The Philosopher Stones (Book...

By SheIsLexa

57.3K 2.9K 2.2K

Hindi man alam ng dalagang si Jennica Mae Perez kung bakit siya pinalipat ng mga magulang sa Woodsen Academy... More

Preface
Prologue
The Transferee
Siomai
The PS Bunkhouse
Codes
Tennis Ball
Please
Best Guy
Star of the Night
Fighting Angel
Zombies
Stage 2
Undercover
The Lessons
Profiles (I)
Profiles (II)
The Riddle
Underestimation
Paired
Oxygen
Programmed
Confession
Portrait
6th Generation
Never Will
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Credits
Special Chapter: Dahlia
Special Chapter: Reymond
Special Chapter: Blacke
Special Chapter: Wyte
Special Chapter: Graye
An Excerpt from PS Book 2

Chapter 41

512 13 0
By SheIsLexa

"JEN, labas muna ako ah? May tumatawag eh." pagpapaalam ni Lence sa dalaga.

"Sure." nakangiting sagot ng dalaga. Kanina pa sila nagsasayaw ni Lence at ibig sabihin ay kanina pa nagsasasayaw sina Daisy at Reymond. Umirap lamang si Jennica saka kumuha ng lemon juice. Binotoms-up niya ito at pinahid ang kanyang bibig in a not-so-lady manner.

"Ehem!" 

Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ni Jennica nang marinig ang tikhim na iyon.

"May I have this dance beautiful lady?" 

Hindi tinitingnan ni Jen ang mga mata ng binata, natatakot kasi siya na baka mas mapadali ang pagbigay niya rito, "No."

"I shall have this dance." authorative na saad ni Reymond.

Walang nagawa si Jennica kundi tingnan sa mga mata ang binata, then from that moment, alam niyang tuluyan na siyang bumigay.

They danced to the rhythm of the music, to the rhythm of their heartbeats, to the rhythm of their feelings. Reymond placed his forehead against her at kontentong ipinikit ang kanyang mga mata. Ganoon din ang ginawa ng dalaga. Sa kanilang pagsasayaw ngayon ay mga taong masasaktan, magagalit, matutuwa, pero wala silang pakialam  dahil sa ngayon, kontento ang kanilang mga puso dahil nasa bisig sila ng isa't isa.

Ika nga nila, never hold someone in your arms if you can't hold them in your heart.

"Alam mo ba na ang ganda-ganda mo ngayon?"

"Oo. Alam mo rin ba na ang gwapo-gwapo mo?"

"Oo."

"Ahh . . . pareho pala tayong conceited." 

Sabay silang napatawa habang nakadikit pa rin ang mga noo at nakapikit na sumasayaw.

"Masaya ka ba?" basag ni Reymond sa kanilang katahimikan.

Ngumiti si Jennica at marahang umiling, "Kulang ang salitang iyan Reymond. Kulang na kulang." 

Kinagat na Reymond ang kanyang labi at lahat ay hindi niya pa rin napigilang ngumiti, Ito na ba ang tinatawag nilang kilig? Parang nakakaewan na masarap sa pakiramdam.

"Excuse. Alam niyo bang nakakadalawang kanta na kayo?" 

Napabitaw ang dalawa at tiningnan ang taong umistorbo sa kanila, "Oasis?" sabay pa nilang sambit.

"May I have this dance?" walang kagana-ganang pahayag ni Oasis.

Napakamot ng pisngi si Reymond at pinagbigyan na lamang ang kaibigan. Once in a blue moon lang kasi itong nagyayayang sumayaw, "Take care of her." tinapik niya ito sa balikat saka siya nagtungo sa banquet para kumuha ng drinks nila.

Nagkatinginan ang dalawa at bago pa man siya pagtaasan ng kilay ni Oasis ay nauna na si Jennica, "May sadya ka ba? Siguro hihingin mo sa akin ang number ni Andrea ano?" binura kasi ni Josephine ang number ni Andrea sa contacts ni Oasis. Sabi ng kanyang matalik na kaibigan ay sa pamamagitan daw na iyon ay malalaman nila kung interasado nga ba si Oasis kay Andrea.

"Memoryado ko ang numero ng babaeng iyon."

"Omg! You mean—"

"Never assume unless otherwise stated." 

Humaba na lamang ang mukha ng dalaga at inirapan si Code Genius, "Akala ko pa naman interested ka sa kanya. Tapos mapapaamo ka niya, tapos magiging kayo, tapos—"

"Masyado kang spoiler."

Tumawa lamang ang dalaga sa pahayag ng binata.

"Anyway, I came here to propose something."

"Propose? Tungkol saan?"

"Initiation Stage." 

Natigilan si Jennica at pumasok sa isipan niya ang nakangiting mukha ni Reymond. She let out a heavy sigh at sinabing, "I'm listening."

***

NAPALINGON sa kaliwa si Jennica kung saan tanaw niya si Reymond na kinakausap si Hannah. Iniisip niya ang sinabi ni Oasis at ang alok nito sa kanya, Iyon na nga lang ba ang tanging paraan?, hinarap niya ulit ang lalaking may suot na maskarang silver, "Bakit ko pa kailangang isekreto sa kanya?"

"Gusto mo bang isipin niya na sumuong ka sa Initiation Stage para lang mapaamin siyang mahal ka niya?"

Napayuko ang dalaga at naisip na may point nga si Oasis. Baka isipin nga ni Reymond na desperada na siya kaya gusto na niyang sumabak sa Initiation Stage. Ayon kasi kay Oasis, Reymond is just holding back his feelings for her dahil umano ayaw siyang mabiktima ng binata ng 'The Risk' and the only way to stop the agony of Code Ideal is her transformation to Code Technique IV at ibig sabihin noon ay kailangan niyang mapagtagumpayan ang Initiation Stage.

"Jen, don't you trust me?"

"Yes Oasis. I don't trust you. Alam ko kasing nagsisinungaling ka tungkol doon sa pulang kemikal na pina-test ko kay dad."

"It's really nothing Jen. At least, it's beyond your concern."

"May pakialam ako roon."

"Look." exasperated na bumuntung-hininga si Oasis, "Gusto kong isipin mo na si Reymond ang gusto kong tulungan at hindi ikaw." binitiwan na niya kamay at bewang ng dalaga sa sinabing, "12 midnight at the Hell Unit. Maghihintay ako. Magandang gabi."

Sinundan na lamang ng tingin si Oasis na naglakad na papuntang entablado. Naiwan siyang nag-iisa at nakatulala, iniisip kung tatanggapin ba niya ang alok nito.

"Jen?" hinawakan ni Reymond ang mga kamay ng kanyang nobya na ramdam niyang nanlalamig kaya dinala niya ito papunta sa kanyang mga labi para halikan, "Ayos ka lang ba?"

Ngumiti ng alanganin si Jennica at inilapat ang ulo sa dibdib ng binata.

Nagulat man sa inakto mg dalaga ay niyakap na lamang ni Reymond si Jennica. Alam niyang naririnig nito ang tibok ng kanyang puso. Ang tibok na para sa nobya lamang.

"Ehem!"

Nang marinig ng dalaga ang pagtikhim na iyon ay agad siyang nagtangkang kumawala sa pagkakayakap ni Reymond pero sa kasamaang palad ay mas hinigpitan ng binata ang pagyakap sa kanya, "Reymond!"

"Ako ang date niya Reymond."

"Eh ano ngayon? Ako naman ang boyfriend niya."

Rinig ni Jennica ang bangayan ng dalawa kaya nagpupumiglas talaga siyang kumawala sa binata hanggang sa binitawan na nga siya nito, "Ugh. Daig niyo pa ang mga babae kung mag-away. Suntukan na lang o? Ewan ko sa inyo." saad niya saka nagwalk-out.

"Teka Jen! Saan ka pupunta?" sabay pa talagang tanong ng dalawa.

Inis siyang lumingon ulit sa mga binata at nakacrossed-arms na sumagot, "Sa Pluto. Magsusumite ako ng petisyon sa mga kabaro niyo na pauwiin na kayong dalawa sa planeta niyo." tuluyan na talaga niyang iniwan ang dalawa. Sa kakalakad niya ay naisip na naman niya ang offer ni Oasis, Ano na nga ba?, "Ouch!"

"Oops!"

Napapikit si Jennica dahil akala niya ay madadapa siya na una ang mukha. Nang dahil kasi sa katangahan niya ay may natapakan siyang paa na dahilan na rin ng pagka-out balance niya. Hinihintay niya talagang lumagapak ang mukha sa sahig pero hindi ito nangyari.

"Jennica."

Agad na napamulat ang dalaga at nakita niya ang mukhang may suot na golden mask at sa charm palang na dala nito ay alam na niyang hindi ito isang simpleng empleyado, "Martin?"

Mas lalong hinila ni Martin palapit sa kanya ang dalaga, "Can I have this dance?"

Sakto namang nagpalit ng music at nasa entablado ngayon sina Lil Saint at Christian. Si Lil Saint ay nasa tapat ng mikropono at si Christian ay nakaupo sa isang high stool at may hawak na gitara.

"Sure."

"I'm lying on the moon~ My dear, I'll be there soon~"

"Jennica, pagpasensyahan mo na kung si Daisy ang date ni Reymond ngayon."

Nakatingin lamang si Jennica sa mga mata ni Martin, "What do you mean?"

"Tutol ang mga magulang ni Daisy sa relasyon namin."

"T-talaga?"

"It's a quiet and starry place~ Time's we're swallowed up~ In space we're here a million miles away~"

Tumango si Martin bilang tugon, "Hindi niya ito ginawa para kay Daisy,  ginawa niya ito para sa akin. Pasensya ka na ha? Kailangan pa niyang magsakripisyo para sa amin."

Umiling si Jennica at ngumiti, "A-ayos lang iyon." Sakripisyo? Ito na ba ang hinahanap kong sagot?

"There's things I wish I knew~ There's no thing I'd keep from you~"

Napatingin si Jennica sa harapan at kitang-kita niya kung paano sulyap-sulyapan ni Christian ang dalagang si Lil Saint. Pilit din niyang hinahanap sa kanyang mga mata ang binatang si Adrian. Nakita niya nga itong nasa counter at umiinom habang nakatingin sa kasintahang si Lil Saint. Sacrifice.

"It's a dark and shiny place~ But with you my dear~ I'm safe and we're a million miles away~"

Nagawi rin ang paningin ni Jennica sa binatang si Oasis. Hawak-hawak nito ang cellphone at nakakunot ang noo. Kitang-kita niya kung paano ito matamis na ngingiti kapag sinulyapan si Josephine pero agad rin naman itong napapalitan mapait na tawa kapag tinititigan si Nigel na kasayaw ng dalaga at saka kukunot ang noo kapag sinusulyapan ang cellphone. Tapos buntung-hininga itong magtitipa ng kung ano sa hawak na cellphone, Sacrifice.

"We're lying on the moon~ It's a perfect afternoon~"

Nakita rin ni Jennica kung paano siya irapan ni Hannah habang kasayaw nito ang kanyang kuya Lence. Hinayaan na lamang niya ito , naintindihan niya naman kasi kung bakit ganoon kasama sa kanya ang babae. Napailing na lamang siya at iisang bagay na naman ang lumabas sa kanyang isipan, Sacrifice.

"Your shadow follows me all day~ Making sure that I'm okay and~ We're a million miles away~"

Huli niyang tiningnan ang nobyong si Reymond na kasayaw ang debutante. Nag-uusap ang mga ito at tawa pa ng tawa.

Sacrifice., sa bawat uri ng pagmamahal na kanyang nasaksihan ay hindi nawawala ang aura ng pagsasakripisyo. Ganoon nga siguro ang pag-ibig, maraming kakambal. Kakambal nito ang ligaya, ang sakit, pati ang pagsasakripisyo. Kaya hindi niya maiwasang tanungin ang sarili, Is this worth sacrificing for?

"Thank you for a wonderful rendition Ms. Dela Fuerte and Code Courtship." pagpapasalamat ni Diego Montes saka nagpatuloy, "Now, for the moment we're all waiting for . . . the unmasking of our Priestess Stone!"

Tumigil ang lahat sa pagsasayaw at humarap sa entablado. Rinig sa buong Unit ang palakpakan at hiyawan para sa debutante.

Ngumiti si Jennica at nae-excite na tiningnan si Martin na wala man lang ni anong emosyon sa mukha, "Hey! Hindi ka ba natutuwa? Finally, makikita mo na siya."

Ngumiti ng sobrang pait si Martin at sinabing, "Sa oras na matapos ang seremonyang ito Jennica, kakailanganin natin ang balikat ng isa't isa."

Umakyat na nga sa entablado si Daisy kasama si Reymond.

Naguguluhang tiningnan ni Jennica si Martin bago ibinalik ang atensyon sa harap. Pilit niyang hinuhuli ang tingin ni Reymond pero parang nakamighty bond ang pares ng mga mata nito sa dalagang si Daisy. Reymond, bakit parang mas excited ka pa kesa kay Martin?

Si Elizabeth naman ang nagsalita at nakangiti pa niyang tiningnan ang mga bisita, "I'm proud to present to you, my successor, the Philosopher Stones' Code Priestess, no other than, Ms. Daisy Montes!"

Unti-unting tinanggal ni Daisy ang kanyang itim na maskara habang humihinga ng malalim. Pilit niyang iniiwasan ang tingin ng kambal na si Dahlia dahil alam niya na sa oras na makita na nito ang kanyang mukha ay puro sakit at pighati na lamang ang maaaninag niya sa mga mata nito.

Lahat ng tao sa Unit, maliban na lamang sa mga PS Codes, ay napasinghap nang maaninag ang mukha ng kanilang leader.

"Oh my god."

"Paanong naging kamukha niya si . . . "

"This is so impossible."

Rinig ni Lence ang bulung-bulongan ng mga tao sa kanyang paligid. Kitang-kita pa niya kung paano nabato sa kinatatayuan si Jennica, "Imposible." tanging saad niya saka pabalik-balik na tiningnan ang babaeng nasa entablado at si Jennica. Akmang lalapitan niya sana si Jen nang biglang may nagsalita ulit.

"And there's more!" magiliw na saad ni Diego sa mikropono, "Tonight, we are officially announcing the engagement of my daughter, Daisy, and her Code Ideal, Reymond Dela Fuerte! A big hand everybody!"

Pumalakpak na lamang ang iba na halata mong napipilitan.

Mapait na tumawa si Martin saka inilahad ang mga kamay sa dalaga, "Can I rent your shoulders?"

Tumawa rin ng mapait si Jennica at kasabay noon ay ang pag-uunahan ng pagtulo ng kanyang luha, "S-sure thing Code Charmer." for the last time ay tinapunan niya ng tingin si Reymond na nag-iwas lamang ng tingin, Are you even worth the sacrifice?, hinubad niya ang suot na maskara at kinuha ang mga kamay ni Martin.

***

KANINA pa nagpagulong-gulong si Jennica sa kanyang higaan. Masakit ang kanyang ulo pero mas masakit ang kanyang puso, Ugh. Ang OA., panlalait niya sa kanyang sarili. Tiningnan niya ang wall clock at nakita niyang 11:15 PM na. Naalala niya tuloy ang offer ni Oasis, "Tsk." 

Matapos ng walk out scene nilang dalawa ni Martin ay agad silang pumunta sa Fire Exit na may dalang ilang bote ng maiinom. Umiiyak at tumatawa silang dalawa na animo ay mga baliw na kinakailangang ihatid sa mental.

Mabuti na lang at nagmagandang-loob pa si Martin na ihatid siya sa kanyang Unit. Natatawa pa nga siya kasi mukhang ang binata ang kailangang ihatid sa Unit nito. Ipinagdarasal na lamang niya na sana nakabalik ang binata sa sariling Unit nito ng maayos.

Hell Unit., naisip niya. May kung anong pwersa sa kanyang ang nagtutulak na tanggapin ang alok ni Oasis. "Ouch!" pumitik sa sakit ang kanyang ulo kaya napagdesisyunan niyang magtimpla ng tsaa para mahimasmasan naman siya.

Fine. Fine., sa isip niya habang iniloblob ang tea bag sa mainit na tubig, "Papatunayan ko sa iyo Reymond na kaya ko itong gawin mag-isa."

---

If you liked this part, please do Vote.

If you have something to say, please do Comment. 

If you can't do both, please do Share.

Love lots mga bebe, SheIsLexa. :*

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 236 46
Vasquez Series #2 Iesu grew up in a family of high-achievers and was constantly surrounded by pressure to succeed. However, he never let this pressur...
14.2K 481 53
Einalem December Zurbano is suffering from an illness. It causes her to seek for her death. She wanted to end her suffering not until a man came and...
524 54 25
"You're my greatest cure." Her home is only the safest place for her. She developed this unusual kind of fear when she reached age 25, it's Agorapho...
53.8K 1.9K 45
Haylee Chris Lim can make your devices explode in just one sitting. That's why she is known as Harm of the Phantom Goddesses. An unfortunate event fr...