When the Princess in Disguise...

Por ExceptionalReasons

1.3M 14.3K 312

What will happen if the Princess in Disguise meets the Arrogant Prince and they are the opposite of each othe... Más

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince
Chapter 1: She meets him
Chapter 2: Meeting him again
Chapter 3: Confrontation
Chapter 4: Wake up Czarina
Chapter 5: The Phone Conversation
Chapter 6: First day of work with my Arrogant Boss
Chapter 6.1: The continuation
Chapter 7: A new friend of mine
Chapter 8: Employer - Employee Date
Chapter 9: Consequence
Chapter 10: She reminds me of her
Chapter 11: Face Your Consequence
Chapter 11.1: Face Your Consequence II
Chapter 12: Sorry - Get lost
Chapter 13: A Special Presentation
Chapter 14: Don't mess up with my Girlfriend
Chapter 15: I smell something fishy
Chapter 16: Your consequence is now over
Chapter 17: Mr. Arrogant turns to be Mr. Sungit - Cold
Chapter 18: She's unpredictable
Chapter 19: Birthday Gift
Chapter 20: Like or Love?
Chapter 22: Decision
Chapter 23: Shaomei's POV
Chapter 24: Resignation letter
Chapter 25: Going Home
Chapter 26: Missing you
Chapter 27: Meet my Sister
Chapter 28: I'm Jealous
Chapter 29: I'm courting you
Chapter 30: Will you be my Infinity?
Chapter 31: They already know
Chapter 32: Meet your Fiancee
Chapter 33: I still love you
Chapter 34: Our Second and Last monthsary
Chapter 35: My past is back, My present is gone
Chapter 36: The Debutante
Chapter 37: We both need time
Chapter 38: One week after
Chapter 39: New Comer
Chapter 40: She's Pregnant

Chapter 21: Insecurities

16.2K 322 5
Por ExceptionalReasons

Jaeger's POV

I'm bored. Ano ba ang dapat gawin kapag Sunday? Hmm. Matanong na nga lang kay Pagong tutal naman scholar siya at mahilig mag-isip kaya masasagot niya ang tanong ko.

Kinuha ni Jaeger ang kanyang cell phone at dinial ang number ni Czarina.

"Pagong!" Sigaw ni Jaeger sa kabilamg linya.

"Hindi ako bingi! Ano bang kailangan mo? Ang aga-aga nag-sasayang ka ng load."

"Ano ba ang dapat gawin kapag Sunday?"

"May utak ka ba? Valedictorian ka pa naman ng room niyo nung wala pa ako tapos tatanungin mo ako ng kay simpleng-simpleng tanong."

"Sagutin mo na lang kasi ang tanong ko."

"Hindi ka ba nag-sisimba?"

"Nag-sisimba."

"Ilang beses?"

"Ngayong taon na ito?"

"Ilang beses kang nag-simba simula nung pinanganak ka?"

"Kala ko ba matalino ka? Wala ka namang common sense."

"Ano?!"

"Paano ka naging scholar kung ganyang klaseng tanong ang tinanong  mo sa akin?"

"At bakit mo yan nasabi?"

"Sino naman kasing bata ang nakaka-alam o nakaka-alala ng mga nangyari sa kanya simula ng pinanganak siya?"

"Ewan ko sayo. Ibababa ko na ito. Inaantok pa ako."

"Sagutin mo muna ang tinatanong ko sayo."

"Mag-simba. Kung nandito ang Mama't-Papa mo, kumain kayo sa labas. Manood ng sine o mamasyal."

"Wala sila dito. Alam mo naman yun."

"Girlfriend, Jaeger. Ask one of your girlfriend."

"Wala ako nun."

"Eh di yung taong espesyal para sayo. Babay! Matutulog na ulit ako." Pabagsak na binaba ni Czarina ang phone. Muli siyang pumikit at bumalik sa pag-katulog.

Jaeger's POV

"Eh di yung taong espesyal para sayo."

Sino naman kaya ang espesyal na tao para sa akin? Siya ba? Anong idadahilan ko sa kanya? Bahala na. Hindi na ako mag-tatanong pa. Gusto ko siyang makasama ngayon. Mapuntahan na nga siya.

Czarina's POV

Ano bang nangyayari kay Jaeger? Ang aga-aga nag-tatanong ng walang kakwenta-kwentang bagay. Akala ko pa naman mag-yayaya siyang lumabas. Tss! Assuming ka masyado Czarina. Matulog ka na nga lang ulit. Monday na bukas may pasok ka pa.

Pinikit ni Czarina ang mga mata at bumalik sa pg-tulog. Nasa kalagitnaan na siya ng kanyang panaginip ng may maramdaman siyang tumutusok sa pisngi niya. Sa pag-aakalang ito ay isang insekto lamang ay hinampas ni Czarina ang kanyang pisngi. Ni hindi man lang nito binuksan ang kanyang mga mata nang dahil sa labis na antok.

"Czarina~ Pagong! Hoy, tulog mantika ka talaga."

Muling kinalabit ni Jaeger si Czarina. Ngunit hindi pa rin gumigising si Czarina kaya nilapit ni Jaeger ang kanyang labi sa tenga ng dalaga at sinigawan niya ito.

"Czarina! May sunog!"

Dali-daling dumilat ang mga mata ni Czarina at bumangon agad ito.

"Sunog! Saan? Tubig! Kailangan natin ng tubig!" Nang dahil sa inalimpungatan ito sa pag-sigaw ni Jaeger ay nataranta ang kagigising lang na dalaga.

"Pfftt! Hahaha. Para kang tanga!"

Saka lang napag-tanto ni Czarina na wala naman pala talagang sunog at pinag-tritripan lang siya ni Jaeger.

"Tawa pa! Sige galing-galingan mo sa pag-tawa."

Nang dahil sa nakikitang reaksyon ni Jaeger sa mukha ni Czarina ay mas lalo siyang natawa.

"Pucha! Tumawa nga. Tss! Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?"

"Ikaw." Kinindatan ni Jaeger si Czarina at nilabas nito ang kanyang killer smile.

"A-anong ako?" Nauutal na wika ni Czarina.

"A-ano..."

"Ano?" Namumula pa rin ang mukha ni Czarina dahil sa sinabi ni Jaeger kanina.

Napakamot si Jaeger sa kanyang noo at nahihiyang tingnan si Czarina. "L-lab-laba——-. Tumayo ka dyan! Ayusin mo ang sarili mo at aalis tayo." Tinalikuran na ni Jaeger si Czarina at nag-tungo na sa pintuan para lumabas.

"Bakit ba kasi?"

Humarapnsi Jaeger kay Czarina at nakakunot noo ang binata. "Huwag ka ngang umangal kung ayaw mong mabawasan ang sweldo mo."

"As if naman ikaw nag-papasweldo sa akin. Ang kapal." Nag-make face si Czarina at ginaya-gaya ang sinabi ni Jaeger. "Wag ka ngang umangal kung ayaw mong mabawasan ang sweldo mo."

"May sinasabi ka ba?"

"Meron ba?"

"Tingin mo? Bilisan mo na nga! Ang tagal mo! Huwag mo akong pag-hintayin. Assistant lang kita. Tandaan mo iyan. Kaya huwag mo akong kakalabanin."

Walang nagawa si Czarina kaya inayos na nito ang kanyang sarili at dumiretso na siya sa baba.

"Manong Henry nasan po yung sasakyan?"

"Parating na po."

"Manong, huwag niyo na po papuntahin ang sasakyan dito." Pag-kontra ni Czarina kay Jaeger.

"At bakit? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

"Mag-kocommute tayo. Halika na."

Hinawakan ni Czarina ang kamay ni Jaeger at hinala niya ito patungo sa pampublikong sakayan.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa s-simbahan?"

"Sa Baclaran Church tayo mag-simba. Maganda doon. Ayon na ang bus, tara na sumakay na tayo." Hinawakan ni Czarina ang kamay ni Jaeger at hinila niya ito papasok sa loob ng bus.

First time ni Jaeger makasakay sa isang pampublikong bus kaya hindi siya mapalagay. Sa tingin niya ay nahihilo siya. Napansin iyon ni Czarina kaya tinanong niya si Jaeger kung okay lang ito. Sumagot si Jaeger ng Oo kaya pinabayaan na niya ito. Tumingin-tingin na lang si Czarina sa mga lugar na nadadaanan nila. Bigalng nag-lean si Jaeger kay Czarina. Ipinatong nito ang kanyang ulo sa balikat ni Czarina. Nang dahil sa pag-kabigla at pag-kagulat ay lumaki ang mga mata ni Czarina.

"J-jaeger a-a-anong?" Namumula ang pisngi ni Czarina dahil sa posisyon nila ngayon.

Humikab si Jaeger saka pinikit nito ang kanyang mga mata. "I want to stay like this forever. Huwag mong tatanggalin ang ulo ko sa balikat mo ha. Pag-bigyan mo ako... maski ngayon lang."

Tiningnan ni Czarina ang pag-mumukha ni Jaeger at nakita niyang nakapikit na ang mga mata nito at mahimbing na natutulog.

Nakarating na sila Czarina sa Baclaran Church kaya ginising na niya si Jaeger. Nang dahil sa kakagising lang ay nag-patianod na labg siya sa hatak ng dalaga.

"Czarina. Ahmm.... dito ba talaga tayo? Sure ka ba? Marami pa namang simbahan diyan."  Inilibot ni Jaeger ang tingin sa paligid at nakits niyang napaka-daming tao at masisikip na daan dahil na rin sa nag-kalat ang nga stall/karitong ng tindero't tindera.

"Oo. Sure ako."

"Hindi ba delikado dito? Maraming tao." Nsg-aalala si Jaeger sa kanyang nakikita. Ito kasi ang una niyang karansan na makapunta sa ganoong lugar.

"Hindi. Makikipag-siksikan tayo sa kanila."

Hinawakan ni Czarina ang kamay ni Jaeger at sumugod na sila sa maraming tao.

"Humawak ka sa akin ng mabuti para hindi ka mawala."

Sa awa ng Diyos ay nakarating sila sa loob ng simbahan ng matiwasay. Umupo na sila sa bandang gitna dahil nag-umpisa na ang Misa.

"Peace be with you." Wika ni Father.

Nag-sabi si Czarina ng peace sa mga taong humarap sa kanya.

"Peace be with you." Hinalikan ni Jaeger ang pisngi ni Czarina.

Nang dahil sa pag-kabigla ay namula ang pisngi ni Czarina. "P-peace?"

Natapos na ang Misa at napag-pasyahan ng dalawa na pumunta sa Ayala Mall. Kumain sila doon at nag-libot-libot.

Czarina's POV

Ang dami namang tumitingin sa amin. Nakakahiya naman, center of distraction kami. Naman kasi! Si Jaeger Bustamante kasi ang kasama ko.

Nag-ikot-ikot pa sila Czarina hanggang sa nakarating sila sa Garden part ng Mall.

"Ang ganda dito noh"

"Oo. Nakakawala ng stress. Nakaka-relax."

Nahinto sa pakikipag-usap ang dalawa nang may mgs nag-silapitan sa kanila ni Jaeger.

"Ahmm. Excuse me. You're Jaeger Bustamante, right?"

"Yes, Miss. What can I do for you?"

Nanginig sa kilig ang isang babae dshil sa sumgot si Jaeger sa katanungan ng kasama niya. "Oh, my~ He answered you Girl."

"You're so lucky~" Inggit na wika ng isa.

"Ahmm... Can you join us?" Ngumiti ng malapad ang babaeng unang nag-tanong ksy Jaeger.

"Pagong, sama tayo sa kanila?"

Hindi umimik si Czarina kaya umepal si Girl one.

"Jaeger, she's not allowed." Wika ni Ate Girl number one.

"If she's not allowed to join us, it means that I'm not allowed too."

"Jaeger, you're allowed to join us but———"

Hindi na pinatapos ni Jaeger ang sasabihin ng isang babae. "Sorry Girls but I've changed my mind. Hindi na ako sasama."

"But why? She's not your Girlfriend naman."

"She's only a PA."

Uminit ang dugo ni Czarina ng marinig niya iyon. Susugurin na sana niya ang tatlo ng iniharang ni Jaeger ang kanyang kamay sa harap ni Czarina.

"Well... you're wrong." Hinila ni Jaeger si Czarina at nilagay nito ang kanyang kamay palibot sa waist line ni Czarina.

"SHE IS MY GIRLFRIEND. Hindi ko siya iiwanan. Hindi ko siya ipag-papalit sa inyo."

Nagulantang si Czarina sa kanyang mga narinig kaya hindi niya namalayang hinatak na siya ni Jaeger papalayo sa tatlong babae.

Sa pag-libot-libot nila ay ganun na lang ang nangyayari. May lalapit kay Jaeger, yayayain nila ito at tatanggihan naman sila ni Jaeger.

Czarina's POV

Grrr! Nakakainis na yung mga babaeng iyon. Lapit ng lapit kay Jaeger. At ang mas lalong nakakainis ay mas maganda, sexy pa sila kaysa sa akin. Higit sa lahat puro mayayaman. Grrr! Sige lumapit pa kayo kay Jaeger at makakatikim kayo ng kagat ng mabagsik na si Czarina. Na-iinsecure ako.

"Uy! Pagong, anong problema? Mukhang ang lalim ng iniisip mo."

"Aaahh... kasi..."

"Patungkol ba kanina?"

Kinagat ni Czarina ang ibabang labi. Pinag-lalaruan niya ang kanyang mga daliri na tila ba ay kinakabahan. "Pwede mo naman akong iwan. Kaya ko naman umuwing mag-isa."

"Masanay ka na. Gwapo ang kasama mo, mayaman, matalino, sikat at higit sa lahat habulin ng mga babae."

"Tss! Kaya nga dapat sumama ka na sa kanila. Ayaw mo nun? Ang gaganda at ang sesexy ng mga makakasama mo. Mayaya——"

Pinutol ni Jaeger sng sasabihin ni Czarina. "Bakit naman ako sasama sa kanila? Hindi naman sila ang kasiyahan ko. Wala sa kanila ang kaligayahan ko. Hindi din ako mag-eenjoy kapag sumama ako sa kanila."

"Anong ibig mong sabihin?"

Huminga ng malalim si Jaeger. Masinsin ang pag-kakatingin niya sa dalaga. "Czarina, huwag kang ma-insecure sa kanila. You are better than them, much better. Hindi ako sasama sa kanila ng hindi ka kasama. Ikaw ang pipiliin ko kaysa sa kanila."

"I am much better than them? Malabo na ba ang mga mata mo? "

"No. You're plain, simple. But I kinda like it anyway." Ngumiti si Jaeger saka ginulo ang buhok ni Czarina.

"P-pi-pinag-tritripan mo na naman ba ako?" Namumula si Czarina dahil sa mga sinabi ni Jaeger.

"Seryoso ako sa sinabi ko Czarina. Mas pipiliin kita kaysa sa kanila. Alam mo kung bakit? Nasa sayo kasi ang hinahanap ko."

Hinawakan ni Jaeger ang chin ni Czarina at marahan na inangat.

"Nasa sa'yo na ang lahat. At wala na akong hahanapin pa."

Seguir leyendo

También te gustarán

3.2M 26.3K 81
Started revision. Expect changes like; scenes, names, etc. Revision will be like an update, maybe once a week or twice. Leave new comments for revise...
21.4K 489 12
Kung may "male chauvinist pig" si Kaira Pelaez ang female version niyon, ang sikat na weather girl ng NBB Network. Yun naman ay nag-ugat lamang dahil...
286K 3.3K 59
Hindi ako maganda , DYOSA ako. Hindi ako matalino, GENIUS ako. Hindi ako maldita, BITCH ako. Huwag ka nang umangal, basta sadyang pinagpala lang ako...
32.9K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...