Chapter 18.1

7.4K 195 4
                                    


Chapter 18

"'ASAN ka ba? Bakit ganyan ang tugtog mo?" tanong kay Jackie ni Yael na kausap niya sa cellphone.

Napangiti si Jackie. Ang tinutukoy ni Yael ay ang lumang kantang pinapatugtog ng driver ng bus na sinasakyan niya pauwi ng San Joaquin. "Nasa taxi ako," pagsisinungaling niya.

Sa sulok ng mga mata ni Jackie ay nakita niyang sinulyapan siya ng katabi niya sa upuan. Iniisip marahil nito na sinungaling siya.

Bukas pa ang nakatakdang uwi ni Jackie sa San Joaquin. Pero dahil nakuha niya ang lahat ng mga papeles na kailangan niya pati ang plane ticket niya, nagdesisyon siyang umuwi na. Sayang ang araw dahil isang linggo mula ngayon ay lilipad na siya pa-Amerika.

Sinadya ni Jackie na huwag sabihin kay Yael na uuwi siya ngayon. She wanted to surprise him. Kaya dalawang bayan bago makarating ng San Joaquin ay tinawagan niya ito para didiretso siya kung nasaan ito. Apparently, he was still at the office.

Napangiti siya. Gustung-gusto niya itong sinu-sorpresa kapag nasa trabaho ito.

"I-text mo sa akin ang plate number ng taxi."

Tumawa si Jackie. "OA ka."

"Aba, maigi na 'yong nag-iingat."

"Hindi na, malapit na akong bumaba," aniya. "Hanggang ano'ng oras ka d'yan?"

"Mga thirty minutes na lang siguro," anito.

Tiningnan ni Jackie ang relo niya. Mga sampung minuto na lang ay nasa San Joaquin na siya. Doon na siya mismo sa tapat ng opisina ng mga ito bababa. "Good," aniya.

"Bago yata 'yan? Hindi mo pa ako pinapauwi."

Natutop ni Jackie ang bibig niya. "I mean, mas maigi nang nand'yan ka sa opisina kaysa nakikipag-inuman ka na naman kung kani-kanino. Pero 'uwi ka na, ha?"

"Ginawa mo naman akong parang sunog-baga sa kanto," anito.

Tumawa siya. "Basta uwi ka na."

"Promise, thirty minutes. Kailangan ko yatang magpahinga ngayon kasi nandito ka na bukas. Didiretso ka sa bahay, ha?"

Nanlaki ang mga mata ni Jackie. "Yael, ha..."

"What?" anito. But she could hear the humor in his voice.

"Lagi na lang ganyan ang mga sinasabi mo," aniya.

"Babe," ani Yael na tila nagpapaliwanag sa isang bata. "You're going to live halfway around the globe. You have to learn to talk dirty to me on the phone."

Nag-init ng pisngi ni Jackie. Pinag-igi niya ang pagdikit sa cellphone sa tainga niya. Baka marinig ng katabi niya ang sinasabi ni Yael. "Mamaya may makarinig sa 'yo d'yan."

"Mag-isa na ako dito," ani Yael. "Gusto mo i-try natin ngayon?"

"Tigilan mo ako!" impit na tili niya.

Pero tumawa lang si Yael sa kabilang linya.

Nang isang bayan na lang ang layo ay nagpaalam na siya dito. Kailangan niya pang mag-retouch ng make-up niya. Gusto niyang magandang-maganda siya sa paningin ni Yael.    

Because Almost is Never EnoughWhere stories live. Discover now