Popular Girls : Eris

By pinkyjhewelii

350K 5.9K 113

Popular Girls : Eris More

Love And Lies
1~
2~
3
4
5
6
8
9
10
11
Epilogue

7

16.9K 356 2
By pinkyjhewelii

PIGIL sa pag-ngiti si Eris dahil sa ginawa ni Shion. She didn't expect that he'll do that. 

Gayunpaman, nagustuhan niya iyon. At ang madulas siya kanina that she's already fallin' for him? It's definitely true. Kung paano man iyon nag-simula, hindi niya alam. Basta sa tuwing tititig siya sa mukha nito, sa tuwing kasama niya ito ay masaya siya at magaan ang pakiramdam niya. komportableng-komportable na siya sa piling ng binata.

"Hey. Ang bilis mo namang maglakad Eris." Reklamo ni Shion habang habol-habol siya. 

Hindi pa niya kayang tumingin rito. Naiilang siya. Pero para rito, parang balewala lang ang ginawa nito. What kind of guy he is?

"E'di bilisan mo din." Mataray na sagot niya habang patuloy sa paglalakad. 

Nang maabutan siya nito ay hinapit siya nito sa bewang. "Eris.."

Naramdaman niya ang tila maliliit na kuryenteng dumadaloy sa buong sistema niya ng lumapat ang mga kamay nito sa baywang niya kaya agad siyang kumawala  rito. "Shion, huwag ka ngang ganyan." Sita niya. 

"Anong huwag ganito?"

"You kissed me a while ago tapos ngayon hahapitin mo'ko? Nakakahiya."

"Sorry. Okay? Huwag ka ng mainis. Forget it. Saan na tayo ngayon?"

Kunwari'y nag-isip siya. "Sa mens boutique." Nakangiting saad niya. 

Ipinagsawalang-bahala na lamang muna niya ang ginawa nitong pag-halik sa kaniya. Ayaw na niya iyong pag-usapan dahil nakakaramdam siya ng pagka-pahiya. Isa pa, habang iniisip niya ang anngyari ay lalong lumilinaw sa isip niya na nahuhulog na siay rito. No, it can’t be. 

Umiling-iling si Shion. "Oh, alam ko na kung saan patungo 'to." 

"Basta. Let's go there." 

"I know what you're thinking Eris.."

"Sige na?"

"No."

"Nagawa mo na ngang palitan ang hair style mo. Dapat pati na rin ang pananamit mo." Aniya. 

In fact, she was really happy na nagawa niya itong pagpalitin ng hair style. Sinubukan niya lamang iyon dahil ang alam niya, aayaw ito. But in her surprise, pumayag ito. And looking at him now, hindi na siya mukhang gangster kahit pa naka-all black attire ito. Ilang beses na niyang sinabi sa isip niya na talagang guwapo ito o mas gumwapo pa. 

"Oo nga eh. Nagawa ko na iyon. Pati ba naman pananamit ko?"

"Please?" She look at him with her puppy eyes. 

"Eris, huwag mo akong tingnan ng ganyan."

Nanatili siyang nakatingin rito. Dinagdagan pa niya iyon ng kaunting pagpapa-cute. 

"Whoah! Fine! Let's go." Anito saka nagpatiuna ng maglakad habang hila-hila siya sa braso. 

She smiled. Success na naman siya. Kailangan lang pala niyang magpa-cute rito. 

~

"TIRED?" 

Tumingin si Eris kay Shion na nakaupo sa driver's seat. Sakay na sila ng kotse nito at ihahatid na siya nito sa shop niya. 

Nag-presinta na itong ihahatid siya sa condo niya but she refuse him dahil nasa shop niya ang kotse niya. 

"A little bit but it was so fun." Aniya na ibinalik ang tingin sa daang binabagtas nila. She was sitting on the passenger seat. 

"Really? Fun to finally changed my looks?" Nakangising wika nito. 

"Yeah. He-he! Bagay sa'yo ang new look mo. Ganyan pala ang itsura mo 'pag normal ka."

"Did you say I'm not normal?"

"I mean, in terms of clothing and your hair style. It's kinda' far from normal." Nakangiting sagot niya. 

"At least, nagawa mong baguhin ang mga nakasanayan kong isuot. Akalain mong napilit mo'ong bilhin ang mga damit na iyan." Anito na sinulyapan ang ilang paperbags na nasa likod ng kotse. 

"Nagpapadala ka kasi sa pagpapa-cute ko." Humagikhik siya. 

"Yeah. You're right Eris. You're too cute to refuse." Anito. 

She smiled. Bakit ba madalas siyang mag-blush sa tuwing kasama at kausap si Shion? Blush-on ba ito? 

"Anyway, Shion do you have plans tomorrow?" 

"Why?"

"I asked you first."

"Tell me why first. Naka-depende sa sasabihin mo ang magiging sagot ko."

Nasapo niya ang sariling noo. "Ang arte mo talaga. May ganyan ka pang nalalaman. I just want to invite you on a short vacation."

"Where?"

"In Pangasinan."

"Is it far?"

"Yeah. It's a province. My mom told me to go there to check on our Lola's mansion. Hindi na kasi natitirahan iyon dahil five years ng nasa heaven ang grandparents ko."

"I see. So you want me to go with you?" Tanong nito na hindi inaalis ang tingin sa daan. 

"Kaya nga sabi ko I want to invite you 'di ba? Four days tayo do'n. Gusto kasi ni Mama, kahit saglit lang matirahan iyon. Kabilin-bilinan kasi ng Lola ko na huwag ibebenta ang lupang kinatatayuan ng mansiyon roon dahil marami daw happy memories roon."

"How about your other cousins? Bakit ikaw ang nakatalagang papuntahin roon?"

"My Dad was their only child that's why. My brother is not here in the Philippines. But usually, ako talaga ang pumupunta roon kapag busy sina Mama at Papa sa business."

"Kung ayaw iyon ipa-benta ng Lola mo, anong gusto niya? Hayaan nalang na masira iyon?"

"Not like that. In fact, gusto talaga niyang doon kami mag-stay. She kept on saying that no'ng nabubuhay pa siya. Ang kaso, we have business here in Manila kaya ang ginagawa namin, we'll take short vacations nalang para magka-tao naman iyong mansiyon ro'n. Sometimes, tuwing christmas vacation, doon kami nagse-celebrate."

"But I'm sure may care taker naman siguro ro'n?"

"Oo naman." Sagot niya. "Last vacation ko ro'n, kasama ko ang mga kaibigan ko. Sina Chernin. We had so much fun there. Doon kasi, nakapag-relax kami. Far from the city. The air is good and not polluted like here."

"Looks interesting. So you've choose me to accompany you instead of your friends?"

"Huwag kang assuming. Kasama sila." Natatawang sagot niya. 

"Ugh! I thought it was only me that you've invited."

"Huwag kang feeling-ero Mister." Aniya. "So, your free for four days?"

"Sure. Why not. Just tell me the details later. Hindi pa ako masyadong makapag-react dahil nagda-drive ako."

"Okay. But thanks in advance." 

A small smile formed on her lips. Kaninang umaga, nang tawagan siya ng Mama niya to have her short vacation ay agad na pumasok sa isip niya si Shion. Mailalayo niya ito pansamantala sa city. She will teach him to appreciate all the things that he've wasted for so long. Isa pa, gusto na niyang unti-untiin itong kausapin about his family and their company. Ipapa-realize niya rito kung gaano siya ka-swerte sa buhay kahit minsan hindi siya nabibigyan ng atensiyon ng magulang nito. Umaasa siya na magagawa niya iyon habang naroon sa probinsya. 

She also planned to invite all her friends again pero hindi pa niya nababanggit sa mga iyon. Ang awkward naman kasi kung sila lamang ni Shion ang pupunta r’on.

She will call them later on a conversation type call. 

~

"AYOS na ba lahat?"

Tumango ang lahat sa tanong na iyon ni Eris. 

Kasama sina Freida at ang fiance nitong si Renji, sina Chernin at Shion ay ba-byahe na sila patungong Mangatarem, Pangasinan kung saan naroon ang mansiyon ng nasirang Abuela niya.

Gamit nila ang mitsubishi montero sport ng pamilya ni Chernin. Mahaba-haba rin ang gugugulin nila sa byahe kaya marami silang dalang pagkain na maaaring makutkot habang buma-byahe. 

Si Shion ang nag-presintang mag-maneho. Magpapalitan na lamang raw sila ni Renji. Mahigit apat na oras kasi ang byahe papunta roon. 

She was sitting at the passenger seat. Mas maigi kasing siya ang naroon dahil pagdating sa Pangasinan ay siya lamang ang may saulo ng eksaktong address niyon. 

"Ready guys?" Excited na sigaw ni Shion habang pinaaandar na ang sasakyan. 

"Ready!!" Pasigaw na sagot ng mga kaibigan niya. 

Tumingin siya kay Shion nang magsimula ng umandar ang sasakyan. "Be careful." Paalala niya. 

Ngumiti ito. "I will."

~

MANGATAREM, PANGASINAN. Sumilay ang ngiti sa labi ni Eris nang muling masilayan ang naiwang mansiyon ng Abuela niya. 

Mula sa mataas na gate niyon ay mapapansin ang malalagong halaman at bulaklak na kay-ganda sa paningin. 

Hindi aakalaing walang nakatira ro'n. Talaga ngang alaga lang ang kailangan at tatagal ang mansiyon na iyon. 

Bumaba siya ng sasakyan saka binuksan ng maluwang ang gate upang maipasok ang sasakyan. Ang ibang kaibigan niya ay mahihimbing pang natutulog sa loob ng sasakyan samantalang si Shion, alam niyang pagod ito dahil sa pagda-drive. Inako na kasi nito ang pagmamaneho kahit nagpe-presinta na si Renji kanina nang mag-stop-over sila sandal sa Tarlac na ito naman ang magmamaneho. 

Nang maiparada sa loob ng veranda ang sasakyan ay binuksan niya ang pinto niyon. 

"Guys! We're here!" Sigaw niya na agad namang ikinagising ng mga kaibigan. 

"Napasarap ako sa tulog." Ani Chernin na kinukusot pa ang mga mata. 

"Maganda pa rin dito Eris. Walang pinagbago." Puna ni Freida. 

"Siyempre. Baka multuhin kami ni Lola kapag pinabayaan namin ito. Let's go inside." Yaya niya sa mga ito ng madukot ang susi sa bag niya. 

Bago pa man sila umalis ng Manila ay tinawagan na niya si Aling Trining na care taker ng mansiyon ng Lola niya at sianbing pupunta siya roon kasama ang mga kaibigan. Sinabi nitong naglinis na ito ng buong mansiyon at pupunta na lamang roon upang ipagluto sila ng hapunan.

“Narito ba si Aling Trining?” tanong ni Chernin.

“No, mamaya pa siya pupunta. Namamalengke pa yata para sa hapunan natin mamayang gabi.” Nakangiting sagot niya nang mabuksan ang main door ng mansiyon.

Sunud-sunod nang nagpasukan ang mga kaibigan niya sa loob. "Kayo na ang pumili ng kwarto niyo okay?” aniya samga ito. Mahigit sampu kasi ang kwarto roon. Ganoon kalaki ang mansiyon.

Napalingon siya kay Shion na kapapasok lamang roon sa loob. “Shion, magpahinga ka muna. Samahan na kita sa magiging kwarto mo for four days.” Aniya.

“Hindi ba tayo magkasama sa kwarto?”

Pinalo niya ito sa balikat. “Feeling-ero ka talaga. ‘lika na. Hatid na kita sa kwarto.”

Agad naman itong tumalima habang buhat ang isang malaking bag nito. Natatawa nga siya kapag naiisip niya ang ginawa niyang pagkalkal sa bag nito bago umalis sa Manila dahil baka ang dala na naman nitong mga damit ay iyong mga kulay itim. Daig pa niya ang girlfriend nito kung maka-asta siya. Wew! 

“Ang laki pala talaga ng mansiyon ng Lola mo.” Anito habang paakyat sila sa mataas na hagdan na pormang spiral.

“Yeah.” matipid niyang sagot.

Nang marating ang isa sa guest room ay sinamahan muna niya ito sa loob. She walk towards the casement window to parted the plain brown curtains. 

Mula roon ay tanaw niya ang ilang mga puno na nasa paligid ng labas ng mansiyon. Pati na ang mga bungalow na nakatirik roon kung saan may mga pamilyang nakatira. Ang mga lupain mula sa labas ng bakuran ng mansiyon ay pag-aari pa rin ng Abuela niya pero hinahayaan na niya ang mga taong magtayo roon ng sar-sariling bahay. Hidni madamot ang abuela niya, ang totoo nga’y napakabuti nitong tao lalo na no’ng nabubuhay pa ito. She is really friendly and helpful kaya hindi nakapagtatakang pati ang mga taong nakikitira sa lupaing iyon ay iniingatan ang mga kapaligiran roon. Masimoy pa rin ang hangin roon. Natatanaw pa rin niya ang magagarbong puno at mga halaman.

Napapitlag siya ng maramdaman ang pagyakap sa kaniya ni Shion mula sa likuran niya. “I’m really tired Eris..”

She felt uneasy nang maramdaman ang mainit na hininga nito sa leeg niya. Mabilis siyang kumawala at humarap rito. “A-Ano bang ginagawa mo Shion? We’re not couple so please stop doing things that only couple are required to do.” Naiinis na saad niya. Bigla ay para siyang nawala sa magandang mood niya.

Alam niyang may pagtingin ito sa kaniya pero hindi namang tamang umakto ito ng ganoon. Nahalikan na siya nito, nayakap, ano pa ba? Hindi niya ito boyfriend. Oo nga’t mahulog na ang loob niya rito pero hindi niya hahayaang mag-take-advantage ito sa kaniya.

“I’m sorry. Gusto lang sana kitang lambingin. Ganoon lang talaga ako.”

Lalong uminit ang ulo niya. Ganoon talaga ito? Kanino? Sa lahat ng babaeng nakikilala nito kung saan-saan? Oh. “Huwag mo ng gagawin sa’kin ang mga bagay na ginagawa mo sa ibang babae. I’m not one of your flings okay?” galit na wika niya. “Mabuti pa, magpahinga ka na.” dugtong niya saka tuluyang lumabas sa silid na iyon.

Nakapa ni Eris ang dibdib niya nang makasandal sa labas ng pintuan ng kwartong pinaghatiran niya kay Shion. Bakit napakabilis ng heartbeat niya?

Bakit sa kabila ng inis niya sa mga ginagawa ni Shion ay may bahagi sa puso niya na natutuwa? Talaga nga bang nahulog na siya rito? O mahal na niya ito? No. Nakikipaglapit siya kay Shion upang tulungan ito na maka-move-on sa galit nito sa pamilya nito at upang tigilan na nito ang pag-re-rebelde. She’s just being a good friend to him. Hindi kasama sa plano niya ang ma-in-love rito ngunit tila ayaw papigil ng puso niya.

What would she do? Bahala na. Basta gagawin niya kung ano ang napag-usapan nila ni Chernin. She want to help Shion. She really do.

Continue Reading

You'll Also Like

24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
8.1M 10.7K 6
A love story between friends. Cliche? Yes, but Jeri loved him so bad that she can do anything and will do anything for her love. Unselfishly. ...
522K 8.4K 11
One-shot story Copyrighted © Pinkyjhewelii, 2014