WRITER'S HOUR (PUBLISHED unde...

Per hiddenheartless

24.6K 1.3K 480

#Wattys2018LongList 'Squash' is her pseudonym. She became an author through her frustrations and madness. Eve... Més

Writer's Note
WH1
WH2
WH3
WH4
WH5
WH6
WH7
WH8
WH9
WH10
WH11
WH12
WH13
WH14
WH15
WH16
WH17
WH18
Writer's Hour
WH19
WH20
WH22
WH23
WH24
WH25
WH-Epilogue
Thank you♥

WH21

797 48 7
Per hiddenheartless

I met him when I'm in my darkest state. I met him while trying to learn to love myself, and also trying to put the pieces of my heart back together. It was safe to say I was afraid to love and trust again, even to my family. It was safe to say I was terrified to let someone inside my safest haven.

Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam paano ibigay ang aking tiwala nang walang halong pag-aalinlangan. Matagal na panahong ginugol ko ang aking oras upang magtayo ng pader laban sa mga taong gustong pumasok sa buhay ko. Hindi ko alam kung may makakagiba ba rito o wala na sa sobrang taas.

But he convinced me. He convinced me that trusting him would be worth it. He convinced me that I can still find someone whose worthy of my time. He convinced me that I could trust him.

Of course, I was scared, I was nervous and, I had no idea what I was getting myself into. Alam ko na may posibilidad akong masaktan, pero pinatuloy ko pa rin siya.

At dahil sa kakulitan niya, sa pagtulong niya sa akin na muling maging masaya, nahulog ako. I know that I've fallen because I wouldn't wait for him to come back if I didn't.

Pero ngayong nakatitig ako mula rito sa bintana at kita ang kan'yang mukha at titig sa akin, hindi ko alam kung nawala ba lahat ng tiwalang ibinigay ko sa kan'ya at tiwalang ibinigay ko sa aking sarili o talagang naglaho lang na parang bula at 'di na babalik pa.

Agaran kong isinara ang bintana at tumalikod. Magulo at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sobra-sobrang pagkabigla at pagkawatak-watak ng aking wisyo.

I'm happy to know that I fell to only one person.

But I was mad for being lied to.

I'm confused.

I'm scared.

I wanted to shout.

I wanted to cry.

I wanted to hit something.

I wanted to hide from him.

I don't know what to react.

But I know for certain, he broke me.

This is the part where I was afraid from the start, being broken.

He broke me. In an instant, he broke and destroyed the trust I had for him. He broke the trust I had built up over the past years.

He's so unfair. I spent years putting up walls around me. I spent years building my guard up so high just so I would never have to feel pain like this but he didn't stop until he was able to destroy those walls.

Pero nasasaktan ako.

Nasaktan na naman ako.

Ang tanga tanga ko. Hindi ko alam na ganito ako kabobo dahil harap-harapan na pala akong niloloko noon, hindi ko pa napansin. Ngayon lang talaga nag-sink in sa utak ko ang mga conversations namin.

Five has cancer.
Winther seems sick.

Five is a happy person.
Winther smiles and jokes a lot.

Five didn't sent a message for more than a year.
Winther didn't show up for more than a year either.

Five and Winther were with me when I was in my darkest days.

Akala ko magkaibang tao silang dalawa. Akala ko, ang nakangiting mukha na nakilala ko sa Happy Bites at ang taong nakaka-chat ko, ay magkaiba.

Nahulog pala ako sa iisang tao.

He made me fall to both of his personalities.

Pero what was the point? Just as quickly as his kind words and sweet actions broke down the walls and made me fall for him, it was all ruined. Everything I believed in. It was all gone.

What happened to saying he would never hurt me?

It all meant nothing.

Nanginginig kong hinawakan ang phone ko at nagtipa ng mensahe.

SQUASH: Don't show me your face again.

Pagkatapos ko 'yun i-send, inilagay ko na sa mesa ang phone ko saka nagtalukbong ng kumot. My chest felt heavy, I felt betrayed.

Alam kong kasalanan ko rin dahil hindi ko man lang napansin. I felt like I'm the most stupid person alive.

Unti-unti kong naramdaman ang luha sa aking mga mata.

Damn! Hindi na dapat ako umiiyak dahil malakas na ako, pero bakit ganito? Pakiramdam ko bumabalik ako ulit sa dating ako.

He healed what was broken, but he broke it again.

Pinunasan ko ang luha mula sa aking mga mata ngunit nagpapatuloy pa rin ito sa pag-agos. Hindi na dapat ako lumuluha pero heto ako, mukhang timang sa pag-iyak.

Dapat nga masaya ako kasi iisa lang ang taong gusto ko. Iisa lang.

Baliw na 'yun, ginawa niya akong clown. Siguro, pinagtatawanan pa niya ako tuwing nag-re-reply ako sa kan'ya.

I heard a ring.

Pinunasan ko ang aking mga luha sabay alis ng aking kumot mula sa aking katawan. Umayos ako ng upo. Pagtingin ko sa screen ng phone ko, lalo akong nainis, agaran ko itong ibinaba.

Paulit-ulit itong tumunog bago ko narinig ang sunud-sunod na message alert tone.

I don't wanna read it, but my subconscious mind betrayed me. I opened his messages despite the confusion I feel.

CENSORED: Sagutin mo naman tawag ko oh.

CENSORED: Kung galit ka, sigawan mo ako.

CENSORED: Kung galit ka, ipamukha mo sa akin. Huwag mong solohin.

CENSORED: Mas gusto kong ako na lang ang saktan mo, huwag 'yung sarili mo dahil lang sa kasalanan ko.

CENSORED: Answer my call please.

Muli itong tumawag ngunit natatakot akong sumagot. My heart felt hollowed. Sa pang-limang ring, gusto ko nang sagutin ngunit nanginginig ang kamay ko kaya hinayaan ko na lang hanggang sa sunud-sunod na naman na message ang natatanggap ko.

CENSORED: Huwag mo akong iyakan. 'Yan ang pinakaayaw kong gawin mo. Huwag mo akong iyakan dahil sa sakit.

CENSORED: I don't deserve your tears, not yet.

CENSORED: Please.

CENSORED: Murahin mo na lang ako.

CENSORED: Sigawan.

CENSORED: Suntukin. O kahit ano pa mang trip mo.

CENSORED: Huwag mong iyakan ang sinungaling na tulad ko. Saktan mo ako.

CENSORED: Sagutin mo naman tawag ko.

CENSORED: Masiyado bang mabigat ang kasalanan ko? Gaano ba kabigat at ayaw mo akong pakinggan?

CENSORED: Talk to me. Please.

CENSORED: Gusto kitang kausapin. Parang awa mo na, ayaw kong umalis nang 'di tayo nag-uusap:(

CENSORED: Hurt me with your words. Tatanggapin ko.

CENSORED: Please, hear me out.

CENSORED: Ngayon lang ako naglakas loob. Gusto kong itama lahat.

CENSORED: :'(

CENSORED: Please...

CENSORED: Sette....pleasee..

CENSORED: Nag-aalala ako sayo.

CENSORED: Bigyan mo lang ako ng pagkakataon.

CENSORED: Pinapasok ako ng babae na nasa kabilang apartment. Nandito ako sa may pintuan.

Nanlaki ang aking mata pagkabasa kong nandito na siya. Napalunok ako dahil sa kaba na biglang sumukob sa aking dibdib. Ilang sandali pa, nakarinig ako ng sunud-sunod na katok mula sa main door bago ito tumigil.

Agaran akong nag-tipa ng mensahe.

ME: Umuwi ka na.

CENSORED: Gusto kitang kausapin.

CENSORED: Bigyan mo ako ng pagkakataon.

ME: Hindi mahirap ibigay ang pangalawang pagkakataon. Pero mahirap nang ibalik ang tiwala.

ME: Galit ako.

ME: Wala ka nang mapapala. You ruined my trust, Winther.

CENSORED: Alam ko, kaya nga ako nandito.

CENSORED: Sigawan mo ako.

CENSORED: Suntukin kahit pa 'tong baga ko.

CENSORED: Kahit anong gawin mo sa akin, tatanggapin ko. Huwag lang ang layuan ako:"(

CENSORED: Takot akong mawala ka. Huwag mo naman akong takutin.

CENSORED: Sagutin mo tawag ko. Please.

ME: Baka atakihin ka. Umuwi ka na. Huwag mo na akong guluhin!

ME: Your lungs might suffer. Just go.

CENSORED: Wala na akong pakialam, gusto lang kitang kausapin. Gusto kong humingi ng tawad. Gusto ko, harapan.

ME: You know how fragile my trust is, Winther. One minute I know you, and the next minute you transform before my eyes, becoming someone strange and foreign and terrifying. Do you know how hurt I was?!

CENSORED: Open your door, pleaseee.

ME: I can't trust you anymore. And trust is everything.

ME: And you just lost everything Winther.

CENSORED: Just take your time, but I will not go home until you open this door and talk to me.

Napapikit ako sa inis at galit. Can't he just stop for now? Wala ako sa tamang kondisyon. I may hurt him emotionally, and I don't want to regret later.

ME: Umuwi ka na habang may pasensya pa ako.

CENSORED: I'll earn your trust again. Just let me speak. 'Yun lang hinihingi ko Squash, 'yun lang. Kahit huwag mo na akong papasukin, okay lang. Gusto ko lang na nakikita kita habang nagpapaliwanag ako.

ME: Just go. Please.

I wiped my tears. Takte talaga, para saan ba 'tong iyak ko? Bakit hindi humuhupa?!

ME: Ayaw na kitang makita.

CENSORED: Hindi mo kayang magsinungaling sa akin. Galit ka lang. Umiiyak ka 'di ba?

ME: Sino ka ba para iyakan ko?!

CENSORED: Alam kong umiiyak ka. At dahil alam kong ako ang dahilan, gusto ko ako rin ang magpupunas niyan. May karapatan ako kasi ako ang dahilan.

ME: Just leave.

CENSORED: Hinding-hindi ako aalis.

CENSORED: I can't.

ME: You're still sick, you can't stay longer. Please do me a favor, don't do this to me.

ME: Huwag mo naman akong konsensyahin dahil sa sakit mo. Umalis ka na.

CENSORED: Hindi ko kaya.

ME: Gusto kitang suntukin Winther. So just stop and go home.

CENSORED: Okay lang. Ihahain ko pa sarili ko sayo. Basta makausap ka lang kahit sandali.

ME: I might kill you.

CENSORED: Bigyan pa kita ng baril.

ME: And you have the nerve to joke?

I wiped my tears. Siraulo pala 'to e. Anong akala niya sa akin? Tao na pagkatapos lokohin, magiging masaya sa pagbibiro niya?

ME: Stop this.

CENSORED: Hindi ako nagbibiro. Gusto ko lang tanggalin ang sakit na idinulot ko sayo.

ME: Hindi ganu'n 'yun kadali!

CENSORED: Hindi ko rin sinabing hindi mahirap. Ang sinasabi ko lang, gagawin ko ang lahat mahirap man o madali, para lang mapatawad mo.

ME: You lied to me!

CENSORED: I lied but I'm making an effort to make things right. Parang awa mo na.

Lalo ako naiyak. Badtrip!

Why am I even concern? What's wrong with me?

CENSORED: Nandito lang ako sa may pintuan mo. Gihintayin kita.

CENSORED: *Hihintayin

ME: Bakit ba ang kulit mo?!!

CENSORED: Kung gaano kapursigido si Five, mas pursigido ako. Hindi mo ako matatakasan Squash. Sabihan mo na akong stalker o kahit ano, hindi ako aalis.

I pull the covers off my feet and sit up on the edge of the bed, watching my phone, to confused to even reply.

I hope he's not here. Sana hindi siya ang kumakatok. Sana nagbibiro lang siya at ibang tao ang nasa pintuan ko. Or maybe I hope he's here. And I don't even know what I'm thinking anymore. These conflicting feelings are exhausting.

I stand and run out of my bedroom, straight to my front door. I peer through the peephole, and sure enough, he's at my front door. Siya 'yung kumatok kanina.

ME: I hate you.

ME: GO HOME!

Again, I look out the peephole after hitting send, and he's standing with his palm flat against the door, staring at his phone.

Nakita ko ang sakit na dumaan sa kan'yang mukha. Seeing the pained expression on his face and knowing it derives from the battle his heart is going through makes me want to swing open the door. Gusto ko nang buksan at makinig.

Ipinikit ko ang aking mga mata sabay sandal ng aking noo sa pintuan upang bigyan ang sarili ko nang oras para makapag-isip bago ako gumawa ng hakbang.

My heart is being pulled toward him, and I can't think of anything I want more right now than to open this door. Ano ba 'tong puso ko, sobrang tanga.

He typed something. Tinignan kong muli ang phone ko.

CENSORED: I'm home, Squash. You're my home.

ME: Cut the crap, Winther. I won't buy it.

I've been through too much to let someone screw with my heart like this. He shouldn't be here.

Tumalikod ako at sumandal sa pintuan. I don't want to read his words. I don't want to see his pained face. Mas gusto kong nakangiti siya. Everything about him makes me lose the hatred I feel towards him.

He isn't what's best for my life right now, especially considering what he's gone through in his own life, and I should walk away from this door and not let him in.

"Please, Silhouette."

The words are almost an inaudible whisper through the other side of the door, pero narinig ko ito. Bawat bahagi ng katawan ko, rinig ang boses niya.

May pagmamakaawa sa kan'yang tinig.

Hinayaan ko na lamang na mag-desisyon ang puso ko. Unti-unti akong humarap sa pintuan saka ko ito dahan-dahang binuksan. I turn the lock and slide the latch loose, then open the door.

Hindi ko na mailarawan ang aking nararamdaman. I did my best to hide what his presence does to me by turning away from him and walking toward the kitchen.

Ayaw ko siyang kausap pero bakit ko siya pinapasok?

"Muntanga lang Sil," I whispered to myself.

Hindi ko alam kung bakit itinatago ko ang aking reaksyon mula sa kan'ya, pero hindi ba ganu'n naman ang mga tao?

Pinipilit natin na itago ang lahat ng ating nararamdaman mula sa taong mas dapat nakakaalam ng ating emosyon.

Huminga ako nang malalim at humarap sa kan'ya nang marinig ko ang pagsara nito ng pinto. I lift my eyes to meet his, and he's standing several feet in front of me, watching me.

Gusto ko lalo tuloy umiyak. Gusto ko siyang yakapin ngunit gusto ko rin siyang suntukin dahil sa ginawa niya sa akin. Naghalu-halu na ang nararamdaman ko.

His brown eyes, they are directed towards me. I can tell by the tightness in his expression that he's doing exactly what I'm doing. He's holding back everything he's feeling for the sake of. . . what?

Fear?

Sorry?

Respect?

Huminga siya nang malalim at naglakad papunta sa kinaroroonan ko. Lumakas ang kabog ng aking dibdib, tila ba nakikipagkarera ako sa pagtakbo. Kinalma ko ang aking sarili, hindi pinahalata ang kahit anong emosyon sa aking mukha.

Ang hirap gumalaw lalo na at nasa iisa kaming silid, pero mas mahirap tumitig. He completed the walk into the kitchen room and sits on the chair beside the dining table.

Buti na lang naka-pajama at t-shirt pa ako, hindi ako maaasiwang humarap sa kan'ya. Siya naman, naka-suot ng red shirt at tattered blue pants.

Inilibot niya ang kan'yang paningin sa buong silid. Kita ko ang mangha sa kan'yang mga mata.

Hanggang sa dumako ang kan'yang mga mata sa paintings na nakasabit sa kitchen wall. His lips curved upward. Nang matapos itong tumingin sa paligid, tumigil na ito sa gawi ko. Natauhan naman ako mula sa pagtitig sa kan'ya.

Ano bang nangyayari sa akin? Bakit pakiramdam ko, napatawad ko na siya? Kanina lang mukha akong namatayan. Damn this guy. He's making me insane.

He faintly smiled. Ngayon ko lang nakita ang lungkot mula sa mga mata niya. And I don't want it.

"Sana huwag mo na akong iniyakan. Hindi mo dapat iniiyakan ang mga lalaking nananakit sayo. Halata tuloy sa mata mo," saad niya habang titig na titig sa aking mata.

"Two minutes," malamig kong wika. I stared at him coldly.

There's a sudden flash of pain inflicted into his eyes. But he still managed to smile.

"Ayaw mo bang umupo?"

"Your two minutes starts now."

"Marami akong sasabihin, kaya umupo ka na rito sa harap ko." Hindi iyon utos kundi pagmamakaawa. Kita ko ang takot mula sa kan'yang ekspresyon.

Saan ba siya natatakot?

"Takot akong ipagtabuyan mo," aniya na nakasagot sa tanong na nasa aking utak. Paulit-ulit itong huminga na para bang nawawalan ito ng malalanghap na hangin.

Hindi ko na naiwasang mabahala. Naglakad ako papunta sa mesa at umupo sa upuang nakaharap sa kan'ya. Tanging mesa na lamang ang nagsilbing harang sa aming dalawa.

"Magsalita ka na," sagot ko habang nakatingin sa kan'ya.

My heart, please be still.

My brain, please function well.

"Nanginginig ka," puna niya. He's staring at my hands. Mabilis kong itinago ang kamay ko mula sa mesa at ipinatong ito sa aking mga binti.

"Gusto mo ba talaga akong umalis ngayon?"

I look at him.

Gusto ko nga ba?

Kanina oo, pero ngayong nakikita ko ang lungkot niya, hindi na ako sigurado.

Slowly, I shake my head no. Then I pause and shake my head yes. Then I pause again and just shrug. He smiles endearingly, completely understanding my confusion.

I exhale deeply. Kanina pa pala ako hindi humihinga dahil sa kaba.

"I hate you," I blurted suddenly. Yaon ang unang lumabas sa aking bibig. Imbes na sa utak ko lang sana iyon, naibulalas ko na pala.

He nodded. "Alam ko."

"I hate you too much." This time, I wanted him to hear me.

"Alam ko. Alam na alam ko. I can see it into your eyes. I guess today is one of the days I was hurting, so I forced Artemis to give me your address. I didn't think this through or come up with any kind of speech. I just did what my heart needed me to do, which was to see you and tell you the truth. It's better for me to show up now."

Hindi ako sumagot.

"Squash," he whispered. He said my screen name so softly I'm not even sure if his mouth moves. For the first time, I saw Five in him.

Punung-puno ng katanungan ang utak ko at ang puso ko ng pagkalito.

I'm stupid.

I'm a stupid, stupid girl.

"I'm sorry Squash. I'm sorry Sette."

Sette.

Squash.

It hurts.

"Hindi ko ginawa 'yun para pagmukhain kang tanga. Noong una, hindi talaga kita kilala, wala akong ideya kung anong mukha mo o kung sino ka. Basta ang alam ko lang, kung ano ang mga nararamdaman mo."

Huminga muna ito bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Una kitang nakita sa jeep. Naalala ko pa, hindi ten pesos ang ibinigay mong pamasahe."

Natawa siya kaunti, para bang bumabalik sa diwa niya ang una naming pagtatagpo.

I bit my lower lip to prevent myself from crying. Dapat natatawa ako ngayon kasi nakakatawa naman talaga 'yun. Sinong matinong tao ang magbibigay ng piso kapalit ng sampu?

"Pero hindi ko pa noon alam na ikaw at si Squash ay iisa. Not until you told me what your stepbrother did. I was frantic back then. Nang sinabi mong nasa simbahan ka ng LB, pumunta ako nang 'di ako nagdalawang-isip."

Bumalik ang mga alaala ko noong araw na 'yun. Akala ko nakatulog lang talaga siya sa may simbahan. Akala ko coincidence lang na lagi ko siyang nakikita.

Why did I fail to noticed it?

"Gusto kong magpakita sayo, pero naisip ko ang kalagayan ko. I'm sick and nearly dying. Kaya kahit gustung-gusto kong magpakilala, hindi ko magawa."

He breathe heavily.

"Paano naman ako magsisimula kasama ka kung alam ko rin na hindi ako magtatagal? Paano kita lalapitan kung sobrang komplikado ng kalagayan ko? Paano maaatim ng konsensya ko kung makita mo ako na unti-unting nalalagas?"

Fresh tears flow from my eyes.

"Kahit gusto ko nang magpakilala, hinihila ako ng sakit ko. Mas gugustuhin ko na lang na bigyan ka ng saya kaysa panibagong sakit. Pinilit kong ipagamot ang sarili ko para balang-araw, kung buhay pa ako, makakapagpakilala rin ako sayo."

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Tumingin pa ako sa taas upang pigilan ang mga panibagong luha. Pagkatapos nito ay muli akong tumingin sa kan'ya.

"Patawarin mo sana ako, dahil sa hindi ko pagsasabi sayo nang totoo. Even though I should probably feel a world of guilt, I don't regret a single minute I spent with you. All those feelings I said to you are genuine."

He paused, his eyes begin to mist, then look up to stop himself from crying and gaze at me, before he continued. "I often tell you jokes, but I can't joke about how I feel."

I shake my head and talked. "I don't know. The saddest thing about all this is the fact that I was lied to, Winther. If you had told me the type of person you really were from the start, I would have forgiven you for every other mistake that you would have committed," my voice cracked.

He nodded, accepting the words I'm saying.

I continued. "But how can I forgive someone for lying about their being in general? How can my soul forgive someone who I thought I knew seconds ago only to find out that they were never really who they are. There was just a veil that covered the real you. You're a liar Winther. You lied to me."

His eyes shed a tear but he immediately wiped it through his palm. Walang nagbago sa mukha niya ngunit ang pagpatak ng kan'yang luha at paglunok niya ay tanda na nasasaktan siya.

"I'm sorry," he repeated sincerely, his voice is low.

"Matutulog na ako kung wala ka nang sasabihin." Kahit hindi ko alam kung makakatulog ba pa ako. Gusto ko lang umalis sa sitwasyon na ito.

"Pakinggan mo muna ako. Impromptu lahat ng sasabihin ko ngayon kaya nangangapa ako ng mga salita. Gusto kong lahat ng sasabihin ko, maiintindihan mo," sagot niya, nagsusumamo.

Inalis ko ang mga titig ko mula sa kan'ya. Hindi ko talaga kayang nasa tabi niya at nakatingin siya sa akin. Baka masabi ko pa na napatawad ko na siya.

Tumayo ako.

Nagulat ako sa biglang pagtayo niya at paghila sa aking palapuspusan. He gripped it tightly. Napatingin ako sa kan'ya at sa aking kamay tapos sa kan'ya ulit.

He also looked surprise. Agaran niya itong binitawan. "Sorry, para kasing paalis ka. Huwag ka munang umalis."

I shook my head. "Hindi kita kayang harapin. Stay here if you want, lock the door if you leave."

Umalis ako mula sa mesa at tinalikuran siya.

"Sette." He called me, I paused. "Nandito na tayo, bakit ka pa tatakbo palayo?"

Kasi kung hindi pa ako lalayo sayo, baka mabigkas ko ang mga salitang hindi ko dapat sabihin ngayon sayo. At baka yakapin kita at ibulong ang mga salitang nadarama.

"Balik ka na lang kung hindi ka na iiyak sa harap ko," saad ko nang 'di siya nililingon. Dumeretso ako sa aking kwarto at iniwan siya sa kusina.

My heart.

Shit.

Did I say na babalik siya?

Pagkasara ko ng pintuan, sumandal ako rito. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagkaharap kami. Hindi pa rin ako makapaniwala na umiyak ako sa kan'yang harapan.

Crap!

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang makarinig ako ng katok. Mabilisan akong umalis sa aking pagkakasandal mula sa pintuan.

"Sette, nawalan na ako ng load pangtawag sayo, lumabas ka na lang. Hindi pa tayo tapos mag-usap!" sigaw ni Winther. His tone seems frustrated.

Hindi ko alam kung matatawa ako kasi nawalan siya ng load o maiinis ako dahil sa kabila ng pagsisinungaling niya, nagagawa pa rin niyang magbiro.

Naglakad ako papunta sa aking kama, malapit sa may bintana.

"Hindi na ako iiyak! Pangako! Lumabas ka na! Kung ayaw mo lumabas, sige, pagbibigyan kita ngayon. Pero buksan mo ang account mo!"

Alam kong sa wattpad ang tinutukoy niya.

Kahit nalilito na ako sa nangyayari, binuksan ko pa rin ang account ko.

A message from Five.

FIVEMONTHS: Alam ko na mukhang katangahan 'to, dahil nasa iisang bubong tayo pero ayaw mong makipag-usap kaya ito na lang. Hindi rin naman ako p'wedeng nakasigaw na lang.

FIVEMONTHS: Why are you even holding back?

FIVEMONTHS: Kita ko sa mga mata mo. Napatawad mo na ako Sette.

FIVEMONTHS: I saw how your eyes look at me. You may hate me, but you can't deny the fact that you also feel the opposite of it.

FIVEMONTHS: Oo, ako at si Five ay iisa. Aaminin ko, patawad.

FIVEMONTHS: But every word that came out of my mouth in your presence beyond that was the absolute truth.

FIVEMONTHS: Nagsinungaling man ako sayo tungkol sa kung sino ako, beyond that, wala na akong sinabing hindi totoo.

FIVEMONTHS: When I said I like you, I meant it.

FIVEMONTHS: Noong sinabi kong maganda ka at kayang-kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa, I meant it.

FIVEMONTHS: Absorb these words. Gusto kong tumagos ito sa utak at puso mo. I want them to stain your soul, because these words are the most important.

FIVEMONTHS: Natatakot ako. Natatakot ako na ang pagsisinungaling ko sayo ay magbubunga nang 'di mo ulit pagtanggap sa iyong sarili. Natatakot ako na ang pagliwanag ng buhay mo noong magkasama tayo ay bigla ulit mawawalan ng ilaw.

FIVEMONTHS: Habang itinatago ko ang pinakamalaking katotohanan sayo, may isang bagay na tunay at tapat kong ipinadama at sinabi sayo, 'yun ay ang nararamdaman ko.

Panibagong luha ang muling lumandas sa aking pisngi. Walanghiya talaga, ano bang nakakaiyak dito sa pinagsasabi ng lalaking 'to?

FIVEMONTHS: And yes, you have scars, you have a dark past. But I saw the real you. And I'm sorry for being a jerk, for lying my identity.

FIVEMONTHS: Kaya lumabas ka na.

FIVEMONTHS: Kalabasa, balik na tayo sa dating tayo.

FIVEMONTHS: Gusto ko nang mabuhay kasama ka.

FIVEMONTHS: Kahit hindi ka lalabas ngayon, mangungulit pa rin ako bukas.

SQUASH: Hindi kita haharapin bukas.

FIVEMONTHS: Sa tingin mo titigil ako?

SQUASH: Oo. Susuko ka rin.

FIVEMONTHS: Nalagpasan ko ang kamatayan nang ilang beses, sa tingin mo susuko ako ngayon sayo?

FIVEMONTHS: I'm not going to act like I won't be sitting at the Zentner show for hours upon end, hoping you walk through the hallway and talk to me.

FIVEMONTHS: Guguluhin kita sa trabaho mo.

FIVEMONTHS: I did the same. Naalala mo noong umuulan, pareho tayong basa? Ginulo na kita noon. Nagawa kitang pasakayin sa motor ko dahil sa pangungulit ko, sa tingin mo 'di ko 'yun kaya ngayon?

FIVEMONTHS: Kung hindi ka magpapakita ngayon, nandito ako ulit bukas. O kaya ay sa susunod na bukas. O sa susunod pa.

FIVEMONTHS: Everyday, I'll wait for you, hoping one day you'll be able to find enough forgiveness to trust me again. But if that doesn't happen and you never show, I'll still be grateful to you until the day that I die.

SQUASH: Sa tingin mo natutuwa ako?

FIVEMONTHS: Alam kong 'di ka natuwa sa 'die' kasi takot kang mawala ako.

SQUASH: Umalis ka na riyan sa pintuan.

FIVEMONTHS: Wala na ako sa pintuan mo. Nakaupo ako sa may sala.

FIVEMONTHS: (^___^)

FIVEMONTHS: Gusto mo bang diyan ako sa pintuan? Susunod ako.

SQUASH: Layas.

FIVEMONTHS: ♡♡

FIVEMONTHS: Dalawang puso para sa....

FIVEMONTHS: MAHAL KITA.

My stomach churned. His words affect me too much, na pati puso ko ay waring gugustuhing lumabas mula sa aking dibdib. The beats of it are no longer synchronize.

FIVEMONTHS: ♡♡

FIVEMONTHS: Three hearts para sa...

FIVEMONTHS: Teka, kulang ng isa. Pasensya medyo nasabit.

FIVEMONTHS: ♡ oh, ayan, para kompleto.

FIVEMONTHS: Three hearts for...

Nag-iinit na ang mukha ko. Hindi dapat ganito. Dapat galit ako sa kan'ya, at ang mga salita niya, dapat 'di ako maapektuhan.

Nag-antay ako ng message ngunit wala. Akala ko wala nang katuloy ngunit nakarinig ako ng sigaw.

"I".

"LOVE".

"YOU!" sigaw iyon mula sa labas. Sigurado akong rinig iyon mula sa kapitbahay.

Shit. Baliw ba 'tong taong 'to? Kailangan isigaw?

SQUASH: Damn you. Huwag ka ngang sumigaw!

FIVEMONTHS: Sabi ko sayo hindi ba? Gusto ko marinig mo mula sa akin mismo para dama. Approve ba?

FIVEMONTHS: (^____^)

SQUASH: Mukha kang tanga. Alam mo 'yon? Tigil-tigilan mo ako dahil wala tayo sa isang nobela o drama.

FIVEMONTHS: Awww. Hindi ka man lang naapektuhan? Huhuhu.

SQUASH: Look, I really don't wanna see you today. Kaya umalis ka na.

FIVEMONTHS: Labas ka na, hindi ako p'wedeng sumigaw nang matagal.

What the hell. Bakit ba ganito? Bakit ang hirap magalit sa kan'ya? Kanina lang galit na galit ako, to the point na gusto ko na siyang bigwasan at ibitin patiwarik.

SQUASH: Layas na kasi!

FIVEMONTHS: Mamaya. Nakatitig pa ako sa picture mo.

SQUASH: Alis sabi eh!

FIVEMONTHS: Ang ganda mo sa picture.

SQUASH: Buwisit ka. Umalis ka na!

FIVEMONTHS: Namimis ko na ang 'buwisit' mo♥.

SQUASH: Hindi kita mapapatawad.

This is insane. I'm insane. This is ridiculous! Labas na sa ilong ang pinagsasabi ko. How can he manage to give me a roller coaster of emotions in just a day?!

FIVEMONTHS: Hindi mo ba naalala? I'm good at codes. Pero hindi lang sa mga numero, I'm good at deciphering people's faces and emotions. Masiyado ka lang naguguluhan ngayon, pero alam kong mapapatawad mo rin ako.

SQUASH: Umalis ka na lang.

FIVEMONTHS: Gabi na : (

FIVEMONTHS: Baka kunin ako ng alien:(

FIVEMONTHS: Wala ka na mamayang papakasalan.

FIVEMONTHS: Sobrang gabi na, ayaw mo ba akong manatili?

SQUASH: Kasalanan ko pa?

FIVEMONTHS: Hindi ka ba nag-aalala sa akin?

SQUASH: Bakit ka ba kasi pumunta rito nang wala sa oras?

FIVEMONTHS: Nag-aalala ka nga?

SQUASH: Wala akong panahon makipaglokohan sayo.

FIVEMONTHS: Mali ang sagot mo.

SQUASH: Bahala ka na kung anong gusto mong gawin!

FIVEMONTHS: P'wedeng nakawin ang picture na nakapaskil dito sa dingding mo?

SQUASH: Subukan mo lang.

FIVEMONTHS: Ang ganda kasi talaga. Haha. Para hindi na kalabasa ang lagi kong nakikita, kunin ko na lang.

SQUASH: Umuwi ka na.

FIVEMONTHS: Dito na ako sa sala matulog. Ang ganda ng view.

Napapikit ako sa inis. Hindi ko naman siya pinapaalis kasi galit ako. Pinapaalis ko siya dahil natatakot akong atakihin siya ng sakit. Baka hindi ko siya kayang gamutin.

SQUASH: Balik ka na lang kung malamig ang ulo ko. Parang awa mo na, gulung-gulo na ako. Ang dami nang nangyari, nahihirapan na akong i-absorb lahat.

FIVEMONTHS: Gusto mong yakap para 'di ka na maguluhan?

FIVEMONTHS: Send (virtual hug).

FIVEMONTHS: (つ ͡° ͜ʖ ͡°)つ

FIVEMONTHS: Mas okay sana kung yakap ko mismo, para dama mo.

FIVEMONTHS: Labas ka muna.

SQUASH: Humihingi ka ba talaga ng tawad? Kasi pakiramdam ko pinaglalaruan mo na naman ako!

FIVEMONTHS: Hindi ka laruan para paglaruan.

FIVEMONTHS: Pero oo, humihingi ako ng tawad. Pero hindi lang ngayon ang araw Squash. Marami pang araw na hihingi ako ng tawad. Mapursigi akong tao.

Mag-re-reply na sana ako nang may marinig akong busina ng sasakyan. Napatingin ako mula sa bintana. Tanaw ko ang isang sasakyan na malapit sa street light.

Sino 'to?

Tatayo na sa ako mula sa kama nang may message ulit si Winther.

FIVEMONTHS: Busina ng sasakyan ni Ate. Nagpasundo na ako. Hindi pa kasi tayo magsama lalo na at 'di pa tayo kasal.

SQUASH: Screw you. Tigilan mo nga ako.

FIVEMONTHS: I won't. And I won't say sorry for being like this.

SQUASH: Lock the door.

FIVEMONTHS: Plano ko sanang mag-stay, pero ayaw ko namang guluhin ka talaga.

FIVEMONTHS: I'll give you time to process everything Squash.

FIVEMONTHS: Ako na mag-lock ng pinto.

Pagkatapos ng message na iyon, wala nang kasunod. Narinig ko na lang pagbukas ng main door mula sa labas.

I looked out at the window. I saw him walking towards the car. Bago pa man ito sumakay, tumanaw muna siya rito sa puwesto ko. Hindi ako nagtago, at hindi rin ako nag-iwas ng tingin.

He smiled endearingly, then he raises his two hands and wave them. Ilang segundo pa, ibinaba na rin niya ang mga ito saka sumakay.

A tear escape from my eyes.

Kinapa ko sa aking dibdib ang sakit na naramdaman ko kaninang una ko siyang nakita, wala na. They are all gone. Ganito ko ba siya kabilis napatawad?

And before the car started, I received a message.

FIVEMONTHS: This is just the beginning of our new life Squash. This is the beginning of my book, Writer's Hour season two. Every hour is now considered 10 o'clock, our hour.

At bago mawala ang sasakyan sa aking paningin, may huling tatlo pa itong mensahe.

FIVEMONTHS: Araw-araw mo na akong makikita. Handa na akong yakapin ang bukas na naghihintay sa atin:)

FIVEMONTHS: I am tired of expectations, of what its, of have to's. I want to break the rules, to break the mould set by others. I want to be intertwined with your soul Sette, feeling every word you whisper radiate through me. I want to be the exception-to build a love we want. I want honesty. I want to laugh under your comments, feeling the joy of my inner child emulate through me. I want to laugh until I can't breathe, feeling the joy between our two souls. I want to know you, all sides of you. I sincerely feel sorry for lying.

FIVEMONTHS: I felt alive because of you, thank you for that. Mahal kita, hindi forever, kundi mahal kita, walang timeframe. Goodnight Squash♡: ) .

And just that, all the pains and scars he caused suddenly fades away.

Muli niya akong binuo nang sobrang bilis.

######

Continua llegint

You'll Also Like

20.1K 625 29
It all started with a suicide. Now, Blythe and her friends find themselves as pawns in a psycho's deadly game. Who can she trust when her own friends...
87.9K 7.5K 38
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
My Suicidal Girl Per soju

Literatura romàntica

7.6K 656 17
Isang kasunduan ang namagitan kina Alonzo at Celestina noon na kapag lumipas ang limang taon at wala pa rin silang ibang mahal ay magiging sila na. N...