Chapter 18: Little Fight

619 33 20
                                    

***

Kinabukasan,

Nandito ako ngayon sa may duyan. Favorite ko na 'tong tambayan. Ewan ko ba kung bakit walang napunta dito but I'm still thankful na wala since malaya kong nagagawa ang gusto kong gawin dito.

Pinapanood ko ang malakas na alon sa dagat. Nakailang buntong-hininga na rin ako. Naaalala ko pa rin ang nangyari kagabi. He ignored me. Bakit? Dahil ba may Kara na siya? Napaismid ako at humiga na lang ng patagilid sa duyan.

"Adrienne..."

Napaupo ako at lumingon sa likod. May narinig kasi akong nagsalita.

Napakunot ang noo ko nang makita si Kara na nakatayo at blanko ang mukha. Nagtaka ako, para kasing galit siya sa akin na ewan.

"Kara? May kailangan ka ba?" She nodded at mas lumapit sa akin. Kinabahan naman ako sa sasabihin niya.

"Sa totoo lang, gusto ko sanang maging kaibigan ka kaso," Ngumisi siya at inirapan ako. That made my mouth gaped. Naramdaman ko ang mabilis na pag-init ng ulo ko dahil dito. "Epal ka!" Madiin nitong akusa sa akin.

Napatayo ako sa sinabi niya. Mas matangkad ako sa kaniya kaya naman masasabi ko na mas malakas ang confidence ko na makipagsagutan sa kaniya ngayon. Hindi naman porque isa akong compose na tao, hindi na ako marunong makipagsagutan.

"Alam mo din ba na ayaw kong maging kaibigan ka? Kaya if I were you-- oops ayoko palang maging ikaw." Ngumisi ako at humalukipkip. "Just leave Kara." Mahinahon kong utos dito.

I'm about to sit again but she was quick to grab my arms and pushed me against the sand. Napangiwi ako dahil sa sakit. I bit my lips and tell myself to calm down. When you're in a fight, you should always take note to be calm. That's the only thing that will keep you safe.

"I already told you that Unique's mine but what did you do? You keep on begging for his attention! Such a desperate woman!" Tumayo na ako at nagbilang ng sampo. Just act like she's just a 10 year old kid.

"Leave Kara." Matigas kong utos dito but she didn't obey. Mas lalo siyang lumapit at bigla na lang akong sinabunutan. Oh my gosh! Not my hair!

I tried to remove her hands pero ang wild niya! She's gritting her teeth and I'm telling you, ibang-iba siya sa Kara na nakilala ko.

"Ugh! Will you please stop! Damn! Not my hair!" Itinulak ko siya pero ang lakas niya.

Maiiyak na ako sa sakit. Hindi ko mapantayan ang lakas niya. Bakit siya nagkakaganito? Dahil sa pagkagusto niya kay Unique?

Natumba ako sa buhangin at ramdam ko ang pag-ikot ng aking paningin-- oh no! Huwag kang mawawalan ng malay.

Sinapo ko ang aking noo at sinubukang imulat ang mata. Rinig ko ang boses ng mga pamilyar na lalaki. May dalawang kamay ang tumulong sa akin na tumayo at may isang nag-aayos sa aking buhok.

"What have you done?! Stop acting like a kid Kara!" Sigaw ng isang malamig na tinig.

Unique

"Ayos ka lang ba?" I heard someone asked. He got a soft voice. Sino 'to?

Minulat ko ang mata ko at agad bumungad sa akin ang isang mukha ng lalaki. Maputi ito at kulot ang buhok. Mukha siyang babae. He kinda reminds me of cupid. Zild.

Umiling ako dahil hindi talaga maayos ang pakiramdam ko. Inalalayan niya akong umupo sa duyan. Maya-maya ay dumating ang isang lalaki, si Blaster, na may hawak na bottled water.

"Tumigil na kayong dalawa! Unique, babae pa rin si Kara, hindi mo dapat siya sinisigawan." Napatingin ako sa direksyon nila.

Nasa gilid ni Unique si Badjao at pinapakalma ito. Inis naman na binalingan ng tingin ni Unique si Kara.

"Hindi ikaw si Kara na nakilala ko. Kara won't do such things like that. You're not my Kara."

Napayuko ako sa narinig. Kita ko naman sa gilid ng aking mata ang pagsulyap sa akin ni Blaster at ang pag-iling niya. He then tapped my shoulder and gave me a 'you'll-be-fine' look.

Umalis na si Unique. Si Kara naman ay napayuko pero bago siya umalis ay sinamaan niya pa ako ng tingin. Badjao on the other hand, walks into our direction and when our gaze met, he smiled at me. Kung nandito lang ngayon si Jesse.

"Ayos ka na ba?" I simply nodded my head. Inabot sa akin ni Zild ang tubig at uminom naman ako dito.

Nakatayo sila ngayon sa tapat ko habang ako ay nakaupo sa duyan. I sighed for the third time. Ang sakit pa rin ng anit ko dahil sa pagkakasabunot ng babaeng 'yun.

"Pasensiya na sa ginawa ni Kara. Hindi ko naisip na nagagawa niya 'yun." Malungkot na sabi ni Badjao. Err-- should I call him Kuya? Whatever, baka magmukha akong feeling close.

"I will be a liar if I say that it's fine when the truth is I'm not." Ngumiti ako. "Huwag kang humingi sa akin ng tawad. Wala kang kasalanan."

Napangiti siya sa sinabi ko. Kita ko din ang amusement sa mata nina Zild at Badj. Si Blaster naman ay seryoso lang sa tabi. I wonder kung anong iniisip niya.

"We really didn't expect her to do such things. Kilala ko si Kara bilang palangiti at mabait na babae, nag-aalala tuloy ako sa maaari niya pang gawin." Komento ni Zild. Napaisip naman ako doon. Dahil talaga kay Unique kaya niya nagawa ang gano'ng bagay?

"Gusto mo na bang umuwi?" Tanong ni Blaster. Tumango ako. Gusto ko na talagang umuwi.

Hinatid nila ako hanggang sa tapat ng bahay. Mabuti at wala sa labas sina mama at papa.

Humarap ako sa tatlo at nag-bow ng konti. Ngumiti din ako.

"Thank you. Ingat kayo pag-uwi ha!" Napatawa naman sila.

"Diyan lang kami uuwi oh." Tinuro pa ni Blaster ang bahay nina Unique. Napatango na lang ako. Malay ko ba.

"Ge. Pasok ka na,"

"Btw, Adrienne pangalan mo diba?" Tanong ni Badjao. I nodded and he waved his hands.

Pumasok na ako at agad napahiga sa sofa. Shit! Ngayon ko naramdaman ang pagkapagod. Hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nakatulog.

***

Love Me Not (A Unique Salonga FF)Where stories live. Discover now