Chapter 7: Glances and Stares

689 33 0
                                    

***

Nakaupo ako ngayon sa may kubo sa dalampasigan. Mabuti na lang at mabait 'yung may-ari kaya pinayagan niya akong magstay dito. Nakatingin lang ako sa dagat na payapa. I don't know why pero pakiramdam ko may connection ako sa dagat. They looked peaceful, just like me outside. Napahinga ako nang malalim at biglang napangiti nang tangayin ng hangin ang buhok ko.

Inayos ko ang buhok ko at bigla na lang napatingin sa may kaliwa nang nakarinig ako ng malakas na tawanan. Nanliit ang mata ko nang may makita na familiar na pigura.

My eyes went wide when I saw the guy clearly. T-teka! Bakit siya nandito? Kinusot ko ang aking mata dahil baka nananaginip lang ako pero hindi, he's here! Hindi ako nagkakamali, si Unique nga 'yun.

Pinagmasdan ko lang siya na nakikipagtawanan sa mga kasamahan niya pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang babaeng kasama niya at ngayon ay kaniyang katawanan. The girl's pretty to be honest. Skinny, maputi, bilugan ang mata at hindi gano'n katangkad. But she's really pretty.

Nakita ko kung paano titigan ni Unique ang babae. Napalunok ako dahil may kakaiba akong naramdaman. I tried to look away but there's something that made me stare at them.

Iniwan na sila nang kanilang mga kasama. Ngayon, magkatabi sila at nakaupo sa buhangin habang nakatingin sa papalubog na araw. Wow! What a great scene to watch. Pasimple akong napairap at pinagmasdan pa rin ang kanilang ginagawa.

They're talking sincerely at pansin ko ang maliit na ngiti sa labi ni Unique habang nagsasalita ang babae. Napakunot ako ng noo nang mapatawa si Unique at biglang inakbayan 'yung babae.

Nairita ako kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. What the hell? Bakit ba ako affected do'n? Bumuga ako ng hangin at padabog na tumayo. Lumabas na ako sa kubo at biglang naestatwa nang magtama ang paningin namin ni Unique.

Here we go again. Para akong nanlambot sa klase ng tingin na ipinukol niya sa akin. He's staring at me intensely! And I don't know how I managed to walk away despite of my knees shaking.

Nagmadali akong umalis sa lugar na iyon at patakbong pumasok sa aming bahay. Napahiga na lang ako sa aking kama at napasubsob sa aking unan. Gosh! Nakakahiya 'yun! Hindi ko alam kung bakit pero nahihiya ako! Nasan na 'yung composed na Adrienne?!



Kinagabihan, tinawag ako ni Papa. Sinabihan niya ako na maghanda dahik may bonfire daw na gaganapin sa may tabing-dagat mamaya. Nagsuot lang ako ng maong short at white long sleeve. Nang mag-eight ay lumabas na ako. Nakita ko sina mama na may dalang hotdogs na siguro ay dadalhin sa bonfire na magaganap.

"Nakasanayan na ng mga tao dito na mag bonfire sa tuwing kalagitnaan ng April. They called this event as a celebration for their peaceful life here. At dahil ngayon lang natin 'to mararanasan, ienjoy na natin alright?" Tumango ako sa sinabi ni Papa at naglakad na kami papalapit sa mga taong nagkukumpulan.

Ang lamig nga dito kapag gabi. Bigla akong nagsisi na nagshort ako ngayon. Hindi gano'n karami ang tao na nandito. They all greeted us pagkadating namin na siyang ikinatuwa namin.

Pinaupo na kami paikot sa bonfire. Nagsimulang magkwentuhan ang mga matatanda while I'm here sitting pretty. OP kasi ako sa kanila. Si Luke nga panay na ang kain sa hotdog na inihaw.

"Ayan na pala ang iniintay natin!" Sigaw ni Mang Casio. Napatingin ako sa dumating at nanlaki ang mata ko nang makita ang tinutukoy nila.

Agad akong kinabahan at hiniling na sana hindi niya ako makita kahit na napakaimposible no'n! Pumikit na lang ako at panay iwas ang tingin but I think, hindi sang-ayon ang tadhana.

"Anak mo?" Rinig kong tanong ni Papa.

"Oo. Ang bilis ngang lumaki e." Rinig kong tugon nang isang boses ng babae.

Tumunghay na lang ako at gusto kong sapakin ang sarili ko dahil pagtunghay ko ay nagtama ang aming paningin. Ilang segundo rin kaming nagkatitigan bago ako umiwas ng tingin. Pakiramdam ko nag-iinit ang aking pisngi.

"Aba Ricardo! Habulin na nang babae ang anak niyan." Natatawang pagsingit ng isang matandang lalaki na hindi ko alam ang pangalan. Nagtawanan naman sila at nahuli ko ang pagyuko ni Unique.

"May girlfriend na ba?"

"Wala pa, magkakaroon pa lang." Sagot nang ina yata ni Unique. Napatingin ito sa anak niya at napangiti.

"May pinopormahan na no?" Usisa ng matandang babae. Tumawa na lang ang ginang at hindi na nag-komento.

Naging tahimik ang gabi para sa akin kahit na ang iingay ng mga kasama ko. Para kasing ang sikip sa kinauupuan ko. Seriously, ang hirap gumalaw dahil pakiramdam ko nakatitig siya sa akin. Nang hindi ko na makayanan ay tumayo na ako. Napatingin ang halos lahat sa akin kaya awkward akong ngumiti.

"I'm sleepy na, ma. Uwi na po ako." Tumango naman siya kaya malaya akong umalis. Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis doon.

Bago ako makalayo, tiningnan ko muna siya. Napapikit na lang ako nang magtama na naman ang paningin namin. Bwisit! Tumigil ka na, Adrienne. Nasisiraan ka na talaga.

***

A/n:

Hi! I want to remind you that this story is PURE FICTION. Kung ano man po na mababasa niyo ay walang halong katotohan, based on author's imagination lang. Don't take this story seriously. That's all and have a good day!

#LoveMeNot
@sheiaaa_

Love Me Not (A Unique Salonga FF)Where stories live. Discover now