Right Here Waiting Ashrald Fa...

By MyanVedad

184K 2.1K 393

More

Right Here Waiting Ashrald Fan Fiction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25A
Chapter 25B
Chapter 25C
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Epilogue
Author's Note
Back At One...

Chapter 21

4.6K 56 9
By MyanVedad

Nagpatuloy ang ganung set-up nila, umaakto ito na parang boyfriend niya. Araw-araw siya nitong pinapadalhan ng bulaklak, araw-araw din siya nitong hatid-sundo, madalas din ang labas nila kasama ang anak nito.  Hinayaan niya itong gawin kung anong gusto nito, tama si Bea, walang masama kung magiging malapit uli sila. Isa pa, masaya siya sa kung ano man meron silang dalawa kahit na hindi niya matukoy kung ano yun. Alam niyang hindi habang buhay ganun ang sitwasyon nila, alam niyang kailangan din itong mabigyang linaw pero sa ngayon hinahayaan niya na muna ang sarili na maging masaya, saka na lang siguro, kapag handa na siya at kapag nakapag-ipon na siya ng lakas ng loob na magtanong dito.

“hello baby girl…” bati nito sa kanya ng makapasok sa loob ng opisina. Lumapit ito saka humalik sa pisngi niya. “baby girl parang mainit ka, okay ka lang ba? Medyo maputla ka rin.” tanong nito saka idinampi ang likod ng palad sa noo niya.

“don’t worry I’m fine, medyo masakit ang ulo ko pero kaya ko pa naman.” Sabi niya saka hinawakan ang kamay nito na nasa noo niya.

“nilalagnat ka eh, uminom ka na ba ng gamot?” nag-aalalang tanong nito.

 “oo kanina, saka ano ka ba wala to, okay lang ako” sabi niya saka pinisil ang kamay nito.

 “sure?”

“yes…si Cobbe nga pala sinundo kanina ni Kuya Don, akala ko nga hindi mo rin ako masusundo, sasabay na nga lang sana ako kay Bea eh…”

Hinapit siya nito sa bewang. “pwede ba naman yun eh special day mo ngayon…” may kinuha ito sa bulsa, isang kahon, pahaba ito kaya hindi pa man nito iyon nabubuksan may ideya na siya kung anong laman nito. Binuksan nito ang kahon, nakita niya ang isang diamond bracelet. Nilabas nito iyon saka sinuot sa kamay niya.  “Happy Birthday baby girl…” bati nito sa kanya.

Hindi siya makapagsalita, alam niyang hindi basta-basta ang presyo ng bracelet na niregalo nito. “Ge, masyado naman ata tong—“

“shhh…” putol nito sa sasabihin niya. “that’s yours, binili ko talaga yan para sayo and don’t you dare give it back to me kasi talagang magtatampo ako…” may pagtatampong sabi nito.

“naman oh!!!” Yumakap siya dito. “thank you!!!”

“hmmm…sarap naman!!! Hug lang? kiss wala?”

“kiss?” tanong niya dito, tumango naman ito. Kumalas siya sa pagkakayakap nito saka mabilis itong hinalikan sa pisngi.

“Dito pa.” turo nito sa kabilang pisngi, pinagbigyan niya naman ito. “eh dito wala?” tanong nito sabay pout ng lips.

“saan?”

“dito oh!!!” turo nito sa labi.

“abusado ka ahh…” sabi niya sabay hampas sa braso nito. “saka nilalagnat ako diba, mamaya mahawa ka pa…”

“hmmmp...sige na nga hug na lang ulit.” Sabay yakap sa kanya “Tara…” yaya nito habang yakap-yakap pa rin siya.

“saan?”

“sa easthwood, dinner tayo kaya mo pa ba? Kasi kung medyo masama yang pakiramdam mo pwede naman tayong bumili na lang ng pagkain then dun na lang tayo sa bahay mo.”

Sasagot na sana siya nang biglang may tumawag sa kanya.

“GANDA!!!”

Lumingon siya sa may pinto. Napangiti siya nang makita kung sino ito.

Gerald’s POV

“Harry!!!” sigaw nito. Kumalas ito sa pagkakayakap niya at mabilis na tumakbo papunta dito saka mahigpit na yumakap. “Na miss kita!!!” sabi pa nito.

Bigla naman siyang nainis ng malaman kung sino ang lalakeng yakap nito. “siya pala ang Harry!!! hmmm…gwapo siya, matangkad saka mestiso pero kung pagwapuhan rin lang naman ang pag-uusapan di hamak naman na mas gwapo ako diyan, tama Gerald huwag kang papatalo diyan kasi mas gwapo ka diyan” pagpapalakas loob niya sa sarili.

“I miss you too…” narinig niyang sabi nito sa dalaga. “Ganda mainit ka…” saka sinipat ang leeg at noo nito. Hindi na siya nakatiis, lumapit na siya sa mga ito saka hinapit sa bewang ang dalaga.

“nilalagnat nga pare eh kaya huwag kang yakap ng yakap baka hindi na siya nakakahinga ng maayos…” sabi niya sabay tulak dito.

“Ayyy!!! Ba’t mo ginawa yun?” galit na tanong sa kanya ng dalaga. Muntik na kasing matumba ang kaibigan nito dahil sa lakas ng pagkakatulak niya.

“lampa pala yang Harry na yan eh…” mahinang sabi niya.

“anong sabi mo?” tanong ulit nito sa kanya.

“ano? Ako may sinasabi? Wala noh…”

“wala ba? Parang meron eh…teka nga lang, ano Harry okay ka lang ba?” tanong nito sa binata, lalapit sana ito dito pero hindi nito iyon nagawa dahil hinigpitan niya ang pagkakahawak sa bewang nito.

“okay lang yan, okay ka lang naman diba Bro?”

“oh yeah, yeah. I’m fine.” Sagot nito. “Wait, is he--?” tanong nito kay Sarah sabay turo sa kanya, nakita niyang tumango ang dalaga. “Hi Bro! I’m Harry…” nakangiting sabi nito sabay lahad ng kamay.

“pffft…hi-hi ka diyan, close tayo?” bulong niya sa sarili. Tiningnan niya lang ang kamay nito.

“GERALD!!!” saway sa kanya ng dalaga saka tiningnan siya ng masama.

Huminga siya ng malalim saka tinanggap ang kamay nito. “Gerald pare, Gerald!!!”

“Nice meeting you Gerald!!!”

“sayo nice sakin hindi!!!” sabi niya sa sarili. Ngumiti na lang siya ng pilit, saka humarap kay Sarah. “Baby Girl dun muna tayo para makaupo ka.” Sabi niya sabay turo sa couch.

“ay oo nga naman, kanina pa tayo dito nakatayo. Tara Harry upo muna tayo.” Yaya nito kay Harry, sumunod naman ito sa kanila.

“Bro pwede usog ka dun uupo ako eh.”

“ha? malawak naman dun sa kabila ahh…”

“ano kasi, hindi ako sanay sa tabi mas sanay akong nasa gitna” sabi niya saka pilit na umupo sa gitna ng dalawa.

“Gerald ano ba? Ang lawak-lawak nitong upuan sumisiksik ka diyan.” Tumayo ito saka kinuha yung monoblock dun sa tabi at dun umupo. “yan diyan kayong dalawa, dito ako” sabi nito. Napakamot siya sa ulo. “Nga pala, kelan ka pa dumating?” tanong nito kay Harry.

“kaninang umaga lang, nagpahinga lang akong konti tapos punta na dito.”

“Naman oh, atat lang? namiss mo noh??? ” nakangiting sabi nito.

“syempre naman…” nakangiting sagot din nito.

“magkaibigan lang ba talaga tong dalawang to? Eh bakit ang sweet? Nakakainis kang lalake ka ahh tadyakan kaya kita…” bulong ni Gerald sa sarili.

“diba next week pa ang uwi mo? Ba’t napa aga ata?” tanong dito ni Sarah.

“oo nga Bro! ba’t umuwi ka na? dapat hindi ka na umuwi eh. Balik ka na dun at huwag ka ng umuwi panira ka lang eh…” singit niya. Tiningnan siya ng masama ng dalaga. “hindi baby girl, ang gusto kong sabihin, dapat hindi na muna siya umuwi lalo na kung may importante pa siya gagawin, masisira siya niya eh.” Palusot niya.

“okay lang Bro wala na naman akong importanteng gagawin dun.” Sabi nito sa kanya “Saka diba napaaga yung alis ko? kaya ayun napaaga din yung uwi ko. At isa pa, pinilit ko talagang makauwi ng maaga kasi gusto ko nandito ako pag Birthday mo. ” Sabi nito sabay pisil ng ilong ng dalaga.

“aba’t loko to ahh, hoy ako lang ang dapat gumawa niyan sa baby girl ko…”

“kahit na nagtatampo ako sayo kasi kinalimutan at inindian mo ako nung Birthday ko.” patuloy pa nito.

“Ito naman, sorry na, alam mo naman yung reason diba? Saka babawi ako promise.”malambing na sabi nito dito. Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili kahit na nga sa totoo lang kanina pa siya naiinis sa nakikitang sweetness ng dalawa.

“Sige na, sige na…alam mo namang hindi kita kayang tiisin eh.” sabi nito. “Happy Birthday!!!” saka inabot yung regalong hawak-hawak nito.

“naman…para sakin pala to” sabi nito habang binubuksan ang regalo. “akala ko para kay— wow Harry ang tagal ko ng naghahanap ng librong to pero hindi ako makakuha kasi lagi akong nauunahan.” masayang sabi nito, tumayo ito para sana yakapin ang binata pero mabilis niya itong napigilan. “Bakit?” tanong nito sa kanya.

“ano kasi baby girl, ahhh…baka mahawahan mo siya.”

“ay oo nga pala…basta Harry Thank you ha, thank you talaga.”

“your welcome my Princess. O ano? Birthday mo ngayon manlibre ka naman, dinner tayo?”

“yeah sure, tutal nagyayaya rin naman tong isa sama na rin kayo samin. Sama na natin sila ha.” sabi nito sa kanya.

“hindi pwede baby girl, pinauwi ko na nga si Cobbe para masolo kita pakatapos isasama mo yang asungot na yan. Hindi ako papayag.” Gusto niya sanang sabihin pero hindi niya nagawa sa halip umuo na lang siya. Bigla namang dumating si Bea. Lumapit si Harry dito saka hinapit sa bewang. Medyo naguluhan siya sa nakita niya.

“Honey, hindi mo pala dala yung kotse mo?” tanong ni Bea dito.

“Hindi Hon eh, medyo inaantok pa kasi ako kanina kaya nag taxi na lang ako. Dala mo naman kotse mo diba? Yun na lang gamitin natin, ako na lang ang mag dadrive.” Sagot nito.

 “Wait!!!” singit niya. “naguguluhan ako eh, ba’t Honey tawag mo sa kanya? Saka bakit ang sweet niyo? ano mo ba siya?” tanong niya kay Bea, pero si Harry ang sumagot.

“She’s my fiancee, Why?” tanong sa kanya ni Harry.

“fiancee mo na pala si Bea? Eh bakit nanliligaw ka pa kay Sarah?” tanong niya dito. Bumunghalit naman ng tawa ang tatlo. “may nakakatawa ba sa tanong ko?” tanong niya sa sarili.

“grabe ka Bro! ako? Manliligaw diyan? Are you crazy? Bakit ko naman liligawan ang PINSAN ko?”

“pi-pinsan? Pinsan mo siya? As in cousin?” tanong niya ulit.

“yes, tha’t true.  Hindi ko lang siya kaibigan pinsan ko rin siya.” natatawang sagot sa kanya ni Sarah. “nakalimutan ko palang sabihin sayo, siya ang anak ni Tita Helen, yung bunsong kapatid ni Daddy. Siya yung palaging kasama namin ni ate sa mga pictures” Patuloy pa nito.  Bigla siyang namula dahil sa nalaman niya.

“My God Bro! kaya pala kanina ko pa napapansin yang mga titig mo sakin parang gusto mo na akong patayin. Kaya rin pala halos ayaw mo akong palapitin sa pinsan ko kasi.” Nag pause ito sandali. “nagseselos ka, kasi akala mo may namamagitan samin ng pinsan ko.” natatawang dagdag pa nito.

“Naku Harry tama na nga yan, namumula na ang tenga nito oh.” Sabi ni Sarah sabay turo ng tenga niya. “tara na nga, anong hinihintay natin dito? Pasko? Aba nagugutom na ako…” yaya nito sa kanila.

Kumain silang apat sa Easthwood pero dahil nga masama ang pakiramdam nito nag desisyon silang umuwi na rin agad pakatapos.

“baby girl, sigurado ka bang okay ka lang?” tanong niya dito habang nasa sasakyan sila, napansin niya kasing medyo nanginginig ito.

“ha? ahh o-oo okay lang ako, medyo nilalamig lang. Hinaan mo kaya yung aircon mo.” Sabi nito sa kanya.

Napailing siya, hininto niya ang sasakyan sabay hubad ang suot-suot na coat saka ipinatong iyon sa katawan nito. “pano ko isasara ang aircon eh hindi ko naman yun binuksan…” sabi niya habang chinicheck ang temperature nito. “naku baby girl ang taas ng lagnat mo ahh, dalhin na kaya kita sa Ospital.” Nag-aalalang sabi niya dito.

“Ospital? ayoko, ayoko dun. Lalo lang akong magkakasakit dun eh saka ano ka ba lagnat lang dadalhin mo ako agad sa Ospital? ihatid mo na lang ako sa bahay, pahinga lang ang katapat nito.” Matamlay na sabi nito sa kanya.

“but—“

“ihahatid mo ba ako o hindi? Kasi kung ipipilit mong dalhin ako sa ospital baba na lang ako dito kaya ko namang mag taxi pauwi.” Pananakot nito sa kanya. Wala siyang nagawa pinaandar niya na ang kotse papunta sa bahay nito, kilala niya ito siguradong tototohanin nito ang sinabi kung sakaling ipagpipilitan niya pa ang gusto niya. After 30 minutes nakarating na rin sila sa bahay nito.

“kaya pala biglang tumahimik kasi tulog na” mahinang sabi niya. Hindi niya muna ito ginising, hinayaan niya muna ang sarili na mapagmasdan ito ng mabuti. Napansin niyang medyo hirap ito sa paghinga. Lumapit siya para sana gisinging ito pero nagulat siya nang maramdaman ang init ng katawan nito. “My God Baby Girl, inaapoy ka ng lagnat.” Natatarantang sabi niya. Kinuha niya ang bag nito saka hinanap ang susi ng bahay. Binuhat niya na ito hanggang sa kwarto saka marahang ihiniga sa kama. “Para naman kami nitong bagong kasal” napangiti siya sa naisip. “ano ba Gerald, may sakit na nga yung tao kung ano-ano pang pumapasok diyan sa isip mo.” Sermon niya sa sarili.

Nakita niya itong bumangon. “hi-hindi ako makahinga…” sabi nito habang hinihimas ang tapat ng dibdib. Bigla siyang nataranta sa sinabi nito.

“ano? Anong hindi ka makahinga? Baby girl naman huwag mo naman akong takutin ng ganyan” natatarantang sabi niya dito.

“I, I can’t breath…” hirap na sabi ulit nito na mas lalong namang nakapataranta sa kanya. Hindi niya alam kung anong gagawin nang bigla niyang maalala ang nakitang inhaler sa bag nito kanina. Kinuha niya iyon saka mabilis na inabot dito. Maya-maya pa unti-unti ng umaayos ang paghinga nito.

Napansin niyang nanginginig pa rin ito. “baby girl hubarin natin yang blazer mo para makahiga ka ng maayos” paalam niya dito, tumango lang ito. “Kasi naman sabi ko sayo dalhin na kita sa Ospital ang tigas naman ng ulo mo.” Sermon niya dito, habang tinutulungan itong makahiga. “tingnan mo tuloy, inaapoy ka na ng lagnat. Magkakasakit ako sa puso nito eh…” Patuloy niya. Hindi nagtagal nakatulog na ulit ito.

Hinubad niya ang sapatos nito saka sinimulang punasan ng basang bimpo ang noo, leeg at braso nito hanggang bumaba ang lagnat nito. “I love you!!!” nakapikit na sabi nito.

Napangiti siya sa narinig niya, hinaplos niya ang pisngi nito. “Mas mahal kita, mahal na mahal” sabi niya saka mabilis itong hinalikan sa noo. 

Sarah’s POV

“kawawa naman ang baby boy ko, napuyat ng dahil sakin” sabi niya sa sarili habang pinagmamasdan ang binatang natutulog. Alam niyang hindi ito komportable sa ayos nito, nakaupo lang kasi ito sa isang upuan habang ang ulo’y nakasubsob sa kama at ang isang kamay nito’y hawak-hawak ang kamay niya.

Bigla niyang naalala ang napanaginipan kagabi. “kung sana totoo lang yun. Kung sana hindi lang yun isang panaginip. Sabihin mo lang Gerald, sabihin mo lang na mahal mo pa rin ako. Handa akong tanggapin ka, handa akong tanggapin ka ng buong-buo, handa akong kalimutan ang lahat, hindi mo na kakailanganin pang magpaliwanag. Ganun kita kamahal pero kelan kaya yun? Kelan mo kaya sasabihin na mahal mo pa rin ako? Masasabi mo pa nga kaya?” tanong niya habang hinihimas ang kamay nitong nakahawak pa rin sa kanya. Bigla naman itong nagising.

“hmmm…baby girl gising ka na pala.” Sabi nito habang humihikab. “kumusta pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin? Hindi ka ba nahihirapan sa paghinga? Ano? ” sunod-sunod na tanong nito sa kanya.

Napangiti siya, “nahihilo ako…”

“nahihilo ka?” nag-aalalang tanong nito.

Natawa siya sa reaksiyon nito. “nahilo ako…” saka kunwaring hinimas ang sentido. “nahilo ako sa dami ng tanong mo, pwede ba isa-isa lang. hindi ko po kaya, kayang sagutin lahat ng yun ng sabay-sabay.”

“baby girl naman eh…” reklamo nito sa kanya. “nakuha mo pang magbiro, alam mo bang halos mamatay na ako sa pag-aalala sayo kagabi.” Seryosong sabi nito sa kanya.

“Sorry naman, masyado ka kasing seryoso.” Sabi niya sabay pisil ng pisngi nito. “Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay tingnan mo nga oh okay na okay na ako”

“pfft…yan ka na naman ng okay na yan eh…” sabi nito sa kanya. “tingnan ko nga kung magaling ka na talaga.” Sabi nito saka kiniliti siya sa tagiliran.

“ayyy!!!” tili niya “Gerald ano ba nakikiliti ako. Tama na hoy…” sigaw niya. Tumigil naman ito kaagad.

“Magaling ka na nga, ang lakas na ng tili mo.”

“at kelan pa naging thermometer ang tili?”

“ngayon lang…” nakangiting sabi nito “check ko nga ulit kung talagang magaling ka na.” sabi ulit nito sabay kiliti sa kanya.

“Ge!!!!! Stooooooooop!!!!! Hahahaha…..tama naaaaaaaaaaaaaaa!!!!”

“hindi ko macheck eh, check ko nga dito…” sabay kiliti sa tuhod niya.

“hahaha….tama naaaaaaaaa…ayoko naaaaaaaaa….” Awat niya dito habang pilit na tinatanggal ang kamay nito sa tuhod niya, sa kakaiwas niya biglang tumama yung ulo niya sa head board ng kama. “arayyyy!!!!”sigaw niya. Umupo siya saka hinawakan ang ulong nauntog.

“oh!!! Sorry baby girl…” lumapit ito sa kanya. “Sorry…pa tingin nga… masakit ba? alam ko na kiss ko nalang para mawala ang sakit.” Saka humalik sa ulo niya. Yes, it’s just a simple gesture pero bakit hindi niya mapigilan ang sarili na hindi kiligin sa ginawa nito.

Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito. “daddy???” biro niya.

“yes mommy???” ganting biro nito sa kanya. Hinampas niya ito sa braso.

“wait? Tama ba yang relo mo?”

“yes, why???”

“oh my God! bakit hindi mo sinabi? Kailangan ko ng mag ayos ma lilate na ako.” Tatayo na sana siya pero pinigilan siya nito.

“oops…anong gagawin mo? Saan ka pupunta?”

“Ge, Thursday ngayon, may pasok ako.” Sabi niya saka dali-daling tumayo. Nagulat siya nang bigla na lang siya nitong buhatin. “ayyy!!!ano ba ibaba mo ako.”

“you think papayagan kitang pumasok today? No way!!! Papano kung mabinat ka? Saka hindi ka pa naman talaga totally magaling, may sinat ka pa nga eh…”

“magaling na nga ako ano ka ba, ibaba mo na ako…”

“No!!! hindi ka papasok huwag ng matigas ang ulo, para sayo rin naman to.” Pagmamatigas nito.

“Gerald naman eh....kaya ko na nga sab--"

"no you won't, and that's final..." matigas na sabi nito.

"o-oo na, oo na sige na. hindi naman ako mananalo sayo eh…sige na baba mo na ako.” Sabi niya ng hindi tumitingin dito.

Napansin siguro nito na hindi siya makatingin ng maayos kaya inilapit nito ang mukha sa kanya. “ayoko…tingin ka muna sa kin…”

“huh? Ayoko nga….baba mo na ako…”

“I won’t…look me in the eye first…”

“ayaw!!!”

Bumulong ito sa kanya. “5 seconds lang.”

“hmmm….ayaw…” nahihiyang sabi niya sabay hilig sa dibdib at takip ng mata nito. Nakatalikod sila sa may pinto kaya kung titingnan mo sa malayo mapapagkamalan mong naghahalikan ang dalawa. Nasa ganung posisyon sila ng biglang may magsalita.

“OH MY GOD!!! WHAT IS THE MEANING OF THIS???”

Continue Reading

You'll Also Like

19K 321 5
"We're all damaged in our own ways. Nobody's perfect---Like I am." Kiarra Tyson, the girl everyone admires.. "The HEIRESS" The girl who is an epitome...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
43.3K 2.3K 49
sa loob ng limang taon, unti-unting nagbabago ang mga buhay nila. pero ang pagmamahal na nabuo noong nakaraang limang taon ay nanatiling nakatago sa...
Terrified By Leo

Mystery / Thriller

3.6K 149 28
Damon grew up living in fear of darkness, it was his worst childhood experience that brought him into trauma up to his life today. Not until, he met...