Chapter 6

10.5K 279 9
                                    

KUNG nagbilang lang si Jackie ng tupa mula kaninang humiga siya ay umabot na sana siguro siya ng ilang libo.


She knew it was not healthy to think of the past. Pero dahil hindi niya magawang pigilan ang utak niya, pinapabayaan na lang niya. Sigurado naman kasi siya na normal lang ang nangyayari sa kanya. Bawat sulok naman kasi ng bayan nila ay nagpapaalala sa nakaraan.


Normal lang din na maging laman ng utak ni Jackie si Yael dahil lagi niya itong nakikita ngayon. Wang kinalaman doon ang bango ni Yael o kahit ang ka-sexy-han nito. Even the gorgeous stance that Krissy pointed out earlier had nothing to do with it.


Ganoon lang iyon. At pagbalik niya ng Maynila, tuluyan na namang mawawala si Yael sa utak niya.


Sa naisip ay napapangiting hinila ni Jackie ang isang unan. Niyakap iyon. Pumikit siya at pinabayaan na lang niyang dumaloy ng mga alaala.


{{{"NO protection? As in zero, zilch, nada?" wika kay Jackie ni Krissy. Nakapamaywang ito.


Nang dumating si Krissy kanina, nadatnan siya nitong nakatingin sa kawalan habang kaharap niya ang mga libro niya. Nag-aaral si Jackie dahil may exam siya bukas pero hindi siya makapag-concentrate. Magda-dalawang linggo nang delayed ang monthly period niya. Totoong irregular ang period niya pero masyado nang matagal iyon.


Humugot ng malalim na hininga si Jackie bago umiling.


Tinampal ni Krissy ang noo nito. "Hindi kita pinakialaman sa bagay na 'yan kasi Med student ka. Alam kong alam mo ang tungkol sa contraception. Bakit hindi kayo gumagamit ni Yael?"


Lalong sumakit ang ulo ni Jackie sa litanya ni Krissy. "Kasi Krissy, natatakot ako sa condoms. Baka maiwan siya sa loob."


Nagsalubong ang mga kilay nito. "Bakit naman maiiwan?"


"It happens, okay? Kuwentuhan sa class 'yong mga ganoon na itinatakbo sa Emergency Room."


Nagbuga ito ng hangin. "Jackie, it doesn't happen everyday! Tanga lang siguro talaga 'yong mga 'yon."


"Ayoko talaga."


"Eh, bakit hindi ka nag-pills?"


"Ayaw ni Yael. Baka daw magbago ang katawan ko at mahalata ni Mama."


"At naniwala ka naman?"


"Krissy, totoo naman," aniya. "Kaya nga nagpi-pills 'yong mga gay na gustong magpalaki ng boobs, 'di ba?"


"Eh, 'di dapat nag-consult ka sa OB kung ano 'yong hiyang sa 'yo?"


Because Almost is Never EnoughWhere stories live. Discover now