Chapter 29: Nahulog Sa'yo

627 27 12
                                    

***

I can't focus! Damn! Napabuga ako ng hangin at humiga sa kama. I was trying to set goals pero hindi ko magawa dahil mamaya ay kakaunin na ako nina Jesse. I glanced in my cabinet at naalala na hindi ko pa alam ang aking isusuot.

I hurriedly checked my clothes at nakapili ng isang sweat pants and an off-shoulder top. Tumingin ako sa orasan at malapit nang magfour. By five kasi ako kakaunin ni Jesse.

Napabuntong hininga ako at naligo na. Nag-ayos na din ako, hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Nicheck ko ulit ang oras at four thirty na. Isinuot ko na ang aking sandals at naghintay muna.

Jesse:

Already here. Baba ka na

Napangiti siya nang makita ako at nagthumbs up. Sa tabi niya ay si Ari na nakangiti din sa akin. Naka-dress ito na knee-length. Sumakay na ako sa back seat at sumakay na din sila sa pwesto nila.

"So, ililibre mo kami diba?" Napasimangot si Jesse at napipilitang tumango. Napatawa ako kay Ari na nagtanong.

"Tss, ano pa ba?" Bulong naman ni Ms. Driver at hindi na ulit kami nag-imikan. Tumingin na lang ako sa dinadaanan namin.

Hindi ko alam kung anong school ang pupuntahan namin. Nakalimutan ko 'yong sinabi ni Jesse basta ang alam ko isa siyang sikat na University dito sa Pilipinas.

"We're here!" Sigaw ni Jesse na halatang excited. Napakagat naman ako ng labi at huminga ng malalim. I can feel the fast beating of my heart. Shit! Kalma ka, heart.

Tumingin ako kay Ari na nanliliit ang mata sa akin. Tipid lang akong ngumiti at lumabas na.

Sa tuwing ihahakbang ko ang aking paa ay palakas ng palakas ang tibok ng aking puso. Bakit ba kasi--- bakit pa ako napasama dito!? Dapat talaga hindi na ako sumama.

If I know, gusto mo rin siyang makit--- Oh shut up!

Napailing na lang ako at ikinuyom muna ang kamao bago lumakad sa tabi ng dalawa. Masayang masaya si Jesse habang normal naman ang expression ni Ari.

"Doon tayo sa malapit sa kanila ha!" Hindi na ako makaangal nang hinila ako ni Jesse. Doon kami pumwesto sa pinakauna at katapat lang ng stage.

Napapikit ako ng mariin at sari-saring imahe ang pumapasok sa isip ko. For sure makikita niya ako! Argh! Tumahimik ka muna! Baliw na ako!

"Ayos ka lang ba?" Naramdaman ko ang marahan na pagdampi ng palad ni Ari sa aking braso. Tumingin ako sa kaniya at nakita ang pag-aalala sa mukha niya.

Matipid akong ngumiti bago tumango.

"Oo naman," Nag-iwas na ako ng tingin at yumuko.

Umalis muna si Jesse para ibili kami ng kakainin habang naghihintay. Masyado kasing excited ang kaibigan namin kaya halong isang oras pa kaming maghihintay dito. Baka daw kasi maunahan kami ng pwesto. Ang oa tsk.

Nakakangawit tumayo seriously. Wala naman ditong upuan kasi nakatayo talaga kapag mga ganitong event. Panay na rin ang buntong hininga ng katabi ko dito. Seems like pareho na kaming nangangawit.

May mga tao na rin na nandito. Katulad namin, naghihintay rin sila. Ang pagkakaiba namin, may dala silang maliit na upuan kaya hindi sila nangangawit ngayon. Nagkatinginan tuloy kami ni Ari at sabay napailing.

"Ito na ang pagkain niyo!" Padabog na binigay ni Jesse ang nakaplastic na inumin siguro? Dala niya ito sa kaliwang kamay samantalang hawak niya ang fries sa kanan.

Kinuha namin ang shake na nasa plastic. Nag-share lang kaming tatlo sa fries na dala ni Jesse.

Napatingin ako sa orasan at nakita na malapit nang mag-umpisa. Ang dami na ring tao. Halos mapuno na ang quad. Hindi ko alam kung may dadagdag pa ba o wala na.

Love Me Not (A Unique Salonga FF)Where stories live. Discover now