Chapter 16: Unique

631 34 4
                                    

***

Naabutan ko si mama na nagluluto sa kusina. Si Luke naman ay pinanliliitan ako ng mata na para bang sinasabing 'alam ko ang ginawa mo'. I just shrugged and entered my room.

Humiga na ako sa kama at napabuntong-hininga. I checked my phone and I received messages from my classmates greeting me a happy birthday. Hindi ko na lang ni-reply-an. Sunod kong tiningnan ang message ni Ari.

From: Ari Xx

Heyow! Happy Birthday Adrienne! I wish you a good health and more birthdays to come! Sana makita mo na ang ka-destiny mo haha jk. I want you to know that we, Jesse and I, are always here for you. Lovelots from Ari~ Muah! Happy Birthday!

Napangiti naman ako at nagreply ng Thank You. Sunod kong tiningnan ang message ni Jesse.

From: Jesse Yy

Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday sa kaibigan kong nerd pero maganda! Sana maging masaya ka ngayon since this is your day! Ig-greet sana kita ng saktong 12 am kaso nakatulog ako haha peace. Btw, I hope maging masaya ka at kontento sa kung anong meron ka. If you have problems, don't forget to call me. Im always here for you isama na rin natin si Ari. Thats all more birthdays to come bessy ko muah muah!

Napailing naman ako at nagreply na din ng thank you.

Itinabi ko na ang aking cellphone at pumunta na sa kusina. Balak ko sanang tulungan si mama na magluto.

Nandito kami ngayon sa hapag-kainan. As usual tahimik lang kami ng kapatid ko. Luke has his own world kaya mahirap siyang kausapin. Gano'n din ako but unlike him, mas approachable ako.

"I didn't know that her son's part of a band."

"Yeah. I was also shocked when she told me that. Sino bang mag-aakala na ang dating mahiyain, ngayon sikat na."

"Well, I can see that he's passionate in music. Sana maging successful pa sila lalo."

I was secretly listening to their conversation when my mother snapped at me.

"Oh! Kilala ata ni Adri si Unique," she smiled at me and raised her brow. "You know him right? Nakita ko kayo noon na nag-uusap."

Napatango ako kahit na naiilang ako sa topic. So all along, their topic is Unique.

"Narinig mo na siyang kumanta?" I nodded again. "Ang galing talaga ng batang 'yun! I hope you're in good friends with him."

Napangiwi ako at tumango. As if, sa pangit ng ugali niya, no thanks.

Napatingin kami kay Luke na humagikhik. He seemed to notice us kaya itinaas niya ang dalawang kilay at inirapan kami. Napailing na lang si mama at napangisi si papa. Tumuloy na sila sa pagkain samantalang nanatiling nakatitig ako sa kapatid ko. May nakakalokong ngisi kasi siya.

Sumulyap ito sa akin and gave me a knowing stare. Napaiwas ako ng tingin at napakagat ng labi. My brother is really mysterious. Kung hindi ko lang 'yan kapatid, I will cut him into two.



After our dinner, pumasok na kami sa aming kaniya-kaniyang kwarto. Pabagsak akong humiga sa kama at pinagmasdan ang picture ko na nakaframe sa may side table. It was taken two years ago, I'm still carefree and innocent that time pero ngayon?

I remember when I was just sixteen, I still don't know the feeling of having a crush. Mahigpit kasi si mama sa akin, she wanted me to focus on studying, she makes sure na walang crush crush sa sistema ko kaya naman naging ganito ako, nerd. But I'm not that 'nerd'. Kapag kasi sinabing nerd, ang naiisip ng iba magulo ang buhok with matching big glasses plus braces but I don't belong into that kind. Nerd man ako pero lagi akong inaayusan ni mama. And thanks to that, hindi ako nabully sa school at hindi rin ako magawang tayaran ng iba. Aloof sila sa akin since mukha akong intimidating and I just don't care?

May narinig ako ng tumama sa aking bintana. I frowned and a face flashed in my mind. Iisa lang kasi ang bumato diyan dati and that was Unique.

Hinawi ko ang kurtina and I found him leaning in his window. Nang makita ako ay bigla siyang tumuwid ng tindig at kumaway sa akin. Napairap naman ako, ano sa tingin niya nakalimutan ko na ang kaniyang ginawa kanina?

Tsk, get lost!

Isinara ko na ang kurtina at akmang hihiga na ulit kaso binato niya na naman ang bintana ko. Naisipan kong huwag na lang pansinin kaso sunod-sunod ang pagbato niya kaya inis akong tumindig at hinawi ang kurtina. Binuksan ko ang bintana at saka siya sinigawan.

"Pwede bang tumigil ka sa kakabato sa bintana ko?! You're disturbing me! Kung manggugulo ka huwag ako!" I shouted and the next thing that happened is like a shock to me.

"Adrienne? What happened? Bakit ka sumisigaw? Ayos ka lang ba? Open the door!" I closed my eyes in frustration at binalingan ang lalaking nakangisi ngayon. I bit my lips at pinanlakihan siya ng mata. Inis kong isinara ang bintana at sumilip sa pinto.

"I'm fine papa. Nadala lang ako sa pinapanood ko.." I laughed awkwardly and gave him my best smile.

Mukha naman itong nakahinga ng maluwag but still I received some scold from him.

"Hindi ka dapat sumisigaw sa ganitong oras! Bukod sa pinag-alala mo kami nakakaistorbo ka din sa kapit-bahay. Go to sleep now, kapag nalate kang gumising bukas, kukunin ko ang gadgets mo maliwanag?"

Para akong bata na tumango. Nang makaalis siya ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Lalo tuloy nadagdagan ang inis ko sa Unique na 'yun. Argh! Nakakarami na talaga siya sa akin!

***

Love Me Not (A Unique Salonga FF)Where stories live. Discover now