Chapter 18.2

10.5K 238 121
                                    

SINAMSAM ni Yael ang mga blueprint na nakakalat. Sa pagkakaalam niya ay mag-isa na lang siya sa opisina dahil maga-alas-siyete na.

Kaya natigilan si Yael nang marinig niyang bumukas ang main door. Nakaawang ang pintuan ng opisina niya kaya narinig niya ang pagbukas niyon. At ang muling pagsara.

Tumayo si Yael. Lumabas at agad na nagtama ang mata nila ng dumating.

It was Leslie.

"Hey, Leslie," wika niya nang makabawi sa pagkabigla.

"The door was open. Kaya pumasok na lang ako." Ngumiti ito. "Bukas sana kita pupuntahan pero nakita ko 'yong sasakyan mo sa labas."

"May tinatapos lang kasi ako. May kailangan ka?"

Tumango si Leslie. Ngumiti. "Balak kasi nila sa resort na baguhin 'yong mga banyo. Ikaw ang naisip ng may-ari. Puwede mo daw bang isingit?"

Para kay Yael ay walang maliit o malaking trabaho. Pagkakakitaan iyon. At hindi rin eksaktong maliit na trabaho ang mga banyo sa resort. Nasa pitumpu't-lima ang kuwarto doon. But that would also mean working with Leslie. At hindi iyon magugustuhan ni Jac. He would not want to cause her unnecessary heartache. "Itatanong ko ay Gary kung puwede siya."

"Hindi ka puwede?"

Umiling siya. "Puno ang schedule ko, eh. Sabihan ko na lang si Gary na dumaan do'n."

Kiming ngumiti si Leslie. "Okay."

Sinuklian niya ang ngiti nito.

Tumikhim si Leslie. "I was just thinking, since nandito na rin lang ako, why don't we just go out? I'm sure hindi ka pa nagdi-dinner."

Muntik nang mapangiwi si Yael. Hinilot niya ang batok niya. "Hindi puwede, eh."

"Wala naman si Jackie ngayon 'di ba?"

Bahagyang tumawa si Yael. Kung sabagay, kalat na sa buong bayan na nagkabalikan sila ni Jac.

"Alam ko rin na pupunta na siya ng US," dagdag ni Leslie.

"Yeah, in a week."

"So, lalabas na lang tayo pag-alis na niya?"

Ipinilig ni Yael ang ulo niya. Humugot siya ng malalim na hininga. "Leslie-"

Tumawa si Leslie. "I'm just kidding, Yael. Naiintindihan ko naman. I guess, some things are not really meant to be."

Dahil wala naman maisip na isagot doon si Yael ay umiling na lang siya.

Pero tila hindi naman hinihintay ni Leslie na sumagot siya. Inayos na nito ang bag nito sa balikat nito.

Tumikhim si Yael. "Pauwi na rin ako, Leslie. Idadaan na lang kita sa resort."

Nagliwanag ang mukha ni Leslie. "You would?" anito. Lumapit ito sa kanya.

"Why not?" aniya. That was the least he could do. Kahit naman kasi papaano ay nakukonsensya siya sa mga nangyari. Umasa ito noon. "Hindi naman malaking abala sa-"

Pero hindi na natapos ni Yael ang sasabihin niya. Hinila na kasi ni Leslie ang kuwelyo niya at lumapat na ang mga labi nito sa mga labi niya.

Sa sobrang gulat ni Yael ay hindi siya agad nakapag-react. Lalo pa at ikinawit na ni Leslie ang mga braso nito sa leeg niya. Hindi niya ito magawang itulak dahil siguradong matutumba ito sa taas ng takong nito.

Noon biglang bumukas uli ang main door.

Dahil nakaharap doon si Yael ay agad niyang nakita kung sino ang dumating. Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa sa nakita.

It was Jac.

Bumitaw si Yael kay Leslie.

Tutop ni Jac ang ang bibig nito at nanlalaki ang mga matang titig na titig sa kanya.

Pakiramdam ni Yael ay itinulos na siya sa kinatatayuan niya. Gusto niyang lapitan si Jac. Ang yakapin ito at sabihin dito kung ano ang totoong nangyari pero hindi niya magawa. Naumid na rin yata ang dila niya.

Bumaba sa braso ni Yael ang tingin ni Jac at noon napagtanto ni Yael na nakahawak pa pala si Leslie doon. Pasimple niyang tinanggal ang pagkakahawak nito sa kanya.

Nang muling tumingin sa kanya si Jac ay mababakas na ang pait sa mga mata nito. Umiling ito. Umatras. Kasabay ng pagtalikod ni Jac ay ang pagsara ng pintuan.

Yael suddenly found the strength to move. Wala siyang maisip na sasabihin dito pero kailangang sundan niya ito. And so he did. Nasa pinakamababang baitang na ito ng hagdan.

"Mag-usap tayo, Jac, please..."

Tumigil sa paglakad si Jac pero hindi ito lumingon. "Do both of us a favor, Yael," anito. Mahina ang pagsasalita nito pero ramdam ni Yael ang bigat ng bawat salitang binitawan nito. "Huwag mo muna akong kausapin ngayon."

Nalaglag ang balikat ni Yael. Ang pinakahuling bagay na gusto niyang mangyari ay ang umalis si Jac nang hindi malinaw dito kung ako ang nangyari. But he knew Jac was serious.

Humarap si Jac sa kanya. Nanlilisik ang mga mata nito. "At utang na loob, huwag mo akong susundan. Dahil sa lahat ng nararamdaman ko ngayon, baka makagawa ako ng bagay na pareho nating pagsisisihan."

Pagkasabi ni Jac sa mga katagang iyon ay tumalikod na ito. Agad na nitong pinara ang dumaang tricycle at sumakay na ito doon.


**********

complete story available at https://www.preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/3598/Because-Almost-Is-Never-Enough---PHR06086

avail na. murang-mura lang naman. hehehe... thank you...

kung ayaw, wala namang pilitan. kung walang perang pambili, wag sa kin ibunton ang kahirapan sa buhay. okies?

Because Almost is Never EnoughWhere stories live. Discover now