Chapter 19.3

7.6K 239 80
                                    

update uli para sumaya ang lahat... don't forget: The Widow's Peak...

********

"PERO alam mo, Jackie ilan lang ang masuwerteng nabibigyan ng pagkakataon na magkabalikan. Ang to think na annulled na ang kasal n'yo. That is really something. Kayo nga ang unang nabalitaan ko na ganyan, eh."

Napailing si Jackie sa komentong iyon ni Doc Lei tungkol sa nagyari sa kanila ni Yael. "Technically, Doc Lei, hindi kami kasama sa statistics kasi hiwalay na uli kami."

Maga-alas dos na ng madaling-araw at kakatapos lang ng despedida party ng mga ito para kay Jackie. Dahil iisa ang way nila pauwi ni Doc Lei ay isinabay na siya nito. Mamayang hapon na ang lipad niya papuntang Washington kung saan naroon ang connecting flight niya papuntang Baltimore, Maryland.

Pagdating pa lang ni Doc Lei kanina sa party ay agad na siya nitong pinuna. Hindi daw ganoon ang hitsura ng papasok sa isa sa pinaka-prestihiyosong ospital sa buong mundo. At ngayong dalawa na lang sila sa loob ng kotse nito ay hindi na siya nito tinantanan.

Sinulyapan siya ni Doc Lei. "But you love him." It was not a question.

"Oo naman, Doc Lei," ani Jackie bago humugot ng malalim na hininga. She was about to say that love was never an issue. Pero hindi na siya sigurado doon ngayon. Anim na araw na ang nakakaraan mula nang mag-away sila ni Yael pero hindi pa rin ito nagpaparamdam. Baka sa sobrang galit ni Yael sa kanya ay tuluyan nang nawala ang pagmamahal nito sa kanya.

Inaamin naman ni Jackie na gustung-gusto niyang puntahan no'n si Yael. Pero pagkatapos ng lahat ng sinabi niya dito, nahihiya siya. Malamang ay galit pa rin ito sa kanya dahil kahit alam nitong paalis na siya ay hindi man lang siya nito sinuyo. At baka hindi kayanin kapag ipinagtabuyan siya nito.

"So, ang talagang issue ay 'yong pag-alis mo?" muling tanong ni Doc Lei.

"That and that kissing scene," aniya bago muling humugot ng malalim na hininga.

Pumalatak ito. "Kung sabagay, a scene like that is the worst ingredient that could be added to a long distance relationship. Mumultuhin ka no'n araw-araw. Lalo na at ganyan na parang nagsisimula kayo uli."

Humarap si Jackie dito. "Sabi kasi ng mga kaibigan ko, nago-overreact daw ako. Pero may rason naman po ako para matakot 'di ba?"

"Mahirap naman talaga ang long distance relationship," anito. Humugot ito ng malalim na hininga bago dahan-dahang pinakawalan 'yon. "'Been there, 'done that."

Ipinilig ni Jackie ang ulo niya. Inaamin niya, nasundot ang kuryusidad niya. Pero nahihiya naman siyang magtanong.

Bahagyang ngumiti si Doc Lei. "I fell in love once. Pero kagaya mo, marami akong pangarap. I went to the US. Unfortunately, pagbalik ko, may nabuntis nang iba ang fiancé ko," anito. "I was so busy chasing my dreams na nakalimutan ko na may mga pangangailangan din pala siya."

Napamaang si Jackie. Hindi niya inaasahang magkukuwento si Doc Lei tungkol sa personal na buhay nito.

Humugot ng malalim na hininga si Doc Lei. "At mula no'n ang career ko na lang ang buhay ko. It was a poor substitute, though. I should have set my priorities. Nang ma-realize ko na hindi naman pala aalis ang career, huli na ang lahat."

Napalunok si Jackie. Hindi niya maiwasang isipin na posible ring mangyari ang ganoon sa kanya. "Pero bakit isinara n'yo na ang puso n'yo? Bakit hindi kayo nag-asawa?"

"Dahil wala nang tulad niyang dumating sa buhay ko," anito.

Pakiramdam ni Jackie ay may pumiga sa puso niya.

"Pero mahirap naman kasi talagang pakawalan ang napakagandang mga opportunity," ani Doc Lei. "They don't come everyday, right?"

Tumango si Jackie. "Oho nga po, ma'am," aniya. Sigurado siyang may nakahandang gumawa ng kahit na ano makuha lang ang training grant na hawak niya ngayon.

Sumulyap ito sa kanya. "So ano'ng balak mo? About this ex?"

Umiling siya. "Hanggang do'n na lang siguro 'yon. Magkasama nga po kami dito noon, naghiwalay pa din kami. Paano na lang 'pag milya-milya na ang layo?"

"Pero bata pa kayo no'n. Baka iba na ngayon."

Sa totoo lang, hindi alam ni Jackie ang isasagot niya doon. Pero bago pa siya makaapuhap ng sasabihin ay nag-ring ang cellphone niya. Ganoon na lang ang bilis ng tibok ng puso niya nang makita niya ang mukhang lumabas sa screen. It was Yael.

"It's him," aniya kay Doc Lei.

Ngumiti si Doc Lei. "Hindi nakatiis?"

Pakiramdam ni Jackie ay parang itinahip ang dibdib niya sa sinabing iyon ni Doc Lei. Pero baka naman igo-goodluck lang siya ni Yael. Hindi ibig sabihin n'yon ay makikipagbalikan na ito sa kanya.

"Take it," untag ni Doc Lei.

Napapitlag si Jackie. Akmang sasagutin na sana niya ang tawag nang maputol iyon.

Tinitigan niya ang cellphone. Pinag-isipan niya kung magre-return call siya.

Ganoon na lang ang bilis ng tibok ng puso niya nang muling mag-ring iyon. Pero na-disappoint lang siya nang makitang landline iyon. "Hello?"

"Hello, ma'am?" wika ng babaeng caller. "I'm looking for Miss Jacqueline Diestro?"

Kasabay ng pagkunot ng noo niya ay ang mabilis na kabog sa dibdib niya dahil sa binanggit nitong pangalan. Ni minsan ay wala pang tumawag sa kanyang Jacqueline Diestro. Kahit pa 'miss' ang ginamit nitong pang-address sa kanya at hindi 'misis' ay ramdam pa rin niya ang connection niya kay Yael.

Tumingin siya kay Doc Lei. Kunot ang noo nito na nakatingin sa kanya.

"Hello, ma'am?"

Napapitlag si Jackie nang muling marinig ang boses mula sa kabilang linya.

"Yes, this is Jacqueline." Sigurado siya na may kinalaman kay Yael ang tawag na iyon.

Nagpakilala ang babae. May binanggit din itong pangalan ng ospital.

"May pasyente ba akong dinala d'yan?" tanong niya. Pero sa sandaling maitanong niya iyon ay napagtanto niya agad na mali iyon. Nobody ever called her Dr. Diestro.

"Doctor po kayo?"

"Yes," sagot niya sa kabila ng kabang nararamdaman. Could Yael be... Hindi. Ayaw niyang isipin. Baka miyembro ng Dugu-dugo gang ang tumatawag na ito sa kanya.

"Hindi po, pasyente, ma'am," wika ng babae. "I'm afraid, it's more complicated than that."

"If this is a prank-"

"I understand how you feel," anito. "Pero ako po 'yong tumatawag kanina sa inyo. 'Yong number n'yo ang last dialed digit sa iPhone ng husband n'yo. Ni Mr. Rafael Diestro. And he is at the ER, ma'am."

Pakiramdam ni Jackie ay nanlambot na ang buong katauhan niya.

Because Almost is Never EnoughWhere stories live. Discover now