---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Panahon nga nagbabago, tao pa kaya?
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
East University.
'Kyaaaaahhhh!!!" sigawan ng mga babae sa may corridor. Lahat sila ay nakatingin sa grupo ng taong dumadaan.
"Sino sila?" tanong nang isang transferee student sa kanyang mga kaklase
"Pre, yan ang kilalang gang na BLACK SEVEN na sikat na sikat dito sa campus, pati na rin sa gang world" sagot naman ng kaibigan nito
BLACK SEVEN:
-Raijeen Paul Mariano
nickname: Raj
-Keith Argon
nickname: Keith
-Darius Vincent Ricaforte
nickname: Dars
-Nathan Kyohei Takano
nickname: Kyo
-Prince Lance Fuentabella
nickname: Lance
-Ice Ezekiel Ravena
nickname: Ice
at ang leader ng gang,
-Marjorie Daniella Lee
nickname: Daniel
"Babae?!"napasigaw ang transferee student ng malaman niya na ang leader ng kinatatakutang gang ay isang babae.
"Pre, babae lang yan sa pisikal na anyo, wag kang malinlang" kaibigan ng transferee student
Lahat ng babae ay nilabas ang kani-kanilang cellphone at camera upang kuhanan ng larawan ang grupong BLACK SEVEN.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
DANIEL POV
"Sikat na naman tayo! hahahah" tuwang tuwa na naman si Lance na pinagtitinginan kami, ay este sila pala.
"Lance wag kang ASA, ako lang kaya tinitingnan nila! Hahahahaa" sumabat naman si Dars
"Ulol ka Dars! TAYO! Gwapo tayong lahat! Pati si Boss! di ba Boss?" si Kyo
Tumahimik lang ako. Shit talaga ang iingay pa rin nila.
"Ice, maninigas ka diyan, galaw galaw nga!"pang aasar ni Raj
Tumingin ako kay Ice na nagbabasa ng libro at nakasandal sa puno. Nandito kami ngayon sa garden ng school, tambayan naming pito.Tumingin lang si Ice kay Raj at muling binalik ang tingin sa librong binabasa.
"Ice nga, yelo ang pakiramdam.tss"Raj
"Ganyan naman si Ice, masanay ka na Raj"Keith
"Palibhasa yang si Raj e napakadaldal! Wala pa sa kapuwetan ni Ice! Bwahahaha"Dars
Ingay =__=
"Letse! Tumahimik nga kayo! Tatanggalin ko yang mga pustiso niyo!" sa galit ko sumigaw ako sa kanila.
Lahat sila nagkatinginan at nagsimulang tumawa.
"Raj! Pustiso mo malalaglag! Hahahahahah"Keith
"Anak ka ng tipaklong Keith! Totoo ngipin ko!"Raj
"Maniwala sayo Raj! Hahahahha" Dars
"Si Dars nang aasar pero pustiso din naman siya! Hahahahaha"Lance
"Ulol ka Lance! Buset!" Dars
"Hay, mga tatanggi pa! lahat naman kayo nakapustiso!!"sabat ni Kyo
Napatingin ang apat na nag aasaran kay Kyo at sabay sabay nilang dinambahan.
"Tss. Ingay" tumayo si Ice at naglakad palayo sa garden.
"TIGILAN NIYO NGA YAN!!!!!!" ansakit naman ng lalamunan ko sa pag sigaw ko.
Lahat sila napatigil sa kakulitan at sabay sabay na inayos ang upo.
"Tara na sa klase"utos ko. Tumayo ako at pumunta na sa classroom ko, silang lahat ay nakasunod lang na parang tuta, sanay na ako. Yun bang parang wala kang kalayaan. Tss
Classroom*
"Boss, sa sabado, ang G-scent" bulong ni Keith
Syete. Yun nga palang gang na yun ang malakas ang loob na nag hamon sa amin. P*tek, wala ako sa mood makipag away.
"Boss?"Keith
"Sige" pumayag na din ako, bahala na si batman.
Nang dumating ang prof. namin nakinig na lang ako sa i-Pad ko, walang kwenta yan, alam ko na kase tinuturo niya.tss.
AFTERCLASS*
"Boss sure ka bang di ka sasabay sa amin?" tanong ni Dars
"Boss, madaming loko diyan sa kanto" Lance
"Tsaka Boss, anu, kase.. ano ba? sumabay ka na kase sa amin pauwi!"si Raj na makulit
Tss. Ang kukulit.
"Maglalakad na lang ako" yun na lang ang sinabi ko at diretso akong naglakad.
Hindi pa nga pala ako nakakapag pakilala sa inyo, Bwiset kase yung buo kong pangalan, kahaba haba, pwes,,Daniel Lee na lang. BABAE po ako, 17 years old. Yun lang, i google niyo ako kung gusto niyo.
Habang naglalakad ako, nakasalubong ko si Ice. The mr. one word.
"Uwi ka na?" tanong niya
Shet. Di ako sanay, hindi kase ako tinatawag ni Ice ng boss. ewan ko basta ang tapang ng lalaking yan. Kala mo naman may maipagmamalaki... joke! meron pala.
Hindi na lang ako nagsalita at dire-diretsong naglakad. Phew. Ang tahimik ng paligid, nakakapanibago.
"Ge Ice, mauna ka na sa bahay, may pupuntahan pa ako" may pupuntahan pa akong importante
"Sige" sabi niya habang nakatalikod at kinaway niya ang kanang kamay.
Lumiko ako sa unang kanto at pumunta sa lugar na maganda ang paligid. Pagkadating na pagkadating ko tiningnan ko kaagad ang malaking puno sa harap ko. Matayog pa rin ito at halos walang pinagbago, maliban sa mas malaki na ito.
Sampung taon na ang nakalipas pero wala pa rin siya. Ike asan ka na? Babalikan mo pa ba ako? Tutupad ka pa ba sa pangako mo? Naiinip na ako sa paghihintay Ike. Paano pag bumalik ka? Baka di mo na ako makilala, iba na ako.
I'm now a gangster
Hindi na ako ang prinsesa mo.
Tumingin ako sa ulap at pinagmasdan ko. Halos sampung minuto din akong nakatingin, hanggang sa binalak ko nang umuwi.
Pagkadating na pagkadating ko sa bahay, nagkalat lahat ng gamit.
>___<
BUSET!!!! ANG KALAT!!!
"RAJ! DARS! LANCE! KYO! KEITH! ICEEEEEE!!! NASAAN KAYO?!!" ako
"Tago na tayo!! Bilis!!" mabilis na nagtakbuhay ang 6 na lalaki na kasama ko sa bahay, oo.. Kasama ko sila at nakatira kami sa iisang bahay,
Kanya kanya ng tago at nakita ko na lang si Ice na pumasok sa kwarto niya at nilock ito. P*tek =___=
"MAGHANDA KAYOOOOOOO!!!" magtago tago na sila sa kani kanilang LUNGGA!
Andito na ako! *evil smile*