Because Almost is Never Enough

By CelineIsabellaPHR

364K 8.4K 1.5K

Sabi ni Jackie sa sarili ay puwede na uli niyang ngitian si Yael dahil mahigit walong taon na rin naman ang n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 11 - for real na
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (SPG)
Chapter 17.1
Chapter 17.2
Chapter 17.3
Chapter 18.1
Chapter 18.2
Chapter 18.3
Chapter 18.4
Chapter 18.5
Chapter 19.1
Chapter 19.3
Chapter 19.4
chapter 20.1
Chapter 20.2
Chapter 20.3
announcement
xxx

Chapter 16

12.4K 230 104
By CelineIsabellaPHR

DAHIL sa dami ng taong nasa tabi ng kinalalagyan ng holy water ay si Yael na lang ang lumapit doon. Pinaghintay na lang nito si Jackie. Nang maisawsaw ni Yael ang daliri nito doon ay pasimple nitong iniabot sa kanya ang kamay nito.

Idinampi ni Jackie ang dalawang daliri niya sa basang kamay ni Yael. Sabay silang nag-antanda.

They went to Mass together. Iyon nga lang, nasa magkabilang gilid sila ng aisle. Pero ngiting-ngiti si Father Lito nang makita sila. Sana lang ay hindi nito napansin na hindi sila tumanggap ng komunyon. Siguradong magtataka ang pari.

Ganoon na lang ang pagpipigil ni Jackie sa sarili niyang humawak sa braso ni Yael habang naglalakad sila papunta sa parking lot. Hindi puwedeng may makahalata na may namamagitan na uli sa kanila. Pero naagaw pa rin nila ang pansin ng karamihan.

Sinulyapan niya si Yael. "Tinitingnan nila tayo."

"Akbayan kaya kita para may mapagtsismisan naman sila?"

Tiningnan niya si Yael ng masama.

"I'm just kidding," anito. "Bilis na, ngiti na. Mukha kang guilty. Lalo kang pagtsi-tsismisan."

Pero hindi pa rin niya mapilit ang sarili niyang ngumiti. "Kinakabahan kasi ako, Yael."

"Sa atin?"

Tumango siya.

Tumigil si Yael sa paglakad. Humarap ito sa kanya. "Babe, wala namang sigurado. Kung anuman 'to, at least we know we're giving it a chance."

Hindi pa rin niya magawang ngumiti. Sa halip ay humugot siya ng malalim na hininga.

Tumawa si Yael. "Ngiti na kasi. 'Yon sina Krissy, o."

Sinundan niya ang itinuro nito. Nandoon nga si Krissy at ang tatlong anak nito. Naka-park ang sasakyan ng mga ito sa tabi ng sasakyan ni Yael.

"Huwag kang magsasabi d'yan ng kahit na ano," aniya. "Baka dito pa magtititili."

Bago pa sila makalapit ay nakita na sila ni Krissy. Bahagyang kumunot ang noo nito.

"Ba't kayo magkasama?" tanong nito.

"Nagkasabay lang," aniya.

"Naglalakad kanina," wika naman ni Yael. "Isinabay ko na. Kawawa naman."

Kung naniwala si Krissy ay hindi siya sigurado. "So, okay na kayo?"

Hindi alam ni Jackie kung ano ang ibig sabihin ni Krissy sa tanong na iyon pero tumango siya. "Oo."

Ngumiti si Krissy. "So, everybody happy?"

Tumango si Jackie. "I guess."

"'Asan si Linus?" tanong ni Yael.

"Idinaan sa kumbento 'yong fruits para kay Father Lito. May lakad kayo after dito?"

Ang totoo, hindi pa nila napag-uusapan iyon ni Yael. Nagkibit siya ng balikat sabay lingon kay Yael.

"Ikaw," wika din nito. "Ano'ng gusto mong gawin?"

"Wala ako maisip, eh."

Ipinilig ni Yael ang ulo nito na tila nag-isip. Napansin ni Jackie na inaabot nito ang likod nito at nahihirapan itong abutin iyon. Bago pa man siya makapag-isip ay kinamot na niya ang likod ni Yael.

Ngumiti ito. "Lower... right... taas ng konti... 'yan," wika ni Yael. "Sarap."

"OA ka," aniya.

"Eh, sa masarap talaga, eh," anito.

Bago pa makasagot si Jackie ay nakita niyang may kinawayan si Yael. Sinundan niya ang tingin nito at nakita niya ang mayamang Chinese sa bayan nila na si Mr. Chua.

"Sandali lang, ha?" ani Yael.

Wala sa loob na sinundan niya ito ng tingin. Hindi niya napigilan ang pagsilay ng ngiti niya.

"Oh. My. God."

Sa sandaling marinig ni Jackie ang ibinulalas ni Krissy ay naramdaman na niya ang pag-init ng mukha niya. Kung bakit ba naman kasi nang mapatingin siya kay Yael ay nakalimutan na niya kung nasaan siya. Nakalimutan na rin niya na may iba pala silang kasama.

Tutop ni Krissy ang bibig nito.

"What?" kunwa'y singhal niya. Pinandilatan din niya si Krissy.

Namimilog ang mga mata ni Krissy. "Umamin ka nga. Nang sabihin mo na 'okay na kayo ni Yael,' ano'ng ibig mong sabihing 'okay?'"

Humugot siya ng malalim na hininga. "Eh, 'di okay."

"Kayo na uli?"

Nagkibit siya ng balikat. "Medyo."

Muling tinutop ni Krissy ang bibig nito. "Oh, my God! Medyo pa lang 'yan, ha? But you are now doing that very intimate act of scratching his back!"

Kumunot ang noo ni Jackie. "Ano naman ang intimate sa pagkamot?"

Nagkibit si Krissy ng balikat. "I don't know. Parang napaka-spontaneous n'ong ginawa mo. Parang napaka-natural na gagawin sa isang karelasyon."

"Kung anu-ano ang pinagsasasabi mo."

Umiling ito. "Hindi ka makakapagsinungaling sa akin, Jackie. You guys did it. You definitely did it."

Hindi na kailangang ipaliwanag ni Krissy kung ano ang "it" na tinutukoy nito.

"Krissy, nasa harap tayo ng simbahan."

Pero tila hindi na nito narinig ang sinabi niya. "So, how was it?"

"Krissy!"

"Magkuwento ka na kasi!"

"Baka magalit ang Diyos."

Tiningnan siya ni Krissy nang pailalim. "Meaning, may ginawa ka ngang ikakagalit ng Diyos?" Binuntutan nito iyon ng hagikhik.

Pinaikot ni Jackie ang mga mata niya. "Eh, ano ngayon?"

Tuluyan nang namilog ang mga mata nito. "So it happened last night, huh?"

"Krissy-"

"Shucks, si Gary ang nanalo!"

Nanlaki ang mga mata ni Jackie. "Pinagpustahan n'yo kami?"

Humagikhik si Krissy. "Katuwaan lang naman. Tig-five thousand lang."

"Ang sama ng ugali n'yo!"

Pero tila hindi siya narinig ni Krissy. "Pero grabe ka. Ang landi mo. Kami ni Lira tenth at eleventh day ang pusta. Ang taas ng pagtingin namin sa 'yo. Bumigay ka after one week!"

Tumikhim si Jackie. Lumunok. "Actually, the first one was two nights ago."

Namilog ang mga mata nito. "That's even worse!"

"So, sinong nanalo?"

Ganoon na lang ang palakpak ni Krissy. "Yehey, wala! Buti na lang malandi ka, my friend."

"Sabi mo kasi magsasara," aniya.

Ganoon na lang ang tawa nito. "Gaga, doktor ka. Alam mong imposibleng mangyari 'yon. Gusto mo lang talaga. Landi," anito. Kinurot pa nito ang baywang niya. "So how was it?"

"At bakit ko sasagutin ang tanong na 'yan?"

"Dahil sasabog ang dibdib mo kapag 'di mo nailabas."

Napangiti siya. Pakiramdam niya ay itinatahip ang dibdib niya. "All along I thought I'm not a screamer."

Humagikhik si Krissy. "Okay lang, wala namang kapitbahay si Yael."

Bago pa siya makasagot ay nakita niyang papalapit na si Yael. Kasama na nito si Linus.

"Ano, tara na?" tanong ni Yael sa kanya. Hinapit nito ang baywang niya.

Napapitlag tuloy siya pero hinarap niya ito. "Okay," aniya bago bumaling kay Krissy at Linus. "'Later, guys."

Hindi na niya pinansin ang nanunudyong tingin ni Krissy. Pumasok na siya sa pintuan ng sasakyan na binuksan ni Yael.

Nang makaupo si Yael sa driver's seat ay ipinatong nito ang iPhone nito malapit sa kambyo. Agad na rin nitong iniatras ang sasakyan. "Sa bahay na tayo?"

"Sige," pakli ni Jackie. "'Buti na lang nailagay ko sa bag ko ang mga gamit ko. Matitingnan ko ang daddy mo."

"Hindi doon na bahay."

Tiningnan niya si Yael ng masama. "Shut up."

Tumatawang iniliko ni Yael ang sasakyan sa highway.

Muli sanang magsasalita si Jackie pero nag-ring ang iPhone ni Yael. Parang iisang taong napatingin sila doon.

At nang makita ni Jackie ang caller ay awtomatiko nang napakunot siya ng noo, Leslie ang nakalagay sa screen.

If she had the right to ask questions, she did not know. Pero alam niyang hindi siya makakatulog kapag hindi siya nagtanong. "Is that..."

"It's Leslie," wika ni Yael bago muli nang ibinaling ang atensyon sa daan.

Ramdam ni Jackie ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Pagkatapos ng pagkatapos ng page-eskandalo ni Leslie ilang gabi na rin ang nakakaraan, wala siyang maisip na dahilan kung bakit pa nito tatawagan si Yael. O meron bang dahilan na hindi niya alam? "Bakit hindi mo sagutin?"

Muling tumingin si Yael sa iPhone. Pero sa halip na sagutin iyon ay pinindot nito ang decline button.

Napamaang si Jackie kay Yael. Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Dapat ay matuwa siya na hindi tinanggap ni Yael ang tawag. Pero hindi niya alam kung bakit lalong binundol ng kaba ang dibdib niya. "Bakit hindi mo sinagot?"

"Bawal mag-cellphone 'pag nagda-drive," ani Yael nang hindi tumitingin sa kanya.

Hindi na umimik si Jackie. Ano nga naman kung sakali ang sasabihin niya? Alangan namang awayin niya si Yael, eh, d-in-ecline naman nito ang tawag?

Pero hindi niya maiwasang isipin kung ano ang gagawin ni Yael kung tatawagan ito ni Leslie at wala siya sa tabi nito. Would Yael take Leslie's call?

Humugot si Jackie ng malalim na hininga. "We really should lay some ground rules," aniya.

Huling-huli niya ang pagtaas ng sulok ng labi ni Yael na tila may naisip na nakakatuwa. Napasimangot si Jackie. Pupusta siya na may kinalaman iyon sa sinabi niya.

Tumingin si Yael sa kanya. "Kasama sa rules ang tungkol sa pakikipag-usap sa mga ex?"

If he was teasing her, she did not know. "Seryoso ako Yael."

"Ako din naman, ah," anito. Pero halatang pinipilit lang nitong gawing seryoso ang hitsura nito. "Ano, kasama?"

Gusto na ni Jackie na mainis sa sarili niya. Bakit ba kasi siya nagpapaapekto sa nararamdaman niya. Pinagtatawanan tuloy siya ni Yael.

Pero hindi naman siguro masama na maging possessive siya nang kaunti. Hindi naman fair para sa kanya na makikipaglandian si Yael sa iba. "That's definitely on top of the list," aniya. "Kasama doon ang mga lasenggang fubu."

Napangiwi si Yael.

"Ayaw mo?" singhal niya.

Ngumiti si Yael. Ginagap nito ang kamay niya at dinala iyon sa mga labi nito. "You're the boss, babe," anito. "You're the boss."



NAPANGITI si Jackie nang makitang magkatabi sa swing si Yael at ang tatlong-taong gulang na anak ni Lira na si Kenji. Pagkagaling nila ng simbahan ay sa bahay na ng mga ito sila dumiretso para masilip na rin niya ang daddy nito.

Kahit hindi niya naririnig ay alam niyang kumakanta ang dalawa ng nursery rhymes. Nakapatong sa baywang ni Yael ang isang kamay nito at nakataas ang isa habang patuloy ang exaggerated na pagbuka ng bibig nito. Makaraan ang ilang sandali ay sabay na pumalakpak ang dalawa bago pinupog ng halik ni Yael si Kenji.

Parang may kumurot sa puso ni Jackie. Yael obviously adored the child. Mukhang masayang-masaya ito. Hindi tuloy niya maiwasang isipin kung ganoon din ba sana ito kasaya noon kung nagkaanak sila.

Bahagya siyang umiling para mawala ang agiw na iyon sa utak niya. Lumapit siya sa mga ito.

Ngumiti si Yael nang magtama ang mga mata nila. "Come here, babe."

"Hello, Tita Ninang," kiming wika ni Kenji.

Napangiti siya sa itinawag nito sa kanya. Tito Daddy ang tawag nito kay Yael. Umupo siya sa tabi ni Kenji. "Hi, baby!"

"Kiss ka sa Tita Ninang. Mabango 'yan."

Tiningnan niya ng masama si Yael, bago hinarap si Kenji. Humalik si Kenji sa pisngi niya.

Ngumiti siya. "'Sarap naman ng kiss ni Kenji..."

"It runs in the family, you know," wika ni Yael. "Lahat kami good kisser."

"Tumigil ka na nga," singhal ni Jackie na ikinatawa lang ni Yael bago muling bumaling kay Kenji. Pinapasok na nito si Kenji.

Agad namang tumakbo si Kenji.

"Bakit mo pinaalis?"

"Maliligo pa 'yon," anito. "So, how did you find my singing?"

"'Di ko na narinig pero ang cute mo."

"Kaibig-ibig?"

Iningusan niya ito.

Tumawa si Yael. "'Lipat ka na lang kasi dito sa tabi ko," wika nito. Pinatigil nito ang pag-ugoy sa kinauupuan nilang swing.

Inaamin naman ni Jackie na gusto talaga niyang magkatabi sila. Pero ano na lang ang iisipin ng mga makakakita?

"Puwede naman tayong magkuwentuhan nang magkaharap."

Sumimangot si Yael. "Mas masarap magkuwentuhan nang magkatabi," anito. Hindi na nito hinintay na sumagot siya. Lumipat na ito sa tabi niya.

"Makita tayo nina Aling Siony," aniya na ang tinutukoy ay ang may edad nang yaya pa nina Yael noon.

Lumabi si Yael. "Hayaan mo sila," anito. "Basta ang magkakalat ng kung anu-anong tsismis walang bonus sa pasko." Halatang sinadya nitong lakasan ang boses nito para marinig ng mga nasa paligid, kung mayroon man.

Tinampal niya ang hita ni Yael para sawatahin ito pero ginagap nito ang kamay niya.

Pinagsalikop nito ang mga daliri nila. Ipinatong ang binti sa kaharap na upuan.

Ganoon na lang ang gulat ni Jackie nang bigla siya nitong hilain. "Ano, ba, Yael!"

Pero hindi siya binitawan ni Yael. Inginudngod nito ang mukha nito sa leeg niya. "Hmmm... bango..."

"Yael, umayos ka nga..."

Umayos ito ng upo. Pero nanatili itong nakaakbay sa kanya.

At dahil napakasarap naman talaga sa pakiramdam ang sumandal sa malapad na dibdib nito, hindi na siya nagpumilit pang lumayo.

Muli siyang niyapos ni Yael. "Hindi ba talaga tayo puwedeng dumaan sa bahay bago kita ihatid mamaya?"

Tinampal niya ang dibdib nito.

Yumuko ito at inilapit ang mukha nito sa mukha niya. "Baka lang makalusot."

"Yael-"

Pero sinamantala ni Yael ang pagbuka ng labi niya. Inangkin na nito nang buong-buo ang mga iyon.

Sa kabila ng pangamba ni Jackie na maaaring may makakita sa kanila ay hindi niya magawang pigilan ang sarili niya na tugunin ang halik ni Yael. Naramdaman niyang pumatong ang isang kamay nito sa baywang niya.

"Dinner's ready, guys!"

Naramdaman niya ang pagsimangot ni Yael sa pagitan ng mga labi nila dahil sa narinig na sigaw ni Lira.

"Kailangan na talaga nating lumayo muna," anito. "Do'n sa tayong dalawa lang. Sa walang istorbo."

"Saan naman?"

"Saan mo gusto?"

Namilog ang mga mata ni Jackie. "Kahit gusto ko ng Boracay?"

"Then let's do Bora. Bago ka bumalik sa trabaho mo?"

"Seryoso?"

Sa halip na sumagot ay inilabas na nito ang iPhone nito. Ilang sandali pa ay may kausap na itong travel agent.



MABIBILIS ang mga hakbang na tinalunton ni Yael ang daan mula sa parking space hanggang sa pintuan ng opisina nila. Mamayang gabi kasi ay luluwas sila ni Jac papuntang Maynila. Bukas ang flight nila papuntang Boracay. Kailangan niyang magmadali dahil marami siyang kailangang tapusin bago umalis.

It was going to be a long day ahead.

Pero isipin pa lang ni Yael na ilang araw silang makakasama ni Jac ay para nang lumulutang ang pakiramdam niya. Kasabay ng pagtulak niya sa pintuan ay ang paghulagpos ng ngiti niya.

Ngiting agad na napalis nang makapasok siya. Ang bumungad kasi sa kanya ay si Leslie na nakaupo sa may reception area.

Kunot ang noong sinulyapan ni Yael si Tita May pero nagkibit lang ito ng balikat na muli nang tumingin sa monitor nito.

Tumayo si Leslie nang makita siya. Alanganin ang naging pagngiti. "Hi, Yael..."

Ilang araw na ang nakakaraan mula nang mag-eskandalo si Leslie at kung ano ang ginagawa nito dito ngayon ay walang ideya si Yael. "Leslie," maiksing wika niya. Hindi naman kasi niya alam kung ano sasabihin niya dito.

Sumulyap si Yael kay Tita May at sa limang empleyada. Hindi nakatingin ang mga ito sa kanila pero sigurado siyang walang makakaligtas sa tainga ng mga ito.

"This way, Leslie," aniya. Tinungo ni Yael ang direksyon ng opisina niya.

Sumunod sa kanya si Leslie. "I owe you an apology, Yael," anito nang makapasok sila. "Hindi lang sa 'yo kundi pati na rin sa mga kaibigan mo. Lalo na kay Jackie."

Nilingon niya ito. "Bumalik ka talaga para mag-apologize?"

"'Yon ang tama."

Humugot ng malalim na hininga si Yael. Umiling siya. Kung anuman ang nagawa ni Leslie, wala na sa kanya iyon. What Leslie had done was actually a blessing in disguise. Nagkaayos sila ni Jac dahil doon. Kaya wala nang rason para hindi niya tanggapin ang apology nito. "Okay na, Leslie. Huwag mo nang isipin."

Sa tingin ni Yael ay nakahinga si Leslie ng maluwag. Pero hindi ito umimik.

Ibinaba ni Yael ang laptop bag niya bago muling tiningnan si Leslie. "Paluwas na ka rin ngayon?"

Umiling si Leslie. "Hindi. I'll be working at the resort."

Bahagyang natigilan si Yael sa narinig pero agad din siyang nakabawi. Bigla niyang naalala na bago nga pala ito umalis noon ay nakipag-usap ito sa may-ari ng resort. "Tuloy ang pagpapa-redecorate nila?"

Tumango si Leslie. "'Yon ang ibabalita ko dapat sa 'yo no'ng pumunta ako sa..." kusa nitong hindi itinuloy ang sasabihin nito.

Tumango si Yael. Alam na niya ang ibig nitong sabihin.

"Ang usapan namin no'n, tatapusin ko muna 'yong house mo. Pero dahil sa nangyari, naisip kong wala na akong babalikang trabaho sa 'yo. Sinabi ko sa resort na puwede na kaming magsimula. Sana okay lang sa 'yo."

Isa lang ang ibig sabihin n'yon. Mamalagi si Leslie sa San Joaquin ng ilang linggo. Kung hindi buwan. Pero wala namang kaso iyon kay Yael. At natutuwa naman talaga siya na nakahanap si Leslie ng project. "No problem."

Ngumiti si Leslie. "Pero kung gusto mo, puwede ko namang ituloy after this project."

Muntik nang mapangiwi si Yael. Leslie looked hopeful but that was out of the question.

Siguradong sasakalin si Yael ni Jac kapag pumayag siyang ipagpatuloy pa ni Leslie ang pag-aayos sa bahay niya. Iyon ay kung hindi pa iyon ang mismong gawin ni Jac kapag nalaman nitong nasa San Joaquin si Leslie. "The project is shelved for now. Pag-iisipan ko munang mabuti kung ano ang gagawin ko sa bahay," wika na lang niya.

Nalaglag ang mga balikat ni Leslie. Lumamlam ang mga mata nito. Ngumiti. Pilit. "And I guess that's also the end of.. you know... us? If there ever was such a thing."

Pagkatapos ng ginawang pagwawala ni Leslie, hindi na nagulat pa si Yael sa sinabi nito. "Leslie..."

Umiling si Leslie. "No'ng tawagan ako ng resort, I could have said no. But I grabbed the opportunity. And it's not because of the money, Yael. Bumalik ako kasi nandito ka. Pero ang tanong, may babalikan pa ba ako, Yael?"

Hindi na napigilan ni Yael ang paghulagpos ng malalim na hininga niya. Kung tutuusin, napakadaling sagutin ng tanong na iyon. Pero hindi puwedeng sagutin iyon ni Yael nang hindi nabubunyag ang sekreto nila ni Jac.

"Pinigilan ko naman ang sarili ko, Yael. Pero wala akong nagawa. I fell in love. With you. "

Sa totoo lang, walang maisip si Yael na isasagot doon.

Umiling si Leslie. "No'ng nakilala kita, Yael, naisip ko na posibleng ikaw na nga 'yong hinihintay ko. You were so nice to me. You acted like a real boyfriend. You were my fairy tale. Pinapahaba mo ang hair ko." Bahagya itong tumawa.

Hindi naman napapansin ni Yael na ganoon na ang nangyayari. He was just doing what was right. Hindi naman por que wala silang malinaw na usapan ay tatratuhin na niya ito ng hindi maganda.

"You deserved to be treated nicely, Leslie," aniya.

Mabait naman kasi si Leslie. And she was a good woman. Masyado lang siguro itong nasaktan kaya ito nagwala. At pagkatapos ng pag-amin ni Leslie na napamahal na siya dito, naiintindihan na ni Yael kung bakit ganoon na lang ang galit nito.

"Pero nakaka-turn-off nga naman 'yong ginawa kong pagwawala. Hindi kita masisisi kung medyo natatakot ka sa 'kin ngayon."

Pinigilan ni Yael ang mapabuntong-hininga. Inaamin naman niya na tumunog ang lahat ng alarma sa utak niya nang makita niya ang ginawa ni Leslie. Ganoong mga drama sa buhay ang labis na kinatatakutan niya sa nagdaang ilang taon. Kaya naging maingat siya. Pero ganoon pa rin ang nangyari.

Napatingin si Yael sa pintuan nang may kumatok. It was Tita May.

"Tumawag 'yong misis ni Rodrigo," anito. Crane operator nila si Rodrigo.

"Bakit daw?"

"Hindi daw makakapasok. Tinatrangkaso. Tapos 'yong trailer na magdadala ng semento kay Chua, nahuli daw ng overloading."

Inihilamos ni Yael ang palad niya sa mukha niya. Buong akala pa naman niya ay hindi magkaka-problema ngayong araw.

Tumikhim si Leslie. "Mukhang marami kang trabaho ngayon. Aalis na lang muna ako."

Tiningnan niya ito. "I'm sorry, Leslie."

Tumango si Leslie. "I understand. Sige, hindi na ako magtatagal."

Sinabayan na niya ito hanggang sa may pintuan. Kinawayan na rin niya ang isang tricycle nang makalabas sila.

"Ingat, Leslie," aniya nang makasakay ito.

Nginitian siya ni Leslie. Matamis. "'See you around, Yael."

Hindi na siya sumagot. That was inevitable anyway. Napakaliit ng bayan nila. Hindi imposibleng mangyari iyon.

Ewan lang niya kung ano ang masasabi ni Jac tungkol sa bagay na iyon.

*pasensya na, friends ha, pero last na talaga ito. please bumili na ng libro at sayang naman kung aamagin. hehehe...

salamat sa paglalaan ng oras. salamat sa pagmaamhal kay yael at jackie.

sa mga nasa abroad, may ebookstore ang precious hearts. sa mga nasa pinas, meron pa nito na NBS. may nakikita pa akong paisa-isa. meron din sa mga online sellers.

https://www.preciousshop.com.ph/products/series/phr06086-because-almost-is-never-enough/

muli, salamat.

Continue Reading

You'll Also Like

90.6K 2.9K 24
Author's Note - Book 3 na po ito. Bago ito basahin, pakibasa muna ang A Taste of Honey at More Taste of Honey. Parehong completed stories na dito sa...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
503K 11.7K 27
"Maybe you're not my idea of a perfect woman but that doesn't stop me from loving you." Natagpuan na lang ni Sam ang sariling nakakulong na sa mga bi...
24.7K 811 32
Ipinagkasundo sina Bernadette and Juniel ng mga inang matalik na magkaibigan. At kung hindi pa nag-apura ang mga itona matupad ang kasunduan ay hindi...