Chapter 18.4

8.3K 364 54
                                    

***ayan, update***

favor naman, friends, pa-visit din nung isang new story ko: The Widow's Peak.

Thanks in advance. :-)

**********************************************

HUMUGOT ng malalim na hininga si Jackie habang pababa siya ng hagdan ng bahay nila.

Nang katukin siya ng mama niya kanina ay alam na niyang si Yael ang dahilan. Narinig na rin kasi niya ang pagtigil ng sasakyan nito sa harap ng bahay nila.

Hindi halos nakatulog buong magdamag si Jackie sa kakaisip kung bakit nangyari ang nasaksihan niya kagabi.

Hindi pa rin siya makapaniwala kahit malinaw na malinaw ang eksenang nadatnan niya. Sa pelikula lang nangyayari ang ganoon, hindi sa totoong buhay. At lalong hindi dapat mangyari sa kanila ni Yael. Because the last time she checked, they were happy.

Pero akala lang pala niya iyon.

Agad na tumayo si Yael mula sa sofa nang makita siya. "Alam kong ako ang pinakahuling tao na gusto mong makita ngayon, Jac, pero kailangan nating mag-usap."

Pinilit ni Jackie na gawing blangko ang ekspresyon niya. Hindi siya umimik.

"May karapatan kang magalit, Jac. Sampalin mo pa ako kung gusto mo. Pero bago mo gawin 'yon, puwede naman sigurong pakinggan mo muna ako, 'di ba?"

Umiling si Jackie. "Sa tingin mo, Yael, interesado akong malaman ang detalye? May idea ka ba kung ano ang nararamdaman ko kagabi? Pagod ako sa biyahe. Gutom ako dahil akala ko sabay tayong kakain. Pero madadatnan lang pala kita na may ibang kasama. Na nawala lang ako sandali ganoon na ang madadatnan ko."

"Pag-usapan natin 'to, Jac. Alam kong nasaktan ka. I spent the whole night racking my brains for something good to tell you. Magic words... cheesy words... kahit ano na puwedeng makapagpangiti sa 'yo. Pero wala akong maisip. Kasi alam kong kahit anong sabihin ko, hindi ko basta-basta mabubura sa isip mo ang nakita mo."

Umiling si Jackie. "I feel so betrayed."

"Jac..."

"No'ng araw na 'yon... noong puntahan kita sa tindahan, Yael... no'ng mangako ka sa 'kin na hihintayin mo ako kahit ano'ng mangyari... I was so confident we'd make it. Pero pagkatapos ng nangyari..."

"What you saw last night-"

"Ano Yael, sasabihin mo sa akin na wala lang 'yon? That you want me to pretend I didn't see anything?"

"Hindi naman 'yan ang-"

"You were dating Leslie her when I came into the picture. You like her and-"

"I love you, Jac," putol nito sa sinasabi niya. "Leslie may be worth knowing. Pero ikaw lang ang mahal ko."

Kung sinabi iyon ni Yael dahil sa tingin nito ay ikagagaan iyon ng loob niya, nagkamali ito. "Ano ang panghahawakan ko na hindi mo siya babalikan para kilalanin uli pag-alis ko? Nandito lang siya. And I will be miles away."

Nalaglag ang panga ni Yael. "Hindi ba masyado naman yatang unfair para sa akin yang ginagawa mo? Hinuhusgahan mo ako sa isang bagay na wala naman akong kabalak-balak na gawin?"

"You were kissing her, for God's sake!"

"For the nth time, sasabihin ko na hindi ko-"

"And for the nth time I'm going to tell you I don't give a damn who kissed who!" sigaw niya. "I'm leaving in a week. At kapag nandoon na ako, ano ang garantya na hindi uli mangyayari ang nakita ko kanina? At ni ayokong isipin kung saan 'yon hahantong."

Because Almost is Never EnoughWhere stories live. Discover now