Chapter 12: Angelo Mondello

691 35 17
                                    

***

Nakasakay ako ngayon sa tricycle, pinapunta ako ni mama sa palengke upang bumili ng mga ingredients sa kaniyang lulutuin.

I was walking silently nang marinig ko ang pag-uusap ng dalawang tindera na hindi nalalayo ang age sa age ko. Tahimik ko silang pinakinggan at nagkunwaring nagtitingin-tingin sa mga gulay.

"Ang galing nila diba?"

"Talaga! Ang ganda pa ng boses no'ng vocalist!"

"Kapag nakita ko talaga ang isa man sa kanila, magpapa-picture ako."

"Asa ka pa. Magtinda na nga lang tayo nang mapansin ka ng IV of Spades!"

Muntik na akong masamid nang marinig ko ang tinutukoy nila. I didn't know na hanggang dito at pinag-uusapan din sila. Umalis na ako doon at napagdesisyonan na umuwi na lang.

Dala ko ang aking pinamili nang may humarang sa aking dinadaanan. Nag-angat ako ng tingin at nanlaki ang mata nang makita si Angelo na nasa harapan ko. Mukha rin siyang nagulat at napaawang ang bibig kaso bigla siyang ngumisi.

"Destined talaga tayo!" Masaya nitong sabi. Napairap ako at nilagpasan na lang siya.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang may humawak sa dala kong bag. Hindi na ako nagtaka nang makita na si Angelo 'yun at pinipilit kuhanin ang bag na hawak ko.

"Ako na diyan," He offered but I shook my head.

"Nah. Umalis ka na lang.." Walang buhay kong sabi at naglakad na paalis. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na siya sumunod sa akin.




Five o'clock na. Papalubog na rin ang araw kaya kinuha ko ang aking phone para kuhanan ang papalubog na araw. Umupo na ako sa usual spot ko na malapit lang sa kubo. Naglatag ako ng tela at doon umupo.

I was drinking my favorite juice nang may umupo sa tabi ko. Bumungad sa akin si Angelo na nakatitig sa akin. I can't help but feel awkward on the way he stares. Umisod na lang ako palayo and I guess I made the wrong choice dahil lalo lang siyang lumapit.

Inis ko siyang tiningnan at lalo lang akong nainis nang makita ang mapang-asar niyang ngisi. Akala ko makakawala na ako sa pagka-creepy nito pero hanggang dito rin ba naman!?

"Lagi ka na lang naiinis sa akin, gano'n mo ba ako kaayaw?" He asked in a low voice. Napahinto ako at napaisip sa tanong niya. His voice- kakaiba ito. I don't know if it's just me or talagang kakaiba ang tono ng boses niya ngayon.

"Nah. Don't mind me, huwag mo na lang sagutin ang tanong ko. Ayoko ring malaman ang magiging sagot mo." I stared at him. May kakaiba talaga sa kaniya. I can see it in his eyes and how he produced his words. He's not in his usual self.

I just stared at him and say nothing. Nawala na ang awkward feeling and it changes into a new warm and comfortable feeling. I looked away and focused myself on the scenery.

Bakit nga ba ako naiinis sa kaniya? Because he's a maniac? Maniac nga ba?

I don't know. Naiinis lang ako sa kaniya without any reasons. Para bang makikita ko pa lang si Angelo, iinit na agad ang ulo ko.

"Do you want to meet the real me?" Napatingin ako sa kaniya at agad napakunot ang noo. I can't understand. "I know this is such a lame invitation pero gusto kong makilala mo pa ako."

Hindi ako nakapagsalita. His words struck the hell out of me. Napapikit na lang ako at nakailang buntong hininga na. Nagmulat lang ako when I felt someone throwing me glances at hindi ako nagkakamali. Angelo keeps on glancing at me.

Tumango ako sa kaniya at agad lumabas ang ngiti sa labi niya. His smile- ngayon ko lang nakita ang ngiti niya na ganito.




After the sunset, sumabay sa akin si Angelo sa paglalakad. Napag-alaman ko na medyo malayo ang sa kanila. Nagkataon na dito rin sila magbabakasyon pero for four days lang. Really not vacation, more on family trip lang.

"Bye." Tipid kong paalam sa kaniya. He crossed his arms and raised a brow.

"Wala man lang goodnight?" I cringed and shook my head.

"Consider my 'bye' as my goodnight." Sumulyap ako sa may pinto bago tumingin sa kaniya. "Papasok na ako." He nodded at inintay muna ako na makapasok bago umalis.


I sighed as I get myself to bed. A conversation with Angelo was not that bad. I saw the other part of him, hindi 'yung maloko at puro kamanyakan ang alam. Nakita ko ang isang Angelo na hindi alam ng karamihan ay may tinatagong gano'n na ugali.

Pipikit na sana ako nang may marinig ako na nagbato ng kung ano sa bintana ko. Tumayo ako at hinawi ang kurtina. Unang tumama ang paningin ko sa lalaking nakahalumbaba sa may bintana habang pinagmamasdan ako.

My eyes widen as realization hits me! Si Unique ang nagmamay-ari ng kwarto na katapat ko. My mouth gaped at binuksan ang bintana.

"Ikaw ba ang bumato sa bintana ko?" He nodded at may kinuha sa tabi niya.

Nakita ko ang hawak niya na papel. Nagsusulat siya dito at maya-maya ay tumingin na siya sa akin. Inangat niya ang papel at pinabasa sa akin. Nanliit ang mata ko habang binabasa ang nakasulat sa papel.

'Who's that guy?'

I frowned and looked at him. Nagsulat ulit siya.

'Sunset. Six o'clock'

Aah! Bigla kong naalala ang tinutukoy niya. Si Angelo.

Naghanap ako ng papel at nagsulat din. Ewan ko sa kaniya kung bakit siya nagsusulat kung pwede naman magsalita na lang. Pero naisip ko na gabi na rin pala. 8:48 na sa pagkakaalam ko at baka magising pa ang magulang namin kung mag-iingay kaming dalawa.

'Angelo, classmate ko. why?'

Hindi na siya sumagot. Sumimangot lang siya at napataas ang kilay ko dahil doon. Bakit ba siya nasimangot. Wala naman akong ginagawa na masama.

Napahikab ako at nakaramdam ng antok. Nag-wave na lang ako ng kamay ko sa kaniya at isinara na ang bintana.

I can't believe this. Ang tagal ko ng kakilala sa Unique at nakakausap pero ngayon lang pumasok sa isip ko. Araw-araw kong nakikita ang vocalist ng isang sikat na banda.

***

Love Me Not (A Unique Salonga FF)Where stories live. Discover now