WRITER'S HOUR (PUBLISHED unde...

By hiddenheartless

24.6K 1.3K 480

#Wattys2018LongList 'Squash' is her pseudonym. She became an author through her frustrations and madness. Eve... More

Writer's Note
WH1
WH2
WH3
WH4
WH5
WH6
WH7
WH8
WH9
WH10
WH11
WH12
WH13
WH14
WH15
WH16
WH17
WH18
Writer's Hour
WH19
WH20
WH21
WH22
WH24
WH25
WH-Epilogue
Thank you♥

WH23

894 48 4
By hiddenheartless

Iniligpit ko ang mga kuwadernong luma sa loob ng kabinet saka ako tumayo mula sa pagkakasalampak  sa sahig. Tumingin ako sa orasan, napangiti ako. It’s ten o’clock, tamang-tama lang, natapos ko nang hanapin ang mga titik ng musika na ginawa ko noon. Rerebisahin ko na lang.

Agaran akong pumunta sa mesa at binuksan ang laptop ko. Habang naglo-loading, I texted Winther.

ME: ‘Uy.

Akala ko, aabutin ako ng siyam-siyam bago makatanggap ng reply pero nagkamali ako. He immediately texted me back.

FIVE: Sino ‘to?

I gently laugh. Baliw na ‘to, naging mabait lang ako sa kan’ya kahapon hindi na ako maalala? Kunsabagay, ngayon lang naman kasi nangyari na ako ang unang nag-message.

ME: Pa-demure ka na ngayon?

FIVE: Silhouette?

ME: The one and only.

FIVE: Hindi nga? Parang hindi naman. Ikaw talaga ‘to?

ME: Yhup. Open mo wattpad account mo.

Teka. Napaisip ako, baka ate pa niya ang nakahawak ng phone. Nakakahiya.

ME: Si Winther ba ‘to?

FIVE: Hahahaha. Oo, bakit? Wala namang ibang gumamit ng phone ko. 

Naalala ko ang sinabi ng kapatid niya na huwag kong sasabihing nag-text siya sa akin. Baka nga binura niya ang mga sent items. Mas mabuti na rin siguro para hindi isipin ni Winther na naaawa lang ako sa kan’ya kaya ko ito ginagawa.

ME: Ah, okay. Akala ko ibang tao.

FIVE: Ako nga dapat magtanong kung sino ‘to eh. Nakakagulat lang.

FIVE: Kalabasa, ikaw ba talaga ito?

ME: Ako nga, ang kulit.

FIVE: Parang hindi ikaw.

ME: Anong parang hindi ako?

FIVE: Kahapon ka pa, parang nasapian. Hahaha.

ME: Nasapian?

FIVE: Oo. Halos atakihin na ako sa puso. Perstaym na ikaw ang unang nagmessage ngayon, tapos kahapon kinuha mo pa address ko. Hindi ko alam kung anong nakain mo.

ME: Bawal ba?

FIVE: Hindi. Mas gusto ko ‘to. Hahaha.

FIVE: Bakit pinapabukas mo wattpad ko? May message ka?

ME: Wala pa naman. Mas trip ko lang talaga na mag-message du’n, ewan ko kung bakit.

ME: Kung busy ka, bukas na lang.

FIVE: Ay sus, nagtampo ka na sa lagay na ‘yan? Haha. Pasensya ka na kanina, wala talaga ako sa bahay. Huwag mong isipin na pinagtaguan kita.

FIVE: You have a problem?

ME: Wala naman.

FIVE: Makipagk’wentuhan?

ME: Parang ganu’n na nga.

FIVE: Yes! Sige sige. Teka lang, buksan ko lang wattpad ko.

Binuksan ko ang account ko at nag-log in. Marami na naman palang unread messages ngunit hindi ko muna binuksan. Hinintay ko ang message ni Winther, hindi naman nagtagal ay may mensahe na siya.

FIVEMONTHS: I’m here:)

FIVEMONTHS: Hi Squash, this is Winther, may maipaglilingkod ba ako sayo?

SQUASH: Sira.

SQUASH: Hindi ka talaga busy?

FIVEMONTHS: Hindi naman talaga ako busy. At kahit siguro busy ako, maglalaan ako ng oras para sayo.

FIVEMONTHS: Boom! Hahahaha

SQUASH: Ang hype mo na naman.

FIVEMONTHS: Nakakamis  kasi ‘to! Grabe. Tapos nakakamis ka rin.

FIVEMONTHS: (っ•ᴗ•)っ❤

SQUASH: Ang dami mong namimis.

FIVEMONTHS: Ganu’n talaga kapag nasanay ka na sa isang bagay o tao. Mamimis mo ‘to kapag hindi mo na ginagawa, nararamdaman o nakikita.

FIVEMONTHS: Ikaw, busy ka ba?

SQUASH: Hindi. Ako nga ‘tong nang-istorbo eh. Pasensya ka na.

FIVEMONTHS: Nakakapanibago ka talaga, marunong ka na rin mag-sorry nang hindi pinipilit. Sigurado kang hindi ka nasapian?

FIVEMONTHS: Bakit ang bait mo?

FIVEMONTHS: Hoy! Kung sino ka man, lumabas ka sa katawan ng Kalabasa ko!

FIVEMONTHS: Ibalik mo siya!

FIVEMONTHS: Kahit saan ka magtago, hahanapin kita!

SQUASH: Haha. B’wisit ka. Ako nga ‘to!

FIVEMONTHS: Oh damn! First time mo nag-'haha' sa message box natin. Hahahaha.

FIVEMONTHS: Hindi ba talaga magugunaw ang mundo?

SQUASH: Sarap mong sapakin.

FIVEMONTHS: Hahahaha. Mas trip ko yatang masungit ka, hindi mo bagay maging mabait sa akin.

SQUASH: Mas gusto mong masungit ako?

FIVEMONTHS: Hindi naman, nasanay lang akong nagsusungit ka. Haha. Pero kahit sino ka pa, mataray man o mabait, tanggap kita. Hihihihi

SQUASH: Para kang isip bata, alam mo ‘yun? Hindi ko alam minsan kung seryoso ka ba o hindi.

FIVEMONTHS: Basta lagi mo lang naman tatandaan, if I said that I’m serious, I really am.

FIVEMONTHS: Seryoso ako sa mga bagay na dapat sineseryoso. Astig na nga, cute ko pa ‘di ba?

SQUASH: Aso ka ba?

FIVEMONTHS: Hahaha. Ang cute, para rin sa mga mukhang bata ang mukha.

SQUASH: F.Y.I, hindi ka baby face. Mukha ka nang matanda.

FIVEMONTHS: Sus, kunyari ka pa. Nagagandahan ka nga sa mata ko e. Ilang beses kong napansin na gustung-gusto mong titigan ang mga mata ko. Hahaha.

FIVEMONTHS: Okay lang, ka-inlove naman mga titig mo.

SQUASH: Wtf!

FIVEMONTHS: Ano ‘yan? Winther The Funny? Hahaha. Ayaw mo na naman kasi tanggapin mga sinasabi ko. Masiyado kang harsh.

SQUASH: Hindi naman kasi kita tinitingnan. Kakaiba lang kasi ang kulay ng mata mo. Kaya malamang, kahit sino namang tao na titingin sayo, mata mo ang mapapansin. Para kang naka-contact lens ng brown, kahit hindi.

FIVEMONTHS: So, attracted ka nga? Ayiieeeh! Umaamin ka na rin?

SQUASH: Shut up. Hindi ako attacted sayo. Ang payat mo kaya.

SQUASH: *attracted

FIVEMONTHS: Wow, nahiya naman ako sa kapayatan mo. Hahaha. Kawawa naman ang mga payat, bully ka. Pati sarili mo, binu-bully mo na rin.

FIVEMONTHS: Tsaka hindi naman ako payat. Sakto lang. Lamang lang ng kalahating baso na paligo si Yoo Seung Ho, pero mas guwapo ako kaysa sa kan’ya. Hahaha.

SQUASH: Who’s that?

FIVEMONTHS: ‘Yung bida sa Mystery/Thriller/ Law na Remember: War of the Son. Hindi mo alam ‘yun? Ay lost ka girl.

SQUASH: Hahaha. Alam mo, bagay mo maging bakla. Maganda ka kapag nagkataon.

FIVEMONTHS: Luh, sayang lahi ko kung magiging bakla ako. Okay na sa akin na may mga naging kaibigan akong bakla. Tsaka paano na lang ang puso mo ‘di ba?

SQUASH: Tigilan mo ako sa mga paandar mo.

FIVEMONTHS: Haha. Ikaw naman kasi nagsimula. May tanong pala ako.

SQUASH: Ano ‘yun?

FIVEMONTHS: Personal.

SQUASH: Go on.

FIVEMONTHS: Hindi ka magagalit?

SQUASH: Hindi naman siguro. I’ll answer it if I can, pero kung hindi, pasensyahan na lang.

FIVEMONTHS: Sana huwag kang magalit. Cyrious lang talaga ako.

FIVEMONTHS: *Curious

FIVEMONTHS: Alam ko na ang nangyari sa lalaki mong kapatid. But what happened to your sister and father?

SQUASH: What do you mean?

Bakit niya ngayon ito natanong? Sa tagal namin sa chatbox, ngayon lang niya naisipang magtanong. Matagal ko nang sinasabi sa sarili ko na ayaw ko nang ungkatin ang parte ng buhay kong iyon, pero heto siya.

FIVEMONTHS: Sorry. Kung ayaw mong sagutin, okay lang. Naalala ko lang kasi ang writer’s note mo noon. Matagal na ‘yun pero naaalala ko pa.

SQUASH: Okay lang.

FIVEMONTHS: Alam ko kasing doon nagsimula ang lahat ng sakit na pinagdaanan mo kaya natanong ko. Sorry.

SQUASH: Kulit mo rin, okay nga lang.

SQUASH:  Atleast you care and you’re curious with my life.

FIVEMONTHS: What happened then?

SQUASH: Magkasama noon kaming tatlo— ako, si ate at papa. Si kuya lang at mama ang naiwan sa bahay. Ayaw nilang sumama sa amin kasi boring daw mamasyal.

FIVEMONTHS: And?

SQUASH: Nakaangkas si ate sa bisikleta ni papa. Ako naman, nag-solo. Convoy kami, nauna sila habang sinusundan ko naman sila.

Sumikip ang aking dibdib, bumabalik sa gunita ko ang aksidenteng ‘yun. I breathe heavily before I continued typing.

SQUASH: Masaya silang dalawa, sobra. Nakikitawa rin ako habang naku-kuwentuhan sila ng kawirduhan sa buhay. It was a perfect scene, a perfect day for us.

SQUASH: But my father saw an old woman crossing the street, inilihis niya ang bike para huwag itong mabangga and a big truck suddenly appeared at the scene. And you probably know what happened next.

Naalala ko pa ang araw na ‘yun. How happy we are but in an instant, everything faded in a snap.

I saw them being hit.

I heard sounds of crying.

Shattering.

And my heart ripping.

Nagising na lang ako na wala na sila. Dito rin nagsimula na mawalan ako ng paniniwala, lalo noong dalawa na lang kami ni kuya ang naiwan.

FIVEMONTHS: I’m sorry.

SQUASH: It’s fine. Okay na ako.

FIVEMONTHS: Okay ka na talaga?

SQUASH: Yes. Naka-move on na ako.

FIVEMONTHS: What do you mean when you say you’ve already moved on?

SQUASH: When I say I have moved on, I mean I don’t stay up every single night anymore, crying, hoping, slowly dying and replaying our memories in my head. I don’t try to figure out the reasons why they died, habang ako buhay pa.

SQUASH: When I say I have moved on, I don’t mean all the scars and pain have magically disappeared. There is a piece of me that still hurts. I will always feel that way.

SQUASH: Ganu’n naman talaga kapag nawala ang tao sa buhay natin. They are not completely erased from our memories. It would be super impossible to forget them. They will always be somewhere in the back of our mind.

SQUASH: When I say I have moved on, I mean that I am no longer going to sleep all day and wait for them to come back. I am not going to hold onto the hope that I can still see their smiles and laughters. I am not going to fool myself by believing that they will show up and hug me again.

SQUASH: Nasasabi ko na rin na kaya ko na.

SQUASH: And you’re one of the reason why I was able to look through their old photographs without breaking into tears anymore. You did a great job, Five.

FIVEMONTHS: I did?

SQUASH: Yhup. You’re a big part of my moving on process.

FIVEMONTHS: How about the scars?

SQUASH: The scars is still there, but it’s no longer painful like the past— the point where I just want to kill myself, of wishing things had turned out differently. Moving on means I’ve reached a place where I can look back on our memories with a smile, where I can be happy that I have met a father and a sister like them.

Napangiti ako. For the first time, nagawa ko rin sabihin sa kan’ya ang lahat. Mali ang ate niya, hindi ko iniligtas si Five. Si Five ang nagligtas sa akin.

FIVEMONTHS: Hindi ko alam na nagawa kitang tulungan. Seryoso?

SQUASH: Believe me, you really helped me a lot. Oo, maaalala ko pa rin sila, pero I recovered. Sabi mo nga, I should move forward kahit paunti-unti.

FIVEMONTHS: I’m glad to know that in some ways, naging bahagi ako ng healing process mo. You’re strong, Squash.

SQUASH: Yes I am. If I’m not, nasa mental hospital na ako ngayon o nasa kabilang-buhay na ako. Lalo noong sumunod pa ang nangyari sa kuya ko at sa ginawa ng lalaking ‘yun sa akin.

FIVEMONTHS: I admire you for being a great girl. Nalampasan mo lahat ng ‘yun.

FIVEMONTHS: And thank you for trusting me these pieces of information about you. Na-appreciate ko♥♥. Thank you:).

FIVEMONTHS: And before these things go deeper, mag-iba na tayo ng topic. Haha. Pasensya ka na, kung anu-ano kasing tinatanong ko.

SQUASH: Kanina ka pa. Okay nga lang. As in okay lang. May gusto ka pang tanungin?

FIVEMONTHS: Sobrang dami pa:D

FIVEMONTHS: Pero may gustung-gusto pa akong tanungin.

SQUASH: Ano?

FIVEMONTHS: Nagkaroon ka na ba ng boyfriend dati? Gusto ko lang malaman, tutal, mahaba pa ang oras.

SQUASH: Hahaha. Seryoso ka sa tanong mo?

FIVEMONTHS: Oo. Seryoso ako sa tanong na ’yan.

SQUASH: Hahaha. And weird ng gusto mong pag-usapan.

FIVEMONTHS: So meron nga?

SQUASH: May isa lang, noong nakakapagsalita pa ako.

FIVEMONTHS: Seryoso, may nanligaw sayo sa sobrang taray mo?

SQUASH: ('^´)

FIVEMONTHS: Joke lang. Haha. Pero bata ka pa noon ah? Paano naman siya bilang boyfriend? Nagtagal kayo?

SQUASH: Dami mong tanong. Pero hindi siya nanligaw, naging kami na lang bigla. Pakiramdam ko nga, walang label. Siya lang nagsasabi na kami na, hindi ko naman kinokontra. Sinasamahan niya lang ako lagi kapag kumakain ganu’n. May isinusulat kasi ako noon, I wanted to experience love, so I went through his craziness.

FIVEMONTHS: Why did you split up?

SQUASH: He’s an asshole, ilang beses ko siyang nakita na nanligaw sa iba habang kami. Buti sana kung biniyayaan ng utak at mukha ng tao.

FIVEMONTHS: Hahaha sobra ka naman. Parang sinasabi mo na nagkaroon ka ng hayop na ex.

SQUASH: Asal niya naman talaga ay ganu’n.  Hindi ko sana hihiwalayan nang tuluyan pero may ginawa siyang nakaka-offend talaga. Pauwi ako ng bahay. Hinatid niya ako kasi maaga pa noon. May nadaanan kaming mga tambay na umiinom. Alam mo ginawa niya?

FIVEMONTHS: Nakipag-inuman din?

SQUASH: Hindi. Iniwan niya ako. Tumayo kasi ang dalawang naglalasing tapos lumalapit sa amin. Mukhang may balak na masama. Malalaki ang katawan kaya natakot kami. Iniwan ba naman ako ng lalaking ‘yun habang ‘yung dalawang lasing ay humahabol sa amin.

FIVEMONTHS: Anak ng! Seryoso? Siya ang lalaki tapos iniwan ka lang?

SQUASH: Oo. Iniwan niya ako kahit na sobrang takot na takot na ako. Buti na lang nakita ako ng kuya ko, hayun, sinapak ‘yung lalaki noong hinatid niya ako sa school.

FIVEMONTHS: Ganu’n ang triple gago. Condolence sa kan’ya, iniwan niya ang babaeng bihira matagpuan. Kahit ako rin ang kuya mo, bubugbugin ko rin ang lalaking ‘yun. Haha.

SQUASH: Ikaw, nagkaroon ka na ng ex?

FIVEMONTHS: Oo naman. Pero dalawa lang, sineryoso ko naman sila. With matching effort na panliligaw ‘yun. One month lang sila pareho.

SQUASH: Anong nangyari? Siguro nambabae ka lang.

FIVEMONTHS: Sinasaktan mo naman ako. Haha. Hindi ako ganu’n, masiyado kang judgmental sa akin. Binigay ko naman sa kanila kung ano ang kaya kong ibigay. Kahit  infatuation lang ‘yun, ginawa ko pa rin ang obligasyon ko bilang boyfriend. Pero nakahanap sila ng iba, hindi nila kayang manatili dahil sa sakit ko.

SQUASH: Seriously?

FIVEMONTHS: Damn serious.

FIVEMONTHS: Pero okay lang.
Hindi na bale na sila ang bumitaw. Ang importante, alam kong wala akong pagkukulang.

SQUASH: You never tried to love someone anymore?

FIVEMONTHS: I tried. Pero iba pa rin talaga kung nahanap mo na ang daan patungo sa totoong mamahalin mo.

SQUASH: Baka pinagsabay-sabay mo.

FIVEMONTHS: Haha. Sa tingin mo kaya ko ‘yun gawin?

SQUASH: Hindi malabo.

FIVEMONTHS: Grabe ka. Haha. Mabait ako ‘uy. Hindi ko naman kayang pagtuhugin ang mga babae.

FIVEMONTHS: Hindi ko ma-imagine na gagawin ko ‘yun. May mga kapatid rin akong babae. And the mere thought that someone will screw them makes me furious. Iniisip ko pa lang na mangyayari ang mga ganu’n sa kapatid ko, hindi ko na kaya.

FIVEMONTHS: Kung nanakit ako ng babae, para na ring sinaktan ko mga ate ko.

FIVEMONTHS: Kahit maraming gf ang iba, sa iisang babaeng mahal ko, wala silang panama. Ako kuntento, sila, panandalian lang ang saya kahit gaano pa karami ang reserve nila.

FIVEMONTHS: (^_____^)

SQUASH: Ang dami mong hugot. Mas hopeless romantic ka pa kaysa sa babae.

FIVEMONTHS: I told you, I’m different. Haha. Naging masaya naman ako kahit ganito lang ako.

FIVEMONTHS: Basta masaya, okay na ang iisa. Kaysa marami nga, ‘di ka naman masaya.

FIVEMONTHS: P’wede naman akong maging masaya kahit wala ako sa isang relasyon. Kasi, maaari naman akong sumaya sa simpleng inspirasyon. And you’re my inspiration, Squash.

SQUASH: Baliw ka rin ‘no? Ako pa talaga na magulo at madilim ang nakaraan? Me, an inspiration? Okay ka lang?

FIVEMONTHS: Hahaha. Totoo naman.

FIVEMONTHS: Oo nga pala, bakit ‘di ka na nagsusulat?

SQUASH: Nagsusulat ako. Hindi lang ako nagpa-publish kasi wala na akong tiwala sa mga sinusulat ko.

FIVEMONTHS: Bakit nawalan ka ng tiwala sa sinusulat mo? Akala ko ba positive na si Squash ko?

SQUASH: Makatawag ka sa akin akala mo naman pagmamay-ari mo ako. ‘Langya ka.

FIVEMONTHS: Hahaha. Wala pa naman kasi akong permanenteng tawag sayo. Game, what do you want me to call you?

SQUASH: Tawagin mo na lang ako kung saan ka komportable.

FIVEMONTHS: Paano kung Mahal?

SQUASH: Ang korni mo.

FIVEMONTHS: Hahahaha. Sabi mo kasi kung saan ako komportable.

SQUASH: Squash na nga lang. Baka kung ano pa ang masabi mo, masapak pa kita.

FIVEMONTHS: Okay misis.

SQUASH: Kabanas ka talaga!

FIVEMONTHS: Hahaha. Joke lang, sige Squash na lang para ako lang tatawag sayo ng ganu’n. Tapos tawagin mo na lang akong Five. I prefer that name.

SQUASH: Ang cool kaya ng Winther.

FIVEMONTHS: Pero mas sweet ang Five, tapos ikaw lang tatawag sa akin ng ganu’n. Oo nga pala, balik tayo sa tanong ko, bakit wala ka nang tiwala sa mga sinusulat mo? May problema ka?

SQUASH: Wala naman, hindi lang nakapagsulat, may problema na agad?

FIVEMONTHS: Then why? Nanalo ka sa Most Promising Author of the Year tapos nakapag-publish ka na rin ng dalawang libro. Ako nga, ‘yung Writer's Hour pa lang. Where did your confident go?

SQUASH: Somewhere to be found.

FIVEMONTHS: Hanapin ko, tutulungan kitang hanapin at ibalik ‘yung confidence na ‘yun. Ang sweet ko ‘di ba?

SQUASH: Nagbuhat ka na naman ng sarili mong upuan.

FIVEMONTHS: Hahaha. Wala ka talagang support sa akin. Pero ako, lagi kitang susuportahan.  Kahit marami ka nang fans dahil sa pag-awit at pagsusulat mo, hindi ako papatalo. Ako pa rin ang negative zero fan mo.

SQUASH: Hahaha. Kailan pa nagkaroon ng negative zero fan?

FIVEMONTHS: Ngayon lang. Hahaha.

FIVEMONTHS: On a serious note, I really wanted to read your upcoming stories. Don’t stop.

SQUASH: Saka na lang siguro.

FIVEMONTHS: Huwag ganu’n Squash. Dapat kung ano ang magagawa mo ngayon, gawin mo na. Paano kung hindi ka na gigising kinabukasan o wala ka nang oras, tapos hindi mo pa nagawa ang gusto mo talagang gawin? It’s a waste of time. Cherish every second of your time.

SQUASH: Hindi ka pa rin talaga nagbabago. Ang dami mong words of wisdom pagdating sa oras.

FIVEMONTHS: (•ᴗ•)

FIVEMONTHS: Nasanay na kasi ako. Alam mo naman kung bakit ‘di ba?

SQUASH: Yeah. Natatakot ka ba?

FIVEMONTHS: Saan?

SQUASH: Sa bawat segundo, minuto, oras o araw?

FIVEMONTHS: May kaunting takot na lang. Sinabi ko na noon sayo, mas natatakot ako sa mga tao na maiiwan ko kung sakali.

FIVEMONTHS: But I feel it, I still have enough time. Enough time to do what I wanted to do.

SQUASH: Ano pa ba ang mga gusto mong gawin sa buhay o ano pa bang gusto mong mangyari?

FIVEMONTHS: I wanted to listen to your voice singing the song I wrote for you.

SQUASH: Hindi ko pa naman ‘yun kinakanta sa harapan ng maraming tao. 

FIVEMONTHS: Kaya isa pa ‘yun sa listahan ng mga bagay na gusto kong masaksihan.

FIVEMONTHS: Tapos, gusto kong makapagbahagi ng inspirasyon sa mga lung cancer patients. I wanted to finish my blog posts about my struggles.

SQUASH: Masiyado kang mabait.

FIVEMONTHS: Ehem, pasado na ba ako sa standards mo?

SQUASH: Hindi pa rin.

FIVEMONTHS: Patay! Hahaha. Ang brutal mo manakit. Dahan-dahan naman.

SQUASH: Kung anu-ano kasi tinatanong mo.

SQUASH: Sa kabilang banda, ano pa? Imposible naman na gusto mo lang marinig akong kumanta ng isinulat mo at matapos ang blogposts mo?

FIVEMONTHS:  May gusto pa ako. I wanted to see my sisters happy. Gusto ko rin na mapagkasundo ko na ang nanay at tatay ko.

SQUASH: Hindi pa rin sila okay?

FIVEMONTHS: Sa tingin ko, hindi pa. Alam ko naman na nag-uusap lang sila for the sake of me. But I wanted them to rekindle the love that they have when I was young. Nawalan na rin kasi ng tiwala ang nanay ko sa tatay ko, kaya siguro sobrang pormal na nila sa isa’t isa.

SQUASH: Naniniwala ka talagang maibabalik mo pa silang dalawa sa dati?

FIVEMONTHS: I’m praying.

FIVEMONTHS: Happiness can be achieve by doing something or making something, it is not ready-made.

FIVEMONTHS: Kailangan din natin na gumawa ng paraan para maging masaya.

SQUASH: Sa tingin mo, maibabalik mo pa rin sila?

FIVEMONTHS: I have to believe it. Kita ko naman kasi kay tatay ang pagbabago, sana lang kaya niyang panindigan upang maibalik ang tiwala. At kita ko rin kay nanay ang pagmamahal, sana mahanap niya ang pagpapatawad sa puso niya.

SQUASH: Ang huwaran mo namang anak.

FIVEMONTHS: Siyempre, guwapo ako e. Hahaha.

SQUASH: Saan anggulo? ‘Di ko kasi makita.

FIVEMONTHS: Ouch! Hahaha. Ang harsh mo pa rin.

SQUASH: Haha. Totoo naman, ‘di ka guwapo. Matangkad ka nga, pero payat ka naman. Pero balik tayo, wala ka bang hiling para sa sarili mo? Like, gusto mong makapunta sa Pluto, sa Korea or whatsoever?

FIVEMONTHS: Isa na lang naman gusto ko para sa sarili ko.

SQUASH: And that is?

FIVEMONTHS: YOU:)

SQUASH: Funny.

FIVEMONTHS: Hahaha. Hayan ka na naman. Ayae mo na naman maniwala.

FIVEMONTHS: *Ayaw

FIVEMONTHS: Seryoso ako. Ikaw na lang ang kulang.

SQUASH: Ang korni mo. And you're flirting.

FIVEMONTHS: Hahaha. Grabe ka naman sa flirting. Sinasabi ko lang naman kasi kung anong gusto kong sabihin. Alam ko namang nakokornihan ka, pero anong magagawa ko? Ikaw naman talaga ang kulang.

SQUASH: Whatever.

FIVEMONTHS: Ayaw mo maniwala? Seryoso ako. Huhuhu.

SQUASH: Shut up.

FIVEMONTHS: Dinadaan mo na naman ako sa 'shut-up' mo. Pero okay lang kung hindi ka naniniwala.

FIVEMONTHS: But I’m really serious. Bago man lang ako mawala, gusto ko munang maranasan ang magkaroon ng pamilya. I wanted to have a wife, a wedding, a child. Basta, mga bagay na hindi ko pa naranasan.

FIVEMONTHS: Gusto ko magising na may nakangiting mukha sa tabi ko. Gusto ko rin maranasang mahalin.

FIVEMONTHS: Gusto kong ipagluto ang taong mahal ko, ipag-drive sa trabaho niya, ipaghugas ng pinggan, ipaglaba ng damit at kung anu-ano pa. Korni man pakinggan, but I really wanted to experience those things.

SQUASH: Ang dami pala ng bagay na gusto mong gawin.

FIVEMONTHS: At magagawa ko lang ‘yun kung mayroon nang TAYO.

SQUASH: Patawa ka.

FIVEMONTHS: I’m damn serious.

SQUASH: Five...

FIVEMONTHS: Huwag kang mag-alala, hindi naman kita prine-pressure sa mga bagay na ganito. At kung sakali man na hindi talaga ikaw, I hope magawa ko pa rin ‘yun while I’m still breathing.

My heart sank.

Gusto niya pa rin maranasan ang mga bagay na ‘yun sa kahit sino? Sira pala siya eh.

Hindi na sana ako magre-reply nang may sumunod itong mensahe.

FIVEMONTHS: But I think, I can’t love somebody else but you. I don’t see myself being with someone that is not you.

Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi. Winther really knows how to make my heart flutter.

FIVEMONTHS: Imagination at pangarap ko lang naman ‘yun.

SQUASH: Imba ka rin mag-imagine. Wagas din mga pinagsasabi mo.

FIVEMONTHS: Huhuhu. Parang imposible ‘di ba? At alam ko naman na ayaw mong ma-attach sa mga tao na anumang oras ay baka mawala. Naiintindihan kita.

Hindi ako makahagilap ng salita.

Hindi naman imposible ang gusto niya. Pero tama siya, ayaw ko talagang ma-attach nang sobra dahil natatakot ako. Sigurado naman ako sa nararamdaman ko, hindi lang ako sigurado kung kaya ko bang panindigan.

Takte. Bakit ganito ako kabahan?

At bakit ayaw ko sa ideya na may iba siya?

Imbes na magsabi pa ng kung anu-ano, iniba ko na lang ang topic.

SQUASH: Para saan nga pala ‘yung pinadala mong unan, mga panyo at kumot?

May pumuntang lalaki kanina rito sa apartment, may dalang box at pinabibigay raw ni Winther. May laman ang kahon na isang unan at may larawan siya. Baliw talaga, pati mukha niya nilagay niya. Tapos may kasama itong kumot, may kalabasang designs. At ‘yung dalawang panyo na kulay pula, may nakaburdang 'five&squash'.

FIVEMONTHS: Natanggap mo na pala? Akala ko hindi mo na tatanungin. Hahahaha.

FIVEMONTHS: Nanliligaw nga kasi ako.

Nalaglag ang aking panga. What the hell. Nanliligaw?

FIVEMONTHS: Kiligin ka naman. Hahahha

SQUASH: Gago.

FIVEMONTHS: Hahahaha. Uso na ba ngayon magsabi ng gan’yan kapag kinikilig? Hindi naman kita ginagago. Pang-ilang gago mo na ‘yan. Seryoso nga ako. Itutuloy ko ang naudlot na panliligaw na sinasabi ko noon sayo. May pag-asa man o wala, itutuloy ko pa rin. Ngayon pa na alam kong napatawad mo na ako?

FIVEMONTHS: I won’t mess up like the last time. Hindi na ako aatras.

SQUASH: You’re really courting me? Wth! Seryoso ka talaga?

FIVEMONTHS: Never been serious, Squash.

FIVEMONTHS: Payagan mo man ako o hindi. Manliligaw talaga ako. Kaso hindi ko alam kung palpak ang pinadala ko sayo. Sa ugali at pagkatao mo, alam kong hindi mo gusto ang bulaklak o chocolate.

SQUASH: Paano mo alam na ayaw ko ang mga ‘yun?

FIVEMONTHS: Sikretong malupet. Hahaha.

SQUASH: Ang jejemon, ha.

FIVEMONTHS: Hahaha. Sorry. Sikreto na talaga ‘yun.

SQUASH: Hindi nga, bakit alam mong ayaw ko mga ‘yun?

FIVEMONTHS: Kinulit ko si Artemis.

SQUASH: Wow, paano ka nakakuha ng impormasyon sa kan’ya? She can’t disclose any information, about me without my consent,  especially to someone she doesn’t know well.

FIVEMONTHS: She likes Reigan. And Reigan is my bestfriend. Alam mo na kung anong nangyari. (^____^)

SQUASH: You’re unbelievable! Ginamit mo pa nararamdaman ng kaibigan ko.

FIVEMONTHS: Hahaha siyempre. Minsan kailangan talaga nating gawin lahat ng paraan para masuyo ang taong mahal natin. Ganu’n talaga ang inlove.

SQUASH: Wala talagang filter pinagsasabi mo ‘no? Hindi ka marunong magpakatorpe.

FIVEMONTHS: Anong gusto mo? Tutulad ako sa iba na torpe na lang panghabang-buhay? Hindi ako ganu’n.

FIVEMONTHS: Oo, naging torpe ako sayo dati, pero hindi naman aabot sa punto na mawawalan na ako ng pagkakataon.

SQUASH: Dami mo na namang sinabi. Pero bakit unan, panyo at kumot? May mga ganu’ng gamit na ako rito sa apartment. Ang weird mo.

FIVEMONTHS: Bigas sana, kaso mag-isa mo lang sa apartment mo. Sa payat mo, hindi ko alam kung kumakain ka pa. Baka malumot lang ‘yung bigas, sayang. Ipamigay ko na lang sa DSWD. Nakatulong pa ako. :D

SQUASH: Buwisit ka.

FIVEMONTHS: Hahaha. ‘De jokolang.

FIVEMONTHS: Ang totoo niyan, gusto kong nakikita mo mukha ko sa pagtulog mo.

SQUASH: Nightmare.

FIVEMONTHS: Aruyyy! Sakit naman.

SQUASH: Hahaha. Kung anu-ano kasing nakalagay sa box.

FIVEMONTHS: Hindi naman wirdong bagay ‘yun. Gusto kong gamitin mo ‘yung unan kapag matutulog ka. Para sa pagtulog at paggising, maaalala mo agad ako. You can cry on it when you’re down, you can lean on it if you’re sad, you can embrace it if you miss me.

His explanation seems to bother me even more than the initial text. I feel as if he’s gonna leave me again.

SQUASH: Lalim.

‘Yun na lamang ang naisip kong sabihin.

FIVEMONTHS: Siyempre. Haha.

FIVEMONTHS: Tapos ‘yung panyo, gamitin mo kung may sakit ka. Isipin mo, gamot ‘yan. Pampunas sa noo mo tuwing pinagpapawisan ka, pantanggal ng sipon mo tuwing sinisipon ka at pagtanggal ng luha sa mga mata mo tuwing umiiyak ka.

FIVEMONTHS: And lastly, kumot. Pakiramdam ko kasi, malungkot ka pa rin kahit hindi mo ipakita. Akala mo lang masaya ka na talaga. Kailangan mo ng kasama. Gamitin mo ang kumot kung nilalamig ka. Isipin mo na lang, full yakap na ‘yan galing sa akin.

I read his message twice. Parang ayaw ko ang mga ipinapahiwatig niya. Or am I just thinking too much? Why would he need to say this to me? Unless he will leave me.

I inhale a calming breath.

SQUASH: Nagpapaalam ka ba?

My heart sinks to my stomach. The idea of him leaving me is not good. Pakiramdam ko, masasaktan ako nang sobra.

FIVEMONTHS: Hahaha. Hindi. Talagang ’yun lang ang naisip kong ibigay sayo.

I let out a sigh. Siguro nga nag-iisip lang ako ng kung anu-ano.

FIVEMONTHS: Don’t worry, I’m not gonna leave. Not yet.

SQUASH: Let’s sleep.

FIVEMONTHS: Iniiwasan mo talaga ang mga topic na ayaw mong mangyari.

SQUASH: Hindi naman sa ganu’n.

FIVEMONTHS: Huwag ka nang magpaliwanag. Naiintindihan ko:)

FIVEMONTHS: Can I see you tomorrow?

SQUASH: Wala ka nang lakad bukas?

FIVEMONTHS: Wala:)

SQUASH: Ako na lang pupunta.

FIVEMONTHS: You sure?

SQUASH: Yeah.

FIVEMONTHS: Nandito lahat sila bukas. I hope you won’t feel uncomfortable.

SQUASH: I won’t.

FIVEMONTHS: Wala kang rehearsal bukas?

SQUASH: I have. Pero dadaan lang ako saglit diyan.

FIVEMONTHS: Aww, sure kang okay lang?

SQUASH: You’ve done enough for me. This time, ako dapat ang mag-adjust. We’re friends.

FIVEMONTHS: Anak ng!

FIVEMONTHS: Hahahahahah. Grabe ka. Friends? Friends talaga?

Natawa rin ako.

SQUASH: Nanliligaw ka pa lang. Malamang, magkaibigan pa rin tayo. Sira. Sige na, you have to sleep early.

FIVEMONTHS: Early pa ba? Hahaha.

SQUASH: Kaya nga matulog ka na.

FIVEMONTHS: Okay, Squash. Goodnight. Tamang-tama, it’s already eleven.

SQUASH: Goodnight.

FIVEMONTHS: Mahal kita. Huwag mo ‘yan kakalimutan. Haha. See you (^_^)

I don’t know what happens to me, but something changes in me. Something melts. Something hard or cold or covered in my own personal armor is turning to liquid now that I’m realizing what really is happening.

A smile formed in my lips. Hinawakan ko ang aking pisngi.

Oh my God. This is crazy.
             
                    WINTHER'S POV

“Put that damn laptop and help me!” sigaw ni Ate Frina kay Ate Frona, natataranta na siya.

Hindi na talaga ako makahinga.

Oh God! Not now. Pupunta ngayon si Silhouette at alam kong malapit na siya rito.

“Nasaan ang gamot mo?”

Hinawakan ko ang aking dibdib dahil sa sobrang paninikip nito. Wala na ulit ang cancer cells sa baga ko pero inaatake ako ng aftermath ng mga surgeries. Itinuro ko ang kabinet na malapit sa aking kama. Sumalampak ako sa sahig, and I leaned against the wall.

Bakit ba kasi nakalimutan kong uminom ng gamot?!

Biglang natigilan ang lahat nang tumunog ang doorbell.

Shit.

She’s here!

She can’t see me.

I don’t want her to see me if  I’m at my worse condition.

                           #####

(PS: The end is near and I felt like crying. Choss. Just kidding. Namimis ko na rin ang paggawa ng short stories, malapit na ulit. Thank you po ulit sa inyong lahat. P'wede na rin ninyong sabihin ang inyong mga hinaing hanggang hindi pa natatapos😊.)

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
172K 6.2K 49
Monsta ❌ Academy New Generation: new names. new heartbeats. same academy. -jareditsme COMPLETED
3.6K 159 10
Binasted ni Danica si Cielo nang mag-proposed ito sa kanya. Pero nang ma-realized niyang gusto rin pala niya ito, siya naman ang nagtapat. Laking gul...
534K 27.7K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...