Benedict Dreams

Por abdiel_25

4.6K 299 71

Benedict Duology #1 | You fight for your dream. *** A novella. Benedict is living a nightmare during the day... Más

Disclaimer
Prologue
Chapter One : Examination
Chapter Two : Tree House
Chapter Three : Carin
Chapter Four : Erica
Chapter Five : Rain and Pain
Chapter Six : Dust in the Wind
Chapter Seven : Kislap Kingdom
Chapter Eight : Alias Dark
Chapter Ten : Erica's Dream
Chapter Eleven : His Power
Chapter Twelve : The Test
Chapter Thirteen : Photographic Memory
Chapter Fourteen : Cosmos and Geria
Chapter Fifteen : Special Dreamers
Chapter Sixteen : Nightmare for All
Chapter Seventeen : Coma
Chapter Eighteen : Who's at fault?
Chapter Nineteen : Shared Life
Chapter Twenty : Seven Lights
Epilogue
BD : Playlist
Author's note

Chapter Nine : In Danger

120 9 2
Por abdiel_25

Chapter Nine : In Danger

Carin.

"Magandang umaga, Carin," bati sa akin ng isang blade elf na nakatayo sa bukana ng kaharian.

Tinanguan ko lamang siya at naglakad na papasok sa loob ng kaharian.

Maraming nag-aasikaso na elf sa loob ng kaharian. Hindi alipin ang tawag namin sa mga tagapag-silbi rito. Mababang uri sila ng elf pero mas mataas kumpara sa ibang elf dahil nakatira sila rito sa kaharian.

Wala paring nagbabago rito. Maayos, mabango, madaming bulaklak at masaya pa rin ang mga nakatira rito. Napapaligiran ang kaharian ng Kislap ng nga syudad.

Mayroong iba't-ibang klase ng elf. Bawat isa, may partikular na gawain. Mayroong nagpapaganda ng panaginip, mayroong nagpapasaya sa panaginip at minsan nananakot sa panaginip. Depende sa ranggo. Bago dumating si Dark sa panaginip, ang mga higher ranks ang nagpapaganda ng panaginip. Ang erinyes naman ang nagbibigay ng bangungot.

Pero ngayon, nag-iba ang nakasanayan dahil sa estrangherong hindi namin alam ang tunay na pakay.

Pinatigil muna ni empress Dream ang pagbibigay ng bangungot, pero sa hindi malamang dahilan, marami pa ring tao ang binabangungot. Kaya ang task ng mga erinyes ngayon, ay bawasan ang mga taong hindi nananaginip ng maganda.

Masiyadong mahaba ang mga hallway sa kaharian. Malawak din ang espasyo, kaya mahihirapan ang normal na taong maglakad sa lugar na 'to. Mabuti nalang at may kakayahang gumamit ng mahika ang mga katulad ko, nakarating agad ako sa bulwagan.

"Higher rank elf? Anong ginagawa mo rito sa kaharian?" empress Dream greeted me. She's sitting in her throne. Hindi siya nakatingin sa akin dahil sa dami ng binabasa niyang reports galing sa iba't-ibang departamento ng panaginip, pero nalaman niyang dumating ako.

Yes, that's our queen.

I bowed as a respect. "I need to tell you something, very important," saad ko. Mukha namang naagaw ko ang atensyon niya dahil napakunot ang noo niya, pero nanatili pa rin siya sa pagbabasa ng mga reports.

"Is it more important than finding Dark?" she asked.

"Finding Dark is more important, but I bet you need to hear this," I whispered but it's enough for her to hear.

"Ano ba 'yong importanteng sasabihin mo?" she asked with curiousity. Binaba niya ang binabasa niya at tinuon niya sa akin ang tingin niya.

"Isa sa may photographic memory ang nanganganib," straight to the point na saad ko.

Mas lalong kumunot ang noo niya.

"What do you mean?"

I shrugged my shoulders. "I don't know how. Pero, ang senyales na nakita ko sa kaniya ay nagsasabing mawawala na ang kaniyang pagiging espesyal. Malapit na ring mawala ang kakayahan niya," sagot ko.

"And that special dreamer is yours?" she asked so I nodded. "Very well, ano bang senyales ang ipinakita niya sa iyo? Baka mamaya sinasadya lang niya 'yon para lokohin ka," aniya bago bumalik sa pagbabasa ng reports.

"I doubt, your majesty. Hindi niya ako lolokohin dahil hindi naman niya alam na big deal 'yon para sa atin," saad ko.

"Really?" she smiled, as if not bothered. "Hindi naman siguro siya inantok at natulog sa loob ng panaginip hindi ba?"

"He did."

"H-he—what?" Muli niyang binaba ang binabasa niya. "It can't be. It's a joke right?"

I shook my head.

"There are only six special dreamers left," she said. Ako naman ngayon ang nagulat at napakunot ang noo.

"What? The last time na pumunta ako rito, there are twelve," gulat kong saad.

"I know it's shocking. Pero sa hindi malamang dahilan, hindi na makita ng mga blade elves ang mga special dreamers na ito. Pati ang mga higher rank elf na nagbabantay sa kanila, hindi na rin namin makita. As if they weren't dreaming anymore." Halata sa mukha ni empress Dream ang pag-aalala.

Panandalian kaming natahimik pareho hanggang sa muli akong magsalita, "anong gagawin ko, Empress?"

Kung may kailangan man akong pagtanungan ng dapat kong gawin, it's definitely her.

Tumayo siya sa trono niya at lumapit ng kaunti sa akin. "Kung tunay ngang mawawala na ang kakayahan ng binabantayan mong special dreamer, kailangan mo siyang bantayang maigi. Sa ganitong paraan, magkakaro'n tayo ng lead kung bakit at paano nawawala sa track ng Kislap ang mga dating special dreamer," aniya.

Lumapit pa siya sa akin. Mas malapit. Pagkatapos ay binulong ang mga katagang, "alalahanin mo, konektado ang elf sa binabantayan niya. Kaya alagaan mong mabuti ang special dreamer na 'yan."

Napatango na lamang ako.

Alam ko 'yon. Kapag may nangyaring masama kay Benedict, malaki ang tsansa na may masama ring mangyari sa akin. Nabuo ang elf dahil sa magagandang panaginip ng mga tao. Kapalit ng pagbuhay nila sa amin, ay ang pangakong babantayan namin silang mabuti habang nananaginip sila.

Dahil sa pangakong 'yon, naging konektado ang bawat isang elf sa isang tao. Kung anong nararamdaman ng tao, 'yun din ang nararamdaman ng guardian elf niya.

Kaya kung may mangyari mang masama kay Benedict, hindi ko rin matatakasan 'yon.

Nagpa-alam na ako kay empress Dream. Nais ko lang talagang ipaalam sa kaniya ang nangyari kay Benedict. Inutos niya na ipagbigay ang mga mahahalagang detalye sa kaniya, lalo na kung tungkol ito sa special dreamers.

Dahil sa kapangyarihan ko, mabilis akong nakalabas ng bulwagan, maging sa kaharian.

Mukhang matatagalan muli bago ako makabalik dito.

Mas kailangan kong pagtuunan ng pansin si Benedict ngayon. Lalo na't parehong nanganganib ang buhay namin. Kapag nawala ang photographic memory niya, mawawala na rin ang mga ginawa niyang lugar sa panaginip niya.

And I think... kasama ako sa mga mawawala. Baka hindi na niya ako maalala. O baka mawala na mismo ako sa panaginip.

Gumawa muli ako ng portal patungo sa tree house ni Benedict.

Hanggang ngayon, kinakabahan ako dahil nagpakita si Benedict ng senyales na pwede siyang makulong sa panaginip. I wonder, what happened to him outside this dream? May nangyari kaya siya bago siya natulog?

Kung meron man, baka 'yun ang dahilan kaya nawawala na ang kakayahan niya?

Benedict.

Nag-inat ako nang magising ako.

Feeling ko ang tagal kong natulog. Naramdaman ko ang pawis sa likuran ko. Tangina? Bakit pawis na pawis ako? Tsaka, bakit parang pamilyar ang lugar na 'to?

Mula sa pagkakahiga, umupo ako.

Nasa tree house pa rin ako.

Pero paano nangyari 'yon? Ang pagkakatanda ko, dito ako natulog sa panaginip. Hindi ba dapat magising ako sa real world? Bakit nananaginip pa rin ako hanggang ngayon?

Hindi kaya pakulo 'to ni Carin? O kaya naman ay nagising na ako sa labas ng panaginip at nakatulog na lang ulit?

Pakshet anong nangyayari?

Kumalam ang sikmura ko kaya pumunta ako sa kusina. Kumain ako.

Napa-isip ako saglit bago lumingon-lingon sa paligid.

Nasaan kaya si Carin? I asked myself.

Tuwing gigising ako sa higaan ko lagi ko siyang nakikita na nakatambay dito, pagkatapos ko siyang makita noong malaglag siya sa bubong ng tree house.

Guardian elf? Tsk. Hindi ba niya ginagawa ng maayos ang tungkulin niya?

"I'm here." Mula sa pintuan ng tree house, isang elf ang pumasok. And yes, it is Carin. Nakangiti siyang tumingin sa akin pero may bakas ng pagkalungkot sa mga mata niya. O baka namamalikmata lang ako?

"Saan ka galing?" kaswal na tanong ko.

"Miss mo agad ako?" nakangisi niyang saad kaya napangisi ako.

"Wow? Galing sa elf na sunod nang sunod sa akin?"

"Heh! Diyan lang sa labas. Nag-ikot-ikot. Hindi naman pwedeng tulog ka tapos ako nanunuod sa pagtulog mo," banas na saad niya. Nakita kong tinali niya ang mahaba niyang buhok. Siguro nairita na rin siya.

Natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Gusto mo bang pumasyal?" nakangiting sabi niya. There's something new to her. Pero hindi ko alam kung ano.

Kumunot ang noo ko bago ko sinabing, "nako, sawa na ako sa fountain." Hindi naman sa sawa na ako sa fountain, favorite spot ko 'yon kaya never akong magsasawa do'n. Pero lately, lagi kaming nagpupunta ro'n.

Natapos na ako kumain kaya dumungaw ako sa bintana.

Malaki ito. At tanaw ang kabuuan ng magandang gubat. Napapaligiran ng bulaklak, matataas na puno at paru-paro. Ang ganda. When I say peace, this is what I mean. Napapikit ako saglit habang dinadama ang hangin na pumapasok sa malaking bintana.

"Sinabi ko ba na sa fountain tayo pupunta?" Napadilat ako't napatingin sa kaniya.

"Saan ba?" tanong ko. Agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ang pupulsuhan ko.

"Basta."

End of Chapter Nine.

Seguir leyendo

También te gustarán

20.8M 762K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
9.9M 496K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
97.5K 5.3K 67
(On-Going)
64.8K 2.5K 53
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...