So Into You

By tokkibih

19.5K 704 153

WARNING: 18+ (SPG) "Pakawalan mo na ako please..." "Hindi! Dito ka lang! Akin ka lang!" "Hindi na kita kilal... More

PROLOGUE
SO INTO YOU
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
TEASER
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41

KABANATA 8

462 14 3
By tokkibih






Sa wakas at natapos rin!


Halos ilang araw rin silang nakikigamit nang banyo sa bahay nila Aling Lucy dahil hindi pa natatapos ayusin ang banyo nila, kaya ngayon ay natapos na pwede na nila gamitin ang bagong gawa na banyo nila.

Halos kinumpleto ni Elmo ang paggawa nang banyo nila. Hindi na rin nila kinailangan mag igib mula sa poso dahil nakadirekta na ang tubig nila sa loob banyo.


At naglagay pa ang lalaki nang shower.



O diba bongga!



Ngiting ngiti siya habang hawak ang kanyang cellphone. Itetext niya si asungot at magpapasalamat ulit siya rito.



"Asungot, maraming salamat talaga. Tapos na yung banyo na pinagawa mo.😊"



Hinintay naman niya ang reply nang lalaki sa kanya.


Halos kakatapos lang rin nila maglinis nang mga kalat mula sa banyo hanggang sa loob ng bahay nila.


Medyo napagod sila kaya nakatulog agad ang dalawa habang siya naman ay naka upo lang sa may sala nila.


Tumunog naman ang cellphone niya at binuksan ang message ng lalaki sa kanya.


"Welcome."


Nainis naman siya bigla sa text nito.


Bakit ang ikli? At walang emoji! Hindi ba siya marunong gumamit nun? Argh!


"😠😠😠😠😠
😡😡😡😡😡."



Sa inis niya puro galit na emoji ang nireply niya dito.


"Oh bakit galit ka na naman?"

Reply ni asungot.



Grrr! Naiinis talaga siya.


"Eh wala ka kasing emoji kapag nagtetext ka sa akin. Hindi ko alam kung galit ka ba o hindi.😢"


Isip bata na siguro siya pero ganun talaga siya kapag may katext. Mabilis siyang mainis kapag sobrang ikli nang text tapos wala pang emoji.

Kaya kapag nagtetext sila Juana at Serena sa kanya laging mahaba at may smiling face sa dulo :)


Ang arte ko diba hehe.


"HAHAHA Yun lang ba?"


O kitams pinagtawanan pa siya. Asungot talaga!


"😨😲😧😧
🚽🤢🤢🤢
💩💩💩💀"


Bakit ganun ang text sa kanya nang lalaki?


"Anong ibig sabihin nang text mo asungot? 🤔"


Mabilis naman nag reply sa kanya ang lalaki.


"Tumatae ako ngayon kaya..

😨😲😧😧
🚽🤢🤢🤢
💩💩💩💀

Sabi mo kasi lagyan ko ng emojis eh. "


Napakabastos talaga nang asungot na to. Sabi ko lang, lagyan niya nang emoji yung text niya hindi yung iku-kwento niya pa yung pagdumi niya.


"Ewan ko sayo hindi na nga kita itetext. Lagi mo na lang ako inaasar hmp!😡"

Kahit sa text mapang asar pa rin ang lalaki.


Tumunog ulit ang cellphone niya.


"Sorry na, joke lang yun! 😂"


Hindi na niya nireplyan ang lalaki. Wala katapusang asaran na naman kapag itinuloy niya pa makipagtext dito.


Maliligo na lang muna siya dahil kanina pa siya nilalagkit at para mabinyagan na rin niya ang bagong gawa na banyo nila.


Itatago na sana niya ang phone niya nang magtext ulit si asungot.


"😍😍😍😍😍
Ganyan ang mga mata ko kapag nakikita kita."


Simpleng text lang yun pero iba ang pakiramdam na dulot sa kanya.


Kinilig siya!


Siguradong namumula na siya ngayon.


Bwiset na asungot na yun, hindi niya alam kung joke lang ba yun o hindi.


Hmp! Bahala siya!


Pero sa loob loob niya, kinikilig talaga siya.


Haaaay...


Iba din magpakilig tong si asungot.



——



"Happy anniversary!!!!"


Masayang nagsigawan at nagpalakpakan ang mga bata.


"At dahil diyan, kainan na!" masayang sigaw naman ni Juana.


"Yehey!!!!"


Nasa isang bahay ampunan sila ngayon kung saan sine-celebrate nila ang anniversary nito.


Naging malapit sa kanilang magkakaibigan ang bahay ampunan, kung ang tawagin ay ang Bahay ni Lola Felice.


Si Lola Felice ang unang nagtaguyod nito marami na rin siyang natulungan na kabataan noon mapahanggang ngayon na kahit na wala na siya ay patuloy pa rin ito sa pagtulong nang mga kabataan.

Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit niya nakilala si Juana at Serena.

Halos magkakapareho lang nang naman ang kwento nila sa buhay, parehong wala nang mga magulang.


Mga ulilang lubos..

Ang mga yumaong magulang nila ay isa sa mga tumutulong noon dito sa Bahay ni Lola Felicia.


Natatandaan niya pa noong bata pa siya ay lagi sila nagpupunta ng Nanay rito, kaya naging pamilyar na rin sa kanya ang lugar.

Hanggang sa lumaki na siya, ipinagpatuloy niya ang ginagawa nang kanyang Nanay noon kahit na wala siyang sapat na kinikita ngayon, ginagawa niya ang lahat para lang matustusan ang mga pangangailangan ng mga bata rito.


Ito na lang kasi ang kaisa isang bahay ampunan sa bayan nila na mukhang manganganib pang mawala...

Malapit kasi sa dagat itong bahay kaya marami ang nagkakainteres na kuhanin ito at pagtayuan nang isang malaking resort.


At ayun ang hindi niya hahayaang mangyari.



"Ate ganda.."


Bumalik siya sa reyalidad ng marinig ang isang tawag.


"Ano yun Mico?"

Ngumiti ang bata sa kanya at saka inabot sa kanya ang isang sandwich.

"Para po sayo Ate Ganda. Gift ko po sayo yan."

Nakangiting kinuha naman niya ang hawak hawak nang bata.

"Salamat Mico."


"Yung promise ko po sa inyo na kapag lumaki na ako liligawan kita, hihintayin mo naman ako diba ate ganda?"

Natawa naman siya sa sinabi nito. Lagi kasi siya kinukulit nito kapag dumadalaw sila rito.

Crush na crush raw siya nito.


"Oo naman hihintayin kita lumaki Mico." natatawang sagot naman niya rito.


"Yehey! I love you ate ganda!" tuwang tuwa na sabi nito at saka ito nagtatakbong bumalik sa pwesto kung nasaan ang mga kaibigan nito.


Bumalik naman siya sa kanyang ginagawa at inasikaso na ang mga batang tuwang tuwa na kumakain.

Busy rin sila Juana at Serena na nagpapakain nang mga bata.

Taon taon talaga ito ang ginagawa nila, parang naging tradisyon na rin nilang tatlo ito.



"Harujusko napaka gwapong bata!"



"Naku binatang binata na talaga siya!"


Napakunot ang noo niya nang marinig ang mga Lolang nag uusap sa harapan ng pintuan ng bahay.


Mukhang may tinitignan ang mga ito sa labas.


Natatawang napailing na lang siya..


Mga Lola talaga o!


Babalik na sana siya sa kusina para dalhin ang mga platong nagamit na, nang biglang tinawag siya ni Juana.


"Sis, bitawan mo muna hawak mo. Nandiyan na si Mayor." sabi ni Juana sa kanya.


Nagtataka naman siyang tumingin rito.


Ha? Anong ginagawa niya dito.



"Sis, hinahanap ka niya kanina pa. Tinatawagan ka niya raw pero hindi mo daw sinasagot yung tawag niya. Sa akin siya tumawag kanina tapos sinabi kong nandito tayo ngayon." paliwanag ni Juana sa kanya.


Sinagot na agad nito kung ano ang nasa isip niya.


At bakit pa siya pumunta dito? Siguradong kukulitin lang siya nang asungot na yun.


"Magandang hapon po." bati nang lalaki sa mga Lola nang makapasok na ito sa bahay.


Tuwang tuwa naman kinamayan nang mga Lola ang lalaki na para bang isa itong artista.


"Mabuti at napadalaw ka dito Hijo." rinig niyang sabi nang isang matanda dito.


Hindi na niya hinintay sumagot ang lalaki at tumuloy na siya sa kusina at dinala na niya ang mga platong hawak hawak niya.


Huhugasan na niya ang mga ito at siguradong matatambakan pa sila nang maraming huhugasin mamaya.

Bahala na muna sila Juana kausapin ang asungot na yun.

Busy siya ngayon at wala siyang oras makipagkulitan sa lalaking yun.


Ayun lang naman ang gagawin nun sa kanya, aasarin lang siya nang aasarin.



Sinimulan na niya maghugas nang plato nang biglang maramdaman may humihinga malapit banda sa may tainga niya.

"Hi.."


Muntik na niya mabitawan ang hawak na plato dahil sa pagkagulat.


Narinig naman niyang tumawa ang lalaki.


Sabi na nga ba eh! Hindi talaga siya titigilan nang asungot na to!


"Ano ka ba naman! Muntik ko na mabitawan yung plato! Wag ka nga nanggugulat diyan!" inis na sabi niya.


"Ang sungit mo naman. Meron ka ba ngayon?" natatawang tanong nito sa kanya.

"Ewan ko sayo! Umalis ka na nga dito kung aasarin mo lang ako!" sigaw niya sa lalaki.

Tawang tawa naman ito sa kanya na lalo ikinainis niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Hindi ka ba busy sa pangangampanya?" inis na tanong niya rito.

"Hinayaan ko na lang si Dad mag asikaso sa pangangampanya ko at isa pa gusto ko kita makita kaya ako ngayon nandito." sagot naman nito sa kanya.

Nag init bigla ang pisngi niya sa huling sinabi nito pero iwinaksi na lang niya sa kanya isipan ang sinabi nito.

"At talagang ang daddy mo pa ang pinagaasikaso mo sa pagtakbo mo, kawawa talaga ang bayan na to kapag ikaw ang nanalong mayor tsk tsk." aniya rito

Nagkibit balikat na lang ang lalaki sa kanya.



"Ate Ganda?"


Napatingin naman siya agad sa tawag ni Mico.


"Sino po siya?" tanong ng bata sa kanya habang masamang nakatingin sa lalaki.


HAHAHA cute niya!


Napatingin naman siya sa lalaki na ngayon ay nakangisi na sa bata.

Naku mukhang papatulan pa ang bata.


"Ah wala lang siya, wag mo na lang siya pansinin." sagot niya rito.


"Anong wala lang ako?" reklamo ng lalaki sa kanya, hindi naman niya pinansin ito.


"Boyfriend mo ba siya ate ganda?" tanong sa kanya ni Mico na mukhang malapit ng umiyak.


"Hindi ko siya boyfriend—"


"Oo, boyfriend niya ko bakit?" singit naman nang lalaki.


Sinamaan niya ito nang tingin.


"Ano ka ba wag mo nga lokohin yung bata." sita niya rito.

Nginisihan lang siya nito.


Naku talaga patola rin pala sa bata tong si asungot tsk!


"Kung boyfriend ka nga ni Ate Ganda, labanan mo ko sa chess. Kapag natalo mo ako maniniwala na ako sa sinasabi mo." paghahamon ng bata sa lalaki.


Muntik na siyang matawa dahil sa hitsura nang bata.


"Ako pa talaga hinamon mo sa ganyan." pagmamayabang naman ng lalaki.


Napapailing na lang siya rito.


"Tara na at makita na natin kung sino ang magaling sa atin." sabi pa nang lalaki.


Hay naku!

Napaikot na lang ang mata niya sa inaakto nang lalaki.


"Pero bago ako makipaglaban sayo kuya na malaki ang eyebags."


Bigla siyang natawa nang marinig ang sinabi ng bata.


Sumimangot naman ang lalaki rito.


Haha pikon si asungot!


"Meron muna akong sasabihin kay Ate Ganda." biglang ngumisi ang bata sa lalaki at saka ito tumingin sa kanya.



"Ate Ganda pwede ka bang yumuko para maabot kita." sabi ng bata sa kanya.


Nakangiting yumuko naman siya sa harapan nito.

Siguradong may ibubulong ang bata sa kanya.


"Anong sasabihin mo sa akin Mico?" tanong niya sa bata.


Sa pag aakalang may ibubulong ang bata sa kanya, laking gulat niya ng bigla siyang halikan ng bata sa labi.



"Hoy bata!!!"


Nabigla siya nang sigawan ni Elmo ang bata.


Ngumisi naman ang bata rito at may pagdila pa sa lalaki.


"Abat inaasar mo pa ako ha!"


Mabilis naman tumakbo palabas ang bata nang biglang habulin ito nang lalaki.


Napahawak naman siya sa kanyang labi at napahagikgik na lang siya.


Nanakawan pa siya ng halik nang isang bata.




Hihihi..




——



Nang matapos ang mga gawain niya, nagpasiya siyang maglakad lakad muna sa may dalampasigan.

Ito ang pinaka gusto niyang parte nang bahay ampunan dahil payapa niyang napapanood ang paglubog ng araw.


Bigla siyang natawa nang biglang maalala ang hitsura ni Elmo bago siya lumabas ng bahay.


Sobrang seryoso nito habang nakikipaglaban ng chess kay Mico. Mukhang enjoy na enjoy naman siya rito, ayun nga lang may pagkapikon ang lalaki.


Ilang beses siya nito sinabihan na punasan ang labi ko.


Naiinis daw ito sa ginawa ni Mico, hindi raw dapat ginagawa nang bata ang paghalik sa mga matatanda, pangit raw tingnan.


Hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito at siguradong mauuwi na naman sila sa pagtatalo.


Wala naman masama sa paghalik sa kanya ni Mico, bata lang naman yun kaya okay lang naman sa kanya.


Ewan ba niya sa asungot na yun, pikunin lang talaga siya.



"Nandito ka lang pala."


Napalingon siya nang may magsalita sa likuran niya.


Napangisi siya nang makita ang nakasimangot na hitsura nang lalaki.


"Ano natalo ka ba ni Mico sa chess?" natatawang tanong niya sa lalaki.


"No, natalo ko siya. Ako pa ba matatalo sa chess?" sabay ngisi nang lalaki sa kanya.


Tsk mayabang talaga.


Nang bigla siyang natawa nang maalala na naman yung eksena nila kanina sa kusina.


"Anong naman ang nakakatawa ha?"

Napaismid naman siya sa tanong nang lalaki.

"Wala, naalala ko lang yung kanina. Akalaing mong magiging first kiss ko pala ay sa isang bata. Nakakatawa lang." natatawang sabi niya rito.


Dumaan naman bigla ang katahimikan sa kanila matapos niyang sabihin yun.


Pareho lang silang nakatayo sa dalampasigan at nakatingin sa paglubog ng araw.



"That wasnt even a kiss.." rinig niyang bulong nang lalaki.


"Ha? Anong sabi mo? Pakitagalog please." aniya rito.


Humarap ang lalaki sa kanya at dahan dahan itong lumapit sa kanya.


Napakunot ang noo niya habang nakakatitig sa lalaki.


"This is a real kiss.." sabi pa nito.



Nang bigla siyang halikan nito sa labi.


OMG!!!

Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nang lalaki, hindi siya makagalaw.


"Elmo uhm—"

Humiwalay sa pagkakahalik sa kanya ang lalaki at idinantay ang noo nito sa kanya.


Sobrang lakas nang kabog ng dibdib niya ngayon.


Hinawakan ng lalaki ang pisngi niya at saka ito ngumiti sa kanya.



"So technically ako talaga ang first kiss mo." biglang sabi nito at sabay ngisi sa kanya.


HINALIKAN SIYA NITO?

NINAKAWAN SIYA NANG HALIK NI ASUNGOT?!! AAAAHHHH!!!




Sinamaan niyang tiningnan ito.



"Peste ka talaga sa buhay ko asungot!!!!" sigaw niya rito.


Natatawang naman tumakbo ito palayo sa kanya.


Gigil naman niyang hinabol ang lalaki.


"Bumalik ka dito asungot ka!" galit na sigaw niya sa lalaki.



"Kung mahahabol mo ko. By the way ang sarap ng lips mo Janella bungi!" pang aasar pa nito sa kanya.





AAAAHHHHH WALANG HIYA KA TALAGANG ASUNGOT KA!!!!





Yung first kiss ko...





Si Elmo aka asungot ang first kiss ko!






Huhu!













——:9

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
853K 39.3K 32
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...