Protecting the Campus Royalti...

By Baepreshyy

7.5M 202K 41.5K

"Far from being Ordinary Girls" ang papasok sa isang sikat na paaralan kung saan nandoon ang mga kalalakihang... More

PTCR
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69

CHAPTER 65

80.5K 2.4K 1.2K
By Baepreshyy

◆♢◆

Sasha's POV

----------

"It's done..."

Napatingin kaming dalawa ni Yumie kay Axiesse nang sabihin niya 'yon. Lumapit kami sa kaniya at tiningnan ang computer. Napatingin pa muna ako sa paligid. Nandito kami sa loob ng computer room. Kakaonti lang ang mga estudyante rito.Mabuti naman dahil walang nakakapansin ginagawa namin.

Napahinga ako nang malalim. Parang may kung anong nawalang nakadagan sa 'kin dahil na delete na ang lahat ng mga photos ni Wayne. Hindi lang naman ang mga Campus Royalties na naka assign sa 'kin ang kailangan naming protektahan. Kung maaari, silang lahat.

Wala pa rito si Zell. Hindi ko alam kung papasok ba 'yon. Kinakabahan nga ako sa nangyayari. Alam kong gusto ni Zell si Wayne tapos may makikita pa siyang gano'n? Well... I've heard some rumors that Wayne is a playboy. Narinig ko 'yon doon sa bar bago siya nabaril noong gabing 'yon. I don't know if it just a rumor o...totoo pero nang makita ko ang mga nagkalat na mga litrato sa social media ay parang totoo nga. 

Napalunok ako at unti-unting nakaramdam ng inis. Kung totoo 'yon, ibig sabihin, pinaglalaruan niya lang si Zell? Kung totoo man 'yon, hindi niya talaga gusto si Zell? O magiging isa rin sa mga babae niya? Kumunot ang noo ko. He's a playboy, alright, pero bakit siya halos magmakaawa nang sabihin niya sa 'min na gusto niyang makausap si Zell noong nasa bar kami? Hindi kaya gawain niya lang din 'yon para makuha si Zell?

"Anong iniisip mo?" Agad akong napatingin kay Yumie nang marinig ang kaniyang boses. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa'kin. I spaced out!

"Uhm. Wala wala!" Tanggi ko habang umiiling. Ngumiwi naman siya na para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. "Wala talaga! Hehehehehe! Bakit gusto mo bang mayroon?"

"Oo na. Ang ingay mo!" Sabi niya sabay takip sa aking bunganga.

Kinalas ko ang kaniyang kamay sa aking bibig at inirapan siya. Dinungaw ko ang computer na minamanipula ni Axiesse. The photos of Wayne are now deleted in social medias. Pati na rin yung mga litratong magkasama sila ni Zell. Alam namin na may magpopost na naman ng gano'n pero mabuti naman dahil nabawasan. At hindi rin naman mapipigilan ang iba na magpost tungkol ng opinyon nila tungkol do'n. Articles related to those will be automatically deleted anyway.

"Tara na," Aya ni Axiesse at pinatay ang pc at kinuha ang kaniyang cellphone sa computer. Tumayo na siya at naglakad na parang walang nangyari. Sumunod naman kami sa kaniya.

Lumabas kami ng computer room nang walang nakakapansin na may ginawa kaming kakaiba. Napahinga ako nang malalim. Those news are just so hard to erase from people's mind. Nalaman din namin na pinatawag lahat ng officials ng school. Mapa-stockholders o ano pa man pati na ang parents ni Wayne dahil sa balita.

I also heard his sinking title. Maaari siyang matanggal kasi isa siyang Third Prince na dapat role model daw ng lahat tapos 'yong apo raw ng Dean ang pinupuntirya. Hindi dahilan nang pag-alanganin ng titulo ni Wayne ang pagiging playboy niya. Ang dahilan daw ay ang apo ng Dean na kanyang tinatarget. Si Zell!

Naglakad kami papalayo roon sa computer room. Napatingin ako sa aking wrist watch para malaman kung nasaan si Marx kahit hindi ko naman siya puntahan. Kailangan ko lang malaman kung nandito ba siya sa  school.

Napahinto ako sa paglalakad. Kasabay nang paghinto ko sa paglalakad ay ang pagkalabog ng aking puso. Parang bumagal ang paghinga ko. Unti-unting nanlalaki ang aking mga mata nang makita sa aking wrist watch ang kinaroroonan ni Marx!

Napa-angat ako ng tingin. Mas lalo kong nakumpirma 'yon nang makitang nakahinto rin si Axiesse at Yumie sa paglalakad habang takang nakatingin sa 'kin at kay Marx na naktingin lang sa 'kin.

Nabuhay ang inis ko pero ang kakambal ng inis na 'yon ay ang nagkakalabog kong puso na sa sobrang lakas ay hindi na ako makahinga!

Nakatayo siya roon. Nakasandal sa dingding habang nakapamulsang nakatitig sa 'kin ng seryoso. Nagtama ang mga mata namin. Umayos siya sa pagkakatayo at parang may nakita kong lumiwanag ang mukha niya.

Umatras ako. Napatingin ako kina Yumie at Axiesse na nagtatakang nakatingin sa 'ming dalawa.

"Uh... Canteen lang kami," Alanganing sambit ni Yumie. Napalunok siya at tinanguan si Axiesse. Si Axiesse naman ay kumunot ang noo habang pabalik-balik ang tingin sa 'min ni Marx na para bang nagtataka pero sa huli ay umalis nalang sila.

Sinundan ko muna sila ng tingin habang papalayo. Nang mawala na sila sa paningin ko ay napalunok ako. Pasimple akong kumuha ng hangin para mapakalma ang sarili. My heart won't just stop beating wildly and I can't do anything about it! Ang tanging paraan lang ay ang umalis si Marx sa harapan ko.

Bakit ba siya nandito? Ako ba ang hinihintay niya? Ano bang gusto niya? Bakit...

Nag-umpisang manginig ang mga binti ko nang lumapit siya sa 'kin at huminto sa aking harap.

"Anong kailangan mo?" Malamig na tanong ko.

Nakita ko siyang napalunok. Bigla niyang hinawakan ang aking siko kaya agad na nagsitaasan ang mga balahibo ko. Hindi ko alam kung paano niya 'yon nagagawa sa 'kin.

"Let's talk..." Paos niyang sabi.

Kinunot ko ang aking noo habang tinitingnan siya. Nakakunot din ang kaniyang noo pero ang mga mata niya ay nagsusumamo.  Nakita ko ang pinaghalong lungkot, galit at pag-asa. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko 'yon.

"N-Nag-uusap na tayo," pilit na tapang na sabi ko.

Tumango-tango tango siya na para bang may isinusuko na. Hindi ko alam. Marx, bakit mo ginagawa sab'kin 'to? Bakit ka ganyan? Where's your cold gestures? Bakit ngayon sa harap ko, nag-iba ka? Bakit mo ako gustong kausapin? Ano bang dapat pag-usapan.

"Are you... avoiding me?" Narinig ko ang bahid ng kaba sa boses niya. Napalunok ako at huminga nang malalim.

"No," tipid na sagot ko.

Tumango naman siya at bumuga ng hangin.

"Then... can you eat with me?"

Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko inaasahan 'yon.

"Hindi p-puwede. Magagalit ang kaibigan ko," malamig ko pa ring sabi. "Sabay ko sila."

"Why? I'll talk to them..."

"Hindi sila papayag," sabi ko kahit naman hindi totoo 'yon. Baka si Yumie pa mismo ang magtulak sa 'kin kay Marx.

"I'll talk to them-"

"Hindi nga sila papayag, e!" Galit na sigaw ko.

Nagulat siya sa biglaang pagsigaw ko. Binawi ko ang aking siko. Agad kong nakita ang pagbaba ng kaniyang tingin sa kamay niya at napalunok.

"Do we have a problem?" Marahan niyang tanong.

Ang sakit, kaba at lungkot ay kitang kita ko na sa kanya. Hindi ko maintindihan. Bakit ganyan ang mga mata niya? May nararamdaman ba siya sa 'kin? Imposible naman kung meron diba? Kung wala, lalayo ako sa kaniya dahil masasaktan ako kapag hindi lalong lalo na na alam kong hindi niya ako kayang saluhin.

At anong 'we'? Walang kami. We're just nothing! He's a client! He's my subject. That's all! I shouldn't like him in the first place. Bakit ba kasi nauna ko siyang makilala kaysa sa misyon na 'yan?

"Wala," I said coldly.

"No. I know you-"

"Wala sabi, e! Bakit ba ang kulit mo!? At k-kung gusto mong kumain, kumain ka mag-isa!"

"Why are you doing this to me?" Tanong niya at napalunok. Nag umpisang mag-init ang mga mata ko.

"W-Wala akong ginagawa sa 'yo!"

"Baby, please... Don't do this to me..."

Mas lalong kumalabog ang puso ko. Para ring sinaksak ang aking puso. Masakit makita siyang nagkakaganyan sa hindi malamang dahilan. Ayokong mag-assume.

Gusto ko ng sagot.

Mas lalo siyang lumapit sa 'kin pero agad ko siyang tinulak nang malakas.

"Layuan mo nga ako! H'wag k-kang lalapit sa 'kin!" Nanginig ang boses ko sa pagsigaw.

Ang luha sa aking mga mata ay magagawa ko pang pigilan pero ang kirot sa aking puso ay hindi. Hinding hindi.

Mas lalo pa siyang nagulat. This time, I can clearly see fear in his eyes. The pain. Dinilaan niya ang kaniyang labi at sinuklay ang buhok niya na para bang hindi mapakali. Huminga siya nang malalim at pagod ang mga matang tiningnan ako.

Umiling-iling ako.

"Please... Let's have lunch together... Mag-usap tayo. I don't want us to be like this, Sasha..."

Nagtiim-labi ako.

"Bakit ba? Marami namang babae d-dyan, ah! Nandyan din ang mga kaibigan mo!" Pilit ko siyang sinamaan ng tingin.

Magsasalita na sana siya nang may biglang kumapit sa kaniyang braso. Nagulat siya at kunot noong tumingin kung sino 'yon. Napakurap-kurap ako habang dinadamdam ang maliit na kurot sa aking puso. Bumilis ang aking paghinga at nanggigilid ang mga luha.

That girl.

The girl he kissed is in front of me!

Napatingin sa 'kin 'yong babae. Eh ayan naman pala. Nakangiti siya na para bang ang saya saya niya. Napalunok ako lalo na nang makita kung paano niya hawakan ang braso ni Marx. She's so comfortable with him and he's acting like he's used to it.

"Hi! I'm Kimirae! Marx's friend!" Masigla niyang sabi at inilahad ang isang kamay habang ay isa ay malanding hinahaplos haplos ang braso ni Marx.

Uminit ang mukha ko sa iritasyon. Gustong-gusto ko nang sumabog at sigawan si Marx. At Wow. Friend? So siya pala ang sinasabi ni Marx na childhood friend niya. Bagay naman sila. She's pretty and tall.

"I assume you're his friend too?" Nanliit ang mga mata niya pero ang mga labi ay nakangiti pa rin. Huminga ako nang malalim at tinaas ang noo habang hindi pa rin tintanggap ang kamay niya. Napatingin siya kay Marx na nakatingin lang sa 'kin. "Didn't know you have a friend. Akala ko sina Zae lang ang friends mo..." Mahinang sabi niya pero rinig na rinig ko.

Mas lalo kong sinamaan ng tingin si Marx. Maghalikan na kayo dyan  Kinunot ko ang aking noo.

"I'm not his friend," tipid na sabi ko. Lumingon naman sa 'kin yung si Kimirae. Tinagilid niya ang kanyang ulo at matamis na ngumiti sa 'kin.

"Good!" Matamis siyang sabi. Kumunot ang noo ko. Good?

"Bakit?" Naiinis pero nakangiti kong tanong. What does she mean?

"Uhm. Wala naman!" Lumingon siya kay Marx. "Let's eat lunch na. I'm hungry na eh..." Maarte niyang sambit na ikinangiwi ko.

Naghalo halo sa aking sistema ang galit, inis, lungkot at sakit. Bakit niya pa ako inaya kung may kasabay naman pala siya? How dare him. At hindi rin naman ako sasabay sa kaniya kaya anong pake ko?

Nakitang kong umigting ang bagang ni Marx. Napatingin siya kay Kimirae na nagpapacute na nakatingin sa kaniya. Akala niya naman cute siya, huh!?

Mas lalong kumunot ang noo ko pero gusto kong mangisi nang makita na inalis ni Marx ang kamay ni Kimirae sa kanjyang braso. Bakit niya ginawa 'yon? Not comfy, huh?

"Aray naman, Marx! You're so-"

"Stop it, Kimirae. Just please leave us alone and go home," seryosong aniya. Nakatingin siya kay Kimirae. Kita ko rin ang salubong na kilay niya.

Pekeng tumawa yung si Kimirae. Alam kong peke 'yon. Sus! Nagawa niya pa talagang tumawa?

"Why, M-Marx? I thought-"

"Leave. Did you hear me? I said just leave," matigas na sabi niya.

Umirap ako. Napawi ang ngiti ni Kimirae. Tumingin siya kay Marx na parang hindi makapaniwala. Sa huli ay napatawa siya.

"Fine! Fine! Don't be mad at me, Okay?" Aniya sabay hawak sa braso ni Marx at hinaplos ito. Ngumiwi ako at nag-iwas ng tingin. Nanggigilid ang aking mga luha. Naiinis ako sa Kimirae na 'yan. At naiinis din ako kay Marx. Puwede ba 'yon?

He just let that girl hold him like that. Ano, sanay na sanay? Binawi lang para hindi ko makita? Paano kung silang dalawa nalang ulit. Maghahalikan ba ulit?

Masakit ang lalamunan ko nang mapalunok. Walang alinlangan akong tumalikod at tumakbo paalis doon.

How dare him call me baby. For what? For nothing? He calls me that but he has no feelings for me? Ano 'yon? Call sign lang? Trip-trip niya lang? Gano'n din ba siya kay Kimirae?

Mabilis akong tumakbo. Puno ng sama ng loob ang aking sistema. Gusto kong maiyak pero hindi ko magawa dahil sa galit. Unti-unting bumagal ang pagtakbo ko hanggang sa huminto akong humihingal. Yumuko ako at tinukod ang kamay sa tuhod.

I gritted my teeth. Nag-umpisang manggigilid ang mga luha ko na naman. Hindi ko alam kung bakit ganito. Bakit ang emosyonal ko. Emosyonal ako pagdating sa kaniya at 'yon ang ayaw ko. Tatayo na sana ako ng matuwid nang may biglang humawak sa aking balikat. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at muntik nang mapatalon.

Akala ko kasi siya.

Akala ko kasi, susundan niya ako.

Akala ko lang pala. Assumera ka talaga, Sasha. Ano ba talaga?

Bakit niya naman ako susundan diba? Wala namang pake alam sa 'kin 'yon. Doon na siya sa Kimirae na 'yon. Magsama silang dalawa. Bagay naman sila at wala akong pake alam.

"Okay ka lang?"

"I'm okay, Lian. Thanks..." Sabi ko.

Tumango-tango tango siya. May mga dala siyang papers.

"Anyway, tapos ka na ba sa mga requirements?" Tanong niya.

"Hindi pa..." Wika ko. Isang requirement nalang ang gagawin ko, tapos na ako.

"Wanna join me? I bet hindi ka pa tapos sa Science." Ngiting-ngiti siya nang sinabi 'yon.

"Paano mo naman nalaman? Stalker kita no?" I laughed.

"Hindi," natatawang sabi niya.

Ay.

"We're classmates. Remember?"

Nanlaki ang mga mata ko. We're classmates? Hindi ko alam! Simula no'ng lumipat kami ng room ay hindi ako masyadong nakikipag-socialize sa mga classmates ko. Hindi ko alam na classmate ko pala siya?

"Nakaupo ako sa likuran."

Napa-"O" ang bibig ko. Tumango-tango nalang ako sa kaniya.

"Okay. Ikaw, tapos ka na sa Science?" Tanong ko. Umiling lang siya at isenyas ang hawak niyang mga papel.

"Hindi pa. Kaya nga kita inaaya baka gusto mo nang gumawa."

I smiled. Medyo namilog nga lang ang mga mata ko sa sinabi niya. Kumunot din ang aking noo. What the hell, Sasha? Ang pangit na talaga ng takbo ng utak ko.

"P-Pwede naman..." Sabi ko. Uminit ang pisngi ko sa naisip.

Ngumiti siya. Nagsimula na kaming maglakad habang ako ay kung saan saan lumilipad ang isip. Si Axiesse, Yumie, at Zell ay tapos na. Ako lang yung hindi pa dahil parati akong nakakatulog sa library.

Pumasok kami sa library. Dala ko ang bag ko kaya wala ng problema. Nakahanap kaagad kami ng table kaya nilagay namin roon ang mga gamit namin saka naupo.

Nagsimula na kaming gumawa ng requirements. We will just have to write about Science. Hindi bababa sa 8000 words kaya paniguradong sasakit nito ang mga daliri ko! Hindi lang 'yon, may ida-drawing pa kami! Grabe talaga. 8000?

Huminto muna ako sa ginagawa. Two hours na kaming nandito. Wala kaming mga klase pero kailangan naming gumawa ng mga projects. Bawal din umabsent dahil lang walang klase. Kailangan pa kasi ng attendance.

Napagdesisyunan kong magpahinga muna. 4143 words palang ang naisulat ko. Bawat paragraph binibilang ko kung ilang words na ba. Ang hirap pero kakayanin.

Inopen ko ang aking cellphone. Nakita ko ang text ni Yumie na nasa computer room lang daw ulit sila ni Axiesse dahil wala silang matatambayan. Hindi na ako nagreply. Inopen ko nalang ang aking instagram at nag scroll lang nang scroll. Kumunot ang noo ko nang makita sa aking notification ang mga nagcocoment sa picture na pinost ni Yumie dati.

Napalunok ako nang mabasa ang mga comments nila.

Malandi si Sasha. Buti pa si Axiesse at ibang kaibigan niya.

Malandi ang gaga. Inaakit si Marx eh!

Pati nga si Lian mukhang inaakit niya eh. So malandi. Duh?

Buti pa ang mga kaibigan niya. Si Sasha kasi nakita ko dati na sinusundan si Marx sa bookstore. Desperate much? Habol ng habol, hindi naman magugustuhan.

Nanginig ang mga kamay ko. Nag-iinit ang aking mga mata sa nabasa. Ang sakit sa puso at nakakainis. These are the people nowadays. Ang dali lang sa kanila ang magsabi ng ganyan kahit hindi naman nila ako kilala.

Malandi? Really? Baka sila ang malandi dahil kalandian ang nakikita nila sa 'kin kahit wala naman. Oo siguro nga malandi ako. Pero anong magagawa nila? Sana sinarili nalang nila 'yon.

And Lian? Hindi ko alam na nilalandi ko pala siya?

I chased Marx before. Kasi crush na crush ko siya. Kasi gusto ko siya but half of it was for our mission. Kapal naman. These are the people nowadays. Pinapadala lahat sa social media. Bakit hindi nalang nila ako, harapin? Sabunutan? No. Suntukan? Game.

I scoffed silently. Violence.

In-out ko ang Instagram at napahinga nang malalim. Gusto kong ibato ang aking cellphone sa mga nag comment ng gano'n. Didn't they know? They can look at our picture without commenting something like that. Alam kong nasa loob lang ng eskwelahang ito ang mga 'yon.

Pinagpatuloy ko ang lahat ng ginagawa ko. Sa huli ay hindi ko na hinayaang makaapekto ang mga salita nila sa akin. Naunang natapos si Lian pero tinulungan niya naman akong mag drawing. Mabuti naman 'yon dahil medyo madali akong natapos.

Sumabay na ako kay Lian papalabas ng library. Nagkukwentuhan kami tungkol sa mga lecturers namin. Mayroong strikta mayroon ding mabait.

"Si Ma'am Jennie yung mabait! Noong una, akala ko mataray. Mabait pala!" Sabi ko.

"Oo nga. Mabait yun si Ma'am. Mabait din si Ma'am Rose. Lahat," Aniya. Tumango-tango ako bilang sang-ayon.

Sabi niya, sasabay din siya sa 'kin papunta sa canteen. Kinakabahan ako na ewan. Parang may kung anong gulo sa tyan ko. Ang puso ko rin, hindi na makalma lalong lalo na dahil papalapit na kami sa canteen. Para akong nilalagutan ng hininga. Ang OA, Sasha. Kinakabahan akong makita siya. Ganito ako pagdating sa kaniya.

Pumasok kami ng canteen. Hindi ko ginala ang mga mata ko dahil nasa daan lang 'yon. Natatakot ako na baka pag inalis ko ang mga mata sa sahig ay magtatama ang paningin namin. Natatakot ako na baka mas lalo akong hindi makahinga. Nanatakot akong manggigilid na naman ang mga luha ko at mainis na naman.

Dumiretso kaagad kami sa mahabang lamesa. Kumuha ako ng lasagna at iced tea bago bumalik sa table. Kaming dalawa lang sa table na 'yon kaya medyo nakakahiya. Ang ibang mga mata ay nasa amin na kaagad. Ang iba ay nakatutok lang kay Lian na harap ko.

"Where are your friends?" Tanong niya habang kumakain ako ng lasagna.

"Uh... sa computer room," Sabi ko.

Tumango naman siya at nagsimula nang kumain.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Nagkukwentuhan din kami at minsan naman ay nagtatawanan. Ang gaan din sa pakiramdam na may ibang tao kang nakakausap bukod sa mga kaibigan mo. Nakakatuwa lang na hindi siya plastik kaysa sa mga babae dyan na ningingitian ako kapag kaharap ko sila pero todo ang bulungan kapag nakatalikod na ako. Well... hindi ko naman alam na baka binabackstab din ako ni Lian kapag nakatalikod. Ang mga babae lang kasi ang nahuhuli ko.

Natigil ako sa pagtawa nang may biglang pumasok sa canteen at dumiretso kaagad dito sa lamesa namin.

"Noona, I'm hungry..." Sabi niya.

Kumunot ang noo ko.

"Susubuan pa ba kita? Edi kumain ka!"

"Noona!"

Sinamaan ko si Segeon ng tingin. Sinamaan din niya ako ng tingin. Nagsamaan kami ng tingin hanggang sa umirap ako at tinap ang upuan sa aking tabi.

"Fine. Dito ka kumain," wika ko na ikina-aliwas ng mukha niya.

Tumango siya at dumiretso na doon sa mga pagkain. Nakita ko pa kung paano siya tingnan ng mga babae habang ang kapatid ko ay naglalakad. May kinindatan pa siya kaya agad akong nakarinig ng tili. The hell?

"You're harsh to your brother..." Natatawang wika ni Lian.

"Hindi naman. Minsan lang akong harsh sa kaniya noh!" Natatawa ko ring sabi. Bakit ba kasi kailangan pang ipaalam sa 'kin na kakain siya?

"But you know what..." Sabi ni Lian na hindi nadugtungan.

Tumingin ako sa kaniya, naghihintay sa sasabihin niya. May nakikita akong paghanga sa mga mata niya. Naramdaman ko din ang tinginan ng mga estudyante sa'min. Right! Palagi nalang bang nasa spotlight?

Nagkatinginan kami. His eyebrows are thick. Ang mga mata niya rin ay yung mga matang mapang-akit. His has pointed nose, reddish lips, and a white skin. Unang kita mo pa lang sa kaniya, alam mo nang maraming nagkakagusto rito. Guwapo siya at matangkad. Alam kong marami ang nagkakagusto sa kaniya pero I'm not one of them.

"What?" Tanong ko.

"I like you."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Hindi ka plastik unlike the other girls I've met, mapagpanggap. They will be nice in front of lme just to make you think that they're good. Para magustuhan ko siguro sila... gagawin nila 'yon pero ang totoong ugali ay lumalabas kapag nakatalikod ka na. I don't like it."

Napanganga ako sa sinabi niya at gustong iluwa ang iniinom. Para ko ring nakikita ang sarili ko sa kaniya.  You know...

"T-Talaga?" Nahihiya kong sabi.

Bago pa siya makasagot ay isang malakas na bagsak ng libro dito sa lamesa namin ang kumalabog. Nagulat kaming lahat sa nangyari. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Nakatingin ang lahat sa kanya dahil sa ginawa niya.

Nag-umpisang kumalabog ang puso ko at ang aking tyan ay may kung ano na namang ganap sa loob.

"M-M-Marx?" Gulantang na tanong ko. Mas lalo akong kinabahan nang makita ang mga mata niya. He's staring at me like I did something very wrong. Hindi ko alam kung bakit o ano? Ano bang problema niya?!

Natahimik ang buong canteen sa ginawa niya. Ako lang yata ang may lakas loob para magsalita.

"You rejected me to eat lunch because you're eating with him, huh?" Malamig na sambit niya. Nanliit ang kaniyang mga mata at salubong ang mga kilay habang nakatingin sa 'kin.

"Hin-"

"And you turned your back on me when I want to talk to you. You're disrespecting me," puno ng pagbabanta ang kaniyang boses.

Kumunot ang noo ko at napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit siya nagagalit gayong wala naman akong ginawa sa kaniya! Oo tinalikuran ko siya kanina habang nilalandi siya nung Kimirae na 'yon pero talikod lang 'yon. Galit na agad? Baka naman may gagawin pa sila diba? Baka hindi pa tapos ang paghahalikan nila? 

May inilabas siya mula kaniyang bulsa habang ang ako ay nagugulat at kinakabahan sa pinapakita niya.

Namilog ang mga mata ko sa gulat nang marahas niyang dinikit sa aking damit ang isang papel!

"Opps!!!"

"Omg! Hahahaha! Siya na naman!?"

"Hala!"

"She deserves it!"

"Grabe grabe! Bwahahaha!"

The fuck?

Umugong ang matinding bulungan sa paligid. Nalaglag ang panga ko nang makitang dinikitan niya ako ng kulay asul na slip.

Madilim siyang nakatingin sa 'kin bago niya ako tinalikuran at umalis ng canteen. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya habang ang paligid ay unti unting nag-iingay dahil sa nangyari. I'm so stunned. Ang laki ba ng galit o inis niya para gawin sa akin 'to?

Tiningnan ko si Lian na nag-aalalang nakatingin sa 'kin. May nakikita rin akong pagtataka sa mukha niya

Taas baba ang aking dibdib nang binalingan ng tingin ang librong ibinagsak ni Marx sa lamesa namin. Agad kong binuklat 'yon ng mapansing may laman sa loob!

Nagulat ako dahil pagbukas ko, agad na bumaha ng napakaraming blue slip!!! 

"That's too much!" Galit na wika ni Lian sabay tayo. Tiningnan ko siya at ningitian para malaman niyang okay lang sa akin pero sa loob loob ko ay naiiyak na ako.

Unti unti ring sumasakit ang aking puso. This is so unfair. I didn't do anything. Gago siya, ah!

See? He didn't care! Kaya niya akong bigyan ng parusa. Kaya niya akong parusahan. Blue punishment? How many of blue punishment are these? Mas malala pa 'to siguro sa nangyari kina Fhia! I've heard that some students who received a red punishment decided to transfer in other school dahil hindi nakayanan ang parusa. The punishments were so hard that will make you think if you wanna stay in this prestigious school or leave! 'Yong pagbuhos ng ihi ay first step pa lamang. Tapos ako? Blue punishment at napakarami pa? Hustisya naman. Wala akong ginawa sa kaniya!

Naiiyak na ako pero nilalabanan ko 'yon. It's easy for him to give me a punishment because he didn't care if I will get hurt. Ano pa bang aasahan ko sa kanya?

"Okay l-lang ako..." Sabi ko nang makita ang paglapit ni Lian sa 'kin.

Huminga ako nang malalim at kinagat ang pang ibabang labi. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang blue slip sa aking damit at tiningnan 'yon. Nakalagay doon na kailangan kong pumunta sa Royal Room pagkatapos akong bigyan ng parusa. Pero ang ipinagtataka ko lang, bakit hindi niya pinapunta sa Royal Room ang mga binigyan nila ng red punishment? Mas mataas ang red kaysa sa blue tapos ako, papupuntahin sa Royal Room? Kung sa iba, it will be such a pleasure if they enter the Royal Room. Pero para sa 'kin, pupunta roon dahil may parusa?

Tumayo ako at lumabas ng canteen. Sakto namang nakasalubong ko sina Axiesse at Yumie paglabas ko.

Agad na kinuha ni Axiesse ang blue punishment sa kamay ko. Napakunot ang noo niya habang tinitingnan 'yon.

"Sino nagbigay nito?" Seryoso niyang tanong.

"Oh my gosh, Sasha! May ginawa ka ba?" Nag-aalalang sambit ni Yumie pero kitang kita ko sa kaniya na parang natatawa siya.

"Wala a-akong ginawa sa kaniya!" Naiiyak na sabi ko.

"Sino?" Si Axiesse.

"Edi siya!"

"Huh?" Takang tanong ni Yumie.

"Siya! Kung gusto niya akong paalisin sa school na 'to kaya niya ako binigyan ng parusa, hindi siya magwawagi! Akala niya ha! Tapos ang kapal kapal niya pa para tawagin akong sanggol pero may babae p-pala!?" Sumbong ko sa kanila.

Nakakunot ang noo ni Axiesse. Si Yumie naman ay nakaawang ang bibig na parang tanga habang nakatingin sa 'kin.

"Tinalikuran ko raw kasi siya noong gusto niya akong makausap. Tapos... tapos gusto niya raw akong makasamang maglunch! Eh m-may babae naman siya!"

"Huh. Pinagsasabi mo dyan?" Si Axiesse na gulong gulo. Salubong ang mga kilay at bakas sa mukha na hindi niya naintindihan ang mga sinabi ko.

"Siya ang nagbigay sa'kin ng blue punishment! Blue punishments! Ano? Porket ba ayaw ko siyang makasama maglunch?"

"Sino? Si Klenth?" Gulat na tanong ni Yumie habang nanlalaki na ang mga mata.

"Huh? Anong si Klenth? Hindi si Klenth!" Ano bang klaseng pag-iisip 'yan? Si Klenth? Psh! Bakit niya naman ako bibigyan ng parusa? At saka bakit si Klenth ang naisip ni Yumie?

"Eh sino?" Tanong ni Yumie.

"Si Marx, malamang..." Kalmadong sambit ni Axiesse. Napatingin ako sa kaniya. Makahulugan siyang nakatingin sa 'kin.

"Bakit ka naman niya bibigyan niyan? Ano ba ang ginawa mo, Sasha?" Seryosong tanong ni Yumie.

"Wala nga akong ginawa sa kanya d-diba?"

"Eh bakit ka niya binigyan ng blue punishment?" Tanong pa ni Yumie habang si Axiesse ay tahimik lang habang pinagmamasdan kaming dalawa.

"Hindi ko alam!"

Nanliit ang mga mata niya sa 'kin pero sa huli ay napangisi. Tumikhim si Axiesse. Si Yumie naman ay dali-daling hinawakan ang siko ko at siya pa mismo ang gumiya sa daan!

"Anong ginagawa mo?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

Binitawan niya kaagad ako at tinuro ang daan.

"Lakad na. May punishment ka pa oh!"

"What!?" Hindi makapaniwala kong sabi. Mas lalo pa akong naguluhan at kinabahan nang makita ang unti-unting pagsilay ng ngisi sa mga labi ni Axiesse.

Ano ba 'to. Natuwa pa sila dahil may punishment ako?

"Lakad na, Sasha."

Sinamaan ko ng tingin si Yumie. Hindi siya concerned? Tang inang mga 'to.

Ngumuso ako at inirapan silang dalawa. Sobrang sama ng loob ko. Mabilis ang lakad ko papunta sa elevator at sumakay. Hindi sila concerned sa 'kin? Blue punishment 'yon! Marami pa!

Naiiyak ako habang nakasakay mag-isa sa elevator. Nakarating kaagad ako sa floor kung saan ang Royal Room. Bawat yapak ko ay parang hinahampas ang aking puso. Hindi ako makahinga nang maluwag. Nanginginig ang kamay ko at gusto kong umatras pero kakayanin ko 'to. Tatanggapin ko ang mga parusa niya. Malakas ako, 'yan ang papatunayan ko.

Tiningnan ko muna ang aking wrist watch bago binuksan ang pintuan. Nasa loob siya. Baka pagkapasok ko, bigla niya nalang akong buhusan ng kung ano.

Dahan-dahan akong pumasok. Napalunok ako nang makapasok na. Ang kaba sa aking dibdib ay unti-unting lumalala lalo na nang makita ko siyang nakatayo sa gilid ng magarang lamesa habang umiinom ng tubig. His eyes immediately darted on me.

Mas lalo pa akong napalunok.

Ang dala kong blue slip ay tinapon ko sa sahig. Tiningnan niya 'yon pero binalik niya kaagad ang tingin niya sa 'kin.

"Parusahan m-mo na ako..." Naiiyak kong sabi. Bwisit. Hindi dapat ako naiiyak. Dapat matibay ako. 

Nilapag niya ang kaniyang baso at agad na lumapit sa 'kin. He's smirking. Ang tunog ng kaniyang sapatos ay namutawi sa paligid.

"What punishment would you like to take?" Seryosong sabi niya.

Huminga ako nang malalim para mabawasan ang sakit sa dibdib.

"Kahit ano," malamig kong sabi.

"Hmm..."

Masama ko siyang tiningnan. Tinagilid niya ang kanyang ulo at pinanliitan ako ng mga mata.

Gustong gusto ko siyang sigawan ngayon.

"Ano?"

"Be patient, baby. I'm still thinking..." He said playfully. Kumunot ang noo ko.

"Dapat diba a-alam mo na kung anong punishment ang ibibigay mo? Second Prince nga, bobo naman." Walangh'ya kong sabi.

Napatingin siya sa 'kin. Umigting ang kaniyang bagang.

"What did you just say?"

Gusto kong umatras dahil alam kong nagalit ko siya. Mali 'yong sinabi ko. Maling mali!

Pero pake alam ko?

Bago pa ako makapagsalita ay nagsalita na siya.

"You have to pick. Number one punishment, take a bath with 1 drum of urine. Number two, stay under the sun for three hours. Number three, date me today."

My eyes widened. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Bukod sa nakakdiri ang dalawang choices ay parang nilagutan ako ng hininga nang marinig ang pang-huli!

Oh my goodness gracious?

"Anong klaseng choices 'yon?" Pagalit kong tanong.

"Just pick."

Frustrated akong napakamot sa ulo. Just what the...

"Did you pick already?"

Sinamaan ko siya ng tingin pero sa loob loob ko ay gusto ko nang magdabog. Date him? Why? Why did he insert that date thing on the punishments?

At teka, bakit hindi nalang 'yong Kimirae na 'yon ang ayain niyang mag date? Nasaan na nga ba ang babaeng 'yon? Pero ayoko naman kaming mag date, edi baka sa number one at two ako pipili.

"Nasaan ba ang Kimirae mo? Bakit-"

"What?" Naiinis niyang sabi.

"Kamusta na pala kayo ni Kimirae? Staying strong?" Mapait kong sabi.

"What are you talking about?"

"Advance anniversary pala sa inyo, ah. Mukhang bagay naman kayo..." Tayo sana... ang bagay pero anong magagawa ko? "Maganda siya para sa 'yo-"

"What the fuck is that, Sasha?"

Natahimik ako dahil bigla siyang nag-alab sa galit. Namumula ang kaniyang mukha at salubong ang mga kilay. Napalunok ako nang mas lalo siyang lumapit. Mabilis ang lakad niya papunta sa 'kin.

Napasinghap ako nang hawakan niya ang aking kamay at hinila palabas ng Royal Room. Mabilis ang lakad niya na muntik pa akong matumba! See? He didn't even dare to put some gentleness!

Pumasok kami sa elevator. Mabilis na bumaba ang elevator patungo sa ground floor. Mabilis din ang lakad niya. Gano'n din ang aking puso, mabilis.

Dumaan kami sa likod ng building. Hindi ako sigurado pero nang buksan niya ang pintuan ay bumungad sa 'min ang garden. Akala ko, hihinto kami roon pero hindi. Hinila niya pa ako patungo sa malapit na parking lot. Agad niyang kinuha ang susi niya at pintunog ang kanyang sasakyan ng dalawang beses.

Bumukas paitaas ang dalawang pintuan ng sasakyan. Namangha pa ako dahil sa nangyari pero hinayaan ko nalang. Mabilis niya akong pinapasok sa loob ng sasakyan. At eto naman ako, sunod sunuran sa kaniya! Pumasok din siya at agad na pinaandar ang sasakyan. Bago itong sasakyan niya for sure. Ang ganda rin ng interior.

"Saan mo 'ko dadalhin?" Naguguluhang tanong ko.

Lumunok siya at kita ko ang pag-irap.

"Anywhere you want."

Mas lalo talaga akong nagtataka. Ano ba ang nakain nito?

"Ano nangyari sa'yo?"

Napatingin naman siya sa 'kin. Salubong pa rin ang mga kilay pero ramdam na ramdam ko ang pag-iingat niya. For what?

"Where do you wanna go?"

Bumuntong hininga ako. Okay. Relax, Sasha.

"Akala ko ba may punishment ako? I didn't choose anything yet!" Hinihingal kong sinabi.

"Obviously, you want number three," he said confidently.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mukha pero isinawalang bahala ko 'yon.

"K-Kapal mo!"

"And you stuttered," tumaas ang gilid ng kaniyang labi.

"Kapal mo t-talaga!"

Hindi na siya nagsalita. Hindi na rin ako nagsalita. Hindi ko alam kung bakit parang masaya ako na naiinis na ewan.

Hindi na ako nagulat nang dinala niya ako sa mall. Ako ang pinagdesisyon niya sa lahat. He even asked me kung saan kami kakain. Saan kami pupunta pagkatapos at kung anong gusto ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga alam ang kung ano ang nakain niya o ano ba talagang nangyayari sa kaniya kung bakit niya ito ginagawa.

"Did you enjoy your lunch with Lian?" Tanong niya habang naglalakad ako, pumipili ng mga restaurant. Nasa loob kami ng mall. Maraming tao. Ang iba ay napaptingin kay Marx. Ang iba sa'min. 

Bumaling ako sa kaniya.

"Syempre! Nagtawanan nga kami, eh! Dami naming napag-usapan! Sinabi niya pang gusto niya ako-" proud na sabi ko kaso pinutol niya.

"What?" Inis na usal niya.

"Sinabi niyang gusto niya ako dahi-"

"Do you like him too?" Diretsong sabi niya. Napawi ang tuwa ko at nagseryoso. Like him? Hindi. Alam niya naman siguro kung sino ang gusto ko diba?

Napalunok ako at natahimik. How could he say that? Tanungin ako kung gusto ko si Lian? Nang-iinsulto ba siya? Hindi niya ba alam na siya ang gusto ko? Nagbubulag-bulagan o nagbibingi-bingihan?

"Ano? Sagot," matigas na sabi niya sa tagalog.

"Hindi..."

Tumaas ang gilid ng kanyang labi.

"Good."

"Gusto niya lang naman kasi ako dahil hindi raw ako plastik. 'Yong ibang estudyante kasi ningingitian lang ako sa harap pero pagtalikod ko-"

"What?"

"Ano... Hindi naman sa nagsusumbong ako pero..."

"Pero?"

"Pero...bulungan na kaagad ng masasama ang narinig ko."

"Like what?"

"Uh... Kilala ko kasi yung mga nangba-bash sa 'kin sa social media tapos nang makita n-nila ako sa personal...ngiting ngiti..." ang mga gaga. One time, may nakasalubong ako. Ngiting-ngiti na parang ang santa santa niya pero alam kong isa rin sila sa mga nangbabash sa 'kin.

"Bash? You have bashers?" Galit at hindi makapaniwalang tanong niya.

"Meron..."

"What did they say?"

Huminga ako nang malalim at umirap. Para akong naiiyak habang inaalala kung ano 'yong mga sinabi nila sa'kin. Masakit 'yon. 'Yong parang mas kilala pa nila ang sarili mo.

"Na m-malandi raw ako..." My voice broke. Bumuntonghininga ako at pinigilan ang sariling lumuha sa harap niya.

Nakita ko si Marx na parang galit habang nakatingin sa 'kin. But there's something in his eyes. Parang may malalim siyang iniisip habang nakatingin sa mga mata ko.

We ate in an well-known restaurant. Pagkatapos naming kumain ay naglaro kami sa timezone ng kung ano ano. I realized that after everything I felt about him ay masaya rin pala. Galit at naiinis ako sa kaniya pero parang nabawasan 'yon. Hindi ko lang ba alam kung matatawag ba itong date. Uminit ang pisngi ko. Oh my goodness gracious.

Hapon na nang makauwi kami. Dala ko ang aking mga gamit. Nagulat pa ako ng malaman na ihahatid niya ako sa bahay. Ilang kilometro lang din ang layo ng bahay nila sa bahay ko.

"Saan nga pala nag-aaral si Kimirae?" Hindi ko talaga mapigilan ang aking bunganga.

"She's studying in Australia..." Malamig niyang sabi

"Ehhh? Bakit siya nandito kung doon siya nag-aaral?" I don't know why I opened this topic. Nagsimula lang mabuhay ang inis ko. Unti-unti ring pumait ang aking sistema.

"She visited her family," sagot niya.

Tumango lang ako. Naalala ko na naman kung paano siya kumapit kay Marx kanina.

"Bakit hindi mo siya jowa-in?"

I saw his hand gripped on the steering wheel. Huminto ang sasakyan sa tapat ng malaking gate namin pero hindi ko pa gustong bumaba. I want to know something to help my feelings fade. Nakita kong napalunok siya.

"Why would I?" Malamig na aniya at seryosong tumingin sa 'kin.

"Eh... d-diba nga naghalikan na kayo?"

"She's the one who kissed me-"

"Okay..." Pait na sabi ko at ngumiti.

"Why are we talking about this, by the way?" Kumunot ang kaniyang noo.

Umiling iling naman ako at gustong irapan siya. "Wala."

"Wala?" Tumaas ang isang kilay niya.

"Wala lang..."

"Look..." Tinanggal niya ang kanyang seat belt. He licked his lower lip. "Come here..."

"Huh? P-Paano naman ako lalapit?" Uminit ang pisngi ko. Parang sinabi ko na rin na gusto kong lumapit!

"I kissed you on your jaw. Does that mean I should make you my girlfriend?" Tanong niya. Ramdam na ramdam ko ang pag-iingat sa kanyang boses. "I like kissing your jaw..."

Uminit ang pisngi ko. Oh my goodness?

"Uh...ano." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Something in me is crushing. Crumpling. Hindi ko alam kung ano ba talaga kami. Kung ano ba ako sa kaniya? "Pero hindi mo naman ako gusto kaya...paano mo magagawa 'yon... Bakit mo gagawin 'yon?" Nag-iwas ako ng tingin.

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang aking baba at pinaharap sa kaniya na sana hindi ko nalang sinunod dahil pagharap ko, sobrang lapit niya na.

I can feel his breathing on my ear. Napalunok ako. Tumindig ang balahibo ko dahil sa ginagawa niya. Ramdam na ramdam kong parang lalabas na talaga ang puso ko.

"Baby..."

Parang may kung anong dumaang sakit sa aking puso dahil sa bulong niya. Gusto kong sumigaw. I should hate him pero tina-traydor ako ng sarili.

"Don't do that again... Baby, please. Stick to me all the time because you're driving me fucking crazy..."

Mas lalo ko siyang hindi tiningan. Iniwas ko ang ulo ko sa kanya para hindi niya makita ang aking ekspresyon. Umirap ako at gustong sampalin ang sarili.

"Hey..." Hinawakan niya ulit ang baba ko at hinarap sa kaniya.

Tumindig ang mga balahibo ko nang makita ko siyang napangisi habang nakatingin sa mukha kong sobrang init.

"Hindi ko gusto si Kimirae. Hindi kami. Walang kami. She kissed me but I didn't want it! I didn't kiss her back. I don't want to kiss her back. Alam mo kung sino ang gusto kong halikan? Alam mo kung sino ang hinahalikan ko?"

I bit my lower lip and almost rolled my eyes on him.

"You're blusing. Do you... like me?"

Kunot noo ko siyang tiningnan, hindi makapaniwala.

"Kung sasabihin ko bang oo, anong gagawin mo?" Inis na sabi ko.

"Do you like me?" Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Gusto kong umatras pero parang nilalasing niya ako gamit ng boses niya. He's intoxicating me.

"Yes..." Bulong ko.

Ngumisi siya.

"Stick to me everytime, then..." He whispered back. "Baby, I like you more..."

Parang hindi ko narinig ang sinabi niya. Natigilan ako at palipat-lipat ang tingin sa kaniyang mga mata. Anong... sabi niya?

"Gustong-gusto kita, Sasha... I'm sorry I didn't tell it early. I don't know how. And I want us to calm down first before I say it."

Napalunok siya.

"I was jealous earlier. I'm sorry if I've been an asshole to you..." Marahang sabi niya. "I like you. You..."

Bumaba ang kanyang tingin sa aking labi. Did he just freaking confess? Sinabi niyang gusto niya rin ako? Napalunok siya at dinalaan ang kanyang pang-ibabang labi. Gumapang ang mainit niyang kamay sa batok ko. Kumikislap ang mga mata niya bago inilapit ang mukha niya sa 'kin.

He wants to kiss me. I'm sure of that. I want to kiss him too. So bad.

Hinalikan niya ako sa aking noo. Napapikit ako. Pagkatapos non ay lumapit ang kaniyang labi sa 'kin. I can feel his heavy breathing. He looked even more sexy when he bit his lower lip.

Pero bago niya pa mailapat ang kaniyang labi sa labi ko ay may kumatok na sa bintana ng kanyang sasakyan! Natigilan kaming dalawa at agad na tiningnan ang bintana sa gilid niya.

Oh what the hell, Segeon!?

Continue Reading

You'll Also Like

655K 20.8K 30
[[THE QUEENS SERIES II: The Puerile Queen]] Puerile (adj.) : silly or childish especially in a way that shows a lack of seriousness. Queen (n.) : a...
63.6K 3K 10
Note: UNDER REVISION Si Aira Sebastian ay isang estudyanteng pamali-mali sa kanyang ginagawa. Ang tingin ng karamihan sa kanya ay isang bugok o kaya...
7.3K 242 57
Nyder Christopher Veromonda is known for being a campus heartthrob since its high school days. He's a desirable man and an Ideal. He has a drooling l...
145K 1.2K 5
She rebelled against oppression. She fought hand in hand with her friends and family. She fell inlove but betrayed... She was the reason for the fall...