dagat. May dala si Lian na beach ball. Maglalaro siguro.

"Segeon! Lian!" Sinadya ko talagang lakasan ang pagtawag ko kay Lian.

Pasimple akong tumingin kina Marx. Gusto kong mapangisi nang makita siyang naka-igting ang panga at madilim na nakatingin sa banda namin.

Tiningnan ko sina Segeon at Lian. Bakit magkasama ang dalawang 'to? Kinawayan ko sila.

"Dali!" Usal ko.

Dali-dali namang lumapit si Segeon sa'kin habang nakasunod sa likod niya si Lian.

"Bakit kayo magkasama ni Lian?" Tanong ko kaagad nang makalapit siya.

"He taught me how to play basketball..." Aniya sabay turo doon sa basketball court ng resort sa malayo.

"Ahh..." Tumango-tango ako. Napatingin ako kay Lian nang makalapit siya. "Hi Lian! Magkaibigan pala kayo?"

"Oo. Nagpaturo kasi siya sa 'kin mag basketball..."

"See, Noona?"

"Maglalaro kayo?" Sabay nguso ko sa hawak ni Lian.

"Yes. Wanna join?"

"Sige ba!"

Sumali rin sina Axiesse. Nagpasa-pasahan kami ng bola. Minsan naman ay nag-aagawan. Minsan naman ay kung sino ang tatamaan ng bola ay siya yung matatalo. Susuot siya sa ilalim ng dagat sa pagitan ng dalawang binti namin. Marami kaming naiisip na laruin kaya medyo nawala sa isip ko ang mga bagay bagay.

Tawang-tawa ako habang naglalaro. Hindi ko na pinapansin kung sino ang mga nakatingin. Kalaunan ay pinalitan namin ang game.

Nagkatuwaan kami nina Axiesse, Segeon at Lian. Ngayon ko lang naalala na hindi pala namin kasama si Zell. Luminga-linga ako sa paligid para hanapin siya.

"Si Zell?" Tanong ko kay Axiesse.

"Ewan ko. Baka lumangoy langoy lang..." Kibit balikat niya at tiningnan ang dalawang lalaki na kalaro namin. "Ayoko na. Gutom na ko..." Aniya at umahon sa dagat.

Ngumisi rin ako at agad ding sumunod sa kaniya.

"Ako rin! Sa susunod naman. Nakakapagod!" Binalingan ko ang kapatid. "Segeon, magbihis ka na rin at magpahinga."

"Alright."

Umahon na kami sa dagat. Sakto namang nasalubong namin si Zell na naglalakad sa dalampasigan. Laglag ang kanyang balikat at parang may malalim na iniisip. Nang makita niya kami ay binigyan niya kami ng tipid na ngiti. There's something in her smile. Parang ang lungkot.

Nagbihis kami sa isang malinis na bathroon ng resort. Sayang lang dahil hindi namin nasilayan ang sunset dahil nagbibihis pa kami no'n. Pagkatapos naming magbihis ay bumalik kami sa aming tent para makapag-ayos ng mga gamit. Dumidilim na rin ang paligid. Ang iba naming kasama ay magliligpit na rin.

Hindi nagtagal ay dumating sina Ma'am Tzu kasama si Ma'am Chae at sinabing pumunta na kami sa restaurant dahil kakain na raw.

Hindi pa naglilimang minuto ay nakarating na kami sa restaurant ng resort. Malaki ang espasyo ng restaurant. Open lang siya. Walang aircon kasi malamig naman ang ihip ng hangin lalo na siguro kung gabi. Naroon na lahat ng mga estudyante. Naupo na kami sa bakanteng table doon habang isa isang sineserve ang mga putahe sa aming mga mesa.

Natakam kaagad ako. Amoy pa lang ng putahe ay mukhang masarap na. We prayed for our successful and safe trip at nagsikainan na kami. Maingay ang restuaurant. Bukod sa tunog ng mga kasangkapan sa pagkain ay panay din ang daldal ng mga estudyante kaya kung mag ingay din kami ay imposible nilang marinig.  Dagdagan pa ng music na pine-play. Everything seems so happy and fine.

"Excited na 'ko sa mga activities bukas!" Malakas na sabi ko para marinig nina Axiesse, Yumie, Zell, Cherwin at Arjie.

"Hindi lang ikaw ang excited dito no! Ako rin!" Si Yumie na katatapos lang mag selfie at mag picture ng pagkain niya at lugar.

"Hmp. Ano kaya ang premyo..." Hindi ko na nadagdagan ang sinasabi ko nang mahagip ng paningin ko si Marx sa malayong table, seryosong kumakain.

Napalunok ako.

Narinig kong nag-usap usap sina Yumie, Cherwin at Arjie sa kung anong mga bagay. Si Zell naman ay tahimik lang habang si Axiesse ay pasulyap sulyap sa paligid.

"May problema ba?" Tanong ko kay Axiesse na kanina pa palingon lingon sa paligid. Like there's something wrong. Kinabahan kaagad ako.

Napatingin siya sa 'kin at agad na umiling.

"Wala naman... Bakit?"

"Parang hindi ka kasi kumportable eh..."

"Luh. Kumportable kaya ako. Tinitingnan ko lang kung kailan ulit sila magse-serve ng pagkain dito sa table natin."

Napa poker face ako sa sinabi niya at napailing-iling habang natatawa. Itong babaeng 'to talaga. Akala ko kung ano na! Kailan ba ako masasanay dito. Tiningnan ko ang plato niya. Ubos na yung laman. Kaya pala.

"Tama na sa pagkain, Axiesse. Tataba ka nyan! Hindi ka na magugustuhan ni Zae!" Nasabi ko lang.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Dahan dagan niyang tinulak palayo sa kaniya ang plato at pinagkrus ang mga braso. 

Napawi ang ngiti ko sa ginawa niya. Kumunot din ang noo ko. What? Tama ba 'yong nakita ko?

"Gusto mo... ba si Zae?" Mahinahong tanong ko, tinatantya ang kaniyang magiging reaksyon.

Nagulat siya sa sinabi ko na para bang alam ko ang iniisip niya.

Agad siyang umiling.

"Hindi no! Bakit ko naman magugustuhan 'yon? G-Gwapo ba siya? Well... Ha! Gwapo nga... pero... hmm..."

Mas lalong kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o ano. In denial.

"Looks like matatalo ka sa deal, huh?" Nakangising sabi ko.

Kunot niya akong tiningnan, seryoso. Seryoso siya habang ako ay gustong matawa. Sineryoso niya talaga ang deal? Paano niya naisip na kaya kong ipaputol ang daliri niya kapag natalo siya sa deal namin?

"Hindi no!"

"Bwahahaha! Weh? Come on, Axiesse..."

"Ano?" Iritable niyang sabi.

"You can spill it. Hindi naman mapuputol ang daliri mo pag natalo ka sa deal natin! Sa tingin mo ba, kaya kong ipaputol ang daliri mo? Masyado mo atang sineryoso ang deal! Puwede ka namang magkagusto sa kaniya! Don't think about our deal dahil hindi naman seryoso 'yon. H'wag mong pigilan ang nararamdaman mo!"

Nalaglag ang panga niya sa linya ko. Maagap siyang umiling at napainom ng tubig.

"There's nothing to reveal. There's nothing to spill. Hindi ko siya gusto noh!"

Nanliit ang mga mata ko.

"Sure?"

"Yes!" Pagalit niyang sabi. "Pala desisyon ka talaga, Sasha!"

"Ay? Defensive si inday?" Tumawa ako.

"Hindi! B-Basta wala akong gusto sa kanya..." Mahinahon niya nang sinabi.

"Talaga ba?" Ngisi ko. Mas lalo akong napangisi nang makitang pulang pula na ang pisngi niya.

"Sasha, ang kulit mo talaga."

"Pinapaamin kita eh!"

"Hindi mo magagawa 'yon. Hindi mo 'ko mapapaamin..."

"So... may tinatago ka ngang ayaw mong aminin?" Tumawa ako. Naagaw ko tuloy ang atensyon ng mga kaibigan.

"Oy! Ano yan?" Si Cherwin.

Natatawa ko silang tiningnan at iwinagayway ang kamay ko na parang harang.

"Boundaries! Boundaries! Amin amin lang 'to. Girl talk!" Biro ko.

"Ay," sumimangot siya at inirapan ako.

"Sa susunod ko nalang ikekwento kapag na confirm na," sabi ko. Kumunot naman ang noo nilang dalawa ni Arjie. "Hindi niyo maintindihan so...sa susunod ko nalang sasabihin, huh!?"

"Grabe. Ang ingay," parinig ni Zell.

Napatingin ako pabalik kay Axiesse. Narinig ko namang nagkwentuhan ulit sina Yumie, Arjie at Cherwin habang si Zell ay nakamasid lang sa 'min.

Tinagilid ko ang ulo ko nang makita si Axiesse na nakatingin lang sa kawalan na para bang may malalim na iniisip habang pinipisil pisil ng daliri ang kaniyang labi. Nag-iwas ako ng tingin at napalunok. Ano ka ngayon, Sasha? Bakit ka tumahimik?

Uminom ako ng tubig. Naalala ko ang gabing 'yon. We're almost caught! Maghahalikan na sana!

Paano kaya kapag natuloy 'yon? Paano kaya kapag nahalikan niya ako? Napapikit ako. I shouldn't think about that. Hindi dapat basta basta humahalik. Kita mo ngayon, hindi niya ako pinapansin? Kaya niya siguro ako hindi pinapansin dahil hindi natuloy ang halikan namin?

Dumilat ako at napabuntonghininga. Kung ayaw niya akong pansinin edi h'wag! I want him to notice me but I don't want people to think that I'm craving for his attention. Hindi ko naman ikakamatay kapag hindi niya ako pinansin!

Natapos na ang dinner namin at pinabalik na kami sa sarili naming mga tent. Isa sa mga dahilan kung bakit nagaganap ang camp na 'to ay para raw ma relax kami sa nangyaring exam at para raw makapag bonding ang mga estudyante ng Sky Hexton. Hindi naman nakasama ang lahat ng Sky Hextian dahil ang iba ay hindi nakapasa ng mga requirements at ang iba ay ewan ko. Malay ko ba sa iba.

"Matutulog na kayo?" Tanong ko nang nasa loob na kami ng tent.

Malaki ang tent na dinala ni Yumie kaya pwede kaming magpagulong gulong sa loob. Ang sabi niya ay limang tao ang makakapasok pero sa tingin ko'y nasa walo o sampu ang pwedeng makapasok dito.

Ang mga gamit namin ay nasa gilid. May foam na at unan kaya ready na kung matulog. Ako, parang hindi ko pa feel ang matulog. Gusto ko pang magliwaliw sa labas kahit na malamig.

"Maaga raw tayo bukas kaya matutulog na ako..." Si Yumie.

"Ako rin," usal ni Zell.

"Ikaw, Axiesse, matutulog ka na?" Tanong ko nang mapansing naka upo lang siya at naglalaptop.

Umiling siya. "Mamaya na siguro."

"Labas tayo?"

Kunot na namang ang noo niya nang tumingin sa 'kin.

"Anong gagawin natin sa labas? Gabi na at malamig kaya..."

"Sige na! Ikot ikot tayo sa buong resort..."

"Kanina ka pa, Sasha, ha! Hindi ka pa rin inuubusan ng energy! Ang sigla sigla mo pa rin," inis na sabi ni Yumie habang nakahiga.

"Kaya nga mag iikot kami sa buong reosrt," sagot ko.

"Dito lang ako. Nakakapagod maglakad at nagugutom ako eh," wika ni Axiesse sabay kuha sa kaniyang bag ng mga chocolates at kung ano-ano pang pagkain.

Napanguso ako sa kanila. Napabuntong hininga nalang ako sa huli.

"Fine. Ako nalang. Ang hihina niyo naman..." Nakangisi kong sabi.

"Kapagod kaya! Gusto ko nang matulog!" Si Yumie.

Hindi ko na sila pinansin at lumabas nalang ako ng tent. Totoo naman kasing kapagod ang biyahe kanina tapos dinagdagan pa ng unang activity. Salamat nalang dahil masigla ako. Salamat nalang dahil kahit hindi ako pansinin ni Marx ay hindi ako matamlay! Bahala siya dyan!

Medyo malayo ang tent namin sa dagat. Syempre. Paano nalang kung aanurin ng tubig ang tent namin kung malapit kami sa dagat diba?

May nakikita ako sa malayo na nagbo-bonfire. May mga ilan din akong nakikita na naliligo pa sa dagat.

Dala dala ko ang cardigan ko. Naka short shorts lang ako at simpleng gray t-shirt.

Naglakad lakad ako sa dalampasigan. Malamig pa rin dito sa labas kahit na naka cardigan na ako. Dala dala ko ang cellphone kaya kinuhanan ko ng litrato mula sa dagat hanggang sa mga tents. For memories. Si Yumie dapat ang gumagawa nito dahil siya ang mahilig sa pagpipicture. Isesend ko nalang ito sa kaniya.

Sa kalagitnaan ng pagpipicture ko ay biglang tumawag si Umma. Sinagot ko agad 'yon.

"Yeoboseyo?"

"How are you?"

"Okay lang po..."

"Did you already eat?"

"Yes po."

"How's the trip? Are you safe there? How's the place?" Sunod sunod na tanong niya sa tonong pag-aalala.

"It's all fine, Eomma. Don't worry."

"Okay. How's your brother?"

"Okay naman po."

"Take good care of your brother, Min. And also, don't forget to take good care of yourself, too."

"Okay po..."

"Goodnight," aniya at binaba ang linya. Napabuntong hininga ako at binaba ang cellphone.

Naupo ako sa dalampasigan. Ang sarap maligo ngayon pero nakakalungkot naman na ako lang mag-isa.

Niyakap ko ang tuhod ko. Ilang sandali akong naroroon, tanaw ang dagat. Naririnig ko sa malayo ang mga tanawan ng ibang estudyante. Ang sabi ng mga faculties ay mag checheck daw sila ng mga tent and rooms ng mga estudyante mamaya.

Napapikit ako habang dinadama ang masarap na hangin. Seeeesh.

Ni hindi man niya lang ako pinansin kanina. Gosh. I missed him so much...

Iba talaga sa pakiramdam na kahit pansinin niya lang ako ng isang beses. Na maramdaman kong nandyan pa rin siya kahit hindi naman kami palaging magkasama. Iba pa rin talaga. I wonder how is he feeling right now? O naiisip niya rin kaya ako? Paano niya ako isipin?

Tumayo ako at pinagpagan ang mga buhangin sa damit. That's enough. Gusto ko lang ng masarap na hangin. Wala naman akong kasama rito kaya matutulog nalang ako.

Saktong pagkatalikod ko ay halos mapatalon ako sa gulat. Kumalabog ang puso ko at nawala ang kaninang matinong isip! Hindi ko alam ang gagawin!

"Anong g-ginagawa mo dito?" Taranta kong sabi.

Nakapamulsa siya at seryosong nakatingin sa 'kin. He's wearing a black shorts at simpleng white t-shirt. He's only with his slippers pero kahit ganon, ang hot niya pa ring tingnan.

Hindi siya nagsalita. Mas lalo akong naintimidate sa paraan ng pagtitig niya sa 'kin. Ginawa kong oportunidad 'yon para makaalis sa harap ngunit hindi ko pa siya nalalagpasan ay nahila niya na ang kamay ko pabalik!

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Agad na dumaloy ang elektrisidad. His hand feels so hot and I feel electrified. My goodness, ganito ba talaga?

Agad niya akong sinalampak sa kanyang dibdib. Napapikit ako lalong lalo na nang maamoy ko ang kanyang bango.

Waaaaaah! This is what I need. This is what I want right now.

Bumilis ang paghinga ko. I can also feel and hear his loud beating heart. Mas lalong kumalabog ang puso ko.

"Anong ginawagawa mo?" Pagalit kong sabi. Parang nagkabuhl buhol ang dila ko.

"Hmm?"

Naramdaman kong gumapang ang kanyang mga kamay sa aking baywang, locking me between his arms. He hugged me tightly.

"I'm hugging you..."

Uminit ang pisngi ko at gustong mapangiti. What the? Ano ka ngayon, Sasha!?

"Bakit mo 'ko niyayakap?" Huminga ako ng malalim.

Is this real? Totoo ba 'to? Am I dreaming or what?

"Because I missed my baby..."

WHAT!?

Baby daw!

Ayiiieeeeeeeee.

Hoy, Sasha, kalma lang. Kalma. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Ang OA naman.

Nanatili siyang nakayakap. Ang kanyang ulo ay nakapatong sa aking balikat habang nakatayo lang ako.

"T-Talaga? Miss mo 'ko?"

"Uh-huh..."

"Eh bakit hindi mo ako pinapansin kanina?" Bahagyang tumaas ang boses ko.

"Because I just want to watch you."

Kumunot ang noo ko.

"Gusto mo lang ako tingnan? Ayaw mo akong kausapin, ganon ba?"

"I badly want to talk to you but I'm afraid I won't stop sticking to you if that happens."

"Ano?"

He chuckled. Mas lalong uminit ang pisngi ko.

Kumalas siya sa yakap at tiningnan ako. His eyes twinkled.

"Eh... mukhang masaya ka nga kanina. Siguro kinikilig ka habang tinitingnan yung mga babaeng nakabikini no?" Paratang ko sa kaniya.

Kumunot ang noo niya. Dinilaan niya ang kanyang pang ibabang labi at huminga ng malalim.

"No..."

"Talaga ba? Hindi naman tayo... so pwede mong gawin 'yon. Pwede ko rin naman sigurong gawin-"

"No..."

"Anong no? Pwede kong gawin yun!"

"I said no."

"Hindi naman tayo-"

"I'll court you..."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. The loud beating of my heart is a bit painful. Hindi ko alam na masakit pala kapag sinabi niya 'yon. Masaya pero masakit.

"Can I court you?"

Pasimple akong huminga nang malalim. Is he seriously asking me that? At ano? Papayag ba ako?

"I'll go to your house after this camp and ask your parents if I can court you."

Napasinghap ako.

"Wait... wait," tumawa ako. Hindi ko alam na kaya niya palang gawin 'yon! "Sigurado ka bang ime-meet mo ang mga magulang ko? Liligawan mo pa lang nga ako tapos... pupunta ka agad kina Umma at Appa? Hindi ko nga alam kung... seryoso ka eh..."

Tinitigan niya ako. His eyes were so serious. Tinikom ko ang bibig ko at nag-iwas ng tingin pero tumingin din pabalik.

"I'm serious... What now if I want to meet your parents?"

Napatitig ako sa kaniya. Mula noon, alam kong palagi nga siyang seryoso. I just can't believe na gagawin niya 'yong mga sinabi niya? Kinakabahan ako. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa parents ko o kung may sasabihin ako? Ano ba?

That preoccupied my mind for the rest of the night.

Kinabukasan ay maaga kaming ginising ng mga faculties. Buti nalang dahil nagising kaagad ako. Dali-dali kaming lumabas ng tent. Binigyan kami ng ten minutes para makapag-ayos. Nang matapos kami ay agad kaming kumain ng breakfast sa restaurant. Hindi pa kami pinaliligo dahil mamaya na raw.

Pagkatapos mag breakfast ay agad kaming nagtungo sa dalampisagan dahil may ikalawang activity na raw. Nandito lahat ng mga members ng group namin. Kompleto na rin ang members ng ibang group habang sa amin ay hindi pa. Wala pa si Marx.

Maingay ang mga kagrupo ko. Nakataas na ang araw kaya unti unting nang umiinit. Apat na linya ang ginawa namin. Sa group 1, 2, 3 at 4.

Napatingin ako sa dagat. Wala ni kahit isang naliligo roon. Ang rinig ko ay walang puwedeng maligo sa dagat na 'to dahil nirentahan ng Sky Hexton ang buong lugar. Napakalayo raw kasi ang dagat na pagmamay-ari ng eskwelahan.

Mas lalong nag-ingay ang mga kagrupo ko. Kumalabog ang puso ko nang mamataan si Marx na papalapit sa 'min. He's wearing a white shorts na hanggang tuhod at blue t-shirt. Ang gwapo talaga. Kinagat ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin.

Oh my goodness gracious! Bakit ang unfair? Ang hot rin niya talagang tingnan kahit nakaganyan lang siya. Tumingin ako sa kaniya. Sakto namang nakatingin siya sa'kin. I winked playfully at him.

Napakurap kurap ako. Nakita ko ang unti-unting pag-angat ng gilid ng labi niya. He smiled.

Narinig ko ang bulungan ng mga estudyante. Nakarinig din ako ng mga impit na kilig. He's mine!

Nagsimula na ang ikalawang activity namin. Kailangan naming hanapin ang isang bilog na kakulay ng grupo namin sa buhangin. Sampung bilog 'yon kaya nahirapan pa kaming maghanap. Ilang minuto ang lumipas ay nahanap na ng grupo nina Yumie ang sampu habang kami ay dalawa nalang ang hindi pa nakikita.

Agad kong kinapa kapa ang buhangin. Dapat mahanap namin yung dalawang bilog dahil kung mahuhuli kami ay may punishment kami!

Nanlaki ang mga mata ko nang makapa sa buhangin ang isang bilog. Agad kong kinuha 'yon at napatili. Yes. I got it. I got it!

Sunod naman na activity namin ay sa dagat na!

May nilagay daw sila sa ilalim ng tubiy. Kailangan naming mahanap ang mga 'yon. Isang mabigat at maliit na box ang nilagay nila at kailangan naming mahanap 'yon. Mayroong labing dalawang box sa ilalim ng tubig at paramihan kami ng makukuha. May points din bawat bilang ng laro kaya minabuti naming h'wag magpatalo.

Pumito ang si Sir Kai. Agad na lumusong ang apat na kalalakihan na siyang mga group leader ng bawat grupo. Nagsitilian ang mga babae. Ang mga lalaki naman ay nagsisigawan sa pagka excite.

"Go, Marx!!! Go, bebe Marx!" Sigaw ko at tumalon talon. Napatingin naman ang iba sa'kin pero hindi ko nalang pinansin 'yon.

That's my bebe!

Sunod sunod na pumito si Sir Kai kaya kailangan na naming lumusong lahat. Sinuot ko ang dala kong goggles at tumakbo na sa dagat.

Narinig kong nagsisigawan sa tuwa ang mga estudyante bago ako pumailalim. Napangiti ako nang makita ang maliliit na mga isda na kadalasang makikita sa mga ganito kalalim na dagat.

May mga puting bato akong nakikita. Mayroon ding mga halaman dagat. Mas lalo pa akong lumangoy papalayo nang makita ang unti-unting pagdami ng mga corals and seaweeds.

Nakikita ko sa malayo ang mga estudyanteng naghahanap din. Ang iba naman ay mga paa lang nila ang nakikita ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang maliit na box na may tatak na logo ng Sky Hexton. Dali dali akong  lumapit at kinuha 'yon at sa mabilisang paraan ay inangat ang ulo para makakuha ng hangin.

Bumuka ang bibig ko para makakuha ng hangin. Napahinga ako ng malalim pero gano'n nalang ang gulat ko nang mapagtanto na magkalebel na pala ng leeg ko ang tubig!

Dali dali akong lumangoy pabalik sa dalampasigan para maihatid ang box. Nagsitilian ang ibang kagrupo ko nang makita ang dala ko. Napangiti ako at kaagad na tumalon talon. Nakipag apir ang mga kagrupo ko sa 'kin including, Mary Tan and her bestfriend na mabait but a bit maarte, Khayla Comsio. I know them. Si Mary Tan lang yata ang napalapit sa 'kin noong nasa Special Class pa kami. Khayla Comsio is just silent and shy pero ningingitian niya ako paminsan-minsan.

Masayang masaya ang mga ka team ko dahil sa nakuha naming box. Nakita ko rin si Marx na kaaahon pa lang at may dalang dalawang box.

Ang kaniyang buhok ay bahagyang nakatabon sa kaniyang noo. Tumutulo pa ang tubig dagat mula sa kaniyang buhok. Ang t-shirt niya naman ay dumikit sa kaniyang katawan na dahilan nang paghurma ng anim na abs!

Oh. My. Goodness. Gracious.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Sakto namang may kumalabit sa 'kin.
Pagkalingon ko ay agad kong nakita ang mukha ni Zell at Cherwin.

Medyo lutang pa ako sa nakita pero nang magsalita si Cherwin ay para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"Sasha! Sasha! Si Yumie nakita mo?" Nagpapanic na tanong niya sa 'kin.

Kumunot ang noo ko at kasabay no'n ay ang pag-usbong ng kaba sa aking sistema.

"Ha? Wala. Bakit?"

"Hindi pa siya nakaka-ahon! Hindi namin siya makita sa dagat!" Nag-aalalang usal niya.

Awtomatiko akong napatingin kung nasaan ang mga kagrupo ni Yumie. Napatingin din ako sa dagat at nakita kong ang mabilis na pagsisid ni Axiesse.

Naging mas maingay ang mga estudyante. Ang iba naman ay nagpapanic. Nakita kong tumakbo si Sir Chanyeo. Nagtatakbuhan din ang tatlong lifeguard patungo sa dagat!

Shit!

"Takot 'yon sa dagat! Hindi 'yon paborito ang dagat!" Sabi ko kahit alam kong alam ni Zell 'yon. At saka isa pa, bakit siya lumangoy sa dagat? What the heck? "Hindi 'yon marunong lumangoy!" Pagpatuloy ko.

Ramdam ko ang pag-iba ng ihip ng hangin. Ang mga estudyante ay nagpapanic na rin at nagbubulungan. Unti-unti akong nanlamig at bumuhos sa isip ang mga posibleng mangyari sa araw na 'to.

Hinanap ng mga mata ko si Yumie kahit alam ko naman na posibleng hindi pa siya nakakaahon. Nagkatinginan kami ni Zell. Nagkatanguan kaming dalawa bago kami sabay na tumakbo patungo sa dagat.

Narinig ko ang suway nila sa 'min pero nagpatuloy kami hanggang sa makarating sa dagat.

Malakas ang kabog ng puso ko. Where is she? Hindi 'yon marunong lumangoy! At wala talagang naka assign na lifeguard sa dagat dahil expected na ang lahat ng estudyante na marunong lumangoy! Well... not Yumie.

Nagkahiwalay kami ni Zell. Agad kaming lumusong pa. I searched for her three hundred sixty degrees pero wala akong makita. Mas lalo akong lumayo. I am determined to look for her all day. Kahit magka sunburn pa ako o ano.

Nauubusan na ako ng hangin dahil abot na ng tubig ang ulo ko. Sinubukan kong makakuha ng hangin pero isang hampas ng alon ang sumalubong sa 'kin.

Napapikit ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Lumangoy langoy ako pabalik kahit ramdam na ramdam ko na ang pagkapahod. With all my strength, I swimmed forcefuly just to save my life.

Doble-dobleng kaba ang nararamdamam ko. I know how to swim. I remembered the time that we jumped out of the helicopter and dropped on the sea when we're doing our mission. Malalim ang dagat na 'yon kumpara dito pero nakayanan ko. But this time is different! Hindi ko alam kung bakit. Nawawalan na ako ng enerhiya para lumangoy pabalik. Unti unti ring kumakapos ang hangin. Babalik ako rito. Babalikan ko kung saan man si Naeyumie.

Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang makarating na sa mababaw na parte ng tubig. Hilong hilo ako sa nangyayari.

"Noona!"

Naaninag ko kaagad si Segeon. Hinila niya ako papuntang buhangin. Nanlulumo akong sumalampak sa buhangin.

I didn't find her!

Agad akong pinalibutan ng mga estudyante. Pati na rin nina Sir Kai at iba pa. Nakikita ko sa mga mukha nila ang pag-aalala. Wait! Wait... bakit ganyan sila makatingin? They should look for Yumie!

Napatingin ako sa kabilang banda.  Agad na nag-ingay ang mga estudyante at sina Sir Kai naman ay nagsitakbuhan nang sa wakas ay makita si Yumie.

Nakapikit ang kaniyang mga mata at ang kamay ay nakabitin sa ere habang bitbit bitbit siya ni Klenth galing sa dagat. Nanlaki ang mga mata ko at dali daling napatakbo sa kanila.

Shit!

Pinahiga niya si Yumie sa buhangin. Agad akong lumuhod. Using my palm, I pushed her chest. I performed CPR. While Klenth was about to do mouth to mouth resuscitation, agad na napaubo ng tubig si Yumie.

Nasa gilid ko si Axiesse at Zell, parehong relieved dahil sa nangyari.

"Yumie!" Sigaw ko nang imulat niya ang kaniyang mga mata.

Hinihingal siyang nakahiga, problably tired for what happened.

Galit na galit ang mga faculties dahil sa ginawa naming tatlo. I just didn't mind it because everything is now okay. Nakita na si Yumie. Hindi lang kaibigan namin si Yumie kaya ginawa namin 'yon, malalagot din kami sa oragnisasyon.

"Sasha, where have you been?" Galit na wika ni Axiesse.

Dinala naman nila si Yumie sa clinic. Now this is a mess. The game is ruined. Pero marami pa rin naman games mamaya.

Bago pa ako makasagot ay may malakas na pwersa na ang humila sa 'kin. Kumalabog ang puso ko at halos mawalan ako ng hininga sa nangyari. 

Agad akong sumalampak sa kaniyang dibdib. He's wet and panting so hard. Hinihingal siya at ramdam ko ang kaniyang malakas na hampas ng puso. He hugged me tightly! Hindi na ako makahinga.

Nanliit ang mga mata ni Axiesse habang si Zell ay umalis papuntang clinic. Sumunod naman si Axiesse sa kaniya. Napatingin ang mga tao sa 'kin—sa 'min.

Narinig ko ang mga mahihinang mura ni Marx. Parang kinurot ang puso ko sa nangyari.

Tumutulo pa ang tubig sa kaniyang buhok at sa tingin ko'y kagagaling niya lang sa tubig.

"Don't do that again! I'm so fucking worried!"

Napahinga ako ng malalim. Nagbubulong bulungan ang mga estudyante sa nakita sa 'min. Well...

"You'll receive your punishment once we're back at school."

Hindi ako nagsalita. I lost my words. Wala akong masabi lalong lalo na na alam kong galit siya. Galit na galit na halos saktan niya ako sa yakap niya!

Gusto kong mangiti pero nangingibabaw sa 'kin ang kaba. I made Marx Limmson worried and angry!

Nang magtanghali ay usap usapan pa rin ang nangyari kanina. We didn't finish the game. Kumakain kami ngayon nang biglang tumunog ang cellphone ni Axiesse. Agad niyang sinagot 'yon nang hindi umaalis sa kinauupuan.

Nakatingin kaming tatlo sa kaniya. Sina Arjie at Cherwin ay kumukuha ng kanilang pagkain. Sa kabilang lamesa ay nakaupo ang mga Royalties.  Tuwing magtatama ang paningin namin ni Marx ay ningingitian ko siya pero malamig na tingin lang ng sinusukli siya sa 'kin. He's still mad. Sungit naman. Bibigay din naman 'yan.

Binaba ni Axiesse ang tawag. Napabuntonghininga siya at tumingin sa 'min. With just her expression, my heartbeat went crazy.

"Sino 'yon?" Tanong ko sa kaniya habang unti-unti na akong nilalamon ng kaba.

"Si Madame..." Mahinang sabi niya. What?

Nakatutok kaming tatlo sa kaniya, hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"We only have two weeks left..."

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
1.1M 25.4K 37
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
3.5M 55.8K 27
Revenge is a dish best served cold. "Sleep with one eye open, honey. Your time has come..." - Andrea Montenegro Book cover made by @Lena0209 Note:...
376K 6.6K 136
TOP DEFINITION out·of·my·league | \awt-op-may-lig\ someone you can never be with. someone you have no chance with. someone... unreachable. Epistolary...