Protecting the Campus Royalti...

Baepreshyy द्वारा

7.5M 202K 41.5K

"Far from being Ordinary Girls" ang papasok sa isang sikat na paaralan kung saan nandoon ang mga kalalakihang... अधिक

PTCR
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69

CHAPTER 56

87.3K 2.5K 529
Baepreshyy द्वारा

★ ★ ★

Zell's POV

----------

"Nandito na si Wayne sa school! Nandoon na siya sa Royal room at maya maya nalang lalabas na siya..."

Natigilan ako sa sinabi ni Sasha. Hindi ako makagalaw. Noong una, parang ayaw ko pang maniwala baka jino- joke time lang ako ng isang 'to pero nang makita ang mga banner na dala ng mga estudyante na may nakalagay na 'Welcome back, Wayne!' ay mas lang kumabog ang puso ko.

Hindi nga? Babalik na siya? Nakabalik na siya? Parati kong hinihiling na maging okay na siya pagkatapos ng lahat. Parati kong hinihiling na bumalik na siya at ito na! Ito na ang araw ng pagbabalik niya! Oh my gosh!

"Oh ano, Zell? Hindi ka ba masaya?!" Masayang tanong ni Sasha. Halatang halata sa kaniya na sobrang excited niya!

Nakarinig kami ng tilian. Agad na nagsitakbuhan ang mga estudyante patungo sa itaas ng palapag. Hinawakan din ni Cherwin at Sasha ang magkabila kong kamay.

"Tara na! Kyaaaah!" Si Cherwin at hinila nila ako ni Sasha.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. I want to see him. I badly want to see him! I want to hug him tightly pero hindi ko alam ang nangyayari sa 'kin. Hiniling ko 'to at heto na sa harapan ko, ang makita siya! Hindi ko alam kung bakit biglang umurong ang mga paa ko.

Parehong napatingin sina Cherwin at Sasha sa'kin, nagtataka. Binawi ko ang kamay ko sa kanila at umatras.

"Oh bakit? Ayaw mo ba siyang makita?" Gulat na tanong ni Sasha.

Umiling ako, hindi nagsalita.

Mas lalong naging malakas ang tilian ng mga estudyante kaya mas lalo akong umatras! Not now! Zell, ano bang nangyayari sa iyo?!

"Oh my gee! Wayne! Welcome back!!"

"Kyaaaah! Ang gwapo gwapo mo, Wayne!"

"Waaaa! I missed you, Wayne!"

"Grabe! Laki ng pinagbago mo, Wayne! I love you!"

Walang alinlangan kong tinalikuran sina Sasha at Cherwin dahil sa likuran nila, nandoon ang napakaraming estudyante at sa gitna ng napakaraming estudyante, nandoon si Wayne!

Narinig ko ang tawag nila Cherwin at Sasha nang talikuran ko sila para tumakbo papalayo ro'n.

Gustong gusto ko siyang makita pero hindi ko alam kung bakit umurong ang aking sistema. I'm so guilty to face him. Nahihiya rin akong harapin siya. But I must face him to apologize and thank him for what he did. Seriously? Thank him for shielding me? At siya muntik nang mamatay? Hindi ko nga lang alam kung paano ako makapag thank you at sorry sa kaniya gayong ang raming tao ang nakapalibot.

Lumayo ako roon. Pumunta ako sa comfort room para lang makapagtago. Puwede namang pag wala nang nakapalibot sa kaniya, lalapitan ko na siya.

Taas baba ang aking dibdib. Ngumuso ako. Ang maisip na lalapit ako sa kaniya ay nakakapagabog ng puso ko. Paano nalang kaya kung gagawin ko na 'yon? Ang sakit ng tiyan ko dahil sa kaba!

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang sarili sa salamin. Galit ako sa sarili ko! Bakit, Zell? Bakit bigla kang umurong!? Eto na eh!

Napatingin ako sa aking wrist watch. Hindi na ito ang binigay ni Axiesse. Ordinaryong relo lang ang sinuot ko dahil hindi ko naman ine-expect na ngayon ang uwi niya!

Mag-uumpisa na ang klase. Ayokong pumunta sa classroom dahil baka makita ko siya. Ano ba, Zell? Kailangan kong humingi ng tawad! Kailangan ko siyang harapin! Nag send ka pa ng voice message tapos ngayong nandito na, aatras ka?

Kinalma ko ang sarili ko at napagdesisyunang hindi na muna ako papasok. Nakakakaba. Nakakahiya. Kailangan ko munang ayusin ang sarili ko bago ko siya harapin. Ayokong magmukhang ewan sa harap niya.

Hinarap ko ang salamin at huminga ng malalim. Kailangan kong sanayin ang sarili ko baka mapahiya ako sa harap niya. O baka naman, mautal! Jusko!

Tumikihim ako.

"Hi, Wayne! Sorry pala sa nangyari ha? At thank you dahil hinarang mo yung tama ng bala na para sa'kin. Peace na tayo ha?" Wika ko sabay peace sign sa salamin.

Agad na bumusangot ang mukha ko. Sinabunutan ko ang aking sarili. Ang boba mo, Zell! Ang pangit!

Tumikhim ulit ako at inayos ang sarili. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Kailangan kong sanayin ang aking sarili sa sasabihin ko sa kaniya. Fighting!

"Hi, Wayne! Kamusta ka na? Okay ka na ba? Binaril ka raw? Salamat pala sa ginawa mo ha? Sorry na rin kasi--arghhhh!"

Napapikit ako out of frustration. Bakit ko tatanungin na binaril siya? Tanga ka ba, Zell? Saan na nga ba ang utak ko? Para na akong baliw dito!

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Tiningnan ko ang aking sarili salamin. Dapat ko siyang pasalamatan. Dapat akong humingi ng tawad. Pero...

Biglang nalaglag ang aking balikat dahil sa naisip.

Paano kung nagbago na siya? Paano kung hindi niya ako papansinin? Paano kung hindi niya tanggapin ang sorry ko? Paano kung galit siya sa'kin? Paano kung ang Wayne na nakilala ko ay hindi na yung Wayne ngayon? Paano?

Napalunok ako. Unti unti akong nawawalan ng pag-asa. Para ring kinurot ang puso ko sa mga naisip. The thought of him ignoring me, ay nagpapasakit sa akin. Sa huli, inayos ko nalang ang sarili ko sa salamin at kung sakaling magkita kami ay magmukha naman akong presentable sa harap niya.

Walang gana akong lumabas ng CR. Naiisip kong, hindi ko na dapat pa ipractice ang mga sasabihin ko. Hindi ko na dapat pa isaulo. Dapat magmumula sa puso ang lahat ng sasabihin ko sa kaniya.

Hindi na muna ako papasok ngayon. Dumiretso nalang ako sa library. Doon ako magpapalipas ng oras. Pumasok ako ng library. Kailangan ko pang magsinungaling sa librarian na may babasahin lang akong libro para sa subject namin nang sa gano'n ay papayagan niya akong makapasok. Pakiramdam ko, sinusunog na ang kaluluwa ko sa impyerno dahil sa pagsisinungaling.

Tumungo ako sa kung saan ako palaging tumatambay. Napahinga ako ng malalim dahil pakiramdam ko, wala nang makakakita sa akin dito. I just want a quiet place with a peaceful mind.

Umupo ako sa sahig. Nakita ko pa 'yong mga sticky notes na nilagay ko. Agad kong hinalungkat ang aking bag at kinuha ang sticky notes na naroroon. Kumuha rin ako ng ballpen at handa nang sumulat.

Day 57.

You're finally back! I'm so happy. I want to thank you. Gusto ko ring mag sorry. I'm sorry, Wayne.. kasi nang dahil sa'kin napano ka at muntik ka nang mawala. Kahit tapos na, nangyari na, gusto kong mag-sorry sa'yo sa personal but I don't think I can do that. Kinakabahan ako. Natatakot ako sa posibleng mangyari kapag lumapit ako sa'yo...

Ps. Ang babasa nito matutubuan ng bukol sa kili-kili!

-Ms. ProblematicInMath

Dinikit ko ang sticky notes sa ilalim ng bookshelf. Dinikit ko iyon sa pinakatagong lugar. Ayokong may makabasa no'n. Ako lang ang puwedeng bumasa ng mga sinulat ko!

Pagkatapos no'n, kinuha ko ang aking earphones at sinaksak sa cellphone ko. Kailangan ko pang buksan ang cellphone ko para makapili ng kanta kaya hindi nakatakas sa 'kin ang mga texts ng mga kaibigan ko.

Sasha:

Zell! Saan ka? Mag-uumpisa na ang klase!

Sasha:

Zell?

Sunod ko namang binasa ang mga mensahe ni Cherwin, Axiesse, Yumie at Arjie.

Axiesse:

Your subject is back. Return to the mission. Report to the CIA through cellphone. Btw, san ka ba?

Yumie:

Hoooy... Absent ka?

Arjie:

Nakita kita kanina. Bakit wala ka?

Hindi ko na muna pinansin ang mga text nila. Dumiretso na ako sa aking music library para makapili na ng kanta. Nang makapili na ay binalik ko ang aking cellphone sa bag at sinandal ang ulo sa dingding. Pumikit ako habang walang iniisip kundi ang pagbabalik ni Wayne...

I feel so relieved dahil nakabalik na siya. Hindi ko nga lang alam kung tuluyan na siyang magaling. Naguguilty ako sa lahat ng bagay na nangyari sa kaniya. If I could just turn back time, sana hindi na nangyari sa kaniya 'yon. Sana ako nalang. He's a Campus Prince. He's a Campus Prince and I'm just his classmate. The Campus Prince just saved his classmate from getting killed.

Sa kalagitnaan nang pagtulog ay agad na umatake sa aking ilong ang pamilyar na bango. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero hinihila ako ng antok. Hindi ko kayang imulat ang mga mata ko kaya nagpatuloy nalang ako sa pagtulog.

Hindi ko alam kung ilang oras na ba ang lumipas. Nagising nalang ako nang magutom. Dahan dahan kong tinanggal ang aking earphones sa magkabilang taenga at tumayo na.

Akmang aalis na ako sa lugar na 'yon nang mahagip ng paningin ko ang lugar kung saan ko dinidikit ang mga sticky notes ko! Nanlaki ng mga mata ko. Kasabay no'n ay ang pagkabog ng aking puso!

Oh my gosh? Nasaan na 'yon?!

Nataranta ako. May kumuha no'n dito! Hinanap ko sa ibang bookshelf ang mga sticky notes pero wala roon eh. Sigurado akong may kumuha no'n! Malalagot siya sa 'kin.vSasapakin ko siya!!!

Napagdesisyunan ko nalang na umalis na. Kabadtrip talaga! Buti nalang hindi napansin ng librarian ang pagtatagal ko rito. This is the best place to sleep! Ang lamig dito pero nababadtrip ako ngayon!

Nang makalabas na sa library ay dumiretso ako sa canteen. Kailangan ko pang kapkapan ang mukha ko kung may laway bang natuyo. Mabuti naman dahil wala. Inaayos ko ang aking mahabang buhok habang naglalakad patungo sa canteen. Tumingin ako sa aking relo. It's twelve noon already! Ganon kahaba ang tulog ko?

May mga estudyante nang naglalakad lakad na sa hallway. Lunch break na nga.

Dumiretso na ako sa canteen. Saktong namataan kaagad ako ni Sasha pagkapasok ko roon kaya tinawag niya ako ng napakalas lakas!
Napatingin talaga ang iba sa mga estudyante sa 'min!

"Zell!!!"

Gusto kong tumalikod at tumakbo. Ang hilig ko na talagang tumakas ngayon! Kumalabog ang puso ko sa sigaw niya. Ano ba naman 'tong si Sasha! Lalong lalo na nang aksidenteng dumako ang mga mata ko sa table ng mga Campus Royalties...

And there... parang biglang bumagal ang paligid ko pero ang lakas ng kabog ng aking puso. Nagtama ang mga mata namin. Halos dalawang buwan na nang hindi ko siya nakita, ang mata niyang nakakaadik ay nakita ko na... Our eyes met. Nagkatinginan kami. Ang mga maaamo niyang mga mata ay... ibang iba na ngayon... There's something in his eyes... Something that I don't know but it makes me shiver...

Umawang ang aking mga labi. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Those eyes of him that I really miss are really different now. Parang ang lamig. Parang walang mga emosyon pero nagagawa akong apektuhan...

Habang nakatingin ako sa mga mata niya ay may nararamdaman akong kakaiba. Kakaibang kakaiba dahil ngayon ko palang ito naranasan.

Naputol ang koneksyon ng mga mata namin nang may biglang humawak ng siko ko. Tinikom ko bibig ko at napatingin kay Sasha na nasa harap ko na.

"Saan ka galing?" Nag-aalala niyang tanong.

Bumuka ng bahagya ang mga labi ko pero hindi ko magawang magsalita. I don't know. I don't know what to say even to do... Ang gusto ko lamang ay makakain.

Hinila ni Sasha ang kamay ko nang mapansin na hindi ako nagsalita. Dumapo ulit ang tingin ko sa kaniya. Parang biglang tinamaan ng karayom ang puso ko. He gazed intently into my eyes. Nakakatitig lang siya sa 'kin. Parang walang planong pakawalan ang mga mata ko. Sa bawat segundo ng pagtitig niya ay mas lalo akong kinakabahan. I cannot carry it all. Masyadong mabibigat ang mga titig niya. Kung ipagpapatuloy ko ito, baka hindi ko na mapigilan ang aking sarili!  

Nag-iwas ako ng tingin at napalunok. I don't know! Looking at him like what just happened made me feel nervous but... excited. Paano nalang kaya kapag lalapit ako?

Biglang nanlumo ang sistema ko. I quickly remember when I looked at him. His eyes made me weak. Nagbago siya. Kung noon, ningingitian niya ako ngayon, there's nothing but his serious and intimidating face. Wala na ba ang Wayne na nakilala ko dati?

Gusto kong maluha sa mga pinag-iisip. Gusto kong pansinin niya ako. Ngitian. Kawayan. Ang kapal naman ng mukha ko kung gano'n. I badly want to hug him right now and ask a lot of questions. Nangangati ang mga tuhod kong lapitan at kausapin siya.

Tahimik lang akong kumain. Nakayuko lang ako. Hindi ko magawang mag angat ng tingin kahit kanino. Kahit na kinakausap ako ni Sasha o kung nino pa man. Tumatango lang ako o umiiling kung nagtatanong sila ng answerable ba ng yes or no. Hays.

"Teka nga," ani Sasha at tumigil sa kung ano man ang sinasabi niya. "Zell, nasobrahan ata 'yang pagka-tahimik mo. Masaya ka dapat dahil nakabalik na si Wayne... May problema ba?"

Umiling lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nagpatuloy naman sa pag-uusap sila Sasha, Arjie at Cherwin. Bumuntonghininga ako. 

Kung dati, nakikinig pa ako sa mga pinag-uusapan nila pero hindi nagsasalita. Ngayon, tanging tango nalang at iling ang ginagawa ko.

Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Pagkasabik dahil gusto ko na siyang lapitan. Kaba dahil sa pag-iisip na lalapitan ko siya. Saya dahil nakabalik na siya. Lungkot dahil may nagbago sa kaniya. Pero alam ko naman na nagbabago talaga ang lahat... at wala na akong magagawa ro'n.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Maingay pa rin ang mga kasama ko. Si Sasha naman ay nabawasan ang pagiging maingay. Nakayuko lang ako habang kamakain. Rinig na rinig ko rin ang ingay ng mga estudyante rito sa canteen. 

Narinig kong unti unting tumahimik ang paligid hanggang sa tanging maliliit na bulungan nalang ang naririnig. Tumigil din sa pag-uusap ang dalawang bakla sa harap ko.

Ang tanging naririnig ko lang habang nakayuko ay isang tunog ng sapatos. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtahimik nila. Susubo na sana ulit ako ng pagkain nang mamataan ang dalawang pares ng sapatos sa ilalim.

Mas lalong kumunot ang noo ko sa pagtataka. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin at....

Naalala ko, nakita ko siya sa bar noong gabing binaril si Wayne and what, Oh my dod!

Yvo Gibrel is here!

Nararamdaman kong nakatingin ang lahat ng mga mata sa 'min—sa 'kin! Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Bakit siya narito? Anong ginagawa niya rito?

"Oh? Yvo?" Gulat na tanong ni Yumie. Mukhang magkakilala sila.

Napatingin si Yvo sa kaniya.

"Naeyumie?"

"Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ng kaibigan ko sabay sulyap sa 'kin.

"I'd like to talk to her..." Sabay sulyap niya sa 'kin.

Napatango tango naman si Yumie at hindi na nagsalita.

Tumikhim si Yvo at bumaling ulit sa 'kin.

"Can we talk?"

Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Ano naman ang pag-uusapan namin? Did my grandfather send him here? Itutuloy niya ba talaga ang balak niya? Ang pagpapakasal ko kay Yvo?!

Huminga ako ng malalim. Nag-alinlangan pa akong tumango pero sa huli ay pumayag na rin.

Tumayo ako. Nahagip ng paningin ko ang lamesa ng mga Campus Royalties. Bumilis ang pintig ng puso ko nang makita ang mga mata niyang nakatitig sa 'kin. He looked at me with something in his eyes.

Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniya ay bumaba ang tingin niya sa kinakain.  Salubong ang mga kilay niya at mariin ang pagkakahawak niya sa kaniyang kutsara.

Gusto kong mawala sa paningin niya nang bigla siyang tumingin ulit sa banda ko. Halos mapatalon ako. Tumindig ang mga balahibo ko at dali daling tumingin kay Yvo na naghihintay sa 'kin.

"Let's go?"

Tumango ako at nauna nang maglakad. Mabilis ang pintig ng puso ko habang iniisip ang mga mata ni Wayne. Nakarating kami sa labas ng building. Sa may puno. Medyo lutang pa ako pero nang magsalita si Yvo ay napatingin ako sa kaniya.

"Your grandfather-"

Pinutol ko kaagad siya.

"I won't marry you."

Humalakhak siya.

"I know..."

Kumunot ang noo ko. Eh alam niya naman pala bakit nandito pa siya? Sinabi ba ni Dean na ayaw ko siyang pakasalan?

Seryoso ko siyang tiningnan. Salubong ang mga kilay ko.

"My friend told me that someone likes you... That I should stay away from you."

Hindi ako nagsalita. Pinagkrus ko ang mga braso ko at seryoso pa rin siyang tinitingnan.

"I won't marry you, either. I like someone else," sabi niya.

Napangisi ako. Eh bakit nandito pa siya? He should tell my grandfather to end what he's planning to do! At wala na rin naman siyang magagawa dahil ayaw ko talaga. We don't like each other. We won't click!

"Why are you here anyway? Dapat sinabi mo na sa Lolo ko na h'wag na tayong ipakasal. The hell with that old man..." Inis na sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Hanggang kailan niya pa guguluhin ang buhay ko? Hanggang kailan niya pa ako papake alaman?

"Your grandfather said that he'll expell you from this school if you won't marry me."

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko makapaniwala siyang tiningnan. What? Sinabi niya 'yon? And here we go again! He's starting to ruin my life again!

"And I'm here to help you."

Tumingin ako sa kaniya. Help me? Paano? Paano niya ako matutulungan? Matutulungan niya ba talaga ako? Paano kung pakana naman ito ng Lolo ko?

Kumuyom ang mga kamao ko. Nabuhay ulit ang galit ko! Pero... tama ba na i-expell niya ako ng walang dahilan? That's unfair!

"Paano mo ako matutulungan kung gano'n?"

May kinuha siya sa kaniyang bulsa. Isang red box. Namilog ang mga mata ko at napailing-iling.

Binuksan niya ang maliit na kahon. Agad na tumambad sa akin ang isang singsing. Mukhang mamahalin at may diamante pang nakalagay!

"We'll pretend that we agreed to the engagement."

Umiling-iling ako at sarkastikong natawa.

"He also told me that he'll find a way to remove Wayne as a Third Prince."

Paano niya magagawa 'yon? He's just a Dean!

"Impossible." Umiling iling ako.

"I know it's impossible pero sabi niya, gagawa siya ng paraan. Makapangyarihan ang mga Laurent at sa tingin ko, hindi niya 'yon magagawa. Pero we still need to pretend to make sure."

Hindi ako nagsalita. Gagawa siya ng paraan na patalsikin si Wayne sa pwesto niya? At sa tingin ko, dahil 'yon sa 'kin! Marami na akong naidudulot sa kaniya. Nang dahil sa 'kin, muntik na siyang mawala. Nang dahil sa 'kin nasa panganib ang pagigiging Third Prince niya. Pero... posible ba talagang matanggal si Wayne?

"We need to pretend so that your grandfather will end his thought about you being expelled. Hindi rin niya iisipin ang gagawin kay Wayne..."

And wow. Paano niya nga pala nalaman ang pangalan ni Wayne? Siguro may nakapagsabi sa kaniya.

"Sinabi rin sa'kin ng Lolo mo na gusto mo si Wayne. I believe you won't disagree with what I'm planning to do because you like him?"

Humugot ako ng malalim na hininga bago tumango ng dahan-dahan.

"Sige... W-We'll pretend.."

Tumango siya at ngumiti.

"We'll stop pretending after you graduate. "

Tumango nalang ako bilang sang ayon. Kalahati sa 'kin ang hindi alam kung ano ba 'tong pinasok ko. Kalahati rin sa 'kin ang nagsasabi na this is for our own good. Para 'to sa 'kin at kay Wayne.

"Why are you doing this?" Tanong ko kay Yvo. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinutulugan. He has his own life! Baka makasagabal pa ako. Akala ko may iba siyang gusto?

"Doing what?"

"Bakit mo ako tinutulungan?"

Napabuntonghininga siya.

"I don't want to ruin anyone's life because of not marrying me..."

Parang may dumaang sakit sa puso ko. I don't really know him. Ngayon lang kami nagkaharap. Ngayon lang kami nagkausap and here he is... willing to help me. Kahit papaano, may tamang sinabi sa 'kin si Lolo. He said that Yvo is a good man and I believe that now.

"I thought you like someone else? Paano siya?" Tanong ko.

Napatingin siya sa akin.

"You won't like to hear it."

Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa aking palad ang maliit na kahon.

"Wear that ring so your grandfather will believe us more. Sasabihin ko sa kaniya na umo-oo ka na..." Aniya at tinalikuran ako.

Tiningnan ko pa ang kaniyang likod habang naglalakad papalayo. Napatingin ako sa palad ko na may hawak na pulang maliit na kahon. Kinuha ko ang singsing na naroroon at sinuot sa aking daliri.

This is the only way. Hindi ko alam kung totoo ba 'yong sinabi ni Yvo na sinabihan daw siya ni Lolo na maghahanap siya ng paraan para tanggalin si Wayne. Hindi ko rin alam kung totoo 'yong sinabi niyang i-eexpell ako.  Hindi rin imposible na totoo 'yon dahil marami na siyang nagawang mga bagay na hindi na lalayo sa bagay na ito. He's evil and a manipulator.

Bumuntonghininga ako ng malalim. We're just going to pretend. Pero sa palagay ko, mas lalo akong mahihirapan dahil hindi pa tapos ang aking mission. Sana hindi makasagabal sa aking misyon.

Ilang minuto pa akong nakatayo roon. Sa huli napagdesisyunan ko nang bumalik sa canteen.

Naging normal lang ang pagbalik ko sa canteen. Binaliktad ko muna ang singsing para maitago ang diamante. Parang walang nangyari. Iniwas ko ang paningin ko sa lamesa kung saan naroroon siya. Pagkatapos kumain ng mga kaibigan ko ay bumalik na kami ng classroom.

Nakaupo lang ako sa upuan ko. Si Sasha naman ay nakatunganga lang habang nakatingin sa labas ng bintana. Si Yumie ay gumagamit ng kaniyang cellphone. Si Axiesse? Well... Alam niyo na.

Tiningnan ko ang aking daliri. Naroroon ang singsing na binigay sa'kin ni Yvo. Kanina rin, tumawag si Lolo. Sobrang saya niya raw dahil ito ang kauna unahang beses na hindi ko siya binigo. Pumayag na raw kasi ako na makasal kay Yvo. Kung alam niya lang. At kung magpapakasal man ako o ma-e enggage, sa taong mamahalin ko 'yon habang buhay. This fix marriage won't work on me. It will never happen to me.

Tiningnan ko ang aking relo. Malapit na mag-umpisa ang klase pero wala pa rito 'ang mga Campus Royalties. Hindi ko alam kung nasaan. Kung dala ko lang sana yung hindi ordinaryo kong relo ay baka nalaman ko na kung nasaan siya.

Tiningnan ko si Axiesse. Magtatanong na sana ako tungkol sa whereabouts nilang apat nang biglang bumukas ang pintuan ng classroom. Napatingin ako roon. Saktong pagtingin ko roon ay ang pagpasok ni Wayne!

Nag-ingay ang mga kaklase ko dahil sa pagpasok niya. Ang iba ay nilapitan pa siya para kamustahin ang kaniyang lunch.

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan sa sobrang gulat dahil pagtingin ko... ay nakatingin din siya sa akin. Kumalabog ang puso ko at dali daling nag-iwas ng tingin.

Oh my god!

Kinuha ko ang aking libro saka nagkunwaring nagbabasa nito. Pumikit ako ng mariin at kinagat ang pang-ibabang labi. My gosh, Zell. Bakit ka ganiyan? Dapat akong humingi ng tawad sa tao pero ano itong ginagawa ko? Nag-iiwas ako!

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag-upo niya sa kaniyang upuan. Parang biglang nawala ang mabigat na bagay na nakapasan sa puso ko sa halos dalawang buwan niyang pagkawala dahil ngayon, nakita kong nakaupo na siya sa kaniyang upuan na bumakante no'ng wala pa siya.

Siniko ako ni Sasha. Napatingin ako sa kaniya. Sinenyas ng kaniyang bibig si Wayne na nakatalikod.

"Si Wayne oh..." She mutely said.

Napatingin ako sa banda ni Wayne.

Napayuko ako at tumingin nalang sa libro. Hindi ako nagsalita. Maya maya ay dumating na din 'yong tatlo. Mas lalong umingay ang paligid nang pumasok sila Zae, Marx at Klenth. Ang kaninang nag-uusap na si Sasha at Yumie ay narinig ko nalang na tumahimik.

Nag-umpisa na ang klase. Parang naging normal lang pero parang lang naman. Sa 'kin kasi, hindi! Halos walang pumapasok sa isip ko na mga nile-lesson ng mga lecturers namin. Buong oras ay malakas ang kabog ng puso.  Sa palagay ko nga, andami ko ng dugo!

Sa tuwing magtatama ang paningin namin ay agad akong umiiwas. Nararamdaman ko ring sobrang init ng mukha ko patungo sa leeg. Nababaliw na ako.

Natapos ang klase namin. Walang pumasok sa isip ko. Para akong tanga roon na nakatunganga. Umalis na si Axiesse at Sasha. Si Yumie na lang ang natitira rito kasama ko. Bigla niya akong hinampas ng mahina sa braso kaya napatingin ako sa kaniya.

"Uwi na tayo."

Doon pa lang ako tumango at nagligpit. Wala na rito ang mga Campus Royalties. Sinundan na siguro nila Axiesse. Pagkalabas namin ng room ay tumingin ako kay Yumie.

"Nasaan na ang mga subject?" Tanong ko habang papaalis.

"Sinundo na sila kanina pa ng napakaraming guards. Huwag ka na mag-alala. May kasamahan tayong body guards nila..." Halos pabulong na sambit niya.

Tumango tango ako at naibsan ang konting kaba.

"Siya nga pala, Zell..."

Tumingin ako sa kaniya.

"Bakit?"

May kinuha siya sa kaniyang bag at kinuha ang kamay ko. May nilagay siya sa aking palad pero agad na nanlaki ang mga mata niya. Hinila niya papalapit ang aking kamay at hinawakan ang daliri ko kung saan nakalagay ang singsing!

"Wow! Ang ganda nito ah?" Manghang aniya.

Tumingin siya sa 'kin at nanliit ang mga mata.

"Kanino galing 'to? Kay Wayne ba? Sa kaniya ba?" Nakangiti pa siya ng sobrang lapad.

Kumunot ang noo ko at binawi ang kamay. Agad akong umiling dahil mali siya. Hindi ito nanggaling kay Wayne. Kung nanggaling ito sa kaniya, paano niya naibigay ito kung gano'n?

Tinakpan ko ang kamay ko gamit ang isang kamay.

"Hindi..." Tipid na sagot ko at tinalikuran siya.

Mabilis ang lakad ko pero naabutan niya pa rin ako. Natatawa siya na ewan.

"Sus! Nanggaling 'yan kay Wayne eh!"

I said no! Umiling ako.

"Punta ka ha!" Aniya na hindi ko maintindihan.

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Nandito na kami sa bukana ng building. Papalabas na sana ako pero hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.

"Saan?" Takang tanong ko.

Ngumiti siya at itinuro ang kamay ko. Napatingin ako roon at doon ko nakita ang isang silver envelope. Kumunot ang noo ko. Ano 'to? Dali dali kong binuksan 'yon.

Greetings!

Since you're a Sky Hextian, especially a special class student, you're invited to the Third Campus Prince's comeback after all what happened.

We're expecting you to attend the Thanksgiving party. Also, We would like to thank anyone who prayed for his recovery. Stay strong, Sky Hextians!

-Your Dean,
Mr. Stewart

Sa ibaba ay mayroong pirma niya. Naroon din ang venue kung saan gaganapin yung Thanksgiving party. Mamaya rin magaganap 'yon! Biglang kumalabog ng malakas ang puso ko. Parang hindi ako makahinga.

This sounds so familiar! Memories flashing back in my mind! Bigla akong kinabahan. Bigla akong natakot. Nanlamig ang mga kamay ko. Sa tingin ko rin, nawala ang dugong kanina pa pinu-pump ng puso ko.

Naalala ko ang gabing binaril siya. Ang gabing muntik na siyang mamatay. After party din 'yon. May party din ang naganap no'n! Hindi pa ba sila natututo?

Nasabi sa 'kin ng mga kaibigan ko ang tungkol sa VMO. Mas delikado 'yon. Baka sa pagkakataong ito, hindi lang isa ang babarilin! Kundi apat sila! Lahat!

Ang hirap lumunok. Bawat segundo, nadadagdagan ang kaba ko. Ayaw ko sanang pumunta kaso kailangan na kailangan ito dahil sa mission.

Pagkarating ko sa bahay ay hinanda ko na ang susuotin ko. Hinanda ko na rin lahat ng kailangan kong dalhin. I report to the CIA. My mission resumed immediately. Naglinis muna ako ng sarili bago mag-ayos. Maroon dress na may floral design ang suot ko. Naka ekis ang strap no'n sa aking dibdib. Napahinga ako ng malalim dahil hindi kita ang aking cleavage pero muntik na.

Nilagay ko sa aking purse ang isang electric pen at isang burning pen. Sinuot ko rin ang wrist watch ko para ma-track si Wayne. Nasa harap ako ng salamin. Inayos ko ang aking nakalugay na buhok. Nagsuot din ako ng silver earings.

Bago ako umalis ay sinuot ko na ang sapin ko sa paa. Isang maroon glittering pumps. Nagpahatid ako sa driver namin sa sinabing venue.

Doble-doble ang kaba ko dahil para sa kaniya itong gaganapin. Doble-doble ang kaba ko dahil naalala ko 'yong gabing 'yon...  ang gabing nabaril siya. Hindi maalis sa isip ko na puwede na maulit iyon.

Sa isang five star hotel gaganapin ang party. Pagkarating ko roon ay bantay sarado ang lahat. Kahit sa labas ng hotel ay napakaraming mga guwardiya. Marami ring mga camera na nag-iilawan.

Pumasok na ako roon sa venue. Chineck pa ang laman ng purse ko! Buti nalang akala nila mga ordinaryong pen lang ang dala ko. Buti nalang din na hindi ako nagdala ng baril.

Naglakad pa ako sa gitna ng napakaraming camera. Suot-suot ko ngayon ang pin as a special class kaya muntik na akong ma-interview ng tao roon! Buti nalang ay nakatakas kaagad ako.

Gaya ng dati, binigay ko lang ang aking invitation. Bumukas ang malaking pintuan sa hall ng hotel. Malakas ang pintig ng puso ko nang makapasok. Sobrang lakas. Sobrang kaba. Parang lalabas na ang puso ko sa katawan ko.

Marami agad ang naroroon na taga Sky Hexton. The girls are wearing their gorgeous dresses. Ang iba ay puno ng make up ang mukha. Ang iba naman ay kaonti lang. The boys are wearing a polo. Halos lahat din ay mga naka tuxedo. Hindi ko aakalain na ganito pala ka enggrande ang Thanksgiving party nila. Parang prom night lang.

There are some waiters na nag-iikot na may dalang tray with champagne glass on it. Everything looks so fine. Engrande. Nasa magkabilang gilid ang mga lamesa. It's covered with white sheets. Pati ang mga upuan. Sa gitna naman ay may red carpet patungo sa harap. Sa taas at gitna ng red carpet ay naroroon ang malaking chandelier gaya no'ng dati pero mas engrande ito ngayon.

The place looks so beautiful. Malamig at sobrang linis. Ang iba sa mga tao ay nakatayo pa. Ang iba naman ay nakaupo na. The musical instrument sounds so good na aakma talaga sa lugar.

Agad akong iginaya ng isang staff sa pwesto ng mga special class. Sa harap. Nakita ko kaagad sina Axiesse, Yumie, Sasha, Arjie at Cherwin na nasa isang lamesa lang. Kumaway si Yumie nang makita ako.

May isang bakanteng upuan nalang ang naroroon at sigurado akong para sa akin 'yon. Umupo na ako kasama nila.

"Omg, Zell! Ganda mo talaga!" Puna ni Arjie. Tipid akong ngumiti sa kaniya.

Marami pa kaming napag-usapan sa table. Some people here are looking at our table. Minsan sa akin, minsan sa mga kaibigan ko. Axiesse, Sasha, and Yumie are also wearing a dress. Black ang kay Axiesse. It looks fit on her body. Off shoulder dress. Naka bun pa rin siya at round eyeglasses at may black choker siya. May kaonting takas pa ng kulot na buhok sa magkabilang gilid reason why she looks so damn beautiful. Kay Sasha naman ay Royal blue. Simple lang sa kaniya pero she's so beautiful too! Yumie with her peach dress na naka loose strap. She looks stunning.

"Alam niyo mga day, sobrang ganda niyong apat! Pak!" Si Cherwin na kami na naman ang topic.

"Oo nga. Parang anak kayo ng isang sobrang mayamang pamilya. Parang mga heiresses. Bongga kayo day!" Gatong naman ni Arjie. "My six digit tuxedo is screaming!"

Nangiti si Sasha at umiling iling. Si Yumie naman ay parang proud pa. Well maganda naman kasi sila. Si Axiesse ay ngumingiwi. Umiling ako.
Nambobola lang ang mga 'yan eh! For sure, marami pang mas magaganda sa paligid.

"Parang hindi naman kayo naniniwala!" Si Arjie.

"Hindi talaga..." Sabat ni Axiesse.

"Ay grabe kayo mga day! Kayo na nga ang pinupuri! Mabuti kayo kasi may pumupuri sainyo, eh kami? Wala!" Nagtawanan sila.

Nagpatuloy pa rin kami sa pagkain. Baka maya maya mag-uumpisa na ang programa.

"Pansin ko, panay ang tingin ng mga tao rito sa table natin! My gash! Sa tingin ko, ako ang tinitingnan nila. Bwahahaha!" Wika ni Arjie.

"Ay ang feeling!" Si Sasha na natatawa.

Ilang minuto pa ang hinintay namin bago magsimula ang program. Dumating na rin ang mga Campus Royalties. Kumalabog ang puso ko. Sobra sobrang lakas. Uminom ako ng tubig para makalma pero mas lalong lumala ang pagkakaba ko nang makita ang kamay kong nanginginig habang nakahawak sa wine glass!  Baka mahulog ko 'yon at makagawa ako rito ng scene!

Their table is just beside ours. Only that it's styled with maroon and golden sheets. Matataas din ang kanilang mga upuan. A royalty always be a royalty.

Nakayuko ako habang nagsasalita ang si Dean sa harap. Ang lakas ng loob niyang gawan ng party si Wayne kung siya mismo ay may planong patalsikin si Wayne as Third Prince kung hindi ako magpapakasal sa kung sino ang gusto niyang ipakasal sa 'kin!?

Matapos ang kaniyang speech ay pinaakyat niya si Wayne sa harap. Nag-angat ako ng tingin at doon ko nakita siya! He's wearing a tuxedo. Nakaayos din ang kaniyang buhok. The color of his tie looks like the color of my dress.

He's breathtakingly handsome.
Kahit na palagi naman siyang ganiyan, ibang iba ngayon. Lalong lalo na nakasuot siya ng formal attire. The hell with that tuxedo that made him looked so hot.

Ang laki naman ng sinayang ko kung hindi niya niya ako papansinin? Gusto kong matawa sa iniisip.

Narinig ko ang mga hagikhikan at bulungan ng mga babae sa paligid. Kinikilig na naman. Some of them are looking at MY subject. Ang iba ay nakatingin sa tatlo. Well... hindi na nakakapagtaka.

Nilagyan ng pin si Wayne sa damit. Crowned as Third Prince as always. Pin. Crowned. Parang ang hirap niyang abutin. Parang ang taas taas niya. I don't think we'll match...

"Gwapo ng manliligaw mo, Zell..." Ani Sasha sa 'kin. Narinig 'yon ni Cherwin dahil nasa gilid niya lang si Sasha.

Nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa 'kin at kay Sasha!

"Is he your suitor?" Hindi makapaniwalang tanong ni Arjie.

Bahagyang namilog ang mga mata ko at kumunot ang noo.

"H-Hindi..."

He was.

Tumango tango siya. Tumagal ang titig niya sa 'kin na para bang inaalam kung nagsasabi ba ako ng totoo. Hindi na nagsalita si Sasha. Siguro alam niya na na ayaw kong ipagsabi iyon.

Hindi ko narinig ang speech ni Wayne dahil sa tanong ni Arjie. Pagkabaling ko nalang sa harap ay naabutan ko siyang nag-iwas ng tingin! Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya at  umalis doon. Nag-ingay ang iba because of that freaking lip bite of him! Napainom ako ng tubig dahil doon.

It's hard to breathe, really. Especially that he's coming back to their table dahil malapit lang iyon sa amin. Sobrang lapit.

Pumalakpak ang mg tao sa sinabi niya. Nakisabay lang din ako kahit na hindi ko alam kung ano 'yon.

Bumalik sa stage si Dean. May mga sinabi pa siya. Nandito rin ang mga magulang ni Wayne. His Mom looks so gorgeous. Ang Daddy niya ay may pagkahawig niya lang pero mas hawig ni Wayne ang kaniyang Mommy. Ang gandang lahi.

May sinabi ang mga magulang ni Wayne sa harap at umalis kaagad sila. They're busy from their business, I think. Parang pumuslit lang ang mga 'yon dito. Ang dami pang kasamang mga gwardiya.

Pagkatapos ng maraming speech ng mga malalaking tao sa school ay nailapag na rin ang mga pagkain. Bawat lamesa ay may sariling mga pagkain. Maraming mga putahe, drinks, desserts. Once na maubos ang isang plato ng pagkain ay kukunin 'yon ng isang waitress at maglalapag na naman ng panibago. I wonder kung hindi ba sila nauubusan sa sobrang dami. Panigurado rin na sobrang saya na naman nitong si Axiesse!

Tumingin ako sa paligid. May mga gwardiya na nasa paligid. Bantay sarado ang lahat. Mabuti nalang 'yon.

Sa paglilibot ng mga mata ko sa paligid ay biglang nahagip ng paningin ko ang lamesa nina Wayne. Round table ang mga lamesa rito. Nakaharap ako sa lamesa nila kaya sobrang pagsisisi ko dahil dito pa ako umupo!

Muntik na akong masamid sa iniinom kong tubig dahil pagkatingin ko roon ay nakatingin din siya sa 'kin o sabihin nalang natin na nakatitig. Hindi ko alam! Naramdaman kong uminit ang pisngi ko kaya dali dali akong nag-iwas ng tingin at napalunok.

Uminom ako ng tubig. Nanginginig ang mga kamay ko kaya kailangan ko pang hawakan 'yon. Nakakahiya!

Nagpatuloy lang sa pagkain ang mga kaibigan ko. Hindi na muli ako tumingin doon pero ramdam na ramdam ko ang mga mata niya sa 'kin. Tumindig ang balahibo ko. Parang mahihimatay na yata ako rito sa lakas ng pintig ng puso ko.

"C-CR m-muna..." Sabi ko sa sobrang kaba. Tumingin ang mga kaibigan ko sa 'kin siguro sa pagiging utal utal ko.

Hindi ko sila nilingon. Tumayo na ako ro'n at mabilis ang lakad na pumunta sa kung saan ang CR. Mabuti nalang dahil may sign kung saan ang CR nila kaya mabilis akong nakarating doon.

Taas baba ang dibdib ko. Malakas pa rin ang kabog ng aking puso. Nang makarating ako sa loob ng female's comfort room ay hinarap ko ang salamin. Hindi ko alam kung namumutla ba ako o mapula. Buti nalang ako lang mag-isa rito kung hindi baka napahiya ako.

I looked so nervous. Halatang halata 'yon sa mukha ko! Ang pangit naman, Zell.

Naghugas ako ng kamay. Inayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Pinakalma ko ang aking puso na kanina pa naghuhurumentado.

I should say sorry. I should say sorry. I don't think I could say thank you! That's kinda insensitive, right? Hindi ko alam! Basta ang alam ko ay gusto kong magsorry sa kaniya pero sa tingin ko, hindi ko pa magagawa ngayon ang bagay na 'yon.

Relax, heart. Bakit ba wild na wild ka ngayon? Nakita mo lang siyang nakatitig sa 'yo. Pero bakit siya nakatitig. Bakit siya nakatitig sa 'kin? Kinamumuhian niya na ba ako? Galit ba siya sa akin?

Nang medyo kumalma ang sistema ay napagdesisyunan ko nang bumalik doon sa loob. Papalapit na ako sa pintuan ay biglang bumukas 'yon. Halos mapatalon ako sa gulat lalong lalo na nang makita ko siyang pumasok at dali daling nilock ang pinto!

Oh. My. God.

Anong ginagawa niya rito?!

Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya. He looked at me intensely.

"W-Wayne...." Halos isigaw ko 'yon lalong lalo na nang mabilis niya akong higitin sa braso!

Takot akong napatingin sa mga mata niya. Nakita ko ang halong galit at poot sa kaniyang mga mata.

Nilapit niya ang mukha niya sa 'kin. Halos mapapikit ako sa ginawa niya.
The smell of his strong perfume quickly attacked my nose. Pati na rin ang kaniyang hininga na sobrang bango.

"You agreed to the engagement with Yvo Gibrel?" Malamig ang kaniyang tono. For the first time after almost two months, narinig ko ang boses niya ng malapitan. I missed it so much... Pero...

Namilog ang mga mata ko. Agad niyang binaba ang tingin sa aking kamay at kinuha 'yon. Nagsalubong amg mga kilay niya nang makita ang singsing na nakalagay sa daliri ko.

"You really agreed?" Humina ang boses niya. Tumingin siya sa 'kin, ngayon galit and a bit frustrated na.

Nagtiim labi ako at umiling. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa 'kin.
Hindi ako sumang-ayon. Yvo and I are just pretending! Pero teka, paano niya nalaman ito?

"Speak to me," bulong niya. It was like a command even he only whispered.

"H-Hindi..."

"Good."

Tumango tango siya at napapikit. His adam's apple moved because he swallowed. Tumindig pa lalo ang mga balahibo ko nang nilagay nya sa aking balikat ang kaniyang noo.

"Why are you wearing a ring, then?"

Huminga ako ng malalim kahit na sobrang hirap dahil nakalagay ang noo niya sa balikat ko.

"Why didn't you wear the necklace I gave you?"

"I-I just did it on p-purpose, W-Wayne..." Sabi ko kahit na sobrang kaba ko na. Fuck!

Naramdaman kong tumango siya sa sinabi ko pero hindi nagsalita. Like, he wants me to speak more pero hindi ako nagsalita.

"What purpose, then?"

"P-Para hindi manganib ang pagiging Third Prince m-mo. Sabi ni Yvo-"

"Don't mention that name," malamig na aniya.

Ngumuso ako. Gusto kong mangiti pero pinigilan ko nalang. Nagapatuloy pa rin ako sa pagsasalita. Parang nabawasan ang kaba ko. Hindi ko alam kung bakit.

"Sabi n-niya baka i e-expell ako ng Lolo ko kapag hindi ako pumayag na magpakasal... W-We're just pretending k-kasi ayaw niya ring makasal... Yvo and I are just pretending..."

Umahon siya saka tiningnan ako sa mata. Mapupungay na mga mata ang iginawad niya sa'kin. I thought the anger will remain in his eyes just like what he showed me a while ago pero ngayon? I knew he's not like that.

"Do you really think I will let him expell you? Do you think I will let him ruin my position?" Malamig na aniya.

Hindi ako nagsalita. Yumuko ako pero agad niyang hinawakan ang aking baba gamit ang kaniyang kamay. Inangat niya ang aking mukha.

"I will not let him... especially that you like me and I like you so damn much..."

Kumalabog ang aking puso at nanghina ang mga tuhod ko. Paano niya nalaman 'yon?!

"How did I know?" Tanong niya na parang binabasa ang isip ko! "I heard your voice... You said you like me. Am I right? Hmm?"

Napapikit ako. Parang uminit ang lahat sa akin.

Dahan dahan akong tumango. Narinig ko ang kaniyang mura kaya minulat ko ang mga mata ko.

Pero bago pa siya matingnan ay isang mainit na yakap ang ibinigay niya sa 'kin. Sumabog ang lahat. Pakiramdam ko sumabog din ang puso ko. I can even feel his wild hearbeat. Oh shit. Totoo ba 'to?

"Damn it! I got you..."

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap. Pakiramdam ko, masasaktan ako anumang oras pero hinayaan ko siya. I hugged him too.

Pakiramdam ko, protektado ako. Pakiramdam ko, sobrang ligtas ako gayong yakap ko siya. Unti unting namuo ang mga luha sa aking mga mata. Bago pa bumuhos 'yon ay sinabi ko na sa kaniya ang dapat kong sabihin.

"I-I'm sorry, W-Wayne.. I am s-so sorry kasi nang d-dahil sa akin, m-muntik ka na-nang m-mawala... Sobra akong natakot! Sobra akong n-natatakot na m-mawala ka! I-I'm so s-sorry!" Tumigil ako at humagulgol. Hinawakan niya ang ulo ko at iginaya sa kaniyang dibdib. Doon ako umiyak nan umiyak.

Wala na akong pake alam kung magtataka siya kung bakit ako nagso-sorry. Magtataka talaga siya. Iisipin niyang may taong gustong bumaril sa 'kin. Baka nga nagtatanong na ang isip niya kung bakit ako gustong barilin.

Mas lalo kong hinigpitan ang pagakakayakap sa kaniya. Ibinaon ko pa ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Wala na akong pake alam kung mabasa ang damit niya. All I want is to cry. Cry not infront of everyone but cry in front of him. Lahat ng kinimkim ko nung mawala siya ay bumuhos na. 

I don't want him go.

I want him beside me.

Because I'm already falling.

And I think this will go deeper.

For almost two months that he's away, my feelings toward Zae's brother was fading. Ni hindi ko namalayan na hindi ko na siya naisip sa isang araw. Ni hindi ko namalayan na si Wayne na pala ang laman ng isip ko. Doon ko pa lang napagtanto na hindi ko kayang mawalay siya sa akin. Doon ko napagtanto kung totoo ko ba talagang minahal ang dati... dahil sa nararamdaman ko ngayon kay Wayne. Pakiramdam ko, baliw ako sa kaniya. 

Even my broken heart is slowly fixing.
Even this broken heart of mine is slowly making its own master.

"I like you so much, W-Wayne-"

"I could even tell I love you..." Humalakhak siya. Pumikit ako ng mariin saka mas lalong hinigpitan ang yakap. I squeeze him very tight!

I don't care if he's a playboy.

I don't care if he was a playboy.

I only care what he is right now.

Unti unti ko siyang binitawan. Tiningnan ko siya. Sobrang hapdi ng mga mata ko at hindi pa rin matigil sa pagluha.

Paano nangyari sa 'kin 'to?

Hinawakan niya ang pisngi ko. He wiped my tears using his thumb at nilapit ang kaniyang mukha sa 'kin.

He kissed my eye. Lumipat ang labi niya sa ikalawang mata ko at hinalikan 'yon. I felt his soft lips touching my skin. Para akong kinukuryente.

Tiningnan niya ulit ako sa mga mata. Mapupungay ang mga mata niya at kumikislap pa. Pula ang labi. Pula ang ilong. How can my sight be this so good when I look at him? How can he affect me like this?

"I will court you again. I'll make you my own Princess, Ms. PIM..."

Natigilan ako at unti-unting namilog ang mga mata. Wait. Wait. Wait? PIM? Ms. PIM? Problematic In Math? 

'Yon 'yong mga nakasulat sa sticky notes ko, ah? Nabasa niya 'yong mga sinulat ko? Siya ba ang kumuha? Shit! Pumikit ako ng mariin at dumilat para diretsong tingnan siya sa mga mata dahil sa mga namumuong pangamba ko.

Naalala ko yung sinabi ni Yvo na banta raw ng lolo ko. Kung totoo man 'yon...

"Paano si Lolo? Baka totohanin n-niya ang sinabi niya—I want it secret, W-Wayne! Baka anong-"

"Shh..."

Natigil ako sa pagsasalita nang haplusin niya ang aking mga labi.

"I want i-it secret, Wayne!"

Natatakot akong bumaba siya sa pwesto niya. Masasaktan siya kapag gano'n! I know that he loves that position. Alam kong ilang taon din siyang nasa posisyon na 'yon at hindi ko hahayaan nang dahil sa 'kin, masisira siya. Hindi ko hahayaan na dahil sa 'kin, bababa siya! Hindi ko hahayaan na dahil na naman sa'kin.

"Okay... Let's keep it secret, then..." He whispered and planted a quick kiss on my cheek, almost touching my lips, before hugging me.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
Brave Hearts HN🥀 द्वारा

किशोर उपन्यास

1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
Dear Zeus No longer a Princess द्वारा

किशोर उपन्यास

32.1K 1.5K 41
Dear Zeus. What happens if your hate mail goes to its recipient?
25.4K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...