Protecting the Campus Royalti...

By Baepreshyy

7.5M 202K 41.4K

"Far from being Ordinary Girls" ang papasok sa isang sikat na paaralan kung saan nandoon ang mga kalalakihang... More

PTCR
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 68
CHAPTER 69

CHAPTER 67

79.3K 2.3K 762
By Baepreshyy

•°•

Naeyumie's POV

----------

"Bye, Axiesse!" Sabi ko nang mamataan ang pag-alis ni Klenth so ibig sabihin, aalis na rin ako.

Sumakay na ako sa aming sasakyan at sinabihan ang driver na sundan ang sasakyan ni Klenth na nasa harap. Sinunod naman ako ni manong at naging kasabwat ko na rin.

Nakasakay ako sa backseat ng sasakyan pero nasa gitna ako ng dalawang upuan. Mabilis ang kabog ng puso ko habang sinusundan ng sasakyan namin ang sasakyan ni Klenth. This isn't the first experience to follow a car but today's different.

"Crush niyo ho 'yon, Ma'am?" Tanong ni manong habang nakatingin sa rear mirror.

Nanlaki ang mga mata ko at dali daling umiling.

"Hindi no!"

"Ah..." Tumango-tango siya. "Eh bakit po gusto niyong sundan natin siya?" Dagdag niya pa, nakangiti na ngayon.

"A-Ano kasi, manong..." Wala akong maisip.

Napalunok ako at agad na nag-isip ng maisasagot. Bakit ko siya sinusundan?
Syempre, kailangan ko siyang protektahan. Kailangan 'yon sa misyon. Baka may bigla nalang humarang sa daan niya. Hindi pa kasi tapos ang aming misyon. Sasabihin ko sana 'yan kaso hindi pala puwede.

"Ano ho?" Nakangising tanong ni manong, parang tinutukso ako.

"Kasi... Bo-B-Boyfriend ko siya!"

WHAT?

Agad kong tinikom ang bibig kong napakasinungaling. Napalunok ako at gustong mapapikit pero baka mahalata ni manong na nagsisinungaling lang ako! Dapat maniwala siya sa 'kin kahit na ayaw na ayaw ko sa ideyang 'yon!

"May nobyo na kayo, Ma'am?"

"O-Oo, manong... Boyfriend ko... siya," alinlangang wika ko. Uminit ang aking pisngi dahil sa kahihiyan.

Napangisi si manong. Mas lalong uminit ang pisngi ko at umupo nalang ng maayos. Hindi niya naman ito isusumbong sa parents ko at kung isumbong niya man, hindi naman ako mapapagalitan. I can explain.

Nanatili ang mga mata ko sa harap kung saan ang sasakyan ni Klenth na patuloy pa rin naming sinusundan. Si manong naman ay nagplay ng music at pakanta kanta pa.

Where is the Love.

Tiningnan ko ang aking relo. Nasa likod ako ng letter K. Tumingin ako sa harap at nakita na wala pa ring nangyayari. Nakasunod lang kami kay Klenth na pauwi na.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang hinawakan ang aking dibdib. Ramdam na ramdam ko ang malakas at mabilis na pagkabog no'n.

I remembered what he told me earlier. Baliw? Nababaliw na siya sa 'kin? Does he like me? What. May kaonti akong ideya pero... gusto kong maliwanagan.

Napapikit ako. Anong ibig niyang sabihin doon? Naguguluhan ako sa kaniya. Gusto niya ba ako? Kasi ako... hanggang ngayon, gustong gusto ko pa rin siya. Walang pinagbago. Hindi ko alam kung bakit siya pa ang ginusto ko. Gusto ko siya pero naiinis ako sa kaniya. Ayaw ko siyang gustuhin.

Nagulat ako nang biglang huminto ang sasakyan namin. Muntik na akong tumalbog sa harap! Buti nalang nakahawak ako sa likod ng front seat.

"Ma'am! Okay lang ho kayo?" Rinig kong nag-aalalang tanong ni manong.

Mabilis kong inayos ang sarili at naupo sa upuan. Kumalabog ang puso ko dahil sa hindi inaasahang pangyayari. What was that!?

"Manong, anong pong nangyari?" I asked, ignoring his question.

Nakatingin dito sa akin dito sa likod si manong. Bumalot sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Napatingin siya sa harap. Awtomatiko rin akong napatingin doon.

Mas lalong kumalabog ang puso ko. Namilog ang aking mga mata nang makita ang naka pahalang na ang sasakyan ni Klenth sa daan na para bang hinaharangan kami. What is happening?

"Manong!" Sigaw ko, natataranta. Mas lalo pa akong nataranta nang makitang bumukas ang pintuan ng sasakyan ni Klenth at lumabas siya.

Dali dali kong niyugyog ang balikat ni manong!!!

"Manong! Tara na!"

Napalingon siya sa 'kin nang nakangiti. Kumunot ang noo ko at pinandilatan siya. Bakit nakangiti si manong? Ang sabi ko, umalis na kami rito! Hindi iyong parang kinikilig pa siya dyan!

"Ayan na ho ang nobyo niyo, Ma'am... Paktay... nahalata niya tayo..."

"Manong, alis na tayo! Bilis!"

"Akala ko ho ba susundan natin siya, ma-"

"Hindi na! Joke lang 'yon, manong!" Halos maiyak na ako.

"Ha?"

"Tsk! Manong tara na!"

"Bakit ho kayo natataranta? May problema ba, Ma'am? Ano pong problema?"

"Basta, manong. Please... Please! Alis na tay--"

Hindi ko natatapos ang sinasabi ko ay bigla nang bumukas ang pintuan sa gilid ko. Kumalabog ang puso ko at para akong nahugutan ng hininga nang makita si Klenth na nakahawak sa pintuan. His eyes immediately met mine. Natigilan ako at parang binuhusan ng malamig na tubig sa kinauupuan.

He's standing right there. I saw amusement in his eyes while looking at me. Ang gilid ng kaniyang labi ay unti-unting tumaas habang tumatagal ang tingin niya sa akin.

"Come out," he commanded.

Napalunok ako. Hindi ko alam ang gagawin. Mananatili ba rito sa loob o susundin siya? Biglang nabuhay ang inis ko sa kanya.

"Good evening ho, Mr. Aspinne..." Hindi ko namalayan na nakababa na pala si manong at hindi ko alam na kilala niya pala. I feel so betrayed?

Tumango at bahagyang yumuko si Klenth sa kaniya. Napatingin ulit siya sa 'kin.

"Yumie..."

"Hindi ako bababa!" Matapang na sambit ko. "Why would I?"

He smirked confidently. Hinarap niya si manong.

"Ako na po ang maghahatid sa kanila, manong. May pupuntahan pa po kami," aniya. Saglit akong humanga sa pinakita niyang galang pero agad din 'yon natabunan ng inis.

Dali-dali akong bumaba sa sasakyan dahil sa sinabi niya. Pagalit ko siyang hinarap habang ang mga mata niya ay nakadirekta pa rin kay manong.

"Hindi ako sasama sa 'yo!" Sigaw ko.

Hindi niya ako nilingon kaya mas lalo akong nainis. Napatingin tingin ako sa paligid at nakita ang ilang sasakyan na umiiwas sa mga sasakyan naming nakaharang sa daan. Ang iba ay bumubusina pa pero agad ring nagpatuloy sa pagmamaneho. Ugh! Nakaabala pa talaga kami sa iba.

"Okay ho, Sir..." Nagulat ako sa sinagot ni Manong. Okay? Anong okay?! "Ang problema lang ho, Ser, baka hindi ito alam ng Mommy niya..."

"I've already texted them," tipid na sagot ni Klenth.

"Sinungaling!" Singit ko. Kinakabahan akong tumingin kay manong. "Manong, hindi niya tinext sina Mommy at Daddy! Baka kung anong gawin sa 'kin nyan!"

"Akala ko ho ba, Ma'am, boyfriend mo siya? Diba sabi mo?" Biglang sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. Nakita kong natigilan si Klenth at napatitig din sa driver naming madaldal.

"Boyfriend?" Si Klenth.

My gosh!

Tumango-tango si Manong at napatingin sa aming dalawa ni Klenth.

"Oho. Ang sabi ni Ma'am, boyfriend ka niya," nakangiti pang dagdag niya.

Umikot ang mga mata ko. Bakit ang daldal ni manong? Kausapin ko kaya si Daddy na isesante siya? Pero h'wag nalang kasi kawawa siya. That's so petty of me.

Dahan-dahang tumingin sa 'kin si Klenth. Nakanguso siya na para bang may pinipigilang ngiti. Kumabog ang aking puso at nag-iwas ng tingin. Anong iningiti-ngiti niya dyan? Ugh, so annoying! Gusto ko nang umuwi!

"Yes. I'm her boyfriend..." Sabi ni Klenth na ikinatigil ng mundo ko.

Nagpintig ang taenga ko. Gulat akong napatingin sa kaniya habang nalalaglag ang aking panga. Sa sobrang lakas ng pintig ng aking puso ay nagpakawala ako ng mahabang hinihinga. Ang gulo sa tiyan ko ay ramdam na ramdam ko. Pati ang nagwawala kong puso. Did I hear him right? Was he just joking around?

"And we have a date tonight," dagdag niya.

What? Kumunot ang aking noo sa sinabi niya. Anong pinagsasabi niya dyan? Unang una, hindi ko siya boyfriend. At pangalawa, wala kaming date. This liar! The thought of him holding my hand, buying me flowers, and declaring me as his girlfriend made my heart beat wildly. The hell with this shit.

Napalunok ako. Bago pa ako makapagsalita ay hinawakan niya na ang aking kamay. Nagsitaasan ang aking mga balahibo. Sa sobrang gulat ko sa ginagawa niya, hindi ko na magawang magsalita o makaalma man lang.

"Sige, Ma'am, Sir, una na ho ako... Mag-ingat po kayo," mabilis na sabi ni manong at sumakay na sa sasakyan namin.

Agad na umalis ang driver habang ako naman ay naiwan kasama si Klenth. Puno ng sama ng loob ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang lumalayo naming sasakyan. Ngumuso ako.

Nang hindi ko na makita 'yon ay mas lalo lang akong kinabahan. Minsan gusto kong pumikit dahil sa ilaw ng mga sasakyang dumadaan. Pero mas gusto ko nalang na nakaharap sa mga sasakyan at mabulag kaysa ang harapin si Klenth.

Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. His hand was hot and firm. Hindi ko magalaw ang aking kamay dahil sa nararamdamang elektrisidad. Sa huli ay dahan-dahan akong humarap sa kanya dahil wala akong choice kundi harapin ang delubyong ito.

The loud beat of my heart got louder.

"Tara na?" He said softly.

Tumango ako at bumuntong-hininga. Wala na akong magawa. My traitor self wants to follow him. Susundan ko nga pala siya ngayon at baka may pupuntahan pa siya tapos hindi ako makakasama. Edi paano nalang ang misyon? Wala pa naman akong sasakyan.

Napalunok ako. Sumakay kami sa kaniyang kotse na kanina pa humaharang sa daan. Mabuti nalang dahil malapad ang highway para makadaan pa ang ibang sasakyan. Naigala ko ang aking mga mata sa interior ng kaniyang kotse. It has a manly scent. Malinis. Purong black at gray.

Napalingon ako kay Klenth na pinapaandar ang sasakyan siya. The engine roared in life as our eyes met. Nakita ko siyang napangisi bago ako nag-iwas ng tingin.

Nag-umpisa na siyang magmaneho. Tahimik lang kami buong oras. Ano bang gusto niya? Bakit niya ginagawa sa 'kin 'to?

"Saan ba tayo pupunta?" The tables are now turned upside down.

Hindi ko siya tiningnan pero kita ko ang paglingon niya sa 'kin.

"To the place you want," tipid na sabi niya.

Kumunot naman ang noo ko.

"To the place I want? Gusto ko nang umuwi! Sa bahay ang gusto ko!" Pagalit kong sabi.

"Uh-huh..."

"What? Pagagalitan ako nina Mommy at Daddy!"

"No. They trust me..."

"They trust the wrong person," umirap ako kahit hindi niya nakikita.

Hindi siya nagsalita sa sinabi ko. Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko bago lang. Parang sinabi ko na rin kasi na hindi siya makaka-pagkatiwalaan at na iniisip kong may masama siyang balak sa akin. I smirked a bit darkly. Try me, then.

Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho. Nagsisi kaagad ako na sinabi ko 'yon. Ilang minuto pa dumaan nang makarating kami sa lugar na hindi pamilyar sa 'kin. Huminto ang sasakyan niya sa isang parking lot.

Kumunot ang noo ko nang mapagtanto kung saan kami pumunta. Halos matawa ako sa inis.

Sa isang basketball court!

Mag-aalas sais na ng hapon. Nagsimula nang dumilim ang kalangitan pero heto kami. Anong gagawin namin dito? To the place I want, huh? Gusto ko ba itong paligid na ito? Eto ba 'yon? Eh hindi ko nga alam kung saan ito!

Lumabas siya ng sasakyan. Lumabas din ako at sinundan siya. May pinindot siya sa susi ng kaniyang car at biglang bumukas ang compartment nito. Kumunot ang noo ko nang makitang may kinuha siyang bola. Napatingin siya sa 'kin at napangisi.

"Maglalaro tayo ng basketball?!" Naiinis kong tanong.

Sinara niya ang compartment at drinibble ang bola.

"Ano?!"

Hindi siya nagsalita. Tumakbo siya sa may basketball court at agad na shinoot ang bola. Parang sira lang. Dadalhin ako rito tapos hindi kakausapin? Wow.

Halos maramdaman ko ang usok sa aking ilong. Lumapit ako sa gilid ng court habang siya naman ay panay ang dribble tapos tatakbo habang nagdi-dribble tapos isho-shoot, PASIKAT! Akala niya magaling? Well... magaling nga. Pero ano bang ginagawa niya?

Sementado ang basketball court na ito. Walang bubong. Glass ang board at nagkalat ang mga matataas na ilaw sa bawat gilid. Sa kabilang gilid naman ay may mga bolang nakalagay sa isang bakal na pabilog.

Salubong ang mga kilay ko habang tinitingan siya. Napatingin din siya sa 'kin at agad na pinasa ang bola! Nagulat ako sa ginawa niya. Muntik na akong matamaan sa mukha pero mabuti nalang dahil agad kong naisalo 'yon! Parang sira!

Ilang sandali pa habang nasa lebel ng mga mata ko ang bola. Kumalabog ang puso ko nang maramdamang may humawak sa aking kamay at kasabay no'n ay ang pagbaba ko ng bola.

Nang maibaba ko ang bola ay agad na tumambad sa harapan ko si Klenth. Tumingala ako dahil mas matangkad siya sa 'kin. And again, I can almost hear my heart. It felt like it wants to exit my body. Parang gusto kong pumikit dahil ang lapit lapit niya sa 'kin at wala man lang akong masabi.

"Uh..."

Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko. Bigla niya nalang kinuha ang bola mula sa aking kamay at hinulog 'yon sa semento. Gumulong 'yon palayo.

Napatingin ako roon. Now, nothing between us.... Tanging ako nalang at siya. Napalunok ako nang mas lalo pa siyang lumapit.

Halos hindi na ako makapagsalita
Bumubuka ang aking bibig pero ni isang salita ay walang lumalabas.

I saw coldness in his eyes. Ang kaninang pangisi ngisi niyang mukha ay nawala at bigla 'yon napalitan ng pagseryoso. Umihip ang malamig na hangin at mas lalong gumulo ang magulo kong buhok. Dinilaan niya ang kanyang labi at nakita ko nalang na biglang bumilis ang paghinga niya.

Nagkatinginan kami. Wala ni isang nagsalita sa 'min. Bumilis ang paghinga ko at mas lalong lumakas ang aking kabog ng aking puso.

Unti unting kong naramdaman ang kaniyang kamay sa kamay ko. Ang isang kamay niya naman ay gumapang papunta sa aking baywang. Halos mapatalon ako dahil sa ginawa niya.

Oh my gosh.

Kinagat ko ang aking labi at itutulak na sana siya nang pigilan niya ang kamay ko.

"Uh... K-Klenth..." Tumawa ako ng peke para gumaan ang paligid. "What are you..."

"What?" Bulong niya.

Natigil ako sa pagtawa. Lalong lalo na nang makita kung gaano ka seryoso ang kanyang mga mata.

"Kailan mo pa ako gusto?" He asked.

Napalunok ako. Unti-unti kong naramdaman ang init sa aking pisngi. Anong itinatanong niya? Bakit niya naman 'yon tinanong!?

Hindi ako nagsalita. Tinikom ko ang bibig ko. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Hindi ko alam kung kailan ko siya nagustuhan.

"When?" Ulit niya.

"I don't know... Why... are you asking me that?" Inis kong balik sa kaniya.

Umawang ang kaniyang bibig at unti unting tumango. Nag-iwas siya ng tingin at napalunok. Nang ibalik ang mga mata niya sa 'kin ay ganon pa rin. Cold, serious, mysterious... They were dark.

"Then... do you still like me?" Namamaos niyang tanong.

Parang pinipiga ang puso ko dahil sa hindi malamang kadahilanan. I didn't respond. Yumuko at napapikit. Bakit ba ganito ang pinagtatanong niya. I can't. I can't do this!

Huminga ako nang malalim at matapang na nag-angat ng tingin. Nagtama ang mga mata namin at nakita ko ang kislap sa mga mata niya. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa ilaw sa paligid o mga luha sa kaniyang mga mata.

Huminga ako nang malalim.

Ang kamay kong hinahawakan niya ay dahan-dahan niyang dinala sa kaniyang dibdib. Agad akong nakaramdam ang elektrisidad. Walang pinagbago. Gusto kong bawiin ang kamay ko pero hindi ko ginawa lalong lalo na nang lumapat na ang kamay ko. Matigas ang kaniyang dibdib at sa likod noon ay ramdam na ramdam ko ang hampas ng kaniyang puso. Mas lalong bumilis at lumalim ang kaniyang paghinga habang pinagmamasdan ako.

Sobrang lakas ng kabog ng puso niya. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa pagpapasikat niya kanina o ano.

Kumalabog ang puso ko. I've seen this in movies! 'Yong kukunin ng lalaki ang kamay mo tapos itatapat niya sa kanyang pusong tumitibok nang malakas. And after that, the guy will confess his feelings. Napalunok ako. I want to answer yes! I like him so much. Na kahit naging masama siya sa akin ako dati ay nagawa ko pa rin siyang gustuhan. Na kahit sa simpleng mabuting galaw niya lang ay tinamaan ako.

Pero bago pa ako makasagot ay biglang may tumunog mula sa kaniyang bulsa. Napatingin kami roon. Hinugot niya ang kaniyang cellphone. Napatingin siya sa 'kin bago pinindot 'yon at tinapat sa taenga niya. Tinalikuran niya ako at namewang. Sigurado akong may tumawag sa kanya.

"Babe. Yes..."

Nanlaki ang mga mata ko. Did I hear right? Parang tinusok ng karayom ang aking puso pagkarinig ko no'n.

Hindi ako manhid. May konti akong alam mga sinabi niya at ginagawa niya. I remember what he told me. Nababaliw na siya sa 'kin? He likes me? Pero bakit ganito? Is he cheating? Am I a side chic or what? What the fuck?

Parang sinasaksak ang puso ko habang nakatingin sa kaniya na nakatalikod sa 'kin.

Unti-unti kong nararamdaman ang pagbara ng aking lalamunan. Napalunok ako. Nag-umpisang manggigilid ang luha ko at gustong gusto ko siyang saktan ngayon. Saktan sa pinakamasakit na paraang alam ko!

I almost told him that I like him so much! Malapit ko nang iwala ang galit ko sa kaniya! Malapit ko nang pagbigyan ang sarili ko. Akala ko mawawala na ang galit ko pero mas lalong nadagdagan 'yon!

How can he do this to me? Sasabihin ng mga salita tapos paaasahin?

Mas lalong bumilis ang paghinga ko. Napatakip agad ako ng bibig nang tumulo ang mga luha ko dahil sa inis at galit! Salubong na salubong ang mga kilay kong tinitingnan siya habang may katawagan.

Babe. He has a girlfriend. Noong humalik ba sa kaniya noong nasa Royal Room na sa tingin ko'y nakilala niya sa bar? May girlfriend siya tapos ako... pinapaasa niya? He showered me possessive words! Tapos ganito? What a fucking cheater.

Gusto kong umiyak. Mas lalong lumala ang galit ko sa kanjya. Ang sakit. Parang nanghina ang katawan ko.

Lakas loob kong hinubad ang aking sapatos at kinuha 'yon. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi at hinagisan siya ng aking sapatos. Diretsong tumama 'yon sa kanyang likod na ikinatigil siya at naging dahilan nang pagharap niya sa 'kin.

Gulat siyang napatingin sa 'kin. Mas lalo kong nakita sa kaniyang mukha ang pagkagulat nang makita ang ayos ko.

"Paasa ka! What the fuck are you!?" I screamed with all my heart.

Nagulat siya sa ginawa ko. Kitang kita 'yon sa mukha niya. Agad siyang napalunok at sinubukang lumapit sa 'kin pero umatras ako. Natigilan siya sa sa ginawa ko at nalaglag ang panga.

Agad niyang binulsa ang kaniyang cellphone at lumapit sa 'kin pero mas lalo lang akong umatras

"H'wag kang lalapit sa 'kin!" Galit na sigaw ko.

He licked his lips. Namumutla siya habang nakatingin sa akin. I breathed deeply.

"What's the prob-"

"Ikaw! Ikaw ang problema ko! Paasa ka! Cheater pa?! What am I? A side chic?" Sigaw ko. "Gustong gusto kita, Klenth! Pero anong ginagawa mo? Pinapaasa mo lang ako! Magsasabi ka ng kung ano ano t-ta-tapos... may girlfriend ka pala!" Huminga ako nang malalim at pinunasan ang pisngi. Gustong-gusto kong sumabog.

Ang sakit sa aking dibdib ay nandoon pa rin. Nararamdaman kong mainit ang aking mukha, nanginginig ang mga kamay at gustong-gusto siyang suntukin.

"Uuwi na ako..." Sabi ko nang kumalma. Magsasalita na sana siya nang agad ko siyang tinalikuran.

"Yumie—Wait! Yumie! Listen to me!"

Tinakbo ko ang malapit na kalsada at agad na pumara para sa taxi. Mabuti naman dahil nakikisama ngayon ang panahon sa 'kin dahil may dumulog kaagad na taxi sa harap ko.

Tahimik lang ako buong biyahe. Hindi na ako lalapit pa sa kaniya. Hindi na talaga ako lalapit sa kaniya. Hindi na talaga. Hindi na ako susunod sa mga sinasabi niya. Misyon nalang ang gagawin ko. Misyon at pag-aaral ang uunahin ko. I will follow where he is if it's needed. I will protect him if necessary.

There's no strict and specific rule to us in this mission. Walang bawal o puwedeng magkagusto sa mga subject lalo na kung ginagawa mo naman ang trabaho mo. But... It'll be better to just not let any romantic feelings here.

Nakarating ako sa bahay. Mabuti nalang naman dahil hindi na ako umiyak. Hindi rin halatang umiyak ako. Mukhang wala lang nangyari. Hindi naman ako umiyak. Siya, iiyakan ko? Ano siya, siniswerte?

Agad akong pinapasok ng aming guwardiya. Tumango lang ako kay manong guard at agad na naglakad papasok sa double doors ng aming bahay. Saktong pagkapasok ko ay agad na bumungad sa 'kin sina Mommy at Daddy na parehong nasa sofa. May iniinom si Daddy sa isang mug. Si Mommy naman ay may hawak-hawak na papel. Nakabukas ang malaking flat screen pero sa tingin ko'y hindi naman sila nanonood.

"Yumie!" Masiglang wika ni Mommy sabay tayo. Hawak niya pa papeles. Nagyakapan kami ni Mommy. Hinaplos niya muna ang aking buhok bago siya kumalas sa yakap. Si Daddy naman ay ngumiti lang sa 'kin.

"Hi, Mom, Dad..." Sabi ko at pilit na ningitian sila.

"Ang sabi ni manong ay si Klenth daw ang maghahatid sa 'yo. Where is he? Umuwi na siya? You should've invited him in," nakangiting sabi ni Mommy. Napalunok naman ako.

"Uh... umuwi na po si Klenth..." Wika ko at napalunok ulit.

Pilit ko silang ningitian, pinapakita na okay lang ako. Na walang problema. Na walang nangyari. Mabuti naman dahil naniwala sila sa 'kin. Naiiyak na naman ako. Ang dami ko ng mga kasalanan sa kanila. Ang dami kong tinatago sa kanila. Ang dami kong ginagawa na hindi ni alam.

"Are you okay, Yumie?" Tanong ni Daddy.

"Yes naman po... Bakit naman ako hindi magiging okay?" Pilit na ngiting usal ko. "Pagod lang po ako, daming ginawa sa school eh..." I chuckled fakely.

Tumawa si Daddy na sinabi ko. Like he knows something inside me o namamangha lang talaga siya sa sinagot ko.

Nagbaba ang aking tingin sa hawak na papel ni Mommy. Kanina ko pa 'yan tinitingnan. Kuryuso akong napatingin doon. Hindi naman 'yan about sa business o ano dahil kung sa trabaho 'yan, they should've done it in their office dito sa bahay.

"What's that?" My curiousity is killing me.

Nagbaba rin ang tingin ni Mommy sa hawak niya.

"Oh! This?" Tumawa siya na parang nagulat sa tinanong ko. "This is our plane tickets!"

Kumunot ang noo ko, parang hindi narinig ang sinabi niya.

"Plane tickets?" Ulit ko habang nararamdaman ang pagkalabog ng aking puso.

Tumango tango si Mommy at agad na nilingon si Daddy.

"We are going abroad after your graduation or posible ring mapaaga. It might be next week then we will go to abroad for good..." Sabi ni Daddy na ikinalaki ng mga mata ko.

Pagkatapos ng graduation? At posibleng next week? What?

Kinabahan kaagad ako. Hindi pa tapos ang misyon pero sukat ko ay malapit na. Sabi kasi ni Madame Hexxa at Sir Will ay maghihintay pa kami ng ilang months. Hindi ko alam kung kailan. And the thought of leaving is hurting me.

"Doon na tayo titira?" Tanong ko habang unti-unting nawawala ang pilit na ngiti.

Tumango si Mommy.

"Migrate. Doon na tayo titira. Leaving this country would be good for us," si Daddy.

Napatunganga ako. I nodded half heartedly. Hindi ko kayang tumanggi sa mga magulang ko ngayon. Marami na akong kasalanan sa kanila at kapag hindi pa ako sumang-ayon, ewan ko nalang kung saan mapupunta ang kaluluwa ko nito.

Napalunok ako. Hinihiling ko na sana matapos na ang mission. Hinihiling ko na sana, wala nang masamang mangyari. Hinihiling ko na sana tumigil na ang nararamdaman ko para sa kaniya. May parte sa 'kin na ayaw umalis dahil sa mga kaibigan ko at para sa misyon. May parte rin sa 'kin na gusto nang umalis dahil sa kagustuhan ng mga magulang ko...

Kinabukasan ay halos sabunutan ko ang sarili ko. Eto na naman kasi ako! Hindi ko naalala na ngayon pala ang exam. Nangyari rin ito dati at hindi ako medyo nakapag-aral nang maayos. Ni hindi ko nabasa ng buo ang mga reviewer namin pero kaya ko naman. I reviewed before every after class so I hope it would be easy.

Tumutulo ang pawis ko kakasagot sa mga tanong sa exam. Kahit na malamig ang paligid dahil sa aircon ay pinagpapawisan pa rin ako.

I finished the exam. Hindi lang talaga ako sigurado kung tama ba 'yong mga pinagsasagot ko roon. Sobrang kaba ko na dahil sa tingin ko'y mali mali ang mga sagot ko. Hindi na ito katulad ng dati na matataas pa rin na mga scores ang nakukuha ko kahit kulang ako o hindi ako naka study.

200 items ang total items ng exam. Hindi siya mutilple choices na magpipili ka lang ng mga letra. Ikaw mismo ang magsusulat ng iyong sagot with explanation!

Pinauwi kaagad kami pagkatapos ng ilang oras na exam. Halos mawalan ako ng gana sa paglalakad dahil mali mali talaga ang mga sagot ko roon!

"Oy! Okay ka lang, Yumie?" Si Sasha habang naglalakad kami papalabas ng building. Napansin niya siguro ang katahimikan ko.

Umiling-iling ako at napabuntong hininga. At saka... hindi ko pa pala nasabi sa kanila ang tungkol sa plano ng mga magulang ko.

"Hindi ka ba excited!? Seeeesh!" Masiglang sabi ni Sasha. Napatingin naman kami sa kanya.

"Excited sa?" Si Axiesse na nakabusangot ang mukha.

"Sa camping! Bukas na 'yon oy!"

What?

Bakit ba parang napag-iwanan ako ng petsa? Ano bang ginagawa ko?

"Hindi naman. Baka kasi may mangunguha na naman ng bag," inis na sabi ni Axiesse. Kumunot naman ang noo ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Tssh. Kahapon kasi, may nangunguha ng bag!"

"Whaaaat!?" Si Sasha.

"Oo! Nakuha ang bag ko kahapon! At mababawi ko lang daw 'yon kung siya mismo ang maghahatid sa 'kin sa condo!" Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Sino?" Nagtatakang tanong ni Zell.

Napatingin ako sa kaniya. She's been silent all the time lalong lalo na kung naririyan si Wayne sa paligid. Napapansin kong hindi siya kailanman tumitingin kay Wayne. Ni kahit isang sulyap. At yung kawawa naman ay nahuhuli ko minsan na tumitingin tingin kay Zell.

"Si zzz--" hindi niya na naituloy ang sasabihin niya nang biglang sumulpot sa harap namin ang sa tingin ko'y tinutukoy niya.

Si Zae!

Agad niya kaming tinanguan nang makita kami. Lumapit siya kay Axiesse at agad na kinuha ang bag nito saka sinabit sa kaniyang likuran. Natigil ako sa paglalakad.

Nandito na kami sa labas ng building. Gumala ang tingin ko sa paligid. Ang ibang estudyante na pauwi na ay napapatingin sa amin. Ang iba ay nanlalaki ang mga mata sa gulat. May mga mangilan ngilan na naiiyak. Ang iba ay nagagalit. Halo-halo na.

Huminto ang mga mata ko sa isang lalaking nakatayo sa malayo. Kumalabog ang puso ko at agad na nag-iwas ng tingin. I hate him. Simula noong una, kinaiinisan ko siya. Hanggang ngayon, ganon pa rin!

Where's your babe? Gusto kong mapangisi. Sinabi mong nababaliw ka na sa 'kin? Pwes, mabalis ka dyan hanggang mamatay! Was that just one of his techniques on how to get a girl? To spit lies? Liars, cheaters, and chic boys really disgust me. Ilang gabi na rin siyang nagtetext sa akin at ilang tawag niya na ang hindi ko sinagot. Guess what? I blocked his number.

Umuwi na ako pagkatapos no'n. Wala na akong ibang ginawa kundi ang mag-impake ng mga gamit. Naipost din pala sa Facebook page ng Sky Hexton ang mga final na dadalhin para bukas. Kasama na sa aming binabayarang tuition ang lahat kaya wala na kaming babayaran sa camping. The tuition fee is almost 7 digits. Alam na rin nina Mommy at Daddy ang tungkol sa camping kaya wala ng problema.

All I have to do is to do my role as a student and to do my mission as his protector.

Maaga akong nakarating sa eskwelahan. Dala ang isang maliit na maleta at isang back pack. I brought a tent na kasya sa limang tao. Si Sasha naman ang nagdala ng mga unan. Si Zell ang nagdala ng kumot namin at si Axiesse ang nagdala ng aming mga kakainin.

Bus ang sasakyan namin ngayon. Nasa lima pataas siguro ang mga bus na gagamitin na pagmamay-ari rin mismo ng Sky Hexton.

"Oh my seeeeeesh!!!" Sigaw ni Sasha nang makarating dito sa paaralan.

Nandito na ang mga bus, kulay blue. May tatak na logo ng Sky Hexton ang bawat bus na sasakyan namin.

"Excited na ako! Ano kayang mangyayari!?" Malakas na sambit ni Sasha.

"Alam mo, Sasha..." Wika ko at pinanliitan siya ng mga mata.

"Ano?" Napatingin siya sa 'kin.

"Sobrang ingay mo! Mapapagalitan tayo nito! Ang ingay ingay mo kasi!" Umirap ako.

"Pero atleast nakakapagsalita ako! Sayang naman kasi ang laway at bunganga natin kapag hindi natin gagamitin diba!? Kaya hangga't nabubuhay pa tayo, dapat tayong mag-ingaaaaaaay!!!"

Napabuntong hininga nalang ako. Sobrang ingay niya na talaga. Hindi na talaga siya mapipigilan. Habang tumatagal, lalong lumalala. Parang wala na siyang hiya sa lahat.

Nakatayo kaming anim dito sa waiting shed habang hinihintay ang isang bus na darating. Medyo puno na kasi ang nauna dahil nauna na ang ibang mga estudyante. Marami rami na kasing mga estudyante ang nandidito simula nang makarating ako.

Nasa tabi ko sina Arjie at Cherwin na parehong nagtatawan kasama si Sasha. Si Zell ay may nakapulupot nang unan sa kaniyang leeg habang ang earphones ay nakasaksak sa magkabilang taenga. Ako naman ay si nakatunganga habang si Axiesse sa kabila ko ay may kinakain na.

Agad na dumating ang pangalawang bus na agad ding napuno ng mga estudyante. Hindi na kami makapila sa dami nila!

Ang dalawang sumunod na bus naman ay gano'n pa rin! Halos maiyak na ako baka iwanan kami rito.

Ang sa ikalimang bus ay para sa mga faculties at para kay Dean. Hindi rin kami magkasya roon dahil hindi naman malaki ang bus na 'yon, hindi katulad noong mga naunang bus na malalaki.

Nang makita kami ni Dean ay agad siyang lumapit sa 'min. Tiningnan niya si Zell pero hindi man lang siya nito binigyan ng pansin.

"Good morning, Dean!" Sabay sabay na bati naming tatlo. Sina Arjie at Cherwin kasi ay nakasakay na sa bus para sa mga Special Class.

"Hindi pa kayo nakakasakay?" Si Dean.

"Malamang, nakatayo pa kami rito e..." Biglang sabi ni Zell na agad ding tumahimik.

Napatawa si Dean sa sinabi niya pero parang binalewala niya lang 'yon.

"Okay... Since napuno na ang mga naunang bus. You are allowed to join the Special Class. Isa rin naman kayong Special Class dati so... no problem," sabi niya at ningitian kami.

"Thank you po!" Masayang sabi ko dahil sa wakas mas sasakyan na kami pero agad ding nawala ang saya ko nang maalala na baka nando'n siya. Nandoon nga siya!

Agad na napatingin si Dean kay Zell. Walang ekspresyon naman siyang tiningnan ni Zell pabalik. Nagtagal ang tingin ni Dean kay Zell na para bang may pinapahiwatig ito.

Sumakay ulit si Dean sa bus na para sa kanila. Ang mga naunang bus ay hindi pa rin nakakaalis pero umaandar na. Siguro hinihintay nalang na maging ready ang lahat.

Kumalabog kaagad ang aking puso nang makita ang bus na para sa special class. Hindi pa 'yon puno dahil hindi naman gano'n karami ang nasa special class. Parang hindi na ako makahinga nang maayos at ang tiyan ko ay sumasakit na parang nakakakiliti dahil sa kaba. Natatae ba ako? The hell. Ngayon pa talaga?

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking maleta habang nagsisimulang maglakad patungo sa bus na mukhang naghihintay sa 'min.

Bumukas ang pintuan ng bus at muntik na akong ma-mini heart attack dahil may lumabas. Nakahinga lang ako ng maluwag dahil akala ko siya! Si Zae at si Marx! They must've already informed about it.

May kung anong dumaang sakit sa puso ko nang makita na kinuha ni Zae ang maliit na maletang dala ni Axiesse at nilagay 'yon sa lalagyan ng mga bag sa labas ng bus. Ganon din ang ginawa ni Marx kay Sasha. Oh wow.

Sana may ganyan din ako.

I rolled my eyes at myself.

Kami na mismo ang naglagay ng mga maleta namin doon. Ang back pack ko lang ang dadalhin ko sa loob. Nauna nang pumasok si Sasha sa loob ng bus. Sumunod naman si Axiesse at ako habang si Zell ang nahuli.

Napalunok kaagad ako nang makapasok na. Ang ibang mga special class ay nagtatawanan. May mga tulog at naglalaro sa kanilang cellphone. Ang iba ay napapatingin sa 'min. They were more mature than the students outside the special class kaya wala masyadong drama.

Nagbaba ako ng tingin at nagsimulang maglakad para makahanap ng bakanteng upuan. Ayokong mag-angat ng tingin. Ayoko siyang makita.

Si Cherwin ay may ibang katabi kaya naupo si Sasha sa tabi ni Arjie. Si Zell naman at si Axiesse ang magkatabi habang ako ay wala. Ugh.

Napanguso ako at umupo nalang sa pinakahuling upuan. Malayo sa mga kaibigan ko. Halos lahat kasi na mga special class ay nakaupo sa harap.

Nilagay ko ang aking back pack sa aking lap. Nagsimula nang tumakbo ang bus. Napatingin ako sa labas ng bintana na unti-unting lumalayo ang building ng Sky Hexton.

Maliwanag na ang sikat ng araw. Mag-aala syete na kasi ng umaga. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at hindi ko nabasa kung saan kami magca-camping. Mabuti nalang dahil wala akong katabi kaya makakapag-isip isip ako nang maayos. Sasabihin ko pa sa mga kaibigan ko at sa organisasyon ang tungkol sa pag-alis namin ng bansa.

Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng back pack para makapagselfie. Ilang pictures pa ang nakuha ko bago ko 'yon binalik sa loob ng bag. Buong oras lang akong nakatingin sa bintana. Tinatanaw ko ang bawat madadaanan namin.

Niyakap ko ang aking sarili nang maramdaman ang lamig. Wala kasi akong dalang jacket. Naka civillian kasi kami ngayon tapos nakalimutan ko pang magdala ng jacket sa loob. Nasa maleta ko 'yon sa labas. Ang lamig pa naman dito sa loob at habang tumatagal ay para na akong magyeyelo.

Medyo maingay ang loob ng bus dahil sa bawat maliit na screen na nakadikit sa likod ng mga upuan. Pinindot ko ang screen sa aking harap para hindi ma-bore habang nagba-biyahe. Hula ko kasi, malayo pa ang pupuntahan namin.

Pumili ako ng mga pelikula gamit ang isang kamay. Ang isang kamay ko naman ay nakayakap pa rin sa sarili. Saktong pagpindot ko ng isang nagustuhang movie ay ang pag-upo ng isang tao sa aking tabi!

Biglang kumalabog ang puso ko. Agad na umatake sa aking ilong ang kaniyang bango. Kahit hindi ko siya lingunin ay alam na alam ko. Alam na alam ko kung paano siya tumayo. Alam na alam ko ang postura niya. Alam na alam ko!

Napatingin ako sa kaniya. Mas lalong bumilis ang hampas ng puso ko. Gusto kong mataranta pero hindi ko magawa. He looked at me. Puno ng kaseryosohan at pagsusumamo ang mga mata niya. Pero may nakita rin akong galit doon! Hindi ko alam kung bakit siya pa ang galit.

"Anong ginagawa mo rito?" Kunot noong tanong ko.

Dinilaan niya ang kanyang labi at agad na pinulupot sa aking katawan ang isang itim na jacket. Nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ko inaasahan iyon

"Yumie... Yumie... May problema ba tayo?" Dahan-dahang tanong niya na para bang nag-iingat. Agad siyang napalunok.

Huminga ako nang malalim at gusto kong matawa. Gusto ko munang pakalmahin ang sarili ngayon. Biglang nabuhay ang galit ko sa kanya.

"Wala," malamig kong sagot. Hindi niya alam? Eh tang ina naman pala ng isang 'to. At anong tayo? Siya lang ang may problema dyan!

Mas lumapit pa siya sa 'kin. Lalong kumunot ang noo ko.

"Sabihin mo sa 'kin kung anong problema mo..." He said softly. "Hindi ko talaga alam. Please. Communicate it..."

"Bakit? Anong karapatan mong malaman ang problema ko?"

"Pwes, bigyan mo ako ng karapatan..."

"At bakit ko naman gagawin 'yon?"

Nakita kong umigting ang kaniyang panga sa sinabi ko.

"Bigyan mo ako ng karapatan sa buhay mo at bibigyan din kita ng karapatan sa buhay ko..."

Sarkastikong tumaas ang gilid ng labi ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Natatakot ako na baka paaasahin niya na naman ako. Ni hindi ko nga alam kung girlfriend niya ba talaga 'yong tinawag niyang babe o kalandian? Paano ko malalaman eh wala siyang sinasabi? Hindi ko alam kung ano ba talaga ako para sa kaniya dahil wala siyang sinasabi!

Halos mapatili ako nang bigla niyang kunin ang aking kamay at itinapat 'yon sa kaniyang dibdib. He's at it again. Namilog ang mga mata ko nang maramdaman ang malakas na hampas ng kanyang puso.

"Feel that? Ikaw lang ang nakakaapekto sa 'kin ng ganyan. Mula noon, ikaw lang. Ikaw lang ang nakakapagpabaliw sa 'kin..." Bulong niya dahilan nang pagtaas ng mga balahibo ko.

Malakas kong binawi ang kamay ko sa kaniya. Mabuti naman dahil nagtagumpay ako.

"Sinungaling ka. Paano si Elli? Yung girlfriend mong bago? Hindi ba binaliw ka rin nila?" Mapait kong sabi.

Paulit-ulit na umigting ang kaniyang bagang. Pumikit siya at tumingala. Nang tiningnan ulit ako ay mas lalo siyang lumapit kaya napasiksik na ako sa bintana!

"I don't have a girlfriend-"

"Yung kahalikan mo sa Royal Room, hindi ba girlfriend mo 'yon? Yung tumawag sa'yo no'ng gabing-"

"She's not my girlfriend-"

"Eh ano mo? Fling? Fubu?"

"Fubu what?" Pagalit niyang sabi, 'yong kaming dalawa lang ang makakarinig.

"Fuck buddy! Hindi ba?" Mahina pero may diin kong sabi.

"What the fuck?" Nagsalubong ang mga kilay niya. Nakita ko kung paano namula ang kanyang pisngi!

"B-Bakit? Hindi ba, totoo naman 'yon?"

Nag-aalab sa galit ang kaniyang mga mata habang tinitingnan ako. He looked at me confusedly. Bumilis ang kaniyang paghinga habang hindi inaalis ang medyo naluluha at frustrated niyang mga mata na nakatingin sa 'kin.

"Where did you get that?" Nanliliit na mga matang aniya.

Napairap kaagad ako at pinagkrus ang mga braso. Akala niya maniniwala pa ako sa kanya? Hindi! Nililiko niya pa ang usapan? Para ano?

"Hindi na importante kung saan ko nakuha 'yon! I'm old enough to know that. Ang pinag-uusap natin dito ay ikaw-"

"Baby, I'm still a virgin..."

What?

What did he just call me?

"So don't tell me that she's my fuck buddy or what! Kasi wala. She's not my girlfriend. I don't love her. She... liked me and I tried liking someone but it didn't work because all I think about is you... Ilang beses ko na siyang sinabihan na huwag akong halikan dahil hindi naman kami at dahil ayaw ko. At si Elli? I don't know... Maybe I'm just infatuated that time. Dahil ang totoong mahal ko, nandito ngayon sa harap ko."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Naramdaman ko kaagad ang pag-init ng aking pisngi at ang pagkalabog ng mas malakas ng aking puso. Nanatili akong gulat na nakatingin sa kanya habang siya naman ay seryosong nakatingin sa'kin! Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya o ano.

"That night. You called someone babe..."

"What? Her name is Babe. Short for Babelyn. She told me to call her that. I don't want it but I tried. I'm telling you honestly, wala akong girlfriend at isa lang ang gusto ko. Tumawag siya no'n at nakiusap na magkita kami kahit ayaw ko. Kahit dapat sa una pa lang, hindi na ako lumapit sa kaniya dahil alam ko naman ang nararamdaman ko. I was just in denial. At first, I didn't want to acknowledge that I'm falling for you. Hard. It's so new to me. I'm sorry..."

Babelyn, huh?

Sa sobrang kabog ng puso ko sa mga sinabi niya ay mas pinili ng utak ko ang tanggapin ang pinakamadali.

"Paano ko naman paniniwalaan 'yan?"

Mas lalo siyang nagseryoso. The way how he looked intensely at me this close na dalawa o tatlong daliri nalang ang layo ng mga mukha namin ay parang hini-hipnotize ako. He has a beautiful eyes that for surely can bewitch everyone he encounters. Pointed nose na perpekto ang hugis at mamula mulang labi.

"You don't believe me?" Seryoso niya pa ring tanong.

Napalunok ako.

"Then let's make it official. From now on, I am now your boyfriend. Paki alaman mo ang lahat sa buhay ko dahil makiki alam din ako ng saiyo. Akin ka na ngayon, naintindihan mo?"

Hindi ako nagsalita sa sinabi niya. Matagal pa bago ko na proseso lahat sa aking utak. I am torn between believing him or just let the thought that it was all a lie and his way to get what he wants. It's hard to trust even though I want to be possessive of him too.

"I won't get tired explaining to you the truth so you'd believe me... Do you understand, Naeyumie?"

Continue Reading

You'll Also Like

25M 626K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...
9.1M 306K 89
My name is Zapira Herst Kurshwel, isang gangster na walang ginawa kundi ang makipaglaban, natanggal sa grupo at nauwi sa pagiging agent, na kung saan...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
5.1K 598 32
Sa ibang dako ng mundo, masaya at mapayapang namumuhay ang kaharian ng Gorillego, Leogardo, at Agilyana sa pamumuno ng magigiting na mamumuno. Ngunit...