Chapter 20: All of a Sudden

716 42 20
                                    

***

Late na akong nagising. 9 am na at himala dahil hindi ako ginising nina mama. They are aware that I'm an early bird. I left my room and go to the bathroom. Naghilamos ako at nagtooth brush.

Nakita ko si mama na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine. Luke is beside her playing with his toys. Napatingin sa akin si mama.

"May pagkain sa kusina, go and eat your breakfast." Tumango ako at nagtungo na sa kusina para kumain.

I was watching a Hollywood Film when my mother called me. Napabuntong hininga ako at pinause ang aking pinapanood. Nasa magandang part na ako e.

"Adrienne! Unique is here!" Napatigil ako at nanlaki ang mata. What!? Bakit siya nandito?

Pumunta ako sa aking kwarto at inayos ang sarili. Medyo ayos naman ang itsura ko ayon nga lang hindi pa ako naliligo. Baka may sasabihin lang siya.

Lumabas na ako at naabutan ko siya na nakikipagkwentuhan kay mama. They're laughing when I cleared my throat kaya napatingin sila sa gawi ko. Napatayo si Unique at natatawang pinagmasdan ang suot ko.

What's with my clothes?

"Anong kailangan mo?" Tanong ko. Mama glared at me. Napanguso naman ako.

"Oh siya, iiwan ko muna kayo dito. Baka nay pag-uusapan kayo..." Umalis na sina mama at Luke. Naiwan kami dito sa sala.

"Seriously? Hello Kitty Pajama?" Tinaasan ko siya ng kilay. Anong problema niya sa Hello Kitty? Ang kyut kaya ng pusang 'yun.

"Tsk. Ano bang sasabihin mo?" Napakamot siya sa batok at mukhang nahihiya pang sabihin sa akin.

"A-ano... Uh yayain sana kitang lumabas?" Mukhang hindi pa siya sigurado sa kaniyang sinabi. Nagkibit balikat ako at ininguso si mama na nagtatago at nakikinig sa pinag-uusapan namin.

"Tanungin mo si mama.  Baka hindi ako payagan." Para bang isa itong magic word dahil lumabas si mama at nakangiting nagtanong sa akin.

"Ano yun? Narinig ko ang aking pangalan?" I shrugged at tinuro si Unique. Napangiwi naman ito at hindi alam ang gagawin. "Bakit Unique? May sasabihin ka ba?" Tumango ito at saka bumuga ng hangin.

"Yayayain ko po sana na lumabas si Adrienne. Kung pwede po sana?" Napatawa si mama at pabirong hinampas ang balikat ni Unique kaya ako naman ang napangiwi.

"Oh! Date ba?" Nagkatinginan kaming dalawa. Nakita ko pa ang pamumula ng tenga niya and I'm sure as hell, namumula rin ang aking tenga. "Just kidding. Sige, basta iuwi mo siya ng buo alright?"

Masayang nagpasalamat si Unique. Sinabi ko naman sa kaniya na intayin ako since maliligo pa ako. I wore my red jumpsuit and sandals. Naglagay lang ako ng lipbalm at sinuklay ang buhok saka lumabas ng kwarto.

Napabaling ang tingin sa akin ni Unique. He smiled when he saw me. Agad naman nanlambot ang tuhod ko do'n. Ito rin ba 'yung nararamdaman ng mga babae kapag nginingitian sila ng taong crush nila?

Nagpaalam na kami kay mama. It's already 12 in the afternoon. Inaya niya akong kumain sa isang karinderya. Natuwa pa nga ako ng makilala siya ng tindera at nagpapicture pa. Madami ring tao ang narecognize siya. May nagpa-autograph pa kaya natagalan kami.

Isa at kalahating oras yata ang itinagal namin sa karinderya. Hindi naman na-harass si Unique kaya ayos lang, mukha lang siyang haggard. I tried to stop myself from laughing pero hindi ko magawa. Napatawa na ako lalo na nang makita na pinagpapawisan siya.

"Ba't ka natawa?" Taka nitong tanong.

"You should see yourself in the mirror. Ang haggard mo na." Napakunot ang noo niya pero nilabas din naman ang salamin at tiningnan ang sarili.

Love Me Not (A Unique Salonga FF)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu