Chapter 1: The 'Maniac'

1.6K 44 38
                                    

***

Napanguso ako habang pinagmamasdan ang tambak na course requirements na kailangan kong tapusin. Month na ng March at sobrang dami nang ipinapagawa sa amin ngayon. As in sunod-sunod. And worst, last week of March ang pasa ng lahat.

I sighed and stand up. Kakain na lang muna ako bago gawin ang lahat ng 'to. Lalakad na sana ako nang biglang nag-ring ang phone ko.

"Hello?" I asked on the other line. Narinig ko ang mahina nitong pagbungisngis kaya nalaman ko na agad kung sino 'to. Unknown number kasi ang nakalagay sa phone ko kaya hindi ko nalaman nung umpisa.

"Adrienne! It's me, Jesse and Ari," Napaikot na lang ako nang mata nang kantahin niya ang line na 'yun.

"Go straight to the point. Bakit ka napatawag?"

"Kj," I even heard her whispered. "So 'yun nga, we're going out tomorrow since bukas is Friday and the best night to party. You wanna come?"

Napaisip ako. Sobrang dami kasi ng projects and I already have my mind set on what I'm going to do tomorrow. Magpupuyat ako para tapusin ang requirements sa Literature and then the rest sa Sabado.

"I don't know, I have many things to do after school so---"

"So you will do it the day after tomorrow and tomorrow we will enjoy our night. What a great plan, right? So you're already in and I already bought you a ticket kaya hindi na pwedeng tumanggi."

Napabuntong hininga ako. Ano pa ba? Since naisip ko rin na sa Sunday ko na lang itutuloy 'yung iba at bukas ang stress-free night ko.

"Oo na. Text me the details at sunduin mo na lang ako bukas." We bid goodbyes bago ko ibinaba ang tawag.

Magkaiba kami ng pinapasukan na school ni Jesse since gusto ng parents niya na sa ibang school siya pumasok and we're able to meet each other every Friday. Besides, nakakasawa na rin ang pagmumukha niya dahil magkaklase kami noon pa. Since we're elementary and juniors.

Lumabas na ako ng dining area at pumunta na sa next class ko. Nakita ko agad ang mga kaklase ko na nagdadaldalan. We're just 20 in our class at hindi pa kami masyadong close. I don't want to be close with some of them. 'Yung iba kasi tsismosa at 'yung iba naman puro kabastusan ang lumalabas sa bibig kaya I would rather be alone than be with them.

"Hi Miss shy-type, alone again?" Hindi ko pinansin ang lalaking kumakausap sa akin. Sa pagkakatanda ko, his name is Angelo and the typical maniac in our room.

Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat kahit na kinukulit ako ng lalaking 'to. He's really getting into my nerves! Sinusundot niya kasi ang braso ko using his ballpen and I can see him smirking. Leche! How I wanted to wipe that smirk.

"Snob tayo gano'n? Sayang type pa man din kita. But for sure, you're just playing hard-to-get." Napataas ang kilay ko at palihim siyang inirapan. I silently pray na sana dumating na ang teacher so this guy will stop pestering me.

"Adrienne, hindi kita titigilan hanggang di mo ako p---" And at last!

Napatingin ako sa pinto nang nagbukas ito revealing our strict prof. The guy beside me quickly pull himself together at bumalik sa upuan niya. Napangiti ako at mahinang pinasalamatan si Sir.


Natapos na ang last class ko at agad akong pumara ng taxi. Lumingon-lingon pa ako sa paligid dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang makita na wala kaya pumasok na ako at laking gulat ko nang makita si Angelo na nakasakay rin.

I was about to close the door nang pigilan niya 'yun. Napailing ako at pumasok na dahil masama ang tingin ng driver sa amin. Kainis kasi 'tong kumag na 'to. If I know siya ang nagsabi sa driver na huminto at pasakayin din ako.

Nang makatapat sa building na tinitirhan ko ay mabilis kong inabot ang bayad at bumaba na. Akmang pipigilan pa ako ng maniac na 'yun pero naging mabilis ako at pinagsarhan ko agad siya ng pinto.

Napabuga ako ng hangin at inilapag na ang aking bag. Mag-isa lang ako sa unit na binili sa akin ni Papa nang mag-18 ako. At first, hindi ako pumayag since I was not that independent pero naisip ko na siguro in this way magiging independent ako. And yes, natutunan kong magluto, maglinis  ng bahay at maghugas ng pinggan.

Nagluto lang ako ng dinner ko at itinuloy ang aking assignments. Napabuntong hininga ako nang mapatingin sa oras.

19:28, oras kung saan naramdaman ko ang pangungulila sa aking pamilya.




The next day, payapa akong naglalakad sa corridor. Nagbabasa pa ako ng libro since hindi naman masyadong matao dito at isa pa, wala naman akong nakakaaway na basta-basta na lang akong babanggain.

Or it's just my thought?

"Shit!" Mura ko habang pinapagpagan ang aking damit. Masama kong tiningnan ang lalaking nakangisi ngayon sa akin habang hawak ang powder na hindi ko alam kung anong tawag.

Patuloy pa rin ako sa pagpapagpag ng aking damit. Patuloy rin ang paulit-ulit kong pagmumura dahil sa lalaking kaharap ko ngayon na nakangisi pa rin ata habang pinagmamasdan pa rin ako.

Natigilan ako nang may kamay ang pumigil sa akin. I looked up just to found Angelo staring at me. Napalunok ako at napaiwas nang tingin. Iniwas ko rin ang aking kamay at lumayo sa kaniya. Ibinalik ko ang pagkakakunot nang aking noo.

"Next time nga, tumingin ka sa dinadaanan mo." Reklamo ko sa kaniya. Tumaas ang isang kilay nito at sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang labi.

"Talaga? Bakit hindi mo 'yan sabihin sa sarili mo? Seriously?" He looked at me with amusement. "Ikaw lang ang nakita kong nagbabasa sa daan."

Napairap ako at pinanlakihan siya ng mata.

"Because I'm unique! Hmp! Makaalis na nga."

Nilampasan ko na siya upang matakluban ang aking pagkapahiya.

***






Love Me Not (A Unique Salonga FF)Where stories live. Discover now