The Philosopher Stones (Book...

By SheIsLexa

57.3K 2.9K 2.2K

Hindi man alam ng dalagang si Jennica Mae Perez kung bakit siya pinalipat ng mga magulang sa Woodsen Academy... More

Preface
Prologue
The Transferee
Siomai
The PS Bunkhouse
Codes
Tennis Ball
Please
Best Guy
Star of the Night
Fighting Angel
Zombies
Stage 2
Undercover
The Lessons
Profiles (I)
The Riddle
Underestimation
Paired
Oxygen
Programmed
Confession
Portrait
6th Generation
Never Will
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Credits
Special Chapter: Dahlia
Special Chapter: Reymond
Special Chapter: Blacke
Special Chapter: Wyte
Special Chapter: Graye
An Excerpt from PS Book 2

Profiles (II)

611 20 1
By SheIsLexa

"Reymond? Yuhoo?" tawag ng dalaga sa binata saka iwinagayway pa ang mga kamay sa tapat ng mukha nito. Bigla na lang kasi itong natulala matapos tingnan ang maskarang itinuro niya, "Is there something wrong?"

Tinabig lamang ng binata ang mga kamay ng dalaga, "Nothing." He smiled then said, "Saka na muna ang maskarang 'yan, ito muna." Sabay turo sa isang dark pink na maskara.

"Oh yeah, that one. I suppose babae ang may-ari niyan?"

"No."

"No?"

"Yeah." Lumapit ang binata sa maskara at hinagod ito, "This is owned by the Code Gentle. Si Nigel Santos, the Gentle Stone. Special Skills are inventing weird gadgets na gagamitin niya sa mga kalaban niya. What makes it weird is that those gadgets were not meant to hurt his opponents."

"What?" Nagkamot ng pisngi si Jennica, "Ang gulo mo!"

"Si Nigel ang magulo at hindi ako. Ewan ko ba sa kanya, hindi niya kayang manuntok o magpaputok ng baril. He's not afraid, I assure you that, ayaw niya lang talaga ng karahasan. He says, pwede namang patumbahin ang isang tao kahit hindi mo ito sinasaktan. It's his way, iyan ang prinsipyo niya."

"A, kaya pala tinawag siyang Gentle Stone. E, bakit fuchsia pink 'yong mask niya? Parang, err, girly."

Ngumiti si Reymond, "Hindi mo ba alam na originally, ang kulay na sumisimbolo sa babae ay asul at ang kulay naman ng lalaki ay pink? But something happened in our history, kaya ayon. Nagulo," talumpati ng binata.

"Are you kidding me?"

"Hindi ko na problema kung ayaw mong maniwala. Pansin mo naman siguro 'di ba na iba ang appeal ng lalaki kapag nagsusuot siya ng kulay pink? Hindi bakla o masagwa sa mata. Did you get my point?"

Napaawang sandali ang bibig ng dalaga saka muli itong sinara.

"Next," sambit ng binata saka itinuro ang isang kahel na maskara, "That Orange Mask is owned by our very own Code Comedy. Sa henerasyon namin si Edward Maures, Comedy stone, ang nagmamay-ari niyan. His edge is that he can use any weapon in the world kahit nakablind-fold. Kaya niyang mabuhay ng ilang taon ng nakablind-fold."

Saglit na napaatras si Jennica, "Oh, no. I won't believe you this time."

Nagkibit-balikat ang binata, "Fine. Pero nakakaya niya iyon dahil sa ginawa niyang masinsinang training. Nabulag kasi siya noong limang taong gulang pa lang siya at pursigido talaga siyang maging agent that's why he trained himself to fight and live like a blind man. Then he succeeded. His personality? Obviously, a joker. A person who loves attention. That's Edward." Sa pagkakataong ito ay napasulyap si Reymond sa mukha ng dalaga. He can't help but admire the amusement in her eyes. Natutuwa siya sa ipinapakita nitong emosyon. Sa totoo lang, hindi niya kailanman nakitaan ng ganyang emosyon si Daisy. Daisy has this cold stare na ipinupukol nito palagi sa kanila, maliban kay Martin. Aminin man kasi niya o hindi, may espesyal talaga sa bawat pagtitig ng dalagang si Daisy sa nobyo nito.

"Hey, Reymond! Kanina pa kita tinatanong."

Naputol ang pag-iisip ng binata nang marinig ang tawag ng dalaga, "W-what was that?"

"Hindi ka naman nakikinig, e. Ewan ko sa 'yo. Ang sabi ko po, kanino po ang abong maskara na 'yan po? At bakit po sa lahat po ng maskara po, e siya lang ang lifeless. I mean, what's with gray? Pwede namang green na lang o yellow orange? 'Di ba?"

Natatawang sumagot si Reymond, "Kung makapanlait ka."

"I'm just stating my opinion."

"That mask, the gray one, is owned by the Code Silent, by Adrian Canley, by Silent Stone. Kung bakit Gray? Aba ewan. Pfft-findi ko alam. Tanungin mo kaya siya?"

"Tanungin?" balik-tanong ni Jennica, "E, ano namang isasagot noon sa akin? Cricket cricket?" Umismid pa siya sa binata.

"Cricket cricket?"natatawnag wika ng binata, "Pero seryoso hindi ko talaga alam. Pagdating sa pagiging Agent ay siya ang palaging binibigyan ng mga Top Secret Missions. Siya lang kasi ang mapagkakatiwalaan pagdating sa mga maseselang misyon. In field? He can fly anything, from a private jet to a multinational airplane. Bigyan mo lang siya ng limang minuto, memoryado na niya ang mga buton na nasa Cockpit. Well, magaling siya sa larangan ng pakikipagtitigan. He has this stare called, 'fuck off glare'. Titig pa lang lalamigin ka na. So it's either umalis kang nanlalamig sa titig niya o manatili kang nanlalamig na bangkay. Really, sa aming lahat siya ang pinakawalang pakialam kung makapatay man siya ng tao as long as ginawa niya lang naman kung ano ang sa tingin niya ay tama. Pinapatay, pinaparalisa, o pinapatulog niya ang mga kalaban sa pamamagitan ng mga nalalaman niya sa mga ugat ng tao, like which nerve to hit to kill your opponent fast. He's a master of that craft."

"Creepy." Tila ba tumindig ang mga balahibo ni Jennica nang marinig ang salitang 'makapatay', "Pero, Reymond. P-pumapatay ka ba?"

Saglit na natigilan ang binata bago yumuko, "That's inevitable, Jennica. Pinapanaginipan ko pa nga sila minsan-tsk. Hindi ito ang pinunta natin sa Profiles Unit," umiiling na pahayag ni Reymond saka itinuro ang itim na maskara, "That mask is owned by the Code Priestess, our leader."

Napakagat ng labi ang dalaga, pakiramdam kasi niya ay mali ang naitanong niya sa binata kanina. Para lang siyang tangang tinatanong ang isang undercover agent kung pumapatay ba ito o hindi gayong obvious na naman ang sagot. Iyan tuloy, pakiramdam niya napalungkot niya ang binata.

"Siya si Daisy Montes, ang Priestess Stone ng PS."

Nakuha naman agad ng binata ang atensyon ni Jennica, "What? Priestess Stone? May ganoon ba? Sa pagkakaalam ko-"

"She only exists in our Agency. Hindi kasi siya namumuhay gaya namin. You know, as a leader, she has a lot of things to do."

"That's why she's deprived to live as an ordinary being?"

Napaiwas nang tingin si Reymond, tama kasi ang dalaga. Daisy's deprived to live as an ordinary being. Pero si Jennica na siyang kambal ni Daisy ay nagkaroon ng tsansang mamuhay ng normal, naisip niya tuloy na ang swerte siguro ng dalaga. Sa halip na magpatuloy sa pag-iisip ng kung anu-ano ay ipinapatuloy na lamang niya ang pagpapakilala sa kanilang leader, "Trabaho niyang tumanggap ng mga misyon para sa ahensya, as an anonymous being. Siguro nga, tinalo pa niya ang mga pangalang nakarehistro sa NSO sa dami ng pangalang ginamit niya bilang pagpapakilala. She's also responsible from hiding our Headquarters from the outside people. She manages hard-headed people called Philosopher Stones. Isn't she wonderful?" buong pagmamalaking tanong ni Reymond.

Hindi sinasadayang napatingin ang dalaga sa mga mata ng binata, parang may kakaiba kasi rito. Umiling na lamang siya at sumagot, "I think so. How about Agent Skills?"

"Hasang-hasa na siya pero hindi siya pinapayagang kumuha ng mga misyon. She's so precious to us para isabak sa mga misyon pero minsan gumagana talaga ang pagiging bossy niya. Kaya ayun, nagkaka-misyon siya once in a while."

"I want to meet her," wala sa sariling saad ni Jennica.

Ngumiti lamang ang binata.

"E, Reymond, 'yong brown mask? Kanino ba 'yon?"

"Mine," simpleng sagot ni Reymond sa dalaga, "I am the Code Ideal of Philosopher Stones Agency and the Ideal Stone of Philosopher Stones. I am someone who can do everything my comrades can. Lahat, pero hindi ko kayang pantayan ang galing nila. Halimbawa si Adrian, he can fly anything and I can also do the same pero hindi ako kasing galing niya. You see, I'm a Jack of all, but Master of none. The Ideal Stone, that's what I am."

Hindi alam ni Jennica kung anong magiging impresyon niya sa binata. Mahihinaan ba siya rito o magagalingan?

"I can also be your ideal friend, ideal son, ideal man. Ako si Reymond Dela Fuerte. At bilang Code Ideal, may karapatan akong magtanggal ng isang Code at magdagdag ng isa sapagkat it's already presumed that a Code Ideal is not biased." Seryosong hinarap ng binata ang dalaga, "Sa pagkakataong ito Jennica, hindi ako magbabawas ng isang Code kun'di, magdadagdag ako. Gusto kitang idagdag bilang Code Technique IV."

Tumango lang si Jennica. Ang katanuyan kasi ay nasabi na sa kanya ni Reymond ang tungkol sa pagiging Code Technique IV. In the first place, bakit nga ba siya pumayag sa alok nito? Tama. Ang kanyang pamilya ang nag-udyok sa kanyang pasukin ang trabahong ito.

Reymond patted Jennica's head at nakangiti niyang pinagbuksan ito ng pintuan palabas ng Profiles Unit, "Come on, let's eat our lunch."

"T-thank you, Reymond," Jennica murmured.

"Pardon?"

"A-a..." Natigilan ang dalaga at napahilot sa kanyang sentido, "S-sabi ko oo."

Reymond simply shrugs.

But seriously, Reymond, thank you for helping a stranger like me., anas na lamang ng dalaga sa isipan.



--



Hello, readers!


If you liked this part, please do Vote. If you have something to say, please do Comment. If you can't do both, please do Share.


Love, SheIsLexa

Continue Reading

You'll Also Like

6.6K 236 35
"YOU STOLE MY HEART AND I'LL LET YOU KEEP IT."
3.2K 230 39
Venice Natalie Cristobal is a normal girl living her silent life. The only thing that excites her living is when she writes and thinks deeply. She ne...
1.1K 141 34
A friendship can either be too strong or too fragile, especially when one is so close to crossing the line. Shine Alvarez had always been Lei Hidalgo...
148K 3.6K 54
What will you do if you end up in someone else body?