Chapter 4

11K 293 19
                                    

"DAPAT talaga hindi ako pumayag na pakainin mo ako nang pakainin, Yael. My tummy is so big! I'm so fat!"


Hindi naituloy ni Yael ang pagtulak sana niya sa pintuan ng ballroom ng Palazzo San Joaquin kung saan gaganapin ang awarding. Sinulyapan niya si Leslie. "You look good, okay?" aniya.


Hapit sa katawan ni Leslie itim na gown nitong may malalim na neckline at uka sa likod na umaabot na sa baba ng baywang nito. At kahit saang anggulo tingnan ni Yael, hindi niya makita ang tabang sinasabi nito. Ang totoo, payat ito.


"Sinasabi mo lang 'yan para hindi ako ma-hurt. Baka sabihin ng mga nandito na ang kapal ng mukha kong magsuot ng ganito tapos..." kusa nitong hindi itinuloy ang sasabihin nito. Sumimangot.


Tumawa si Yael. "Sino ka?" biro niya dito. "Ano ang ginawa mo kay Leslie?"


Ikiniling ni Leslie ang ulo nito. "Hindi mo naman siguro ako masisisi, Yael. Nand'yan ang family mo. Ayoko namang isipin nila na nagbitbit ka ng-"


Hinawakan ni Yael ang braso ni Leslie para hindi na nito ituloy ang sasabihin nito. "Promise, mabait sila."


Pero sa kabila ng sinabi ni Yael, mukhang nag-aalangan pa rin si Leslie.


Nginitian niya ito. "And believe me, you're gorgeous."


Tiningnan siya nito ng pailalim. "Totoo?"


"Yep."


Sa wakas ay sumilay ang ngiti ni Leslie. "'Yan ang gusto ko sa 'yo, eh. Marunong kang mambola."


"Hindi ako nambobola. You really are."


Lumapad ang ngiti ni Leslie.


"At tapos na ang usapang ito, okay?"


Humawak na si Leslie sa braso niya. "Okay," wika nito.


Itinulak na ni Yael ang pintuan. "'Ayun sila," aniya nang mamataan niya ang mga kapamilya niya. Nakaupo ang mga ito sa palibot ng isang bilog na lamesang natatabingan ng pula at puting mantel. Inalalayan niya si Leslie papunta doon. Agad niyang ipinakilala si Leslie nang makalapit sila.


"Dito ka sa tabi ko, Leslie nang makapagkuwentuhan tayo," wika ng mommy niya.


Sumulyap si Leslie sa kanya. Ngumiti.


Hinila niya ang isang upuan para kay Leslie. Umupo na rin siya nang makaupo ito.


"Kumusta naman ang pag-aayos sa bahay ni Yael?" tanong ng mommy niya.


"Naku, Tita," ani Leslie. "Mukhang aabutin kami ng five years. Napakahirap kausap nitong si Yael."


Because Almost is Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon