Chapter 4: The Creep

842 33 25
                                    

***

I'm the shy-type of girl and a book lover. I can dance, sing and I can also act. I am passionate in arts. I love to sketch faces and I love to blend my emotions in my works. They said that I'm almost perfect pero totoo ba? How can you say that someone is almost perfect?

Hindi ako gano'n katangkad. 5'4 to be exact. Shoulder length na itim na buhok. Singkit na mata, manipis na labi at hindi gano'n katangos na ilong. I'm not that smart and I'm not that friendly. I don't have group of friends but I have two best friends.

Almost perfect na ba ang isang kagaya ko? For me, wala naman almost perfect na tao. We're all living here and playing our cards fair pero ang iniisip ng iba unfair ang mundo. How come na naging unfair ang buhay?

Napabuntong hininga ako habang nakatulala sa kawalan. Monday na ulit and I thought I'm already free from stress but I was wrong. New set of projects ang bumungad sa akin pagkapasok ko. Kahit ang mga kaklase ko na pachill-chill lang noon ay nagrereklamo na.

I can't blame them. They're giving us works na para bang isa kaming robot. Our President listed all of our course requirements sa white board at halos sakupin na nito ang kalhating part ng board.

"Guys! Alam niyo na ba 'yung balita?" Sigaw ng kaklase ko na pinakamaingay sa classroom. Walang sumagot sa kaniya pero patuloy pa rin siya sa pagsasalita.

"May magp-perform na mga banda dito sa school natin! Kyah!" Napatigil ang aking mga kaklase sa ginagawa nila at mukhang naging interesado.

"We don't need to worry kung kailan 'yung date kasi wala na tayong gagawin sa time na 'yun. Sa pagkakaalam ko, tatlong banda ang pupunta dito at magp-perform!" Umirit pa siya at biglang nagkagulo sila. Humalumbaba na lang ako at pinagmasdan pa sila.

"So ano? Sinong manonood?" Halos lahat sila ay sumagot ng 'oo' maliban sa akin. Napatingin sa akin si Carmie at tinaasan ako ng kilay.

"Ayaw mong manood?" She asked. I shook my head. Magsasalita pa sana siya kaso may biglang sumingit na epal.

"May date kasi kami kaya hindi siya makakasama pati ako." Singit ni Angelo at kumindat pa sa akin. Napangiwi ako at napairap ng mata.

Inasar naman kami ng aming kaklase kaya napailing na lang ako. Ito namang si Angelo ay panay ang halakhak na para bang tuwang-tuwa pa.





Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nagsasagot ako ng aking assignment when my phone rang. Bumungad ang pangalan ni Jesse kaya agad ko itong sinagot.

"Oh my gosh! Ang swerte mo Adrienne!" Patuloy siya sa pagsigaw kaya bigla akong naguluhan at anong ibig-sabihin niya?

"What do you mean?" Narinig ko ang pagkalma niya sa sarili niya bago sumagot.

"What I mean is ang swerte mo! Magp-perform diyan ang favorite kong band!"
Napatango na lang ako. Hindi ko pa nakikita at napapakinggan ang sinasabi niyang favorite band niya. Nag-stay na kasi ako sa kotse that Friday night at hinintay na matapos sila.

"Sama ka! Let's watch together. Wala akong kasama e. Ari can't come with me since may pupuntahan siya. Watch with me, please?" Napabuntong-hininga ako at um-oo na lang. For sure, hindi niya ako titigilan. "Yehey! Reserve me a ticket. Then sabay tayong manonood!"





It's been weeks at malapit ng mag-end ang school year. Busy ngayon ang mga tao dahil mamaya na ang sinasabing Visit of the Bands nila. Nakapagpa-reserve na ako ng ticket at tuwang-tuwa naman si Jesse.

Fangirl din ako but not that obsess. Maroon 5, One Direction, Westlife etc. Kaya nga I want to try the band Jesse is talking about. Baka sakaling magustuhan ko din.

Nag-text sa akin si Jesse na on the way na daw siya. Sinabi niya rin na bumili na ako ng aming inumin. May one hour pa naman bago magsimula but for sure, marami ng tao sa quadrangle.

Nabili ako ng drinks sa canteen nang may humawak sa balikat ko. Napatalon ako sa gulat at masamang tiningnan kung sino man 'yun. And of course, sino pa ba ang bigla bigla na lang sumusulpot?

"What the hell, Angelo?" Iritado kong tanong sa kaniya at mabilis siyang tinalikuran pagkakuha ng aking binili.

Narinig ko ang kaniyang halakhak kaya lalo akong nairita. Binilisan ko ang paglalakad ko habang dala-dala pa rin ang bottled drinks na aking binili.

"Shy-type! Bakit mo ba ako iniiwasan?" Rinig kong tanong niya. Tumigil ako sa tapat niya at tinaasan siya ng kilay.

"You're so creepy! Sino ba naman ang hindi matatakot sa'yo?" I know that's below the belt pero anong magagawa ko? 'Yun talaga ang dahilan kung bakit ko siya iniiwasan.

Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mata niya but he tried to shrug it off. Ngumisi siya at lumapit sa akin.

"Kahit ano pa ang sabihin mo, kahit tumakbo ka pa ng tumakbo, always remember this," Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at bumulong. "Lagi lang akong nasa likod mo at binabantayan ka."

Kinilabutan ako kaya agad akong umatras at tumakbo palayo sa kaniya. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Nilingon ko si Angelo at nakita ko siyang nakatingin sa akin nang seryoso. Lalo akong kinabahan at hindi ko na alam kung saan ako napunta.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa third floor at binuksan ang pinakadulong room. Napasandal ako sa pintuan at habol ang paghinga. Napapikit din ako habang patuloy na naririnig ang kaniyang mga sinabi.

Lalo niya akong tinakot. Damn that Angelo! He's such a creep.

Nakarinig ako ng pagkaluskos kaya binuksan ko ang aking mata at natulala na lang sa nakita. Nakatulala din sila sa akin habang ang isa ay nakangisi sa akin. Napalunok ako at naramdaman ang pag-init ng aking pisngi. Sinulyapan ko ang isa na mula sa pagkagulat ay biglang nag-iwas ng tingin.

Napakagat ako ng labi at ilang beses kong hiniling na sana panaginip na lang 'to!

***

Love Me Not (A Unique Salonga FF)Where stories live. Discover now