Chapter 44: Trashtalk

402 22 13
                                    

***

Nakaharap ako ngayon kay Papa. Seryoso lang ang mukha niya. I thought.. Nevermind.

"Pumayag ako dahil gusto kong maging masaya ka, anak. Pero kapag nalaman ko lang na sinaktan ka ng lalaking 'yan, hindi ako magdadalawang isip na bugbogin 'yon!" Napailing ako at biglang niyakap si papa. Narandaman ko ang pagkalma niya.

"Thank you Papa."

"Kinabahan talaga ako kanina." Tumawa lang si Unique. Nandito kami sa likod ng aming bahay. Nakaupo kami sa malaking duyan, umalis nga pala si papa kasama si Luke.

"Ayos na. Huwag mo na 'yong isipin. Ang isipin mo na lang 'yong lalaking katabi mo." Umangat ang gilid ng labi niya at itinaas baba ang kilay.

Ngumuso ako dahil sa ginawa niya. Ang cute niya, mukha siyang aso. Yeah, note the sarcasm there.

"Kj talaga." Bulong pa at nang sinamaan ko ng tingin biglang ngumiti.

Napatingin kami sa phone ko ng lumikha ito ng ingay. Napakunot ako ng noo nang makita ang pangalan ni Jesse. Ba't naman siya napatawag?

"Hello?"

"Adrienne! Oh my ghad! Where are you?! Darn, ayoko man sabihin 'to pero buksan mo ang Twitter mo at isearch si Anonymous!" Napakurap ako at mabilis na in-end ang tawag.

I search Anonymous' name at agad lumabas ang recent post niya. Napasinghap ako ng mabasa ito.

'The reason why Unique left the band.'

And a picture of me kneeling while crying. Si Unique naman ay katabi ko. Ito 'yong pinadala na picture kay papa!

Maluha-luha kong tiningnan ang mga comments doon. At nanlaki ang mata ko sa mga sinasabi nila. What the hell?

Aww. I thought si Ate Kara gf ni Nikkoi?

Bk umiiyak sya kc sya ang dahilan kung bk8 nagbreak si Ate kara at nikkoi, guilty...

Kapal... ang landi girl... mama nga nito pagsabihan mo po!

hAliparot! Gusto ata maging sikat! Peymwor ang pota!

"Tigilan mo na nga 'yan!" Kinuha ni Unique ang cellphone ko at itinago ito.

Hinapit niya ako palapit at inihilig ang aking ulo sa kaniyang balikat.

Ang sakit nilang magsalita! Bakit ba ang jajudgemental ng mga tao? Sabi sila ng sabi ng mga masasakit na salita nang hindi man lang inaalam ang tunay na nangyayari. At kapag sa kanila naman 'yon nangyari, biglang mat-trigger.

Marahan na hinaplos ni Unique ang buhok ko. Ipinikit ko ang aking mata at pilit na kinalma ang sarili. Nakakainis din ang babae na pati si mama idinamay pa. Argh! Gusto ko silang sabunutan but I know my limitations. Ayoko nang pumatol pa sa kanila, lalo lang magiging malala ang sitwasyon.

Hindi muna kami bumyahe papunta sa Manila. Napailing ako habang iniisip na tambak na ang mga special projects na gagawin ko. Ilang araw ba akong umabsent?

Binuksan ko ang inbox ko at nakita ang message ni Jesse. May nakahanap daw sa account ko at ngayon, binabatbat nila ako ng masasamang salita. Huminga ako ng malalim. Should I deactivate my account?

Sakto naman na nagtext din si Ari at sinabing ideactivate ko na lang ang accounts ko. At 'yon ang ginawa ko kahit nagh-hang ang phone ko dahil sa dami ng notifs.

Mabilis kong pinahid ang luha na tumutulo sa pisngi ko. Hindi dapat ako nagiging mahina ngayon. Mga salita lang 'yan at hindi ka nila talaga kakilala so bakit ko pa 'yon iintindihin? Nandiyan naman ang magulang ko, mga kaibigan ko, at si Unique? I also have God beside me always. I shouldn't mind them. Hanggang salita lang sila at hindi ko hahayaan na umabot sa may pisikal na pananakit.

Pagkadating ko ay una kong nakita si Jesse at si Ari na nakaupo sa sofa. Mabilis nila akong dinaluhan at nagtanong kung ayos lang ako. Tumango naman ako at tipid na ngumiti. Adrienne, bakit ka masasaktan sa sinasabi ng iba? Just look at these two, nandiyan sila para sa'yo.

"I want to hire a private investigator para naman malaman ko na kung sino ang bruha na 'yon!" Gigil na sambit ni Jesse habang nakaupo kami at nanonood ng movie.

Pero may point siya, kung maghire nga kami ng investigator diba? Pero ang alam ko mahal kapag gano'n at saan naman ako kukuha ng pera? Hindi pede sa magulang ko dahil baka malaman pa nila ang ginagawa ng anonymous sa akin. Knowing my father's temper, baka wala pang isang linggo, nakakulong na ang peste'ng 'yon.

"But seriously, ayos ka lang talaga?" Ngumiti ako kay Ari at nagthumbs up.

"Oo nga! Hindi ko na lang papansinin. Mga trashtalk lang sila." Bumungisngis siya sa tabi ko.

But I'm sure I'm lying. Dahil kahit ano man ang pagpapanggap ko na okay lang ako. Hindi talaga. Masakit makita ang panghuhusga nila sa akin but what can I do? I don't have the guts to talk back.

***

Ilang chapter na lang~

Love Me Not (A Unique Salonga FF)Where stories live. Discover now