Chapter 45: That 'A'

465 27 28
                                    

***

Nagpunta kaming tatlo sa mall. Kumain muna kami sa isang fastfood chain bago maglibot.

"Girls, cr lang ako." Paalam ko bago tumayo at pumunta sa cr ng kainan.

Dalawa lang ang cubicle na nandito. May gumagamit yata sa isa habang out of order naman ang nasa kaliwa. Hinintay ko na lang na matapos ang gumagamit sa available na cubicle.

"No! I won't stop lalo na at nagkabalikan na muli sila!"

Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ang familiar na boses. Napasinghap ako dahil galit ang tono nito.

"Akin lang siya! Don't tell me what to do! Akin lang siya! Akin lang si Unique! At hindi ko hahayaan na mapunta siya sa walang kwentang babae na 'yon!" 

Kumurap ako at napahakbang paatras. Shit! I'm so sure na ako ang tinutukoy niya. Plus her voice! Damn it's so familiar! Kinakabahan na ako. Baka siya si Anonymous.

"Madali naman mauto ang nga tanga nilang fans. Isang post lang maniniwala na agad."

Humalakhak ito at doon ko lang nakumpirma kung sino siya. Napailing ako. Ang hirap na talagang magtiwala sa mga tao sa paligid mo. At sa itsura niya, hindi ko maiisip na magagawa niya ito.

"Don't worry, kapag natapos kong siraan ang Adrienne na 'yan si Kara naman ang isusunod ko."

At doon na ako tuluyang nanghina. Adrienne, my name. Ako nga talaga. Akmang aalis na ako nang magbukas ang cubicle. Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mata. Bigla itong ngumisi ng nakakakilabot. Napalunok ako at bubuksan sana ang pinto kaso mabilis niyang hinila ang buhok ko.

Napadaing ako at hinawakan ang braso nito pero lalo niyang hinigpitan ang pagkakakapit sa buhok ko. Napaluhod na ako habang hawak ang aking ulo. Pakiramdam ko, matatanggal ang mga buhok ko!

"Tumigil ka na! Hayaan mo na kami!" Sigaw ko sa kaniya. Napadaing muli ako nang naglakad siya palapit sa pinto at ini-lock ito.

"At bakit?! Ako ang nauna sa kaniya! Nilandi mo lang siya kaya nasa iyo siya ngayon!"

Hinaklit niya ang damit ko at itinayo ako. Ang lakas niya! Napapikit ako ng pwersahan niya akong idinikit sa pader. Napangiwi ako nang sumakit ang likod ng ulo ko dahil sa pagtama dito.

"Ha! Hindi ka makapaniwala na ako ang nagupload ng mga pictures na 'yon no?" Ngumisi siya at marahas akong sinampal. Napatagilid ang tingin ko dahil sa lakas nito.

"Kawawa ka naman, ang dami mo ng haters."

"Ang dapat sa'yo ipinapalunod sa dagat. Haist, kung nasa private place lang tayo matagal na kitang dinala sa dagat."

"Baliw ka na!" Tumalas ang tingin niya sa akin at marahas ulit akong sinampal. Nalasahan ko pa ang kalawang sa aking bibig dahil sa dugo na nanggagaling dito.

"Hindi ako baliw!" Paulit-ulit niya akong pinaghahampas sa braso, sa dibdib at sa mukha. Wala akong magawa kundi ang pilit na umiwas. Nanghihina na ako.

Biglang nabuhay ang dugo ko nang marinig ang katok sa pinto. Tumingin siya sa akin bago sa cubicle sa kaliwa. Ngumisi muli siya bago ako hinila doon. Akmang sisigaw ako pero mabilis niyang tinakpan ang bibig ko.

"Ma'am? May tao ba dito? Ayos lang po ba kayo?"

"Kuya, we're so sure na nandiyan ang kaibigan namin!"

Narinig ko ang boses ni Jesse. Kumawala ako sa hawak ng baliw na 'to at mabilis siyang sinipa sa binti kahit na nanghihina ako. Napadaing naman ito at napaupo sa sahig. Bubuksan ko na sana ang pinto pero hindi ko na nagawa dahil sa matigas na bagay na tumama sa aking ulo kasabay nito ang aking pagkahilo and everything went black.

Love Me Not (A Unique Salonga FF)Where stories live. Discover now