Popular Girls : Eris

Από pinkyjhewelii

350K 5.9K 113

Popular Girls : Eris Περισσότερα

Love And Lies
1~
2~
4
5
6
7
8
9
10
11
Epilogue

3

20.2K 416 3
Από pinkyjhewelii

"DAMN!"

Malakas na sigaw ni Eris ang pumaibabaw sa gitna ng pool. 

"Ouch!"

Napatingin si Eris kay Shion. Sapo nito ang nasaktang pisngi. She just gave him a punch dahil matapos ang ilang minutong pag-e-enjoy niya sa pool ay hindi na niya namalayang nakisawsaw na rin pala ito. He just wearing his trunks for Pete sake!

"Iyan ang nababagay sa tulad mo! Maniac!" Sigaw niya saka mabilis na umahon sa pool. 

"Humanda ka sa'kin red head woman!" Sigaw nito habang mabilis na ring umaahon sa pool. 

Mabilis niyang isinuot ang robe niya na nakasampay sa may couch na inuupuan niya kanina. 

Tinungo niya ang pinto. But in her dissappointment, naka-lock iyon. Huminga siya ng malalim. "Chernin! What the hell are you doing? Open this damn door!" Malakas na sigaw niya sa may pintuan. 

"Kung naka-lock iyan, wala ka ng magagawa." Nang-aasar na wika ni Shion na naupo sa may couch malapit sa pool. 

Wala siyang ibang madadaanan bukod sa pintong iyon. It was a covered swimming area. Exclusive lamang iyon sa malalapit na kaibigan ni Chernin. Kahit bintana ay wala roon. 

Sinadya ba iyon ng mga kaibigan niya? Humanda ang mga iyon sa kaniya. 

Lumingon siya kay Shion na mukhang natutuwa pa sa nangyari. "You! Kasalanan mo ito! Siguro, plano niyo ito!"

Nilapitan niya ito at dinuro-duro. 

Hinablot nito ang kamay niya. "Don't dare to point at me again red head woman!" Anito sa seryosong tinig. Nakahawak pa rin ito sa kamay niya na ginamit niyang pan-duro rito. 

Ilang hibla lamang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. "Or else.."

"What?" Aniya sa matatag na tono. May kakaibang kaba siyang naramdaman sa dibdib niya habang nakikipagtagisan ng tingin kay Shion. Kung akala nito ay madadala siya sa mga titig nito, nagkakamali ito. 

Nanlaki ang mata niya ng unti-unti nitong inilalapit ang mukha nito sa mukha niya. Hahalikan ba siya nito? No way! Gusto niyang lumayo rito ngunit parang nakadikit ang mga paa niya sa sahig. Hindi siya makakilos. Gahibla na lamang ang layo ng mga labi nila. 

Shit! Hindi siya papayag na mahalikan nito. "Or else, I will kiss you. A kiss that you'll never forget.." Anito. 

Nakahinga siya ng maluwag matapos siya nitong bitawan. Dinilatan niya ito ng mata. "Bastard!" Sigaw niya rito saka tinungo ang dulong bahagi ng pool. 

Tumawa ito. "Are you expecting a kiss from me? Nah. Not now." 

Nilingon niya ito. "I hate you!" Muli siyang nag-martsa pagkasabi niyon. 

Naupo siya sa gilid ng pool. Maghihintay siya hangga't may mag-magandang loob sa isa sa mga kaibigan niya ang magbubukas ng pinto. Hindi niya yata kakayanin ang makasama ang gangster na ito sa loob ng ilang oras. Wala itong alam kung hindi ang buwisitin siya. 

Ilang minuto na ang lumipas ngunit ang nakakabinging katahimikan pa rin ang nananalaytay sa buong paligid. Tumunghay si Eris mula sa pagkaka-ub-ob sa tuhod niya. Tumingin siya kay Shion. Nakahiga ito sa couch. Nakatulog na kaya ito?

Kung iisipin, wala namang ginawang masama si Shion sa kaniya. Sadyang mainit lang ang ulo niya rito. Isang dahilan na rin siguro ang pagiging mukhang gangster nito. She hates his all black attire and she hates the fact na i-re-reto ito sa kaniya ni Chernin. 

Ano na lamang ang una niyang iisipin? Hindi ba’t ang lumayo na lang rito at huwag makipag-kaibigan?

Tatayo na sana siya ng muli siyang matumba. “Ouch” sigaw niya. Namimintig kasi ang mga paa niya. Dahil siguro iyon sa matagal na pagkaka-upo ng isang posisyon lamang.

Napatingin siya kay Shion na mabilis na lumapit sa kaniya. Hawak niya ang mga paa niya dahil masakit iyon kapag nagagalaw.

“What happen? Are you okay?” nag-aalalang tanong nito na nakatutok ang tingin sa mga paa niya. Nag-aalangan pa ito kung hahawakan ang mga binti niya.

“W-Wala. Namimintig lang ang mga paa ko. Ngalay siguro.” Mahinahong sagot niya.

“Bakit kasi kailangang diyan ka pa maupo sa gilid ng pool. Ayan tuloy..” anito habang sinisipat ang kaniyang mga paa.

“Aw!”

“Sorry, sobrang sakit ba?” anito. Hinawakan kasi nito ang paa niya.

Tumango siya. “Oo, pero mawawala din naman ito..”

“Where’s your phone? Tawagan natin ang mga kaibigan mo. We need to get out of here. Baka mapa’no ka pa. We need medic..”

“Shion, I’m alright. Pamimintig lang ng paa ito. At iyong phone ko, wala. Malamang dinala ng mga kaibigan ko ang shoulder bag ko na nakapatong lamang kanina doon sa may table.”

“But..”

“Thanks for your concern, I’m okay. Nawawala-wala na nga oh..” aniya habang dahan-dahan iginagalaw ang paa niya.

Huminga ito ng malalim. “Thanks God you’re alright.”

Bakit parang napansin niyang iba ang buhok nito? Oo nga pala, nabasa ito kanina nang maglangoy ito sa pool. So, he is really handsome with his natural looks. Bagay rito ang itim ngunit bagsak na buhok. Makinis ang mukha nito at bagay rito ang topless. Lantad na lantad ang ma-muscle nitong katawan na ang sa bilang niya’y six-pack-abs nito. Teka nga Eris, ano bang iniisip mo?

Natauhan siya nang marinig ang mahinang pag-tikhim nito.

“O-Okay na’ko. Wala na ang pamimintig nito.” Aniya saka itinuro ang mga paa niya.

“Mabuti naman. Halika, alalayan na kita sa pagtayo. Doon tayo sa couch.” Nakangiting alok nito.

Nagpaubaya na lamang siya rito. May kabaitan pala talaga itong taglay. Hindi niya lang siguro napapansin dahil palagi niyang nauunang punahin ang klase ng looks nito. At ang first encounter nila, ang pagsasabi nito sa kaniya na may wrinkles siya, talagang ikina-inis niya iyon kaya mainit ang dugo niya rito.

But now, mukhang nabura ang lahat ng inis niya dahil sa pinakita nitong kabaitan. 

“Thank you.” Aniya nang makaupo sa couch.

Umupo ito sa tabi niya. Tahimik itong nakamasid sa pool tulad niya. “Mas bagay sa’yo kapag hindi ka nagtataray.” Seryosong wika nito.

Ramdam niya ang pamumula ng pisngi niya. Oh, Eris? Simpleng papuri lamang iyon. Kelan ka pa natutong mag-blush?

Kinastigo niya ang sarili. Sadyang nababaitan lamang siya rito. Iyon lamang. Hindi niya nga maintindihan kung bakit hindi niya magawang mag-taray nang mga oras na iyon.

“Smile is the best make up for girls. Nabasa ko iyon sa facebook status ng friend ko. Kaya dapat, palagi kang nakangiti. I’m sorry kung naiinis ka sa’kin, im just being friendly Eris.”

Awtomatiko siyang napangiti sa sinabi nito. “So in ka din pala sa facebook.” Aniya. Binalewala niya ang huling sinabi nito.

“Sometimes. Boring kasi ang buhay ko.”

“How come?” kumunot ang noo niya sa sinabi nitong boring ang buhay nito. 

“When I was in Hongkong, wala akong inatupag kung hindi ang mag-bar, bisyo, hang-out with girls at makipag-away..” panimula nito.

“Why?” napatingin siya rito. Nakaramdam siya ng curiousness sa buhay nito. Why not ask him, tutal nakakulong rin naman sila roon. Isa pa, wala na siyang nakakapang anumang inis sa dibdib niya.

“I don’t have siblings. My parents are busy with our business in Hongkong. When I was in elementary and highschool, I’m active in academics. I always gets an award. Palagi akong nasa honor roll. Pero lahat ng achievements ko, balewala iyon sa mga magulang ko. They only cares for our business that’s why when I go to collage, nag-rebelde ako. Palagi na akong bagsak sa mga subjects ko. Lagi akong napapa-away at lagi akong laman ng Disciplinarian Office.”

“Hanggang ngayon, I’m rebelled. Kaya nga narito ako sa Pilipinas. Ipinatapon ako rito ng Papa ko para daw magtino ako. Gusto niya, pagbalik ko ng Hongkong, nagbago na ako. My life style and even my looks, gusto nilang mabago. Minsan tinatanong ko nga ang sarili ko, mahal ba ako ng mga magulang ko? Masaya ba silang anak nila ako? Nakakapagod din. May pamilya ka pero wala sila sa tabi mo.” Ngumiti ito ng mapakla pagkasabi niyon.

Hindi niya akalaing ang isang Shion na mukhang gangster namaangas ay may kakaibang kalungkutang dinarama. Bigla ay naawa siya rito. Hanga siya rito. Inspite of sadness, he can still smile. 

“No family is perfect. We argue, we fight and we even stop talking to each other at times. But in the end, family is family. The love will always be there. Kaya Shion, huwag na huwag mong iisiping hindi ka nila mahal. Alam kong iyong business na tinataguyod nila ay para sa’yo. Huwag kang magtatanim ng sama ng loob sa pamilya mo. Mahal ka nila Shion kahit hindi nila napapakita sa’yo. At iyang lifestyle at looks mo? Gusto nilang mabago iyan for you to be better. Sino bang magulang ang gustong mapasama ang anak nila hindi ba? Alam nila kung ano ang mas makakabuti sa’yo. Don’t waste your life Shion.” Seryosong saad niya.

He hug her. Ikinagulat niya iyon ngunit hindi niya magawangtanggihan ang ginawa nito. She know he is down. Nag-confess ito sa kaniya about his family issue kahit hindi pa naman sila ganoon ka-close. Lalong gumaan ang loob niya pagkatapos nitong sabihin ang pinagdadaanan nito.

“Thank you Eris..”

Napakasama pala niyang tao para sungit-sungitan at taray-tarayan ang isang lalaking may hinaing na itinatago sa dibdib.

She hug him back. Hinaplos niya ang likod nito nang makarinig ng mahinang paghikbi. She knew he was crying. Hindi biro ang pinagdadaanan nito.

“Stop crying Shion..”

“I’m not crying..” mahinang sagot nito.

“Sorry for being so mean. Naiinis lang kasi talaga ako sa looks mo. Tingin ko napakayabang mo pero mali ako. Naiinis kasi ako sa tuwing aasarin mo ako that’s why mainit ang dugo ko sa’yo. Lalo na no’ng sabihan mo akong may wrinkles ako..”

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya. “The first time we saw each other?” gulat na tanong nito. Halata sa mga mata nito na galing ito sa pag-iyak. Mapula pa iyon at mamaga-maga ng kaunti. Pati ang ilong nito ay namumula.

“Yeah.”

“I was joking. Hindi naman totoong may wrinkles ka. You had a smooth skin.” Nakangiting wika nito.

“Akala ko kasi.. bigla tuloy ako nun na-conscious.” Aniya.

Tumawa ito. “You don’t have to be conscious about your looks Eris. You are perfectly gorgeous.”

Naramdaman na naman niya ang pamumula ng pisngi niya. “Bolero!”

“No I’m not.” Nakangising sagot nito. 

“Fine.” Aniya saka itinuon ang tingin sa pool.

She was speechless. Naubusan siya ng sasabihin. But she’s happy, masaya siya na napagaan niya ang loob ni Shion. Masaya rin siya na naalis ang inis na nararamdaman niya para rito. Nabago ang impresiyon niya sa lalaking katabi niya ngayon.

He is not that typical gangster. He is Shion, trying to hide from his shell because of his loneliness.

“Hindi mo na ako sinusungitan. You even hug me back, so tayo na?” 

Nandilat ang mata niya rito. “What?”

“Just kidding. I mean, friends?” he said sincerely.

“Okay. Friends.”

“Hindi mo na ako susungitan?” parang batang sabi nito.

“It depends upon the situation.” Natatawang sagot niya.

“You are really so mean!” biro nito.

Hindi na siya sumagot. Nakakagaan kasi ng loob ang maging kaibigan ang dating kinaiinisan niya. Natutunan niya na dapat pala, bigyan niya ng chance ang sariling makilala ang isang tao ng lubusan bago siya mag-conclude ng mga bagay about dito. Now, she realized how good Shion is.

Nanaig ang saglit na katahimikan sa pagitan nila. Nang magkatinginan ay awtomatiko silang natawa. Palakas ng palakas ang tawanan nilang dalawa hanggang sa hindi na nila namalayang bumukas na pala ang pinto ng covered swimming area na iyon at iniluwa ang mababait niyang kaibigan.

“Oh! I smell something fishy here..” nang-aasar na sigaw ni Chernin.

Napahiya siya nang makita ang mga kaibigan sa bandang pinto. Nagsi-pasukan ang mga ito. Napatungo na lamang siya. Anong sasabihin niya sa mga kaibigan? Pagkatapos niyang sungit-sungitan si Shion ay hayun at maaabutan siyang nakikipagtawanan rito? Nakakahiya.

“Mukhang..” binitin pa ni Chernin ang sasabihin nito. “Kayo na?” dugtong nito.

“Kainis ka Chernin! Ano bang pinagsasasabi mo diyan? Nagtatawanan lang, kami na agad?” pagtatanggol niya sa sarili.

“Guys, it was nothing. It’s just, were good friends na.” singit ni Shion.

“Wow! Nice move cous!” Chernin said while clapping her hands slowly. “Magaling, magaling..”

“Mabuti at napa-amo mo na si Eris.” Ngi-ngiti-ngiting wika ni Freida.

“Tumigil na nga kayo sa pag-iintriga. Basta friends na kami. Iyon na ‘yun.” Aniya saka hinawi ang mga ito na nakapalibot sa kanila ni Shion.

Nagtawanan ang mga ito. “Effective pala ang ginawa natin.” Natatawang wika ni Chernin.

“And speaking of this, ang ba-bait niyo talaga. Anong klaseng kaibigan kayo? Kinulong niyo kami.” Nagtatampong saad niya.

“Wala akong kinalaman diyan Eris. Nahila lang ako.” Ani Renji.

“Wala rin akong kinalaman.” Singit ni Freida.

“Ako ang may kagagawan! Proud to be..” nakangising sigaw ni Chernin.

“Kahit kailan talaga kayo..”

“Tama na nga iyan, mabuti pa i-enjoy na lang natin ang araw na ito. Let’s swim, eat, drink or whatever you want to do. Just relax.” Sabat ni Chernin. “Magpapahatid ako ng foods and drinks.”

“Yes!” sabay na sigaw nina Freida at Renji.

“Pagpasensiyahan mo na ang pinsan ko.” Ani Shion.

“It’s okay. Sanay na ako sa kanila. Let’s go swimming.” Yaya niya rito. Lumapit siya sa pool side.

Hindi naman ito tumanggi. Mabilis itong tumayo at sumunod sa kaniya sa pool side.

Malakas na hiyawan ang narinig niya mula sa mga kaibigan nang sabay silang tumalon ni Shion sa tubig.

She simply smile and heaved a sigh.

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
131K 3.2K 20
When Bride Lopez loves, she does it with all her heart. It was her strength and her weakness. Kaya n'ong minahal niya si Slance Aquino ay alam niyang...
8.1M 10.7K 6
A love story between friends. Cliche? Yes, but Jeri loved him so bad that she can do anything and will do anything for her love. Unselfishly. ...
3.6M 4.9K 3
Old Title: One Tough Lady Engineer She's one of the toughest Engineers in a multi-million construction firm! And perhaps one of the most beautiful! ...