Love Me Not (A Unique Salonga...

De sheiaaa_

32.4K 1.4K 929

"Being a fangirl, you should know your limitations." Adrienne Mendoza is a shy but loud type of girl. She's a... Mais

Love Me Not
Chapter 1: The 'Maniac'
Chapter 2: The Bar
Chapter 3: The Encounter
Chapter 4: The Creep
Chapter 5: The Second Encounter
Chapter 6: The Vacation
Chapter 7: Glances and Stares
Chapter 9: Blaster
Chapter 10: Kara Custodio
Chapter 11: 'So Close'
Chapter 12: Angelo Mondello
Chapter 13: The Surprise
Chapter 14: Unexpected
Chapter 15: The Show
Chapter 16: Unique
Chapter 17: Ignored
Chapter 18: Little Fight
Chapter 19: Cannot Be
Chapter 20: All of a Sudden
Chapter 21: Desperate
Chapter 22: Confession
Chapter 23: Caress
Chapter 24: Goodbye
Chapter 25: Hurting
Chapter 26: Again
Chapter 27: Charles Joseph
Chapter 28: W-what!?
Chapter 29: Nahulog Sa'yo
Chapter 30: Anonymous
Chapter 31: Sorry, Unique
Chapter 32: Still
Chapter 33: After Confession
Chapter 34: Truly, Madly, Deeply
Chapter 35: Leave
Chapter 36: Why?
Chapter 37: The Anonymous
Chapter 38: The Hug
Chapter 39: The Kiss
Chapter 40: Still Young
Chapter 41: The Break Up
Chapter 42: Happier
Chapter 43: Left
Chapter 44: Trashtalk
Chapter 45: That 'A'
Chapter 46: Her POV
Epilogue
Special Chapter

Chapter 8: A Moment With Him

764 33 0
De sheiaaa_

***

Reading a book is like creating your own world. I love to imagine things in short, I'm a daydreamer. Lahat naman siguro hindi ba? But now my case is different. I'm sure that I already read scenes like this in every book that I read pero hindi ko alam kung bakit parang may kulang pa rin.

Last night, I imagined myself with that Unique. Sounds creepy pero 'yun ang gustong iimagine ng isip ko. That time, naranasan ko 'yung mga nababasa ko sa libro. That floating feeling, that biglang-mapapangiti feeling, that blushing feeling, that pagulong-gulong sa kama and so on.

Mabuti na lang at gabing-gabi na sina mama nakarating dahik kung hindi, they will ask me questions na sa sobrang dami, mah-hot seat ako.

After nang mga ginawa ko parang wala na akong mukha na maihaharap kay Unique if ever. I mean- sino ba ang hindi mahihiya kung naimagine mo siya na kasama ka hindi ba? Okay quit this topic, Adrienne! You're embarrasing yourself again.

"Anak! We're going out, sasama ka ba?" Sigaw ni mama mula sa labas.

"Ayaw!" Sigaw ko pabalik. Nakakatamad kasing maglakad. Gusto ko lang maligo sa dagat ngayon.

Saktong umalis na sina mama kaya nakapunta ako sa may dalampasigan. Safe akong maligo since hindi maalon at hindi malakas ang hangin. Nagsuot na lang ako ng short at t-shirt.

Kalhating oras na din siguro akong nakababad dito. Tumayo na ako at agad nakaramdam ng lamig. Mabuti na lang dahil nagdala ako ng towel na nakalagay ngayon sa kubo na pinag-stay-an ko kahapon.

Dumiretso na ako sa kubo at kinain ng dinala kong pagkain. Magf-four na siguro kasi hindi na masakit ang sinag ng araw. Namahinga na lang ako sa kubo at inintay na matuyo ako.

Nakarinig ako ng kaluskos kaya naging alerto ako. Though, this place is harmless, kailangan ko pa rin maging maingat. Napatayo na ako sa gulat nang magbukas ang pinto ng kubo at pumasok ang isang lalaki na hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon.

"What the hell?" Nasambit ko na lang ng mahina. Mukhang na-realize niya na may tao kaya nag-angat siya ng tingin sa akin at bigla ring nanlaki ang mata.

"What the fck?" Mura nito matapos pagmasdan ang kabuuan ko. Napapikit ako at pinigilan na huwag sumigaw.

"My gosh! Umalis ka nga!" Sigaw ko at kinuha ang towel na nalaglag kanina pagkatayo ko.

Nanatili pa rin itong nakatayo doon kaya napapadyak ako ng paa ko sa sahig. Mukha namang natauhan siya at mabilis na tumalikod at umalis. Napaupo ako at napailing-iling habang nakapikit pa rin.

"Ghad! Nakakahiya 'yun!" Bulong ko habang pinapadyak pa din ang paa. "Bakit kasi bigla-bigla na lang siyang pumapasok!?"

Napairit ako dahil sa kahihiyan. I forgot that I'm wearing a white shirt and a floral bra. Peste!



Gabi na nang dumating sina mama. May pasalubong naman sila sa akin kaya hindi ako nagtampo. Nakain ako ngayon ng singkamas na binila nila para sa akin nang may kumatok sa aking pinto.

Binuksan ko ito revealing my father. May hawak itong basket na puno ng prutas kaya napataas ang kilay ko. Anong gagawin ko doon?

"Pakibigay naman sa kapitbahay natin diyan sa kaliwa. Birthday kasi ng anak noong kaibigan namin ng mama mo." Napipilitan akong tumango at kinuha na ang basket.

Hawak-hawak ko ng mahigpit ang basket. Malapit lang naman ang sinasabing bahay ni papa. Ito 'yung katapat ng kwarto ko ang isa pang kwarto. Pinagmasdan ko ang bahay na katulad lang din ng amin. Modern na may pagka-old.

Kumatok ako sa pinto at nagbukas ang hindi pamilyar na babae. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin. Sunod na lumipat ang tingin niya sa dala ko.

"Ikaw ba ang anak ni Kuya Ricardo at Ate Leandra?" Tumango ako at malawak na ngumiti ang babae na sa tingin ko ay nasa mid 30s na.

"Sige pasok ka muna. Tamang-tama may maliit na handaan kami dito." Pumasok na ako. Nakita ko 'yung mga kabataan na kasama ni Unique kahapon. W-wait-- hindi naman siguro?

Lalo akong nabahala nang lumabas ang isang babae sa kwarto at napatingin sa akin. Ngumiti siya ng malapad at lumapit. Shit! Kailangan ko ng umalis dito.

"Anak ka ni Leandra, diba?" Tipid akong tumango at pilit na ngumiti. Kinakabahan na ako, huwag sana nila akong imbitahan na magstay.

Kagat-kagat ko ang upper lip ko at pinagpapawisan na. Iniwasan ko ang ilibot ang tingin baka kasi bigla ko siyang makita.

"Tara sa kusina, kumain ka muna." Napahinto ako at umiling. Kumunot naman ang noo niya.

"Salamat po sa imbita pero hindi na po. Pinapaabot lang po ito ni Papa." Inabot ko na ang dala kong basket at tinanggap naman niya ito.

"Naku pasabi sa magulang mo salamat," Ipinatong niya ito sa coffee table na nandoon at ngumiti sa akin. "Huwag ka ng mahiya iha. Masama naman kung tatanggihan mo ang grasya diba?" I heaved a deeo sigh at tumango saka pilit uling ngumiti.

Lumapad ang ngiti ni Tita at inakay ako papunta sa dining room. Doon ko nakita 'yung babaeng inakbayan ni Unique. Napatingin sila sa direction namin at bakit gano'n? Kanina ko pa hiniling na sana maging invisible ako! O kaya naman lupa kainin mo na lang ako!

"Oh! Ayan na pala ang birthday boy!" Napatingin sila sa likuran ko.

"Happy Birthday Unique!"

"Maligayang Kaarawan Insan!"

"Binata na si Nikkoi!"

Ilan lang 'yan sa narinig ko pero sapat na para kabahan ako. Lagi namang ganito. Kapag malapit siya kinakabahan ako, para bang nakasanayan ko na kahit ilang beses pa lang kaming nagkikita? Parang katulad nang dagat, ilang beses pa lang kami nagkikita pero parang connected na kami sa isa't-isa.

Hindi ko alam ang gagawin. Should I greet him a Happy Birthday or just smile and nod? Nawala ang lahat ng iniisip ko nang magsalita siya.

"Wow! Nag-effort pa talaga kayo." Sabi niya. Ramdam ko ang yabag ng paa niya.

Sana hindi nila mahalata. Sana hindi nila mahalata ang kaba na nararamdaman ko. Ang panic sa mukha ko at ang kagustuhan kong umalis sa lugar na ito.

"Ay oo nga pala!" Bigla akong nakaramdam ng kamay na humawak sa braso ko. "Iha, this is my son, Unique."

Napilitan akong tumingin sa kaniya. He's staring  at me seriously. I remember our first encounter. Ganito din ang mga mata niya sa akin. Malamig at nakakakilabot.

"Hi! Happy Birthday!" Pilit kong binuhayan ang pagkakasabi noon. Tumango naman siya sa akin at bumaling na sa mga kasamahan niya.

Sumulyap ako kay Tita na nasa tabi ko pa rin.

"Uhm... Uuwi na po ako, bigla po kasi akong nakaramdam ng hilo." Palusot ko. Nakita ko ang pag-aalala sa mata niya. Sorry for lying, gusto ko lang talagang umuwi na.

"Ganon ba? Sayang naman. Sige, magpahinga ka na lang iha at pakisabi na rin sa magulang mo salamat sa mga prutas ha." Tumango ako at aalis na sana kaso pinigilan niya ako.

"Wait lang, baka bigla ka na lang mahimatay sa daan," Tinawag ni Tita ang kaniyang anak kaya napabuntong-hininga na lang ako. "Unique, samahan mo naman siya pauwi sa kanila. Nahihilo na daw e baka mahimatay sa daan." Napakagat ako ng labi bago sumingit.

"Huwag na po. Kaya ko na naman po," Umiling si Tita at tinulak si Unique papalapit sa akin.

"Ihatid mo na si-- ano nga palang pangalan mo iha?" Napangiti ako at nagpakilala. "Oh, ihatid mo na si Adrienne ha. Ingat kayo!"

Napailing ako dahil parang ang layo nang bahay nila sa amin. Pagkatalikod ko ay saka ko naalala na ihahatid nga pala ako ni Unique. Sinulyapan ko siya gamit ang gilid ng mata ko. Seryoso lang siya habang naglalakad at ang dalawang kamay ay nakapamulsa.

Nang makalabas ako sa bahay nila ay humarap ako sa kaniya. Napatingin ako sa kaniyang mata. May suot siya na salamin ngayon pero kahit gano'n ramdam ko pa rin ang lamig ng tingin niya.

"Maraming salamat, hindi mo na ako kailangan pang ihatid." Napatango siya at napasulyap sa bahay namin. Napatingin siya sa akin dahil hindi pa ako naalis. "Uh... Happy birthday nga pala."

Ngumiti ito ng tipid at napakamot sa batok niya. Natulala na lang ako sa kaniyang ginawa pero napaiwas din.

"Yeah. Happy 19th Birthday to me." Tumango ako at nagpaalam na saka mabilis na naglakad papunta sa amin.

Papasok na sana ako kaso napasulyap ako sa bahay nila Unique at natagpuan ko siya na nakabantay ang tingin sa akin. Ngumiti ako at nagwave ng kamay. Tumango lang ito kaya pumasok na ako at agad tumakbo sa aking kwarto.

Darn! Tigilan mo ang pagngiti mo Adrienne!

***

Continue lendo

Você também vai gostar

1.1M 49.9K 95
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
259K 6.2K 52
⎯⎯⎯⎯⎯⎯⎯ જ⁀➴ 𝐅𝐄𝐄𝐋𝐒 𝐋𝐈𝐊𝐄 .ᐟ ❛ & i need you sometimes, we'll be alright. ❜ IN WHICH; kate martin's crush on the basketball photographer is...
646K 14.4K 42
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
903K 41.4K 61
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...