Because Almost is Never Enough

By CelineIsabellaPHR

364K 8.4K 1.5K

Sabi ni Jackie sa sarili ay puwede na uli niyang ngitian si Yael dahil mahigit walong taon na rin naman ang n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 11 - for real na
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15 (SPG)
Chapter 16
Chapter 17.1
Chapter 17.2
Chapter 17.3
Chapter 18.1
Chapter 18.2
Chapter 18.3
Chapter 18.4
Chapter 18.5
Chapter 19.1
Chapter 19.3
Chapter 19.4
chapter 20.1
Chapter 20.2
Chapter 20.3
announcement
xxx

Chapter 13

10.1K 209 8
By CelineIsabellaPHR

HINDI na maalala ni Jackie kung paano siya sumampa sa likod ng lumang dirt bike ni Yael kanina. Natagpuan na lang niya ang sarili niyang nakalapat na ang likod sa pintuan ng bagong bahay ni Yael. Kung hindi siya nagkakamali, hindi pa yata ganap na naipipinid ang main door kanina ay agad na siyang isinandal ni Yael doon. Ni hindi na nito nagawang buksan ang ilaw.

Muli nang inaangkin ni Yael ang mga labi niya. And she was kissing him back. Hungrily.

"Yael..." anas ni Jackie sa pagitan ng mga labi nila. Bahagya niyang kinagat ang pang-ibabang labi ni Yael.

Narinig pa niya ang mahinang pag-ungol ni Yael. He responded by cupping her left breast.

Bumaba ang mga labi ni Yael sa leeg niya. Pakiramdam ni Jackie ay para nang sinisilaban ang buong pagkatao niya. Nararamdaman niyang kinakalas na ni Yael pagkakatali ng suot niya sa leeg niya. Nang makalas iyon ay isinunod na nito ang bra niya.

Hinila ni Jackie ang laylayan ng T-shirt ni Yael. Inangat niya iyon.

Nang tuluyang tanggalin ni Yael ang T-shirt nito ay napakapit na si Jackie sa balikat nito. Naramdaman niyang inuntag nito ang panties niya. At habang dahan-dahan nitong ibinababa iyon ay dahan-dahan ding bumababa ang labi nito sa leeg niya. Pababa nang pababa hanggang masumpungan nito ang kaliwang dibdib niya.

"Yael..." anas niya. Isinabunot na niya ang mga daliri niya sa buhok ni Yael. Naramdaman niyang nasa may tuhod na niya ang panties niya. Muling inangat ni Yael ang isang hita ni Jackie dahilan para maiwan na lang sa isang binti niya ang panties niya at maipon na sa baywang niya ang suot niyang bestida.

Tanging ang ilaw lang sa garahe ang bukas pero kitang-kita ni Jackie ang nag-iigtingang mga kalamnan ni Yael.

Napaungol si Jackie nang maramdaman niya kung nasaan na ang kamay ni Yael. It was on her very center. Naghahanap, nagbibigay.

She responded by tugging at the waistband of his board shorts. Naipagpasalamat niyang ganoon ang suot nito dahil hindi niya alam kung paano nila tatanggalin nang mabilisan ang basang jeans nito kung saka-sakali.

Ilang sandali pa ay nasa may paanan na rin Yael ang board shorts. Agad nitong inangat ang kaliwang hita niya at iniangkla nito iyon sa baywang nito.

"Hold onto me, baby," bulong ni Yael. Kasabay niyon ay isinuporta nito ang kaliwang kamay nito sa likod niyang nakalapat sa pintuan. Ang kanan naman ay nakahawak sa hita niya.

The realization that he would take her right there and then suddenly hit her. Kung sabagay walang balak magreklamo ni Jackie kaya ginawa niya ang sinabi ni Yael.

"God, Yael!" impit na tili niya nang maramdaman niya ang pagpasok nito sa kaibuturan niya. Mariin siyang napapikit.

"'You okay?" tanong ni Yael. Hinaplos nito ang mukha niya.

Nagmulat si Jackie at tumingin sa mga mata ni Yael.

Tagis ang mga bagang ni Yael na halatang nagpipigil pero bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

Sa kabila ng halu-halong emosyong nararamdaman ay bahagyang napangiti si Jackie. Kung magtanong kasi si Yael ay para namang iyon ang unang beses na aangkinin siya nito. At ni hindi nga iyon ang unang beses na gagawin nila iyon nang nakasandal lang siya sa pintuan. "O-oo," aniya.

Muling ngumiti siYael bago siya nito siniil ng halik.

Lalong humigpit ang hawak ni Jackie kay Yael nang maramdaman niyang gumalaw ito. At hindi na niya mapigilan ang sariling sabayan ang mabilis na galaw nito. She clung onto him.

Napakatagal nang panahon mula nang huli siyang angkinin ni Yael. Pero hindi ito nakalimutan ng katawan niya. Tumutugon pa rin ang buong sistema niya sa bawat haplos at galaw ni Yael. "Yael... I'm... I'm almost there..." anas niya.

Sa halip na sumagot ay mahigpit na siyang niyakap ni Yael. Muli nitong siniil ng halik ang mga labi niya. Lalo na rin nitong binilisan ang galaw nito.

"Yael..." impit nang hiyaw ni Jackie sa pagitan ng mga labi nila.

Kung hindi marahil sa kamay ni Yael na nakasuporta sa kanya ay bumagsak na siya sa sahig sa sobrang panginginig ng buong katauhan niya.

HINDI sana susundan ni Yael si Jac sa banyo dahil alam naman niyang kailangan nito ng privacy. But it had been thirty minutes since she left for the bathroom. Hindi na lang siya naiinip sa paghihintay, nag-aalala na rin siya. Nanginginig pa kasi ang mga tuhod nito nang iwanan siya nito. Baka kung napaano na ito.

Inabutan niyang nakatitig si Jac sa salamain.

Napalunok si Yael nang makitang haplusin ni Jac ang pasa sa may collarbone nito. May isa pa sa taas ng kaliwang dibdib nito. She was fully dressed now.

Titikhim sana si Yael para kunin ang atensyon ni Jac pero naramdaman marahil nito ang pagtayo niya sa may pintuan kaya nag-angat ito ng tingin. Nagtama tuloy ang mga mata nila sa malaking salamin na nasa tapat ng sink at pahabang counter.

Bahagyang ngumiti si Yael. "Pasensya ka na, walang pintuan ang banyo. Pinatanggal ko kahapon kasi naisip kong mas maganda kung salamin kaysa sa kahoy. Baka kasi anayin."

Kung hindi marahil titig na titig si Yael kay Jac ay hindi niya makikita ang bahagyang pagtaas ng kilay nito. At sigurado si Yael na dahil iyon sa nakapa-trivial na sinabi niya. For a moment, he thought she was about to burst out laughing. Pero hindi iyon nangyari. Bahagya lang itong tumango bago itinukod ang mga kamay nito sa counter. Tinitigan nito ang faucet.

Pagkatapos ng pagwawala ni Leslie kanina, hindi pa rin siya makapaniwala si Yael na sa ganito hahantong ang lahat sa kanila ni Jac. Sa limang minutong biyahe nila sa motorsiklo kanina ay ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan ni Jac kahit parehong basang-basa ang mga suot nila. Kung sabagay, kahit nga kaninang nakalublob sila sa tubig ay ganoon na rin ang nararamdaman niya.

Ang totoo, kakatwa na ang nararamdaman ni Yael mula pa kaninang marinig niya si Jac at si Krissy na nag-uusap. Just the thought that no man had ever touched Jac the way he had touched her...

Tumikhim si Yael. "I'm sorry, Jac..."

Marahas na nag-angat ng tingin si Jac. Umiling ito. "We are two consenting adults, Yael. Wala kang dapat ihingi ng apology."

Umiling si Yael. Mali ang pagkakaiintindi ni Jac sa sinabi niya. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Tumayo siya sa likod nito. "No," aniya bago niyakap ito nang nakatalikod sa kanya. Hindi niya iniiwan ang mga mata nito sa salamin. "I'm sorry I was a bit rough." Kasabay niyon ay hinaplos niya ang pasa sa dibdib nito at dinampian ng halik ang nasa collarbone nito.

Nakita niya ang naging paglunok nito. "Yael..."

Naglandas ang mga labi ni Yael sa balikat ni Jac. Ganoon na lang ang bilis ng tibok ng puso niya nang ihilig ni Jac ang ulo nito sa balikat niya.

Wala nang sinayang na sandali si Yael. Pinihit na niya si Jac paharap sa kanya. Napalunok siya nang mapatingin siya sa mga labi nitong bahagya pa ring namamaga dahil sa mga halik niya.

Yuyuko na sana si Yael para halikan ito nang itukod ni Jac ang kamay nito sa dibdib niya.

"Kailangan ko nang umuwi, Yael. I shouldn't even be here in the first place."

Pakiramdam ni Yael ay may kumurot sa puso niya sa sinabing iyon ni Jac. Kitang-kita niya ang paghihirap ng kalooban nito.

Pero hindi pa kaya ni Yael na mawala si Jac sa paningin niya. Sa tabi niya. Humugot siya ng malalim na hininga bago niya hinawakan ang baba nito. Inangat niya iyon.

Lumunok si Jac. Dahan-dahan nang bumaba ang mga labi ni Yael sa mga labi nito.

Kasabay ng pagpulupot ng mga braso ni Jac sa batok niya ay ang pagtugon na rin nito sa halik niya.

Nang marinig ni Yael na umungol si Jac ay pinangko na niya ito at dinala na niya ito sa master's bedroom.

HINDI binitawan si Jackie ni Yael kahit nang ibagsak nito ang katawan nito sa kama kaya nakadagan ang kalahati ng katawan niya kay Yael. Mahigpit siya nitong yakap-yakap. Wala tuloy siyang ibang pagpipilian kundi ang iunan ang ulo niya sa dibdib nito.

They had just made love for the second time that night. Pero sa pangawalang pagkakataon na iyon ay sa kama na iyon nangyari. It was not as rough as the first one but it was not slow either.

Napaangat si Jackie ng ulo nang mapatingin siya sa glass wall sa paanan nila na nasa tatlong metro marahil ang layo sa kanila. Kahit walang sunset nang mga oras na iyon dahil kung hindi siya nagkakamali ay maga-alas-onse na, masasabi niyang tama ang opinyon niya na kurtina ang ilagay sa gawing iyon.

"Don't worry about the glass wall," narinig niyang wika ni Yael. "Kung may nakalambitin man sa mga baging d'yan sa labas, hindi tayo makikita."

Kahit ibinulong lang ni Yael sa buhok niya ang sinabi nitong iyon ay malinaw na narinig iyon ni Jackie.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Jackie. Alam niyang kaipokritahan na isipin niyang mali ang ginawa nila, lalo na at dapat ay kanina pa niya naisip iyon, pero hindi niya maiwasan. Pagkatapos ng napakatagal na panahon mula nang maghiwalay sila ay bigla silang gagawa ng milagro.

It was unthinkable.

Inaamin ni Jackie na napakasap ang makulong sa mga bisig ni Yael. Pakiramdam niya ay walang mangyayaring masama sa kanya. Pero hindi ito tama.

Bumitaw siya kay Yael pero agad siyang nakaramdam ng pagsisisi na ginawa niya iyon. Nakaramdam kasi siya ng ginaw. Wala naman kasing kumot. At ni wala ngang unan o bedsheet sa ibabaw ng bagung-bago pa lang na kama. Kinapa na lang ni Jackie sa tabi niya ang suot niyang bestida kanina.

Bumangon siya nang makapa niya iyon. Sa gilid ng mata niya ay nakita niyang umupo din sa gilid ng kama si Yael.

"Jac-"

"Kailangan ko nang umuwi, Yael," aniya. Itinakip niya sa dibdib niya ang hawak niyang bestida bago niya sinulyapan ito.

Sa totoo lang, hindi iyon ang gusto niyang sabihin. Pero wala siyang ibang maisip. Nalusaw na yata ang utak niya. At sa tingin naman niya ay iyon ang pinaka-safe na puwede niyang sabihin.

Ano na lang ang iniisip ni Yael? Baka iniisip na nito na naging pariwara na siyang babae at basta-basta na lang siya sumasama kung kani-kanino. Iyong nauna kanina ay puwede pa niyang sabihing nakalimot siya. Pero sa pangalawa? Katangahan na lang ang puwedeng maging rason.

Hindi lang siya tanga. Baliw pa siya. Ang masakit kasi sa lahat, alam niyang naunang hinabol ni Yael si Leslie. At nang hindi nito nahabol ang babae ay siya ang tinisod nito. At agad naman siyang sumama.

Ilang sandali siyang tinitigan ni Yael bago ito tumango. "Okay," wika nito.

Muntik nang mapapikit si Jackie. Nang humupa ang init ay basta na lang siya nito pinayagang umalis.

Tumayo si Jackie at tinungo ang isang pintuang sa tingin niya ay banyo ng master's bedroom.

She knew she had to hurry. Baka mainip si Yael at sundan na naman siya nito sa banyo. Baka dito na siya sikatan ng araw kapag nagpadala na naman siya sa mga haplos nito.

At hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag nangyari iyon.

Paglabas niya ay nakabihis na rin si Yael. Nakapamulsa itong nakaharap sa glass wall.

Mukhang hindi naman nito binalak na sundan siyauli.

***Para sa buong kuwento, available pa po ang libro sa National Bookstore at Precious Pages Bookstores o kaya ay ebook sa: https://preciouspagesebookstore.com.ph

Continue Reading

You'll Also Like

24.7K 816 32
Ipinagkasundo sina Bernadette and Juniel ng mga inang matalik na magkaibigan. At kung hindi pa nag-apura ang mga itona matupad ang kasunduan ay hindi...
362K 10.1K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
12.1K 297 33
Mahirap magpapansin sa crush lalo na kung ang crush mo ay isang kagaya ni Scott. Point one, suplado ito. Point two, rakista ito. Point three, maramin...
122K 3.4K 26
To Have and To Hold Hindi kilala ni Maurin si Vince Hidalgo. Pero isang araw, basta na lang dumating ang lalaki sa apartment niya. Nang makita ito ay...