Popular Girls : Eris

pinkyjhewelii által

350K 5.9K 113

Popular Girls : Eris Több

Love And Lies
1~
2~
3
4
5
6
7
8
9
10
Epilogue

11

18K 402 4
pinkyjhewelii által

“ERIS kung gusto mong umiyak, narito lang kami.”

Ngumiti si Eris kay Chernin. They were at Pink Blossoms. Inabala niya ng lubos ang sarili upang hindi maisip si Shion. Hanggang nagyon ay nasasaktan pa rin siya. When they are on their way to Manila from Pangasinan, walang nangyaring usapan sa kanilang dalawa. Si Renji na ang nagmaneho samantalang si Shion ay buong byaheng tulog lamang sa pinaka-likod ng sasakyan. Ni hindi nga ito tumitingin sa kaniya.

Hanggang sa makarating sila sa Manila, nagpaalam si Shion sa lahat bago bumaba ng sasakyan maliban as kaniya. She was really hurt. Wala siyang magawa kung hindi ang umiyak.

Kung puwede nga lamang niyang i-rewind ang nangyari, sana pinigilan na lamang niya ang sariling mahalin ito upang hindi siya nasasaktan ngayon.

Pilit siyang ngumiti. Ayaw niyang ipakita sa mga kaibigan niya na depressed na siya sa kakaisip kay Shion. “Okay na ako. Ano ba kayo, mabuti pa intindihin niyo na lang ang mga business niyo. See, busy rin ako.” Aniya. Itsine-tsek niya ang mga flower pot na bagong deliver.

“Eris. Kaibigan mo kami. Kahit ngumiti ka pa o tumawa, alam namin na malungkot ka.” Ani Freida.

She sighed. “Pinipilit ko namang maging okay. Wala naman akong magagawa kung ayaw akong kausapin ni Shion.”

“Pero Eris bukas na ang flight niya. Nabanggit sa’min ni Chernin. Mamayang gabi may hang-out sa bar ni Chernin bilang pamamaalam ni Shion. Baka raw kasi hindi na siya makabalik dito sa pinas.” Paliwanang ni Freida.

Para na namang tinusok ang dibdib niya. Hearing those words na aalis na si Shion at hindi na babalik rito? Lalo siyang nasasaktan. Gusto niyang ipagsigawan sa buong mundo na mahal niya si Shion but Shion always refuse him. Wala na itong pakialam sa kaniya. Wala na itong pinakikinggang kahit sino. “Try kong pumunta mamaya.” 

“Eris we know that you love him. Why not to fight for him?”

“Sa tingin niyo ba may magagawa ako? Ni hindi niya ko matingnan, kausapin pa kaya? I’ll give him time. Isa pa, kung kami talaga, kami.”

“Ano ba naman iyan Eris. Mahal na mahal ka ni Shion. Mahal mo din siya. Hay!”

“You don’t understand. Hindi ganoon kadali girls. Ayokong ipagpilitan sa kaniya ang sarili ko. Sige na. May aayusin pa ako sa loob. Maiwan ko na kayo.”

Hindi na niya kayang maging malakas sa harap ng mga kaibigan kaya iniwan niya ang mga ito sa opisina niya. Pagkalabas niya roon ay dumiretso siya sa comfort room saka roon inilabas ang sakit na pilit tinatago.

Hindi niya maiwasang magbalik tanaw. She remember the time they were happy eating at the mall, the time when he smiled at her, the moment when he always teasing her. At ang hindi niya malimutan? The kisses between them.

~

“SHION, dapat bumalik ka rito sa pinas. Para makapag-bonding ulit tayo ‘bro!”

Napatingin lamang si Eris kay Renji habang sinasabi iyon. Sa loob-loob niya, sana bumalik siya at manatili na roon kasama siya.

“I will try.” Matipid na sagot ni Shion saka tumungga ng alak. “Pupunta muna ako sa counter.” Paalam nito na hindi man lang dumadaan sa kaniya ang mga mata nito.

“Eris, gagawin ko ang lahat para magka-ayos kayo. Okay?”

“Chernin tama na. Hayaan mo na siya. Hayaan mo muna siya sa ngayon.”

“Pero aalis na siya bukas. Don’t worry, may magagawa pa ako. Kumukuha lang ako ng tiyempo dahil hindi na rin niya ko kinakausap kapag nag-o-open-up ako ng tungkol sa’yo.”

“You should understand him Chernin. May karapatan naman siyang magalit.”

“Oh my god. Nakakainis iyong mga babaeng kung maka-lingkis kay Shion daig pa ang mga ahas.” Wika ni Freida.

Napatingin siya sa counter kung saan naroon si Shion. Seeing him kissing other woman makes her heart melt. Inialis niya ang tingin roon bagkus ay tumungga ng alak. Pinili niya iyong hard liquor. Gusto niyang malasing. Gusto niyang maging manhid kahit sa gabing iyon lamang. Hidni niya kayang makita si Shion na may ibang babaeng ka-lampungan. Wala naman siyang magawa.

“Eris, mahina ka sa hard. Tama na iyan.” Awat ni Chernin.

“No, hayaan niyo naman ako kahit ngayong gabi lang?” hindi na niya iniinda ang luhang tumutulo sa pisngi niya. Muli siyang napatingin sa dako ni Shion and boom! Daig pa niya ang sasabog ng makita kung paano hawakan ni Shion ang katawan ng babaeng ngayo’y naka-kalong na rito.

“Eris, huwag mo nalang silang tingnan.” Ani Freida.

“Okay lang. Mabuti nga iyon para mas masaktan ako.” Aniya saka muling tumungga ng alak. Nakakaramdam na siya ng kaunting hilo. Wala siyang pakialam kung malasing man siya.

Inagaw ni Chernin ang kopita ng alak mula sa kamay niya. “Eris, stop this. Pinahihirapan mo lang ang sarili mo!”

Nanlalabo ang mata niya sa luha niya. Nahihilo na siya ngunit alam pa rin niya ang nangyayari sa paligid niya.

“I’m sure, makakalimutan na ni Shion ang nararamdaman niya para sa’kin. With that girls around him? Limot na limot na niya ‘ko.” Binawi niya ang alak kay Chernin saka mabilis na tumungga. “Ang sarap palang magpakalasing. Para akong namamanhid.” Tumawa siya sa pagitan ng pagluha.

“Eris, tama na iyan.” Pilit siyang pinipigilan ng mga kaibigan.

“Shion, pigilan mo naman si Eris. Lasing na siya.” Napatingin siya kay Shion na nakabalik na pala sa table nila. Binalewala niya ito. Ayaw niyang kausapin ito dahil lalo lang siyang masasaktan.

Kinuha niya ang bote ng alak at doon tinungga. Napatingin na lamang siya sa kung sinong umagaw ng bote sa kaniya. “Tama na iyan. Mas mabuti kung magpapakasaya ka ngayon.” Seryosong saad ni Shion na walang emosyong nakatingin sa kaniya.

Inagaw niya rito ang bote. “Masaya naman ako. See?” ngumiti siya. “Masaya ako, sobra.” Kasunod niyon ang pagtungga niyang muli ng alak.

“Eris, sinabi ng tama na!”

Napatigil siya nang sumigaw na si Shion. Pinahid niya ang natitirang luha sa pisngi niya. “Sa halip na sinasayang mo ang oras mo sa pagpapatigil sa’kin, ba’t hindi ka na lang magpakasaya. Hayun iyong mga babae mo oh, hinihintay ka na.” aniya saka inalis ang tingin rito. Nagbabadya na naman kasing tumulo ang luha niya. “Mukhang iniistorbo ko lang kayo dito.” pilit niyang pinipigilan ang sariling mapahagulhol. “Uuna na’ko. Hindi pa naman ako ganoon kalasing. Shion, ingat sa flight mo bukas. And enjoy your night.” Aniya saka tumayo na.

“Eris, ihahatid ka na namin ni Renji.” Boluntaryo ni Freida.

“No. Just enjoy the night. Kaya ko pa namang mag-drive. Kaunting hilo lang ‘to.”

“Eris..”

“Okay lang ako. Please lang, hayaan niyo na’ko” Ngumiti siya saka tuluyan nang lumabas ng bar na iyon.

Pagkasakay na pagkasakay niya sa kotse niya ay doon bumuhos ang sakit na nararamdaman niya. Ang hirap palang mag-pretend na okay ka lang kahit deep inside sobra ka ng nasasaktan. 

~

“HINDI mo man lang ba siya susundan Shion? Ganyan na ba katigas ang puso mo ngayon ha?”

Hindi sumagot si Shion sa sinabing iyon ni Chernin. Nakit pa niya ito susundan? Galit siya rito. Niloko siya nito. Hindi niya ito mapapatawad.

“Wala na akong pakialam sa kaniya.”

Hindi niya inaasahan ng biglang dumapo ang palad ni Chernin sa pisngi niya. “Napaka-gago mo para hayaan si Eris! Matagal akong nananahimik Shion, hinahayaan ko kayo. Sa tuwing mag-o-open ako about Eris, you’re always refusing to talk with me. Mahal ka ni Eris, mahal na mahal!”

“Huwag mo ng pagtakpan ang kaibigan mo Chernin. Hindi niya ako mahal. Tama na. Aalis na rin ako bukas at makakalimutan ko na rin siya pagbalik ko ng Hongkong.”

Nasasaktan siya sa nakikita niya kay Eris kanina. Gustung-gusto niya iyong yakapin pero pinipigilan niya ang sarili.

“You don’t believe me? Okay. Listen to this.” Iniabot nito ang cellphone nito. “Iginagalang ko ang gusto ni Eris na hayaan ka muna. Na hayaan kang makapag-isip pero hindi ko na maatim na nasasaktan si Eris. Ini-record ko ang gabing magkausap kami. Iyong huling part kung saan sinabi na niyang mahal ka niya. Naisipan kong i-record iyon para iparinig sa iba naming kaibigan ang reward na hihilingin niya sa akin, para may pang-asar kami sa kaniya. Pero sa tingin ko? God give me the knowledge to record that for you. Para marinig mo ang mga sinabi niya na sa tingin ko ay hindi mo narinig dahil pilit mo pa ring sinasabi na hindi ka mahal ni Eris.”

Pinindot nito ang play button.

“I don’t need a reward Chernin. You know why?”

“What?”

“Sa mga araw na nakasama ko siya, habang tumatagal nakalimutan ko ng may misyon ako kaya mas nakipaglapit ako kay Shion. Mas nananaig iyong hatid niyang kasiyahan dito oh. Unti-unting naramdaman kong nagmamahal na’ko Reiko. Sapat na iyong nakilala ko siya at naging bahagi siya ng buhay ko. Iyon ang best reward na natanggap ko na.”

“You mean?” 

“I already love him Chernin. Mahal ko siya. Gusto ko lang iyong maging masaya siya kaya ko siya tinutulungan. Kung noong una, naaawa ako sa kaniya kaya ko nagawang tanggapin ang ipinagawa mo, ngayon hindi na. Ginagawa ko iyon dahil gusto kong sumaya siya. Gusto ko siyang sumaya dahil mahal ko siya. Mahal na mahal.”

“Eris..”

“At nag-confess na ako sa kaniya Reiko. Masaya ako na pareho kami ng nararamdaman. Mahal na rin niya ko. Hindi lang basta gusto o type lang. He promised he will come back for me. Mas gusto ko kasing magsimula kami as a couple kapag naayos na niya ang issue niya sa pamilya. Para wala na kaming iisipin pa.”

Tila napako si Shion sa kinauupuan niya. Boses iyon ni Eris. At tama si Chernin, hindi niya iyon narinig noong gabing nakita niya ang mga itong nag-uusap.

“Now, hahayaan mo pa rin bang mag-pretend si Eris na hindi nasasaktan? Kahit ang totoo, sobrang nasasaktan na siya. Kilala namin siya dahil kaibigan namin siya. Sa sobrang pagmamahal niya sa’yo, nag-give-up siya at sinabing hihintayin niya iyong araw na hahanapin mo siya ulit.” Ani Chernin. “Wala naman siyang kasalanan, ang totoo nagsinungaling pa ako sa kaniya para lang mapapapayag siya. Sinabi kong mamamatay na ang Papa mo at ayun, pumayag siya dahil naawa siya.”

Sa halip na sumagot ay tumakbo siya palabas ng bar. Inilibot niya ang tingin sa parking lot ngunit wala na roon ang kotse ni Eris. Mabilis siyang sumakay sa kotse niya. How he wish na maabutan at makita niyang agad si Eris.

He wants to comfort her. He wants to hug and kiss her. Nasaktan niya ito. Hindi siya naniwalang mahal siya nito at hindi siya nakinig rito. Nagsisisi siyang hindi siya nakinig rito.

Nakarating si Shion sa isang park kung saan nakita niyang nakaparada ang kotse ni Eris. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan saka hinanap si Eris.

Nagpalingon-lingon siya hanggang sa makita niya ito. She was sitting above the tree. Naka-ub-ob ito at napansin niya ang paggalaw ng balikat nito, senyales na umiiyak ito.

Dahan-dahan siyang lumapit dito at tahimik na umupo sa tabi nito. “I love you Eris.”

~

NAPATUNGHAY si Eris nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hindi niya inaasahang makita si Shion na nakaupo sa tabi niya.

“B-Bakit ka narito..”

Sa halip na sumagot ay inamoy siya nito. “Amoy na amoy sa’yo ang alak.” Bumuntong-hininga pa ito. “Sa susunod ayoko ng mag-iinom ka ng ganoon katindi ha?”

“Shion ano bang sinasabi mo?” naguguluhan siya sa ina-akto nito. 

Hindi pa rin nito pinansin ang sinabi niya bagkus ay pinahid ang luhang nasa pisngi niya. “Ayoko na ring makikita kang umiiyak. Okay?”

“Shion..”

“Huwag ka ring masyadong pasaway, kapag naka-inom ka at nag-offer ang mga kaibigan mo na ihahatid ka nila, huwag kang tatanggi. Baka may mangyari pang masama sa’yo.”

“Shion naguguluhan na’ko..”

“Isa pa, huwag ka ngang tatambay sa park sa dis-oras ng gabi, marami ng loko sa panahon ngayon.”

Hindi na siya nagsalita bagkus ay tiningnan ito ng direkta sa mga mata nito. 

Napansin niya ang inilabas nitong panyo mula sa bulsa nito. Pinunasan nito ng madiin ang labi nito na ikina-taka niya.

She finds it weird. She can’t figure out what was going now.

“Ayan, pinunasan ko na ang lips ko, sorry kung humalik ako kanina sa ibang babae. Hindi na mauulit promise.”

Pagkasabi niyon ay hinablot nito ang pouch na hawak niya saka iyon kinalkal. Napansin niya ang pagkuha nito ng sanitizer saka pinahirang mabuti ang mga kamay nito. “Sorry din kung napahawak ako sa katawan ng mga babae kanina, ayan nag-sanitizer na’ko. Tanggal na ang germs. Pwede na ba akong yumakap at humalik sa’yo?” nakangiting saad nito.

Nananaginip lang ba siya? Anong pakana ito? Galit na galit sa kaniya si Shion para um-akto ng ganon. She was speechless. Bigla ay parang may nabunot na tinik sa dibdib niya kahit wala pa itong pinapaliwanag tungkol sa biglang pagsulpot nito roon.

Naramdaman na lamang niya ang mahigpit na yakap ni Shion. “Sorry na Eris. I love you. Hindi dapat ako nagpadala sa galit ko. Dapat pinakinggan kita. Dapat naniwala ako sa’yo. Dapat..”

“Tama na Shion.”

“No Eris. Nasaktan kita. Hindi ako naniwalang mahal mo ako. At ipinagduldulan ko pa sa’yo na isang reward lamang ang katapat ko sa buhay mo. Nagkamali ako.”

“I understand you Shion. I’m not mad at you.” Kumalas siya sa pagkakayakap rito. “Yeah, I was hurt pero kasalanan ko rin naman. Naiintindihan ko naman kung ganoon ang i-akto mo.”

Mabilis siya nitong dinampian ng halik sa labi. “I love you Eris. Binabawi ko na iyong sinabi kong hindi na ako babalik rito. Babalik ako para sa’yo.”

“I will wait for you.”

“Okay na tayo?”

Tumango siya. “Okay na tayo. Ayoko na ng mahabang paliwanagan basta okay na tayo, tapos!”

“Thank you Eris. And I love you.” Kasunod niyon ang masuyong halik mula rito na agad naman niyang tinugon.

Sumaya siya, nasaktan. Nasaktan siya, sumaya siya. Ganoon naman ang cycle ng pag-ibig. Hindi mo masasabing nagmamahal ka na talaga kung hindi mo naramdaman kung paano ang masaktan.

Naghiwalay ang mga labi nila na may ngiting naka-rehistro sa mga mukha nila.

“Shion, may sasabihin ako sa’yo na sa tingin ko dapat mo ng malaman.” Anya. Kailangan na niyang sabihin rito ang kalagayan ng ama nito.

“What’s that?”

“Masama na nag kalagayan ng Papa mo, he is dying.”

Kinakabahan na siya sa maaaring maging reaksiyon ni Shion, aasahan niyang magwawala ito at magsisisigaw pero nagkamali siya. Nanatili itong kalmado.

“Blame it to Chernin. Sinabi niya lang iyon sa’yo para mas mapapapayag siya sa gusto niyang ipagawa sa’yo. Devil woman talaga ang isang iyon.”

“Ang bruhang iyon! Lagot sa’kin iyon!”

Niyakap siya nito. “Shion.”

“Let me stay like this for a while.”

Ilang segundo rin ang lumipas saka ito kumawala sa kaniya. “Aalis na’ko bukas. And I promise, babalik agad ako.”

“I hate waiting. But if waiting means being able to be with you, I’ll wait for as long as forever to be with you Shion.”

They kissed after staring each other. Eris knew that she will be happy with Shion. Ngayong ayos na sila, all she need to do is wait for him. Ika nga nila, the longer you wait for someone, the more you’ll appreciate it when you have it. Because anyone worth having is definitely worth waiting.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

58.6K 1.2K 8
A dramatic short story that will make you believe that there won’t just be a rainbow after turmoil. * * * [This story is originally written in Iluko...
10.2K 945 27
When destiny decided to play, Carly found herself back in their province in her new university- a state university a matter of fact. Having to deal w...
20.2K 438 23
I maybe fool for following my hearts desire instead of following what I think of. It's just because, every time I fall down, it's because of him... w...
19.2M 9.8K 3
(sequel of Sana Akin Ka na Lang--Dee/Renz love story) Deanna Florence Saadvera is young, spoiled and rich. Being the only girl of Saadvera, she gets...