Love Me Not (A Unique Salonga...

By sheiaaa_

32.4K 1.4K 929

"Being a fangirl, you should know your limitations." Adrienne Mendoza is a shy but loud type of girl. She's a... More

Love Me Not
Chapter 1: The 'Maniac'
Chapter 2: The Bar
Chapter 3: The Encounter
Chapter 4: The Creep
Chapter 5: The Second Encounter
Chapter 6: The Vacation
Chapter 7: Glances and Stares
Chapter 8: A Moment With Him
Chapter 9: Blaster
Chapter 10: Kara Custodio
Chapter 11: 'So Close'
Chapter 12: Angelo Mondello
Chapter 13: The Surprise
Chapter 14: Unexpected
Chapter 15: The Show
Chapter 16: Unique
Chapter 17: Ignored
Chapter 18: Little Fight
Chapter 19: Cannot Be
Chapter 21: Desperate
Chapter 22: Confession
Chapter 23: Caress
Chapter 24: Goodbye
Chapter 25: Hurting
Chapter 26: Again
Chapter 27: Charles Joseph
Chapter 28: W-what!?
Chapter 29: Nahulog Sa'yo
Chapter 30: Anonymous
Chapter 31: Sorry, Unique
Chapter 32: Still
Chapter 33: After Confession
Chapter 34: Truly, Madly, Deeply
Chapter 35: Leave
Chapter 36: Why?
Chapter 37: The Anonymous
Chapter 38: The Hug
Chapter 39: The Kiss
Chapter 40: Still Young
Chapter 41: The Break Up
Chapter 42: Happier
Chapter 43: Left
Chapter 44: Trashtalk
Chapter 45: That 'A'
Chapter 46: Her POV
Epilogue
Special Chapter

Chapter 20: All of a Sudden

716 42 20
By sheiaaa_

***

Late na akong nagising. 9 am na at himala dahil hindi ako ginising nina mama. They are aware that I'm an early bird. I left my room and go to the bathroom. Naghilamos ako at nagtooth brush.

Nakita ko si mama na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine. Luke is beside her playing with his toys. Napatingin sa akin si mama.

"May pagkain sa kusina, go and eat your breakfast." Tumango ako at nagtungo na sa kusina para kumain.

I was watching a Hollywood Film when my mother called me. Napabuntong hininga ako at pinause ang aking pinapanood. Nasa magandang part na ako e.

"Adrienne! Unique is here!" Napatigil ako at nanlaki ang mata. What!? Bakit siya nandito?

Pumunta ako sa aking kwarto at inayos ang sarili. Medyo ayos naman ang itsura ko ayon nga lang hindi pa ako naliligo. Baka may sasabihin lang siya.

Lumabas na ako at naabutan ko siya na nakikipagkwentuhan kay mama. They're laughing when I cleared my throat kaya napatingin sila sa gawi ko. Napatayo si Unique at natatawang pinagmasdan ang suot ko.

What's with my clothes?

"Anong kailangan mo?" Tanong ko. Mama glared at me. Napanguso naman ako.

"Oh siya, iiwan ko muna kayo dito. Baka nay pag-uusapan kayo..." Umalis na sina mama at Luke. Naiwan kami dito sa sala.

"Seriously? Hello Kitty Pajama?" Tinaasan ko siya ng kilay. Anong problema niya sa Hello Kitty? Ang kyut kaya ng pusang 'yun.

"Tsk. Ano bang sasabihin mo?" Napakamot siya sa batok at mukhang nahihiya pang sabihin sa akin.

"A-ano... Uh yayain sana kitang lumabas?" Mukhang hindi pa siya sigurado sa kaniyang sinabi. Nagkibit balikat ako at ininguso si mama na nagtatago at nakikinig sa pinag-uusapan namin.

"Tanungin mo si mama.  Baka hindi ako payagan." Para bang isa itong magic word dahil lumabas si mama at nakangiting nagtanong sa akin.

"Ano yun? Narinig ko ang aking pangalan?" I shrugged at tinuro si Unique. Napangiwi naman ito at hindi alam ang gagawin. "Bakit Unique? May sasabihin ka ba?" Tumango ito at saka bumuga ng hangin.

"Yayayain ko po sana na lumabas si Adrienne. Kung pwede po sana?" Napatawa si mama at pabirong hinampas ang balikat ni Unique kaya ako naman ang napangiwi.

"Oh! Date ba?" Nagkatinginan kaming dalawa. Nakita ko pa ang pamumula ng tenga niya and I'm sure as hell, namumula rin ang aking tenga. "Just kidding. Sige, basta iuwi mo siya ng buo alright?"

Masayang nagpasalamat si Unique. Sinabi ko naman sa kaniya na intayin ako since maliligo pa ako. I wore my red jumpsuit and sandals. Naglagay lang ako ng lipbalm at sinuklay ang buhok saka lumabas ng kwarto.

Napabaling ang tingin sa akin ni Unique. He smiled when he saw me. Agad naman nanlambot ang tuhod ko do'n. Ito rin ba 'yung nararamdaman ng mga babae kapag nginingitian sila ng taong crush nila?

Nagpaalam na kami kay mama. It's already 12 in the afternoon. Inaya niya akong kumain sa isang karinderya. Natuwa pa nga ako ng makilala siya ng tindera at nagpapicture pa. Madami ring tao ang narecognize siya. May nagpa-autograph pa kaya natagalan kami.

Isa at kalahating oras yata ang itinagal namin sa karinderya. Hindi naman na-harass si Unique kaya ayos lang, mukha lang siyang haggard. I tried to stop myself from laughing pero hindi ko magawa. Napatawa na ako lalo na nang makita na pinagpapawisan siya.

"Ba't ka natawa?" Taka nitong tanong.

"You should see yourself in the mirror. Ang haggard mo na." Napakunot ang noo niya pero nilabas din naman ang salamin at tiningnan ang sarili.

"Ano ba 'yan.." Rinig kong bulong niya. Tumingin pa siya sa akin at tipid na ngumiti. "Punta lang akong cr." Tumango ako at naghintay na lang doon.

"Close sila ni Unique?"

"Maybe. Tingnan mo naman oh, magkasama sila sa iisang table."

"Tsk! Swerte niya at malas din. Si Unique na lang ata ang single sa kanilang apat. Baka 'pag nalaman ito ng mga 'you-know-fans', siguraduhing dadami ang haters niya."

"We won't know. It's either, they will accept it or not."

Napakunot ang aking noo nang marinig ang usapan ng dalawa. When they noticed that I'm listening in their convo, bigla silang ngumiti ng tipid at nag-iwas ng tingin.

Napaisip ako sa opinyon nila. May mga fangirls nga na sobrang obsess sa idols nila to the point na kahit mga kaibigan nasasaktan nila. At kahit makita lang na may kasamang babae ang idol, huhusgahan agad na gf or may something. Hindi ba pwedeng magkaibigan lang?

I heaved a deep sigh. What if kumalat nga ang pictures na ito? It's not impossible.

I waited for minutes bago bumalik si Unique. Naayos niya na ang itsura niya kaya ayun siguro ang dahilan kung ba't siya natagalan.

"Bakit ganiyan ang itsura mo?" Inirapan ko na lang. Nawalan ako ng gana bigla. "Pagod ka na?" I shook my head.

"Oo nga pala, may ilog sa katabing bayan. Gusto mong puntahan natin?" Naexcite ako at tumango agad. Pumara siya ng tricycle at sinabi kung saan kami pupunta.

First time kong makakagala. Hindi ako masyadong nagala since hindi ako familiar sa lugar and papa's a little bit strict sa akin. Buti nga at pinayagan pa ako no'n na maging independent.

Ilang minuto lang ang biyahe. Mainit pa pero sabi naman ni Unique hindi daw doon maiinitan since madaming puno plus, malamig gawa ng ilog.

Mga five minutes kaming naglakad bago matanawan ang ilog na sinasabi. Namangha ako sa malinaw nitong tubig. Pansin mo rin ang kalinisan sa lugar. Hindi siguro malimit dito ang tao. Kami lang kasing dalawa ang nandito ngayon.

Tinanggal ko ang aking sandals at umupo sa bato na malapit. Inilublob ko ang aking paa sa tubig at nakangiting sinulyapan si Unique na seryosong nakatitig sa akin. Pinalapit ko siya at tinapik ang bato na katabi ko. Hindi naman siya umangal at tumabi na rin sa akin at ginaya ang aking ginawa. Mabuti at hindi siya nakasapatos.

"Bakit mo nga pala ako inayang lumabas?" Tanong ko dito.

"Ang boring kasi sa bahay. Tsaka nakakasawa na ang pagmumukha noong tatlo. Kukulitin lang nila ako lalo kapag nanatili ako doon." Napatango ako. Nakalimutan kong nandoon nga pala sina Badjao. And I almost forgot what happened yesterday.

"So, ayos ka na ba?" Tinaasan ko siya ng dalawang kilay. Anong ibig niyang sabihin?

"Huh?"

"'Yung k-- aish! 'Wag mo na lang akong intindihin." Bigla ko naman nagets ang gusto niyang iparating. Hindi na lang ako umimik.

"All of a sudden, bigla na lang tayong naging close," Napahinto ako at umiling. "Medyo lang pala." Napatawa siya at tumango-tango.

"Sa tingin mo kung hindi tayo nagkita noon sa may likod ng van, ano kayang mangyayari ngayon?" He shrugged but a smile appeared in his lips.

"Tinadhana talaga tayong magtagpo," I cringed and lightly pushed him away. Napahawak naman siya sa batong inuupuan.

"Ang kadiri mo! Tadhana? What the eff?" Natatawa kong tanong dito.

"Turn off ba?" Nakangisi niyang tanong. Inirapan ko na lang kaya lalong lumakas ang tawa. "Ayie~ crush mo 'ko no?" Tatawa-tawa nitong asar sa akin habang sinusundot ang tagiliran ko.

Napahinto ako at kinabahan. Shit! Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatingin kay Unique na may mapanuksong ngiti sa labi. Iniling ko ang ulo ko. Aish! Tumigil ka nga Adrienne!

Napansin kong napahinto si Unique at umupo ng tuwid. Tumikhim pa siya at nag-iwas ng tingin sa akin. Problema niya?

"Hoy! Anyare sa'yo?" Hindi siya umimik. Kinulit ko pa siya ng kinulit pero hindi niya ako kinibo kaya sumuko na ako.

Nagulat na lang ako ng tumayo siya at inilahad ang palad sa akin. Tinanggap ko naman ito at itinayo niya ba ako. Pinagpagan ko ang aking damit at napangiwi nang naramdaman ang pangangalay ng aking likod.

Tumayo na ako ng tuwid at nagsimula na kaming maglakad. Tahimik lang si Unique at mukhang malalim ang iniisip. Nakakapagtaka talaga ang bigla niyang pananahimik. Hindi ko napansin na hawak niya pa pala ang aking kamay kaya hinigpitan ko ang aking hawak dito.

Napatingin siya sa akin sunod sa aming kamay. Awkward akong ngumiti. Pinisil ko kasi ang kamay niya para naman marealize niya ang nangyayari.

Napabitaw siya at napayuko. Narinig ko pa ang pagmumura niya na ewan ko kung alo ba ang dahilan. Ang weird niya ngayon. What's with him?

"Fuck! Huwag kang pahalata Unique!" Bulong niya sa sarili niya at mabilis na naglakad. Iniwan ako na nakatulala lang sa ginawa niya. Ano ba talagang meron sa kaniya ngayon?

***

Hello! I just want to share something. Ako lang ba or talagang nakakatuwang basahin ang nga stories ng isang underrated na author? I mean-- ang galing nilang magsulat and I hope people will recognize their works someday. Nags-search kasi ako ng mga pwedeng basahin and then I saw this one user, ang galing niyang magsulat though she just got 500 reads and 21 votes I think? So 'yun nga, nakakatuwa lang.

Btw, how's the story so far? Keep reading, we're almost in the middle of the story!

#LoveMeNot
@sheiaaa_

Continue Reading

You'll Also Like

39.4K 845 200
The Vampire Diaries Teen Wolf The Originals Supernatural Riverdale Scream ⚠️⚠️⚠️⚠️ GIFS USED MAY HURT YOUR EYES,GIVE HEADACHE OR (in extreme case...
64K 1.7K 46
Sinta ikaw na ang tahanan at mundo.
2.3M 117K 65
↳ ❝ [ INSANITY ] ❞ ━ yandere alastor x fem! reader ┕ 𝐈𝐧 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
2K 107 10
○R○ Curt, Christine, Ivan, Den and Bryson find themselves in the world of Harry Potter, Bryson is beyond ecstatic while others are less knowledge abo...