The Billionaire's Adopted

By leexhian

323K 10.1K 1.1K

(Rating 16-18+) Malambing at masayahin si Alana. Ang kanyang ina ang tanging pinakaimportanteng tao sa buhay... More

AUTHOR'S NOTE
1 Knight In The Night
2 Scandalous
3 No Goodbyes
4 Acceptance
5 Etiquette
6 Abandoned
7 Noise and The Girl
8 The Letter
9 A Tactic?
10 Stray
11 Guilt
12 Guilty as Hell!
13 Alone But Still Lucky
14 Glance and there...
15 The Condition
16 Her New Home
18 Training
19 Call Me Your...
20 Enroll
21 She's Ready
22 Daddy's Identity
23 Struggle at School
24 Daddy's Friend
25 Two Daddies?!
26 "Karma"
27 Gossip
28-29 Training
30 Etiquette For A Reason
31 Reasoning
32 The Calm Before The Storm
33 The First Impression
34 Lies and Explanation
35 The Touch
36 The Mama
37 The Clueless Son
38 The Papa
39 Bewildered
40 Be Worried
41 Out of Focus
42 Sneaking Out
43 The Secret Party
44 Regret
45 Discipline
46 Dodging
47 Conscience
48 Boyfriend?!
49 Unexpected Encounter
50 Twinkle Night
51 Boring

17 Problem? Solve!

9.7K 324 47
By leexhian

[ALANA]

Bandang mga ala una na siya ng hapon nagising. Napasarap yata siya ng tulog. Sa lambot pa naman ng kamang hinigaan niya, parang naganahan yata magpahinga ang kanyang buong katawan.

Inunat niya ang kanyang katawan at naghanda. Pagkatapos niyang magsipilyo at maligo, lumabas siya ng kwarto. Oo nga pala, nasa trabaho pala si Roman kaya siya lang mag-isa sa bahay nito.

Bumaba siya at nag-ikot sa buong bahay. May swimming pool, hardin, at magarang sala. Napamangha siya sa nakita niya napakalaking telebisyon. May ganito pala kalaking telebisyon? Pansin din niya na ang mga kagamitan dito ay puro mga mahahalin. Halatang mayaman talaga si Roman. Sukat pa lang ng sala, mas malaki pa kesa sa bahay nila ng kanyang mama sa isla.

Sa kusina naman, may mga kagamitan na hindi niya alam at ngayon lang niya nakita. Binuksan niya ang napakalaking refrigerator at napauwang ang kanyang bibig sa dami ng laman sa loob. At may ice cream pa! Nakakatakam naman kumuha at kainin 'yan. Pero, huwag! Kailangan niya magtiis ng konti. Hanggang hindi pa nakakauwi si Roman, wala siyang gagawin dito sa bahay. Baka magalit 'yun sa kanya kapag may ginalaw siya dito kahit isa. Baka din paborito din nito ang ice cream, 'di ba?

Tutal siya lang naman mag-isa dito, kailangan may gawin siya. Kahit na libre siya dito sa bahay, dapat may gawin siya kaya naman ang gagawin niya siguro ay maglinis. Iyan ang una niyang gagawin para sa paguwi ni Roman, kita nito na malinis ang bahay.

Hinanap niya ang walis. Pero sa ilang minuto niyang paghahanap, wala siyang nakita kundi itong isang appliance na ngayon lang niya nakita. Binalewala niya ito at kinuha sa tabi nito ang isang malaking feather duster.

"Pwede na siguro ito. Sasabihin ko na lang mamaya kay Roman na bumili ng walis tambo."

Nagsimula na siyang maglinis. Maingat niyang nilinisan ang mga gamit sa sala at nagwalis gamit ang feather duster. Nahirapan siya ng konti pero kakayanin.

Pagkatapos niya sa sala, sumunod naman siya sa paglalaba. Kinuha niya ang ilang mga labahin pati na ang kanyang mga ginamit na mga damit para labhan. Nakatunganga lang siya sa harap ng washing machine. Tinuruan naman siya ni Aling Martha papaano gumamit nito pero bakit iba ang hitsura?

"Ano bang klaseng washing-washing ang nandito? Bahala na! Gagawa na lang ako ng paraan." Kaya naman naghanap siya ng palanggana, pumunta sa labas, kumuha ng sabon panglaba at solve ang kanyang problema!

Pagkatapos ng ilang oras ng paglalaba, nakaramdam na siya ng gutom. Binuksan niya ang ref at kumuha ng kanyang lulutuin. Ng natapos na siyang maghiwa at maghanda ng sangkap natigil na naman siya. Stove ba ito? Bakit wala siyang nakikitang gasul? At nasaan ang pihitan ng stove?

Napakamot siya sa ulo. Ano bang klaseng mga gamit ni Roman ang nandirito sa bahay? Halos lahat yata na nandito ngayon lang niya nakita. Hindi din niya alam papaano gamitin.

Kailangan niyang magisip ulit. "Aha! Alam ko na!" Dinala niya ang kanyang mga gamit papunta ulit sa labas ng bahay at ginawa ang kanyang plano.

Sabi nga: kung may gusto, may paraan. Kung ayaw, maraming dahilan.


[ROMAN]

Naabutan siya ng gabi sa pagaasikaso ng mga papeles. Kahit siguro magdamag siya nandirito sa kanyang opisina, hindi pa rin matatapos ang sandamakmak na trabaho. He can't complain. This is his life by the way. Better not be lazy.

Inayos niya muna ang mga nagkalat na mga papel sa lamesa at isinuot ang kanyang coat. Kailangan na niyang umuwi para makapagpahinga. Nakakaramdam na rin siya ng sakit sa katawan lalo na sa kanyang likuran. Pag nagkaka-edad nga naman.

Oo nga pala, hindi na pala siya nagiisa sa bahay. Nang makita niya muli ang anak ng lalaking tinakbuhan siya sa pagkakautang nito, hindi na siya nagatubili pang kunin ito at patirahin sa bahay. This is the first time na may kasama siya o pinatira sa bahay. Many of his ex-girlfriends and former dates na gustong pumunta sa kanyang bahay pero pinagbawalan niya lahat because that is the only place na may privacy siya.

Labag man sa kanyang loob at anak pa mismo ng lalaking iyon ang babae, responsibilidad na niya ito at ayaw niyang dalhin ng kanyang konsensya kung may mangari man rito. That's why he made a big decision to took her home. He also promised na pagaaralin niya ito. Total, ito naman talaga ang pakay ng babae kung bakit pumayag ito sumama sa ama. Malaki man ang kasalanan ng ama nito sa kanya, sinasantabi na lang niya ang galit na 'yun at pinalitan ng awa at charity para sa babaeng 'yun.

He can also tell thaty she's so innocent and naïve. Hindi nito alam anong tama at mali at hindi nito minsan mahahalata ang mga totoong intension ng mga taong nakapaligid nito. Madaling magtiwala sa hindi kakilalang tao at hindi nito minsan naiintindihan ang sinasabi niya.

Bukod pala sa pagaaral nito, kailangan din niyang turuan ito papaano ang basic psychology. She may be eighteen years of age pero marami pa itong dapat malaman at matututunan sa buhay. He understand because lumaki ito sa isang lugar na malayo sa buhay na masyadong toxic.

Palabas na siya ng building at tinungo ang kanyang sasakyan. Ilang minutong biyahe at traffic, nakauwi na rin siya sa wakas. Maga-alas siyete pa naman so marami pa siyang magagawa pagkauwi niya sa bahay. Ano na kaya ang ginagawa ng babaeng 'yon habang wala siya?

Pagpasok niya sa loob, pansin niya na nakabukas ang ilaw ng buong bahay. This is it. It's confirmed na may housemate na siya.

Pinarada niya ang kotse at pumasok sa loob. Umupo muna siya sa sofa at ipinikit ang mga mata para makapagpahinga ng konti. He's so tired from work.

Habang nakapikit ang kanyang mga mata, napapansin niya na wala siyang naririnig na ingay o kaya naman si Alana. Napamulat siya ng mga mata at tumayo. Teka, nasaan nab a ang babaeng 'yun? Hindi ba nito alam na nakauwi na siya?

Ginaya niya ang pangin sa paligid. Maayos naman ang bahay at malinis pero nasaan na si Alana.

"Alana?!" tawag niya sa pangalan nito pero wala siyang narinig na sagot mula rito.

"Alana!" Tawag niya ulit pero wala pa rin. Umakyat siya papunta sa kwarto nito. Pagpasok niya wala ito sa kwarto. Umalis ba ito ng hindi nagpapaalam sa kanya? Sa pagusisa niya sa mga gamit nito, mukhang hindi ito umalis.

Bumaba ulit siya at tinungo ang kusina. Wala din ito dito pero kita niya ang kalat sa kusina. Anong nangyayari dito? Anong pinagkakagawa ng babaeng 'yon sa kusina niya?

"Alana!" tawag niya ulit. This time lumabas siya ng bahay. Pagkalabas niya, naaninag niya na may usok sa likod ng kanyang bahay.

"What the heck is going on?!" agad niyang pinuntahan ang usok. Nag-panic siya. May sunog sa likuran ng bahay niya?! Kailangan yata niya tumawag agad ng bombero.

Pagdating niya, malakas pa rin ang usok pero hindi naman gaano kalakas ang apoy. Actually, nasa mismong damuhan ang apoy na parang may nakatambak na maraming sanga at... is... is that a fish?!

"Roman! Roman!" narinig niyang may tumawag sa kanya.

"A-Alana?!" iwinasiwas niya ang kanyang mga kamay para maaninag nito ang babae. Sobrang lakas ng usok!

Patakbo ito papunta sa kanya. "Nandito ka na pala? Pasensya ka na hindi ko narinig. May ginagawa kasi ako kaya hindi ko napansin. Wel-welkam home!" masayang sabi nito.

"Ye-yeah... A-anong nangyayari dito? Bakit may usok?"

"Ah, nagluto ako ng hapunan natin."

"Hapunan?!" tinignan niya ang anong pinagkakagawa nito. Ang akala niya na nasususnog ang kanyang bahay, nagluluto pala ito ng isda! She literally cooked grilled fish into his backyard!

"Bakit dito ka nagluluto? Meron naman cooking appliances sa loob. Kompleto ng mga ang bahay. May stove, may grilled machine---Oh god. I forgot about that dam*mit!" Yep. He forgot that Alana don't know about the appliances thing. Ang sarap iuntog ang ulo niya dahil maliit na bagay nakalimutan pa niya!

"Alam ko. Pero, hindi ko naman alam papaano gamitin ang mga 'yun, eh." Sagot nito. "Iyong mga gamit mo, ibang-iba sa mga gamit ni Aling Martha. Lalo na ang pangluto mo walang gasul. Naubusan ka ba ng gasul? Bukas ka na lang bumili. Habang wala ka pa, nagisip na ako ng paraan papaano magluto para paguwi mo, nakaluto na ako ng pagkain natin."

"Oh, god..." sabay sapo sa kanyang mukha.

Patuloy nito. "Konting hintay na lang at maluluto na ang ulam natin. Ah, tapos na din ako magluto ng kanin. Magbihis na muna at tatawagin na lang kita kapag nakahanda na ang hapunan. Maiwan na muna kita diyan, ah? Baka may nagaabang na mga pusa sa ulam natin. Sige!"

Napatulala siya. Wala siyang masabi na kahit ano sa mga nakikita niya. He looks so stu*pid right now.


To be continued.

"Yeah, Roman. Pero, buti na lang umuwi ka ng maaga kundi baka pati bahay mo sunog na hahahaha xD !!" –leexhian

If you like the story so far, kindly leave a VOTE and also COMMENT what you're thoughts about the story. Through you support, mas lalo po akong nagaganahan sumulat ng kwento!

ChuAmnidah! See you in the next chapter!

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
542K 11.1K 47
TIRED OF LOVING YOU Yes. Ginagawa ko ang lahat para matapos na ito. Konting tiis nalang." Sabi niya tila pinapakalma ang kausap sa kabilang linya. "I...
1M 50.4K 46
Cee lives her life hiding her true identity as a woman just to be accepted into the Seriantel family. She may be pretending as a man, but she is cert...