Protecting the Campus Royalti...

Da Baepreshyy

7.5M 202K 41.5K

"Far from being Ordinary Girls" ang papasok sa isang sikat na paaralan kung saan nandoon ang mga kalalakihang... Altro

PTCR
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69

CHAPTER 61

79.1K 2.3K 953
Da Baepreshyy

◆♢◆

Sasha's POV

----------

"Ano ba! B-Bitawan mo 'ko!" Kinakabahang usal ko kay Marx.

Nanlalaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Parang ilang segundo akong hindi nakahinga nung hinila niya ako palabas ng Royal Room! I mean, grabe! Bakit niya ginawa 'yon? At parang sasabog na ako nang makita ko siya kanina. At take note ha, nilagyan niya pa ako ng tuwalya!

Napatingin sa akin si Marx dahil halos  sigawan ko na siya. Nakakunot ang noo niya gaya ng palagi. Magsasalita na sana siya nang bumukas ang pinto ng Royal Room at iniluwa si Yumie. Nagkatinginan kami ng kaibigan ko bago siya tumakbo. Kumunot ang noo ko sa inasta niya. Hala, saan naman siya pupunta? Baka ano naman ang gawin sa kaniya ng mga estudyante, ha?!

Tatawagin ko na sana siya nang bigla ulit bumukas ang pintuan. Lumabas si Klenth at dire-diretso ang lakad niya na para bang hindi kami nakita.

Ngayon kami nalang ulit ni Marx ang nandito sa labas. Bigla ko naman naalala ang ginawa ng mga estudyanteng 'yon sa amin. Kung kanina, mainit ang ulo ko. Ngayon, gusto ko na talagang sumabog. I swear, I won't let this day pass without getting my revenge. Alam kong mali ang maghiganti pero sobra na ang ginawa nila. Hindi kami nanlaban. Kinawawa nila kami. Inabuso nila kami. Ilang beses nang nangyari ito at ngayon ang pinakamalala!

I hope Axiesse was here pero alam kong may pinagdadaana siya. Kung hindi ko sila lalabanan, baka masanay sila at ulit-ulitin ang ginawa nila sa amin. I need to teach them a lesson.

Napatingin ako kay Marx. Kinunutan ko siya ng noo bago siya tinalikuran pero nabigla ako nang bigla niyang hinila ang braso ko.

"Ano ba!" Sigaw ko, galit na.

Bakit niya ba ako hinila? Bakit ba siya nandito sa harap ko? Akala niya siguro nakalimutan ko na 'yong ginawa nila noong childhood friend niya kuno! Pwes nagkakamali siya dahil hanggang ngayon, paulit-ulit pa rin 'yon bumabalik sa utak ko at paulit ulit akong nasasaktan kahit sinabi niya naman sa akin na hindi niya 'yon girlfriend.

"Why are you mad?" Mahinahon niyang tanong.

Parang biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko. Bakit niya ako tinatanong ng ganoon? Pake ba niya? Bakit? Anong pake alam niya diba? Diba? At dapat alam niya na galit ako dahil sa nangyari sa amin. Nakakairita naman.

"Hindi ba obvious? Binuhusan ako, Marx! Hindi makatarungan ang ginawa n-nila sa amin!" Nanginig ang labi ko dala ng galit.

Gusto kong maiyak. Humanda talaga sila sa ginawa nila.

He sighed. Nag-iwas siya ng tingin. Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang panga.

"At bakit mo b-ba ako hinila rito, ha? Ayaw mo ako sa loob? Edi h'wag!" Sabi ko, naiiyak na. Tinalikuran ko siya pero nahuli niya ulit ang kamay ko.

"Baby, please..."

Tumindig ang balahibo ko! Gustong gusto ko nang maiyak ngayon.

"Let me handle this. Please..."

Pagkasabi niya noon ay biglang tumunog ang school. Para siyang wangwang. Ang mga ilaw sa kisame na hindi umaandar na nasa loob ng isang salamin ay biglang umilaw ng pula. Kinabahan kaagad ako. Naalala ko noong may nangyaring yellow punishment ay umilaw ng ganoong ilaw ng dilaw. Pero ngayon, pula na!

Oh my gosh?! Is that what I think it is? Red punishment?

Gumala ang tingin ko sa paligid. Ang ingay dahil sa ring at wangwang. Nakita ko ang pagdating ng mga lalaking estudyante. Papalapit na sila rito sa may Royal Room. Narinig ko ang mura ni Marx at halos mapatalon ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking baywang.

Taas baba ang dibdib ko dahil sa ginawa niya. He always has this effect on me...

Hinawakan niya ang doorknob ng pintuan ng Royal Room. Pumasok kami ulit doon. Hindi ako nakapagsalita dahil sa ginawa niya. Ang kamay niyang nasa baywang ko ay mainit at medyo nakakakiliti. Napalunok ako at gustong mapapikit. Bakit ba ganito siya!?

Nakita ko si Zell na nakaupo sa sofa. Si Wayne ay nakatayo at papalabas na sa pintuan.

Napatingin sa akin si Wayne. Tipid akong ngumiti. Ngumiti rin siya at tumango pero pagbaling niya kay Marx ay ibang Wayne na ang nakita ko. Seryoso at nakakaintimidate na talaga.

"Where are you going?" Si Marx.

"They should be punished, real hard," seryosong ani Wayne.

"We'll discipline them in a hard way, then... I don't want this to happen again."

Tumango siya sa sinabi ni Marx.
Lumabas si Wayne pero nakita ko ang paglingon niya kay Zell na nakatingin lang sa sahig. Tulala. Pulang pula ang kaniyang mukha. Pulang pula rin ang kaniyang labi.

"Hey," nilingon ko si Marx na siyang nagsalita. Kumabog na naman ang puso ko nang marinig ang boses niya malapit sa akin.

"B-Bakit?"

"You stay here with your friend, alright?" Bulong niya at hinaplos ang baywang ko.

Napigilan ko talagang huminga at tumango sa kaniya. Bakit ba ganito?

Marx, bakit!!!

Tumingin siya sa aking labi at nag-iwas ng tingin. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Oh my goodness gracious? Kinalma ko ang sarili ko.

Huminga siya nang malalim at tinalikuran ako para lumabas ng Royal Room. Pagkalabas niya ay doon lang ako nakahinga. Napabuga ako ng hangin dahil sa sobrang kaba. Para ring may kung anong nagliliparan sa tiyan ko.

Dahan-dahan akong naglakad para makaupo sa tapat ni Zell. Napahawak pa ako sa aking dibdib at napapikit nang maramdaman ko ang sobrang pagkalabog noon. Oh my! Will you stop beating like that, heart? Maging normal ka naman sana. Mahihimatay na yata ako.

Napaupo ako nang dahan-dahan sa malambot nilang sofa. Si Zell ay nasa tapat ko at tulala pa rin. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig. Naka on kasi ang aircon dito tapos basa pa ako. Pero buti nalang dahil may makapal na tuwalyang nakapulupot sa akin.

Mariin akong napapikit at huminga nang malalim at sa huli ay dumilat din. Hindi ko alam ang gagawin ni Marx at Wayne. Pero parang may kaonti akong alam. May red punishment ngayon.

Hindi ko rin alam ang gagawin ko ngayon. Ang daming bumabagabag sa isip ko. Bakit niya sinabing dito muna ako? Anong gagawin niya? Nasaan na si Yumie? May pasok ba ngayon? Kamusta na si Axiesse?

Naisip ko 'yong dahilan kung bakit ako pinanatili rito ni Marx. And he called me baby... again! Gusto na namang maiyak. Nag-iinit ang mga mata ko.

Why is he doing this? Bakit niya ginagawa ito?

He's a second Campus Prince. Responsibilad din nilang disiplinahin ang mga estudyante. Tinitingala sila ng mga estudyante. Hinahangaan, kinatatakutan at pinagkakaguluhan dahil sa taglay nilang katalinuhan at kagwapuhan. Tungkulin nilang disiplinahin ang mga 'yon lalong lalo na dahil hindi makatarungan ang mga ginawa ng mga estudyanteng sakop nila.

Pero eto... itong pagpapanatili niya sa akin dito sa Royal Room... Dapat niya lang gawin 'yon diba? Dahil para hindi masaktan ulit ang kapwa estudyante niya. Naiiyak ako kapag naiisip kong parte lang ito ng pagiging Campus Prince niya. Naiiyak ako kapag naiisip ko na ginagawa niya lang ang lahat ng ito sa akin dahil parte 'yon ng pagiging Campus Royalty niya. 'Yong paghawak niya sa baywang ko. 'Yong paghalik niya sa akin sa aking panga... 'Yong pag tawag niya sa akin ng baby. 'Yong... 'yong mga sinabi niya. Parte lang ba 'yon ng pagiging Campus Prince niya o hindi? Kasi kung hindi, gusto ko ng sagot. Pero natatakot akong malaman ang sagot. Naduduwag ako kasi alam ko na ang sasabihin niya.

Ayoko nang umasa. Gusto ko siya, oo. Gustong gusto ko siya. Mula sa pagiging masungit, seryoso at tahimik niya. Gusto ko. Pero bakit niya ako tinatawag ng ganoon? Gano'n din ba ang tawag niya sa mga babaeng naaapi? Ganon din ba ang tawag niya sa mga babaeng pinanatili niya rito?

Funny me. Hindi ako tanga para isipin na wala lang 'yon... pero ayokong mag assume. Madalas naman akong assumera ako pero bakit ngayon hindi ko magawa?

Masakit umasa. Lalo na kung gusto mo talaga 'yong tao. Pero natatakot ako. Ayokong mag-assume na tinatawag niya akong gano'n dahil may ibang kahulugan. Ayokong mag-assume na gano'n siya kumilos sa akin. Ayokong mag-assume na hinalikan niya ako sa panga dahil... Ayokong mag-assume na may laman ang mga kilos na 'yon. Naguguluhan ako. May laman ba talaga ang mga kilos niya para sa akin o wala?

Wala na akong pake alam kung makita ni Zell ang mukha ko. Tumulo ang luha ko sa pagka frustrate. Bigla siyang napatingin sa akin at napatayo.

Tandang tanda ko pa noon 'yong sinabi niya sa akin sa rooftop noong gabing thanksgiving party ni Wayne. The way he said what his order was. Tandang tanda ko pa ang bawat bigkas niya noon. At alam ko kung bakit niya nasabi 'yon. Para makilala niya ako. Dahil halata niya na parati ko siyang sinusundan. Para malaman niya kung bakit ko siya sinusundan. Para masagot na ang mga tanong niya sa sa akin noong nasa rooftop kami ng hospital. At alam ko, nahahalata niya na. Malapit niya nang malaman kung sino at ano ako kung bakit parati akong nasa paligid niya. At kung malaman niya, posibleng lalayuan niya ako. Masasaktan ako. Kaya ngayon, uunahan ko na siya. Ako na mismo ang lalayo kaya kapag nalaman niya na talaga, at least, hindi na medyo masakit. Hindi na ako masasaktan ng sobra!

Noong gabing binalikan ko siya sa parking lot at sinabing gusto niya akong makilala kasi gusto niya akong idate. Hindi na ako naniniwala doon! Parang hindi na kapani-paniwala. Ano 'yon, gusto niya akong idate dahil gusto niya ako? Hindi. Gusto niya akong i date para may malaman siya sa akin. That's it.

Hindi niya ako gusto kaya bakit ko pa ilalapit ang sarili ko sa kaniya? Kung ilalapit ko ang sarili ko at mag babaka sakaling magustuhan niya ako kapag parati kaming magkasama ay napaka imposible! Gusto niya lang mag stick ako sa kaniya para masagot ang mga katanungan niya! At kung masagot man ang kaniyang mga katanungan, nasisiguro kong wala na akong nararamdaman para sa kaniya. At hindi na rin siya magiging ganito sa akin. Sisiguraduhin kong hindi na ako masasaktan kapag umiwas siya sa akin dahil ngayon, umpisa ngayon, iiwas na ako. Ako na mismo. Para sa sarili ko. Hindi ko na siya lalapitan.

Dapat noong una pa lang, hindi ko na ginawa 'yong deal. Hindi rin naman gumana. Dapat noong una pa lang, iniwasan ko na siya dahil alam kong hindi rin naman niya ako magugustuhan.

Naramdaman ko ang yakap ni Zell. Tinapik-tapik niya ang aking likod habang ako ay nakapikit dahil sa pag-iyak. Hindi siya nagsalita. Nang medyo tumahan ako ay dumilat ako at pilit na ningitian siya.

Ilang oras kaming nando'n. Wala kaming nagawa kundi ang tumunganga. Hindi ko alam kung bakit kami nandito. Buti pa si Zell, may Wayne. At alam kong gusto rin siya ni Wayne. Buti pa siya.

Nilabas ko sa aking bag na madumi at basa na rin ang papel na binigay sa amin ni Dean. Ang nakalagay doon ay ang pagbaba namin sa special class. Hindi raw namin deserve ang maging parte ng special class. Simula bukas, ibang section at room na ang papasukan namin. Makakatulong din 'yon sa pag-iwas ko sa kaniya.

Ayokong mange alam ng gamit dito. Gusto kong paandarin ang malaking flat screen TV nila pero ayoko talagang mangealam. Sa sobrang pagkabagot ko ay napagpasyahan kong umalis sa Royal Room. Si Zell ay sumama na rin sa akin kahit na may nagdeliver na rin ng pagkain.

Tinext ko si Yumie kung nasaan siya. Sinabi niyang nasa rooftoop lang siya at nagpapahangin. Sandali pa akong natigilan nang may naalala na naman! Seeesh! Rooftop!

Pumunta kami roon. Parang hindi kompleto ang araw na 'to. Hindi kompleto dahil wala si Axiesse. Mabuti naman dahil walang mga estudyante sa hallway. Hindi ko alam kung nasaan.

Bago kami dumiretso sa rooftop ay dumaan kami sa canteen. Mabuti naman kasi walang tao roon. Tanging yung mga nagseserve lang ng pagkain ang naroroon. Nakarating kami sa rooftop. Hindi mainit. Katamtaman lang ang sikat ng araw kaya okay kung manatili kami roon. Kaysa sa maabutan ni Marx doon.

"Yumie..." Sambit ko habang siya ay nakahawak sa barandilya at nakadungaw sa ilalim.

Napalingon siya sa amin at tipid na ngumiti. Nilahad ko sa kaniya ang isang mineral bottle at burger. Tinanggap niya naman 'yon at kinain. Tumabi kaming dalawa ni Zell sa kaniya at tahimik lang habang pinagmamasdan ang paligid.

May kinuha rin akong burger kaya kinain ko 'yon. Tiningnan ko si Zell na tahimik ring kumakain. Ang isang 'to, hindi talaga nagsasalita.

Pulang pula pa rin ang pisngi niya. Hindi naman siya ganyan. Wala naman 'yan kanina at hindi naman siya naglalagay ng blush-on. Ang kaniyang labi rin ay sobrang pula na para bang hinalikan nang sagad, parang malapit nang mamaga. Ay ewan! Napatingin ako kay Yumie. Tulala lang siya pero alam kong marami ang iniisip. Hays. Ewan ko na talaga sa mga kaibigan ko. Kaya imbes na tumahimik ay hindi ko nakayanang hindi magsalita.

"Zell, sobrang pula mo..." Puna ko. Tumingin naman ako kay Yumie.
"Ikaw din, Yumie, tulala ka..."

Bahagya akong humagikhik. Isinintabi ko muna ang mga naisip ko kanina. Ang pag-iwas kay Marx at ang mga estudyanteng nanakit sa amin. Pero hanggang ngayon, nanggigigil pa rin talaga ako sa kanila. Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang kamay nila sa maganda kong buhok. Sinabunutan nila ako, alright?! Hinding hindi ko na talaga sila papalampasin. They want war? I'll give them war. Tutal bababa na rin naman ako sa special class, susulitin ko na. Hindi rin naman ako matatanggal sa paaralang ito. At handa akong harapin ang kahit anong parusa kapag ginawa ko 'yon.

Napangisi ako sa naisip. Anong akala nila sa'kin? Mahina? Mahina dahil hindi makapaglaban? Mahina dahil nagpapasakit sa iba? Konsensya ko ang isa sa mga kahinaan ko. Konsensya.

Ilang minuto pa kaming nandoon. Nang maubos ko ang pagkaing kinakain ko ay napadungaw ako sa baba. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga estudyante.

"Oh my goodness gracious!?" Sigaw ko sabay alog-alog kina Yumie at Zell.

Ang daming estudyante sa feild! Naka linya silang lahat. Omygosh! Sa likod ng bawat estudyante ay may isang estudyante. Rinig ko ang iyakan ng iba. Ang mga nakapwesto sa likod ay may bitbit na isang malaking timba. Ang dami nila!

Dahil maganda at malinaw ang mga mata ko ay agad kong namataan si Marx, Wayne at Klenth na nakatayo roon sa harap nila. Pero malayo sila sa mga nakalinyang estudyante. Seryoso ang mga mukha nila.

May pito na nakasabit sa leeg ni Marx. Nagtaka ako at nagulat at the same time nang makita ang soot nila. They're wearing a red coat. Nakasuot din sila ng mask. Sa paligid naman ay may mga nagsidatingang fire truck.

Hinawakan ni Marx ang pito. Parang ilang segundo pa ang hinintay niya bago pumito. Pagkatapos ng pito ay agad silang binuhusan ng tubig! Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang binuhos sa kanila! I thought it just a water!

Pero...

Yuck!

That's so disgusting!

Nag-iwas ako ng tingin at dali daling tumalikod. Gano'n din ang ginawa nina Zell at Yumie.

Napangiwi ako habang nakatingin sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam ang mararamdaman. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa o ano.

I think that was too much!

But they deserved it anyway!

Pero, ihi 'yon! Sigurado ako! Sht talaga!

Umalis kami sa rooftop. Hindi na namin alam kung saan kami pupunta. Napatingin ako sa wrist watch ko. Tiningnan ko kung anong oras na ba. Tanghali na pala.

Pagkarating namin sa canteen ay halos manibago kami. Konti lang ang naroroon. Mga special class sa iba't ibang grade level. Hinanap ng mga mata ko si Segeon pero wala siya doon. Ewan ko ba kung saang lupalop ng mundo 'yon nagsusuot. Namumukhaan ko pa ang iba kasi mga kaklase namin sila sa special class. Ang iba ay tipid na ngumingiti sa amin. Ang iba naman ay tinitingnan lang kami unlike sa ibang section na grabe talaga kung mag bulungan. I guess, the students of special class are well disciplined?

"Hoy! Grabe!" Salubong sa amin ni Arjie sa mahinang boses.

"Teh, saan kayo nanggaling?" Si Cherwin habang naglalakad kami papunta sa usual place namin.

"Nagpahangin lang," sagot ko.

"Weh? Siguraduhin niyo lang ha? Tara, kain na tayo. Kanina pa namin kayo hinihintay. Baka naman may hangin na 'yang mga utak niyo," natatawang ani Arjie.

Umupo kami sa lugar namin. Buti naman dahil may mga pagkain nang nakahanda roon. Patuloy pa din ang pag-ilaw ng pula sa paligid pero 'yong wangwang ay nawala na.

Naglagay ako ng pagkain sa plato ko. Gano'n din ang mga ginawa nila. Katabi ko si Zell at Yumie. Sa harap naman namin ay sina Arjie at Cherwin. Napatingin tingin ako sa paligid. Normal naman ang ingay nila. Ang mga estudyante ay mga Special Class at kabilang sa higher section ang naririto.

"Absent si Axiesse?" Si Cherwin.

"Hindi. Nakaupo nga siya sa tabi mo Cherwin," sagot ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya. Bigla siyang napatingin kay Arjie na katabi niya. Agad niyang tinuro si Arjie at humagalpak sa tawa.

"Si Arjie na pala si Axiesse ngayon!? Bwahahaha! Taray ni Arjie! Hoy, Axiesse, ikaw pala 'yan!?" Malakas na sambit niya dahilan nang paglingon ng iba rito sa table namin.

"Hoy grabe ka, Cherwin ha. Gaganti rin ako sa iyo! Humanda ka! Lalaspagin ko 'yang bunganga mo!"

Nagtawanan sila. Napangiwi naman ako at nakitawa na rin. Ganyan sila. Nasanay na talaga ako. Pero nang maalala ko 'yong kanina sa rooftop ay parang masusuka ako.

Hindi ba aangal ang mga magulang ng mga estudyanteng 'yon? Baka magdemanda sila kapag nalaman nilang ganon ang ginawa sa kanilang mga anak.

"Arjie, diba may r-red punishment ngayon?" Biglang tanong ko dahilan nang pagkakatigil nila sa tawanan. Ay.

Napatingin si Arjie at Cherwin sa akin, takot at seryoso.

"O-Oo, day..." Si Arjie.

"Ano 'yong binuhos sa kanila kanina? Nakita ko kasi...uh...ihi ba 'yon?" Lumiit ang boses ko sa huli.

Napangiwi ang dalawa at sabay pang tumango.

"Pero hindi pa 'yon ang punishment. Parang warm up pa lang 'yon. Madami pa silang pagdadaanan," dugtong ni Cherwin na para bang normal lang ang lahat.

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko. Warm up? Nagbibiro ba siya? Napatigngin din si Yumie at Zell sa kanilang dalawa, parehong gulat.

"W-Warm up?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang natatawa.

"Oo, day, red punishment kasi 'yon...kaya kung sino ang matitirang matibay, siya ang mananatili rito sa school. Kung hindi nila kakayanin, malaya silang lumipat ng ibang paaralan," wika ni Arjie na halata sa mga mata ang kaba.

Dahan dahan akong tumango. Kumunot ang noo ko at napatulala. Grabe naman 'yon. Pero sa tingin ko, deserve nila 'yon na hindi. Ay ewan. Ang gulo ko na. Naaawa ako sa kanila pero nang maalala ang ginawa nila sa amin kanina kumukulo na agad ang dugo ko. That's right. I need to remember what they did to us.

"May rules ba ang school na 'to?" Tanong ko.

Huminga naman muna nang malalim si Cherwin bago nagsalita. Mukhang nahihirapan siya at kinakabahan.

"Oo. Kaya nga dapat h'wag mong labagin ang rules kung pumasok ka sa school na 'to kasi pag nilabag mo 'yon, walang magagawa ang mga magulang natin kapag may punishment tayong matatanggap..."

Tumango tango kaming tatlo at sa huli ay nagpatuloy lang sa pagkain.

Napatingin ako kina Arjie at Cherwin na napapatingin sa amin. Kapag nahuhuli nila akong nakatingin sa kanila ay agad siyang nag-iiwas ng tingin na para bang nahihiya o ano. Ano bang nangyari? I sighed. Tinapos ko na ang kinakain ko at tumuwid sa pagkakaupo.

"Okay. Naiilang na ba kayo sa amin?" Diretsang tanong ko.

Nanlaki ang mga mata nilang dalawa. Alright! Alam kong ganyan ang magiging reaksyon nila dahil nakita ng dalawang mga mata nila ang ginawang paghagis sa akin ni Axiesse ng baril no'ng party. Narinig din nila ang sinabi ni Axiesse bago magsimula ang gulo at nakita nila ang ginawa ng kaibigan ko. Nakita nila kung paano naming niligtas silang dalawa palabas ng event. At alam kong may mga nalalaman sila kung bakit kami gano'n kumilos.

Nag-iwas ng tingin si Arjie. Si Cherwin naman ay nakita kong napalunok.

"Arjie," nagbabantang tawag ko.

Napatingin siya sa akin—sa aming tatlo.

"Day...k-kasi ano eh..." Kinakabahan siya.

"Natatakot ka sa amin?" Si Zell na nasa kanya na ang atensyon. Pakiramdam ko, tuwing magsasalita si Zell, lilingunin siya ng lahat eh.

"Kung natatakot na kayo sa amin o ano... puwede niyo naman kaming layuan kung 'yon ang gusto niyo-"

"Hindi, hindi! H-Hindi namin gagawin 'yon! Kaibigan n-namin kayo. Kayong apat ang naging unang kaibigan namin!" Si Cherwin na pinutol ako.

Tahimik namang nakatingin sa kanila si Yumie. Ewan ko ba kung bakit naging ganyan na 'yan. Hindi naman siya tahimik. May iniisip lang siguro o ano.

"Okay..." Sabi ko at tumango tango.

Huminga ako nang malalim. Kukunin ko na sana ang papel na binigay ni Dean para sabihin sa kanilang dalawa ang pagbaba namin sa Special Class nang biglang sumulpot sa table namin ang tatlong babae! Si Fhia, Tracey at Gwen.

Kumunot ang noo ko at gustong takpan ang ilong nang maamoy ang napakabahong amoy! Parang pinaghalong ihi at kung anong masamang amoy! Gulong gulo ang kanilang mga buhok. Basang basa ang mga uniform. Sobrang dumi rin kanilang uniform. Namumugto ang mga mata siguro sa pag-iyak at sobrang baho!

Oh seeeeesh! Sila yung mga nakatanggap ng red punishment! At nasisiguro kong hindi lang sila, marami pa! Pero sila lang ata ang pumunta rito.

Agad na nagsibulungan ang mga estudyanteng naririto sa canteen. Ang iba ay umalis. Ang iba ay napatakip ng ilong. Ang iba naman ay napatayo na para bang alam na ang susunod na mangyayari.

"Kasalanan niyo 'to!" Malakas na sigaw ni Gwen. At alam ko, siya 'yong humila ng buhok ko kanina. Agad na kumulo ang dugo ko.

"Ano!? Nilalandi niyo talaga ang mga Campus Royalties para parusahan kami!? Hindi na kayo nahiya!" Si Tracey!!!

Napatayo ako. Ang kaninang galit na itinago ko ay biglang nagsilabasan. Napatayo rin ang mga kaibigan ko. Lahat na mga estudyanteng naririto ay napatayo na rin.

Taas baba ang aking dibdib. Nanginginig ang katawan ko sa sobrang galit. Naramdaman ko kaagad ang pag-iinit ng mukha ko. Biglang nag flashback sa aking utak ang mga ginawa nila. Ang ginawa nila noon kay Yumie sa CR. Ang ginawa nila kay Zell. Ang ginawa nila kay Axiesse at ang ginawa nila sa 'kin! At hindi lang 'yon! Nadamay pa sina Arjie at Cherwin!

"At hindi na kayo nakontento!? Malandi na nga, mga kriminal pa!!!" Si Fhia na agad na natumba sa lakas nang pagkakasapak ko sa kanya.

Agad na nagsitilian ang mga estudyante nang makita nila si Fhia na nakadapa sa sahig at may dugo na ang damit!

Dali-dali akong hinawakan ni Arjie at Cherwin, siguro mapakalma pero marahas kong hinawi ang mga kamay nila nang hindi sila tinitingnan. Lumapit ako kay Fhia. Hinablot ni Tracey at Gwen ang buhok ko. Walang awa kong sinampal nang malakas ang mukha ni Gwen na agad na napahiga sa sahig habang umiiyak. Hinawakan ko ang kamay ni Tracey na nasa likod ko at hinarang ang paa sa kanyang paa. Agad ko siyang binalda sa sahig ng walang awa! Nagdidilim ang paningin ko dahil sa kanila! Mas lalong nagdilim ang mga paningin ko nang makita silang umiiyak. Tatlo silang nakahiga sa sahig at umiiyak!

Naririnig ko pa rin ang mga tilian sa paligid. Ang iba ay inaawat na kami pero hindi ko na pinansin.

"Hoy! Anong ginawa mo kay Tracey!?!" May biglang humawak sa aking balikat.

Napaharap ako ro'n at agad na sinalo ang kamay niyang manununtok ata sa akin! Mabilis kong sinipa ang kaniya at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay at binalda rin siya sa sahig! Pati siya na rin, halos maiyak sa sakit.

Nilapitan ko ang lalaking 'yon. Lumuhod ako sa sahig at hinawakan ang kaniyang buhok. Nanliliksik ang mga mata kong tiningnan siya.

"Anong ginawa ko kay Tracey?" Malamig kong usal pero napapikit ako nang bigla niya akong duraan sa mukha.

Pagmulat ko nang mga mata ay agad ko siyang hinawakan sa leeg. Pinunasan ko rin ang mukha ko gamit ang palad. Nanlaki ang mga mata niya.

"Ta-T-Tama n-na!!!" Sigaw niya.

"Anong tama na!? Kulang pa 'yan!" Sigaw ko at sinuntok ulit siya na naging dahilan kung bakit dumugo ang kaniyang bibig at ilong.

Tumayo ako. Naramdaman ko ang hawak ni Zell sa aking kamay pero hinawi ko ang kamay niya! Walang makakapigil sa akin ngayon.

Lumuhod ako sa tabi ni Tracey. Hinawakan ko ang buhok niya at hinila 'yon. Napasigaw siya sa sakit! Padarag kong binitawan ang kaniyang buhok at hinawakan siya sa leeg. Nanghihina siyang napahawak sa kamay ko.

I'm gritting my teeth so hard. Mas lalo kong diniinan ang pagsasakal sa kanya na nakita ko pang namula ang kanyang mukha. Nanlalaki ang mga mata at bumuka ang kanyang bibig na para bang hindi makahinga.

"Sasha!" Si Yumie na agad na hinawakan ang kamay ko.

Binitawan ko ang leeg ni Tracey at mahigpit na hinawakan ulit ang buhok niya na umiiyak na ng grabe habang nakatingin sa akin.

Umiyak siya nang umiyak. Tumayo ako nang matuwid at gustong mangisi nang makita sila. Napatingin ako roon sa lalaking susuntukin sana ako kanina kung hindi ko lang nasalo ang kanyang kamao.

"Mabait ako pero hindi na kapag inabuso! Gawin niyo ulit 'yon at talagang didiretso kayo sa sementeryo. Double kill pa diba kung ang naghihintay sainyo ay impyerno?" Nakangisi pero galit na tanong ko. My anger is like a virus spreading in my whole system and np one can cure it!

Tatalikod na sana ako nang makita ko si Zell na biglang sinakal nang isang lalaking estudyante sa leeg! Pumula ang mukha ni Zell at walang kahirap hirap na binalda ang lalaki sa sahig! Mas lalo kaming nakarinig ng tilian at sigawan.

"What a weakling. Tsh. Effortless..." Komento ni Zell na hindi man lang pinagpawisan sa ginawa niya habang nakatingin sa lalaking kaniyang binalda.

Nilapitan ko sila. Lima na ang natumba at ang dalawa ay lalaki pa. Umiiyak pa rin si Fhia at Gwen. 'Yong lalaki naman ay namimilipit sa sakit. Si Tracey ay hinang hinang nakatingin sa akin. Tumaas ang gilid ng labi ko. Nagsisisi na ba siya?

Mahina kami?

Sadyang naaawa lang kami sainyo.

"Malakas ako. Kayang kaya ko kayong tumbahin gamit ang isang kamay. Ulitin niyo ulit 'yon at hindi ako mahihiyang dumalaw sa inyong lamay, this is a last warning," may diing banta ko.

Tinalikuran ko na sila. Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Si Yumie ay nakatingin lang doon. Si Zell din ay handa nang umalis. Ang dalawang bakla naman ay nanatili pa ring gulat. Bago ako umalis ay nilingon ko muna sila na kahit isa ay walang tumulong. Tiningnan ko si Tracey na alam kong may pakana ng lahat ng ito. I smirked evilly.

"Hindi ako santa kaya magpakabait ka!"

Taas noo akong naglakad paalis doon matapos sabihin ang katagang nakapagtahimik sa kanilang lahat. Salubong ang mga kilay ko at hanggang ngayon ay hindi naaalis sa akin ang galit. Paulit ulit na nagfa-flashback ang ginawa nila sa amin. Wala kaming kasalanan sa kanila in the first place. Sila ang naghahanap ng gulo. Sila ang parating nananakit. Sila mismo ang gumagawa ng ikapapahamak nila.

Nakasunod lang sa akin ang mga kaibigan ko.

Huminga ako nang malalim. Now all I want is to go home. Ayaw kong manatili rito dahil kapag nangyari iyon, baka mas malala talaga ang magawa ko sa kanila! I'm close to being a criminal because of what I've done! I won't let myself to be like that!

Kinabukasan ay walang takot akong pumasok. Mabuti naman dahil hindi nakarating sa mga magulang ko ang nangyari. Mabuti na rin dahil napakiusapan ko si Segeon na huwag magsumbong kina Umma at Appa. Pumayag naman siya dahil sabi niya mahal niya raw ako. Lul. Ayaw niya lang talaga mapahamak ako lalong lalo na kung sa mga magulang ko.

Hanggang ngayon, nandito pa rin ang virus sa sistema ko. Hindi pa rin natatanggal ang aking galit. Hindi ko alam kung nakarating ba kay Dean ang nangyari sa canteen dahil umuwi kaagad kami kahapon. Malabong hindi niya alam. I thought everything is still not okay pero nang makarating ako sa eskwelahan ay nagtaka ako nang mapagtanto na naging normal ulit ang paaralan. Only that, iniiwasan na ako ng students na para bang natatakot. Wala na akong narinig na mga sigawan, bulungan at tawanan tungkol sa akin—sa amin. I made a scene yesterday. They started the scene and we ended it. Ang ibang estudyante ay ngumingiti pa sa akin tuwing magkakasalubong kami. Ningitian ko nalang sila pabalik.

Pumunta ako sa locker ko para ayusin ang mga gamit kong sinira at dinumihan nila kahapon. Nagulat ako nang pagkabukas ko noon ay malinis na. May bago ng mga libro. Unti unting dumapo ang paningin ko sa libro nang may nakadikit na papel doon.

Kinuha ko ang sticky note na nakadikit sa ibabaw ng libro.

Kumalabog ang puso ko.

Let's talk.
-M

Napalunok ako at dali daling ibinalik ang sticky note sa loob ng locker. Alam na alam ko kung sino 'yon. Si Marx. Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya dapat na puntahan. Kung tungkol ito sa ginawa ko kahapon, dapat bigyan niya nalang ako ng red punishment! Pero bakit sa sticky note niya pa nilagay?

Dapat ko siyang iwasan. Gusto ko siya pero hindi niya ako gusto. Ayaw kong masaktan kung sakaling dumikit pa ako sa kaniya lalong lalo na dahil may nararamdaman ako para sa kanya at siya, para sa akin, WALA. Sa huli, hindi ko pinansin ang sticky note niya.

Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito sa akin. We came here to study. And then we're given a mission. We're still here for our mission. Mission! 'Yan ang dapat tutukuan. Hindi ang ibang bagay lalong lalo na kung alam mong makapagpasakit sa 'yo.

Ilang araw pa ang lumipas. Sa ibang section na kami pumapasok. Okay naman ang section na 'yon dahil higher section din 'yon. And yes, I am determined to avoid Marx. Hindi ko hinahayaang magsasalubong ang aming landas. Hindi ko hinahayaang magtama ang mga mata namin. But I always monitor kung saan man siya. Our mission is going fine and I think hindi na magtatagal 'yon. We're almost reaching our victory.

Hindi pa rin pumapasok si Axiesse ngayon. Ilang araw na siyang hindi pumapasok. Kung tatawagan, minsan busy daw. Minsan hindi talaga sumasagot. I don't know what's happening to her pero sa tingin ko, kailangan namin siyang puntahan.

Napangiwi ako nang mabasa ang lahat ng activities dito sa school. Nakatingin ako sa isang glass board dito sa lobby ng building.

Cancelled ang Christmas party ngayong year. Ini-reschedule rin ang camping.

Bumuntonghininga ako at naglakad nalang para makapunta na sa bago naming room. Ito na ang ikatatlong beses naming room.

Habang naglalakad ako ay biglang tumunog ang aking cellphone sa bulsa. Nagtaka ako nang makita ang kakaibigang numero. Group call? From whom? Agad kong kinuha 'yon at sinagot ang tawag ng hindi kilalang number.

"Hello. Sino-"

"Oh shit! Agent Min, Stawn and Naeyu! Protect the Campus Royalties now!!"

WHAT?! Wait... Boses 'to ni Axiesse ah!?

Ano na naman ito?!

Agad akong kinabahan. Kumalabog ang puso ko at parang hindi ako makahinga nang maluwag. Napatigil ako sa paglalakad habang unti unting nanginginig ang mga kamay!

"A-Axiesse?! B-Bakit-"

"Papunta na ako dyan! I just tracked the last member of the VMO! Nandyan siya!" Naghihisteryang sigaw niya sa kabilang linya.

Nanlaki ang mga mata ko at dali daling napatakbo. Kasabay nang pagtakbo ko ay ang pagkarinig ko ng tunog ng ambulansya at ang ring saka wangwang school! Everyone panicked! Ako naman ay mabilis na tumatakbo kung saan ang lokasyon ng mga Campus Royalties!

Nandito ang last member?! Oh my goodness graciouuuuss! LAST MEMBER!? Kung mahuli ang last member, that means, mission accomplished? What the fudge!

Nang makarating sa Royal Room ay nanlaki ang mga mata ko. Maraming estudyante ang naroroon! May mga nurses at nagkalat ang napakaraming security guards! Gulong gulo ang paligid!

Mas lalong kumalabog ang puso ko. Nahihilo ako sa sobrang kaba. Hinihingal ako at hindi na ako ng makahinga ng tama.

Nalaglag ang panga ko nang makita kung sino ang nakahiga sa stretcher at maputlang maputla habang nakapikit ang mga mata.

Oh. What the Fudge.

Si Zae!!!

Continua a leggere

Ti piacerà anche

655K 20.8K 30
[[THE QUEENS SERIES II: The Puerile Queen]] Puerile (adj.) : silly or childish especially in a way that shows a lack of seriousness. Queen (n.) : a...
8.2K 693 52
Empyrean Academy, the so-called "school of elites," will slowly reveal its true colors to the student body. The student council, the Prophet's, the R...
1.7M 55.3K 123
Highest rank reached in Humor category: #4 as of Nov. 14, 2016 "A story of friendship, loyalty, and love between a girl and her bunch of guy friends...
6.8K 116 28
A compilation of Banat Lines for You